KABANATA-8

2688 Words
Inihabilin na muna ni Damien si Boyong sa katulong niyang si Fely sa Condo, na dito lang din naman sa Makati. Dahil kailangan niya munang pumunta sa Company niya. May meeting siya sa opisina ngayong araw at five minutes na siyang late dahil anong oras na rin siyang nagising kanina. Napagod kasi sila ni Boyong sa biyahe pabalik ng maynila. In short, napasarap ang tulog niya. Kaya heto siya ngayon parang wala pa rin sa kan’yang sarili. "Fely, ikaw na munang bahala sa bata ha. Kumuha ka lang ng cash d’yan sa drawer kung may gusto kayong bilhin ni Boyong." wika niya sa katulong. Ramdam pa rin niya ang hilo dahil sa hangover. "Opo, sir. Ako’ng bahala sa napaka-cute na batang ito," saad naman ni Fely habang pinanggigilan nito ang pisngi ni Boyong. Tumango naman si Damien sa sinabi nito. Dadagdagan na lang niya ang pasahod kay Fely dahil magkaiba naman ang trabaho nito bilang kasambahay sa pagbabantay ng bata. Kapagkuwan ay si Boyong naman ang kan’yang kinausap. "Buddy, dito ka lang muna ha. Papasok lang ako sa trabaho, but don’t worry, uuwi din ako kaagad. Mabait si Fely kaya sigurado ako na magkakasundo kayo," paliwanag niya sa bata na ikinatango naman nito. "Okay po, Kuya Damien. Mag-iingat po kayo." ani ni Boyong. Ginulo niya ang buhok nito bago siya humarap muli kay Fely. "Aalis na ako, Fely. Ang bata ha." muling bilin niya. "N-ngayon na po, Sir?" may halong gulat sa tanong na iyon ni Fely na ikinakunot naman ng noo ni Damien. "Yes, Fely, ngayon na dahil late na ako. Bakit may problema ba?" takang tanong niya sa babae. "S-sir, kasi po—" "Mamaya na tayo mag-usap, Fely. I need to go dahil kanina pa ako hinihintay sa opisina." saad niya sa katulong. Nagmamadali na niyang tinungo ang pintoan pero napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang sinabi nina Fely at Boyong. "Sir, hindi mo suot ang kurbata mo!" "Kuya Damien, naka-boxer ka lang po!" Doon ay napatingin siya sa kan’yang sarili. "Holy s**t!" Napamura siya nang mapagtanto na totoo nga ang sinasabi ng dalawa. "Bakit hindi mo kaagad sinabi, Fely?!" sinumbatan pa niya ang babae bago nagmamadaling tinungo ang kuwarto. Naiwan naman ang dalawa na bakas sa mukha ang pagpipigil na huwag humagalpak ng tawa. "Pigilan mo, Boyong, naku malalagot tayo kay Sir," wika ni Fely kay Boyong. "Opo, Ate." anang bata na pigil ang sarili na huwag tumawa pero hindi pa rin napigilan ang mahina nitong pag-hagikhik. Kaya napatawa na rin si Fely at iyon ang naabutan ni Damien. "What's funny? Are you two enjoying the scene earlier?" nakasimangot na sita ni Damien sa dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa sa ayos niya? Kung hindi pa sinabi ng dalawa na ganoon pala ang suot niya ay hindi pa niya mapapansin. Nakalabas na sana siya ng Condo na nakasuot lang ng long sleeve at boxer. Imagine that? Siya, na si Damien Greyson ay mapapalabas sa dyaryo sa ganoong balita! That sucks! Imbes na sagot ang matatanggap niya sa dalawa ay humahagalpak na tawa ang natanggap niya sa mga ito. "S-sir, iyong butones ng damit mo hindi pa po nakasarado," natatawang sabi ni Fely sa kan’ya habang tinuturo ang suot niyang damit. Pakiramdam niya sa mga oras na ito ay nawala ng bigla ang hangover niya. Pasalamat lang ang babaeng ito dahil mabait siyang amo dahil kung hindi ay tatanggalin niya ‘to sa trabaho dahil ginawa siyang katawa-tawa! "Oh, thank you, Fely." makahulugang wika niya sa babae. "You’re welcome, Sir." agarang sagot naman nito. Iiling-iling na tinungo ni Damien ang pintoan palabas nang kan’yang unit habang inaayos ang butones ng suot niyang damit. Hindi niya maiwasang mataranta dahil sobrang late na siya. Kung wala lang sanang agarang meeting ngayon ay hindi na siya papasok, para humilata na lang buong araw dahil pagod siya. Idagdag pa ang antok na nararamdaman niya ngayon. Tulog nga siguro siya kanina habang nagsusuot ng damit kaya hindi niya napansin ang kan’yang ayos. Malalaki ang bawat hakbang na binabagtas ni Damien ang hallway. Naramdaman niyang tumunog ang cellphone sa bulsa kaya agad niya iyong kinuha. Akma niyang sasagutin sana ang tawag ng kan’yang sekretarya nang bigla ay mabangga niya ang isang batang lalaki. "Ouch!" daing ng bata nang matumba ito sa sahig habang ang hawak nitong tablet ay tumilapon sa isang sulok. "Oops! Oh, hey, I'm sorry!" tarantang sambit niya at agad niya tinulungang makatayo ang bata. Pinagpagan niya ang nadumihan nitong damit. Pinulot din niya ang tablet sa isang sulok at ibinigay iyon sa bata. "Are you alright? I'm so sorry! I didn—" "It's okay po," wika ng batang lalaki na kinuha kaagad ang tablet sa kan’ya. Tumingala ito upang tingnan siya at ganoon na lang ang pagluwa ng kan’yang mga mata kasabay nang pagtahip ng kaba sa dibdib niya. "What the— " tanging nasambit ni Damien habang hindi maalis-alis ang mga titig sa kabuuan ng mukha ng bata. Hindi alam ni Damien kung namamalikmata ba siya o na-engkanto lamang. Kaya maka-ilang beses niyang ipinilig ang ulo, baka kasi mali lang ang kan’yang paningin. O, di kaya'y may hangover lang talaga siya kaya kung anu-ano ang nakikita niya. Tama! Baka nasa katawan ko pa rin ang espiritu ng alak! Kasalanan ‘to ni Drix eh! Aniya sa isipan na sinisi na naman ang pinsan na walang kaalam-alam. Pero matapos ang ilang ulit niya na pagpilig sa ulo at pagkurap-kurap sa mga mata ay gano'n pa rin ang kan’yang nakikita. Habang ang bata naman ngayon na kaharap niya ay nakaawang rin ang bibig habang nakatitig sa kan’ya. It’s looks like they both seemed surprised. "Ikaw 'yon! Tama, ikaw nga yon!" anito ng bata na tuwang-tuwa pa habang pinagkatitigan ng mabuti ang mukha niya. Nangunot naman ang noo ni Damien dahil sa inaasta ng bata. Para kasing nagkita na sila o parang nakita na siya nito, kahit ngayon pa lang naman iyon nangyari. Hindi rin siya makagalaw sa kinatatayuan, nakalimutan na nga niya ang meeting. Nang pumasok sa isipan niya ang sinabi nito ay napamaang siya. "Ha?" wala sa sariling tanong ni Damien sa batang kaharap. Kumurap-kurap pa talaga siya habang pinagkatitigan ang kabuuan ng mukha nito. Ewan niya pero parang naiihi siya na hindi niya maintindihan. Letse naman Damien, oh! Ma-le-late ka na sa meeting! Ngumiti ang bata at lumapit sa kan’ya. Nagulat pa siya nang hilahin nito ang kamay niya pababa, na parang gusto nitong mag-pantay ang kanilang mga mukha. Sumunod naman ang katawan niya sa gusto nitong mangyari. Wala siyang nagawa dahil saglit siyang nawala sa huwisyo. Pinagpapawisan pa siya na hindi niya maintindihan kung bakit. Damien, bata lang iyan! Madami ka ng bata na nakilala ‘di ba? Bakit ngayon ka lang ni-ni-nerbyus na letse ka! Sikmat ng kan’yang isipan. Ngayon ay pantay na ang mukha niya sa mukha nito. Nagulat pa siya nang hawakan ng bata ang magkabilang pisngi niya na parang inaaral nito ang bawat anggulo no’n. Pakiramdam ni Damien ay nanalamin lang siya sa mga oras na iyon habang nakatitig siya sa mukha nito. "Don't you see, Mister? We have the same face, eyes and nose!" anito ng bata na sinundot pa ang butas ng ilong niya na ikinagulat pa niya. "I saw your face in my dreams, Mister!" bulalas nito na mukhang kampante na agad sa kan’ya dahil piningot-pingot pa nito ng ilang ulit ang ilong niya habang humahagikhik. Parang nanggigigil ito sa kan’ya. Na cu-cute-an tuloy siya sa bata, parang gusto niya itong kilitiin at ihagis-hagis sa ere ng mga sandaling iyon. "Really? A-ako?" sabay turo pa niya sa sarili. "Nakita mo na ako sa panaginip mo?" hindi makapaniwala na tanong niya sa bata. Is that even possible? "Yes, po! Maraming beses na kitang napanaginipan," ani naman ng bata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya napakagat na lang siya sa sariling bibig. Dumadagundong ang kaba sa dibdib ni Damien at hindi niya maintindihan kung bakit. Parang gustong lumukso ng kan’yang puso dahil sa tuwa. Dahil ba sa sinabi nito o sa isiping malaki ang pagkakahawig nila ng batang ito? Marami na siyang bata na nakilala o nakaharap pero hindi naman ganito ang kan’yang nararamdaman. Hindi rin naman ganito ang feelings niya nang makita niya si Boyong. Parang pinagpapawisan tuloy siya ng malapot. Ewan niya kung anong meron sa batang ito at parang hinuhugot nito ang lakas niya. Napapasunod ang tingin niya sa tuwing gagalaw ito upang sipatin ang kabuuan niya. "s**t! Bakit pati ang galaw ko kuhang-kuha niya? Pati ang kung paano ako tumingin ay kuha niya rin?! Hindi kaya minumulto lang ako ng kabataan ko? f**k!" mahinang bulong niya sa sarili. Para tuloy siyang timang na nakatitig lang sa mukha ng batang kaharap. Ni hindi man lang kumukurap ang kan’yang mga mata. Puwede na nga siguro siyang sumali sa paligsahan ng 'walang kukurap' at siguradong siya ang mananalo. Shit, Damien! Ano ba ang nangyayari sayo?! Sigaw ng kan’yang isipan. Nagulat na lang siya nang biglang tampalin ng bata ang kan’yang noo. "Hey, Mister, are you alright? Talk to me, come on," anito ng bata at walang anu-anong piningot ang ilong niya. Hindi pa ito nakontento sa ginagawa kaya inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya para titigan siya ng malapitan sa mga mata. Kaya nag-double ang kan’yang paningin. "H-hey, Buddy, stop doing that," saway niya sa bata dahil naduduling na siya. Mahirap na baka hindi na bumalik sa dati ang kan’yang paningin at tuluyan na lang siya maduling. Sayang naman ang kaguwapuhan niya kung nagkataon. Sumunod naman ito sa sinabi niya, umatras ito ng kaunti. Kapagkuwan ay inilahad nito ang kamay sa kan’ya na tila ba matanda na ito kung umasta. "I’m Dero, and you are?" wika nito habang nakangiti. Napatingin siya sa kamay nito na nakalahad sa kan’ya. Napatawa siya ng mahina bago tanggapin ang pakikipag-kamay nito. Parang mas matanda pa kasi ito sa kan’ya kung umasta. "I'm Damien," pagpapakilala niya sa sarili. Saglit pa siyang natigilan nang may kuryenteng dumaloy sa katawan niya ng makadapuang palad niya ang bata. May kung anong pakiramdam siya na hindi niya mapangalanan. "It's nice to meet you, Mister Damien," anang bata. "I’ll go inside. Bye!" paalam nito sa kan’ya bago ito pumasok sa isang silid na katabi lang ng silid niya. "Likewise, little handsome." Pahabol na sabi niya sa bata na tanging pintoan na lang ng silid nito ang nakarinig sa sinabi niya. Napailing na lang si Damien na tumalikod at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Nawala pa sa isipan niya ang tungkol sa meeting dahil sa insidenteng ito. "f**k. I’m late!" humahangos na wika niya bago tinungo ang elevator. ... Hanggang sa makarating si Damien sa opisina niya ay hindi pa rin maalis-alis sa isip niya ang tagpong iyon kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit ang saya ng pakiramdam niya. Hindi niya ma-explain eh, basta bumibilis ang t***k ng kan’yang puso hanggang ngayon. Napapabulong pa siya sa sarili. "Ano ba'ng meron sa batang 'yon?" naitanong niya sa sarili. Mag-isa lang siya sa loob ng opisina niya ngayon. Kakatapos lang ng meeting nila kanina. Habang nasa conference nga siya ay lumilipad ang kan’yang isipan. Parang naiwan pa ito sa hallway ng condo kanina. Muntik pa siyang mapatalon sa kinauupuan nang may biglang sumagot sa sinabi niya. "Aba, ewan ko sa’yo! Pukpokin ko ulo mo riyan eh! Para kang timang, nagsasalita mag-isa? Diyos ko! Ka-guwapong tao nasiraan lang ng bait! Tsk!" wika ni Drix na siyang kinagulat niya. May bitbit ito na basket na may laman ng strawberries. Hindi niya napansin ang pagpasok ni Drix sa loob ng opisina niya dahil ang utak niya ngayon ay nakalutang pa rin sa kung saan mang lupalop ng silid na ito. "H-hey, kanina ka pa ba d’yan?" parang wala sa sariling tanong niya sa pinsan. "Medyo. Gusto ko na nga kanina i-taob ‘tong basket na hawak ko d’yan sa ulo mo eh," Pinatong ni Drix ang basket na hawak sa ibabaw ng mesa. "Wala ka kasi sa sarili at ang lalim ng iniisip mo. Hindi mo nga narinig na ilang beses na ako kumakatok," Drix shook his head. "May iniisip lang ako," sagot ni Damien. "Halata naman, insan. Ang lalim nga ’di ba?" nakataas ang kilay na saad ni Drix. "Lalim ng ano?" nakangunot ang noo na tanong ni Damien. "Tsk. Wala na talaga ‘to," Drix shook his head again. Umupo ito sa couch habang pakamot-kamot sa ulo. Naguguluhan naman si Damien sa sinasabi ni Drix. Hindi niya talaga ma-gets ang ibig nitong sabihin. O baka absent minded lang talaga siya. Nang makuha kung ano ang pinupunto ni Drix ay napahawak siya sa noo. s**t! Damien kailan pa naging mahina ang utak mo?! Kastigo niya sa kan’yang sarili. "Ah, Oo nga pala. Medyo malalim nga ang iniisip ko ngayon," sagot niya kay Drix habang sapo ang kan’yang noo. Nagulat pa siya nang pumalakpak si Drix sabay sabi ng ‘Bravo’ tapos sabay ismid sa kan’ya. "Alam mo insan, pahinga din pag may time ha. Mukhang lumalala ka na kasi," komento ni Drix. "Ikaw rin, sayang ang lahi natin kapag natuluyan ka," dagdag pa nito. Imbes na sumagot siya kay Drix ay kumuha na lang siya ng strawberry sa basket na dala nito at agad iyon dinala sa kan’yang bibig para kainin. Pag-sumagot pa kasi siya sa baliw na ‘to ay siguradong hahaba lang ang usapan nila, tapos baka mapikon na naman ito at bigla na lang mawawala katulad ng nangyari sa Redbar. "Thanks, Drix. Hindi mo pa rin nakalimutan na dalhan ako nito sa t’wing magagawi ka dito," wika niya at sunod-sunod na sumubo ng strawberry. Favorite niya kasi ito. Lagi naman siya sa Baguio pero bihira siyang pumunta sa mismong Strawberry Farm nila Drix. Mas masarap kasi ang Strawberry na galing doon. "Syempre ikaw pa ba," sagot ni Drix habang busy na ito sa pag-dotdot sa hawak na cellphone nito. "Teka, saan ka ba nagpunta kagabi? Sabi mo mag re-restroom ka lang? Ang tagal ko nag-antay sa’yo hindi ka naman bumalik," mahabang litanya niya sa pinsan. Buti naalala niyang itanong iyon. Loko-loko kasi bigla na lang siya iniwanan doon. Tumigil naman ito mula sa pagdotdot ng cellphone at ibinaling ang tingin sa kan’ya. Akmang bubuka ang bibig nito para sumagot nang bigla namang bumukas ang pinto ng silid. “Excuse me, Sir Damien,” anang boses ng isang babae. Ang sekretarya niyang si Jen iyon. Pumasok ito sa silid at pumunta sa harapan ng mesa niya. “Yes, Jen?” tanong ni Damien sa sekretarya. Pero hindi na ito nakasagot sa kan’ya. Masama ang tabas ng mukha nito habang nakatingin sa pinsan niya. Nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Nang balingan niya si Drix ay gano'n na lang ang pagluwa ng mga mata nito na mukhang natuod pa sa kinauupuan. Para itong nakakita ng multo. "Jen?" tawag niya sa babae. Nang humarap ito muli sa kan’ya ay nakangiti na ito. "Sorry, Sir. By the way, may papipirmahan lang po ako sa’yo." ani nito saka inilahad sa ibabaw ng mesa ang mga papeles na hawak. Agad naman niya iyon pinirmahan matapos sipatin isa-isa. "Thank you, Sir." wika nito bago tinungo ang pintoan palabas ng silid. Binalingan niya si Drix na ngayon ay nakatingin sa pinto kung saan lumabas ang babae. "You okay, Drix?" "Yeah." mabilis na sagot nito. "Punta tayo sa Bar mamaya," pa-utos na sabi ni Drix. "Matutulog ako ng maaga dahil inaantok ako ngayon. Saka may bata akong kasama galing sa Baguio. Nasa unit ko siya ngayon kasama ang kasambahay ko. So, next time na lang," paliwanag niya sa pinsan na ikinabusangot ng mukha nito. "Pinagpalit mo na ako sa bata? Nakakasakit ka naman ng damdamin niyan. Minsan na nga lang mag-aya eh," nakangusong turan ni Drix. "Oh come on, Drix. Huwag ngayon, okay? Bukas na lang promise. Uuwi ako ng maaga ngayon para makatulog kasi wala talaga akong pahinga. Bukas sasama na ako," saad niya sa pinsan. Wala itong nagawa kundi ang tumango. Hindi rin ito nagtagal sa opisina niya dahil may lalakarin pa raw ito. Sabay na nilang tinungo ang pinto palabas ng kan’yang opisina. Dahil katulad ng sinabi niya kanina kay Drix ay maaga siyang uuwi ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD