KABANATA-9

2050 Words
Pinakikinggan na lamang ni Trina ang mga kinikuwento ni Dero tungkol sa kaibigan daw nito na nakilala sa hallway sa labas ng unit nila kanina. Nagpaalam kasi sa kan'ya ang anak na maglalakad-lakad raw ito sa labas, na agad naman niyang pinayagan para hindi ito maburyo. At wala namang basta lang makakapasok sa lugar dahil masyado iyong mahigpit sa hindi tagaroon. Medyo busy rin kasi siya sa pagluluto kaya hinayaan na lang niya na magliwaliw sa labas ang anak. Noong bumalik si Dero ay panay na ang daldal nito. Bukambibig ang nakilala na bagong kaibigan na taga-kabilang unit lang daw nakatira. Tuwang-tuwa pa ito habang nagkukuwento. Natawa pa siya nang sinabi ni Dero na kamukha pa daw nito ang bagong kaibigan, dagdag pa ng kan’yang anak ay nakita na raw nito sa panaginip ang lalaki. Siguro malala lang ang imahinasyon ng kan'yang anak. Kaya napatawa si Trina. "Alam mo anak, may mga kamukha talaga tayo sa mundo," aniya habang pinupunasan ng towel ang likod ng anak. Basang-basa na naman kasi ito ng pawis. "Really, mom? Paano naman po ‘yong lagi ko siya napanaginipan? I’m shock po talaga kanina nang makita ko siya kasi, I never expected it to happen in real!" bulalas pa ni Dero na tinignan pa siya sa mukha na tila inaantay kung ano ang isasagot niya. Napatikom naman siya ng bibig. Hindi niya alam ang isasagot sa anak. Napakamot na lang siya sa batok. "Talaga ba, anak?" nakangiwing turan niya. Ito ba iyong sinasabi niya sa’kin lagi na lalaki sa panaginip niya? Naitanong niya rin ulit sa sarili. Ilang beses na kasing sinabi ni Dero na may napapanaginipan raw ito na lalaki. "Puwede pala natin makita sa dreams ang isang tao kahit hindi pa po natin nakikita in the future?" dagdag pa ni Dero habang pumipindot sa hawak nitong tablet. Mabuti na lang talaga sinanay niya sa tagalog si Dero kahit sa Amerika ito lumaki. Kaya tuloy-tuloy ito kung magsalita ng Tagalog. Saka para hindi na din dumugo ang ilong niya sa tuwing kausap niya ang anak. "Siguro, anak. Hindi ko pa kasi na naranasan iyan." Iyan na lang ang nasambit niya. Sumabat naman ang isang bahagi ng utak niya. Pero naranasan mong mapanaginipan gabi-gabi ang taong minsan mo lang nakita in person? Minsan nga lang nakita pero forever naman tumatak sa isip at puso! Kantiyaw pa ng isang bahagi ng isip niya. Naipilig ni Trina ang ulo dahil sa mga guni-guni na iyon. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kan’yang isipan. Pero hindi niya maiwasang mapangiti dahil may katuturan naman ang mga naisip niya. "Siguro anak. Sige nga pakilala mo sa’kin ang kaibigan mo nextime. Para makita ko kung magkamukha nga kayong dalawa," natatawang sabi niya kay Dero. Saka na niya malalaman kung kamukha nga ba ng anak niya ang kaibigan nito. "Okay, mom!" "O siya, halika na at kakain na tayo!" Dinala niya sa hapag-kainan ang anak. "Gumawa pala ako ng favorite mong strawberry cheesecake salad!" Heto ang pinagka-busy-han niya kanina habang nagliliwaliw naman ang anak niya. Paborito kasi ito ni Dero. Lumiwanag naman ang mukha ni Dero at ngumiti nang pagkalapad-lapad sa kan'ya. Hinalikan pa siya nito sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Ganoon si Dero kapag na appreciate nito ang mga luto niya. Ang sweet 'diba? Favorite kasi ni Dero ang strawberry. At dahil sa Strawberry ay naalala niya ang kaibigan na si Drix. Malapad ang Strawberry Farm nito sa Baguio. Gusto niyang ipasyal si Dero doon, pero dapat kasama si Drix. Naalala niyang may binigay pala na number ang Tita Suzanne niya na Mommy ni Drix nakaraan kaso hindi niya pa tinatawagan ang kaibigan. Mamaya na lang! Aniya sa isipan. Siguradong matutuwa si Dero kapag dinala niya ito sa Baguio. Total bakasyon naman nila sa ‘Pinas kaya lulubos-lubusin na nila ni Dero ang pagkakataon na mamasyal sa kung saan. Hindi naman makakasama ang Dad niya kasi busy ito sa renovation ng mga bahay nila at sa negosyo. Kaya hindi na niya ito aabalahin pa. Basta kasama niya si Drix ay wala siyang problema. Matutuwa ito panigurado kapag na-meet nito ang guwapo at bibo niyang anak. Sa isiping iyon ay lalo siyang na-excite. Ang problema lang ay kung nakauwi na ba ang kaibigan niya. Kasi ang sabi ng Mommy nito nakaraan, noong tumawag siya ay paiba-iba raw ng bansa si Drix. May mga negosyo din daw itong inaasikaso sa US. Hindi rin daw pumipirmi si Drix sa kanilang tahanan. Syempre ano pa ba ang ine-expect niya sa kaibigan? Eh, ganoon na talaga ito noon pa man. Napailing na lang siya. Mamaya niya malalaman kung nasaan ang magaling na lalaking ‘yun kapag natawagan na niya ito. Matapos silang kumain ni Dero ay nagpaalam na naman itong lalabas. Aabangan daw nito ang bagong kaibigan upang ipakilala sa kan'ya. Masyadong sineryuso ni Dero ang sinabi niya kanina na gusto niyang makilala ang kaibigan nito. Sinang-ayonan na lang niya ang anak. Nang lumabas si Dero ay agad niyang niligpit ang kanilang pinagkainan. Hinugasan niya ang lahat ng ginamit kanina sa pagluluto pati na rin ang pinagkainan nila. Samantalang si Dero naman ay palakad-lakad sa hallway. Inaabangan niya ang kaibigan na gusto niya ipakilala sa Mom niya. May pagkakataon na kinakatok niya ang pintoan ng unit nito, tapos kumakaripas siya ng takbo kapag may bumubukas no’n. Maya-maya pa ay nakita ni Dero ang isang matabang bata na lumabas doon sa pinto. Nagpalinga-linga ito sa paligid na tila may hinahanap ito. At nang makita ng batang iyon si Dero ay lumapit ito sa kan'ya. "Hi! Mag-isa ka lang ba riyan?" tanong ng bata kay Dero. "Hindi, kasama ko ang Mommy ko. Pero nand’yan siya sa loob," sagot naman ni Dero sabay turo sa kanilang pinto. "Ah, ganoon ba? Magkatabi lang pala ang mga pintoan natin," wika naman ng batang lalaki. Pinagkatitigan pa nito ang mukha ni Dero. Tumango naman si Dero at nginitian ang batang lalaki. Ngumiti rin pabalik sa kan'ya ang bata. "Ako si Boyong. Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ng bata kay Dero. "I'm Dero. And nice meeting you, Boyong!" masayang sagot ni Dero. Nag-appear pa ito kay Boyong. Tuwang-tuwa na naman si Dero dahil may bago na naman itong kaibigan. Inisip ni Dero na baka anak o kapatid ni Mr. Damien si Boyong. "P-puwede ba kita maging kaibigan?" medyo nahihiya na tanong ni Boyong kay Dero. Lumapad naman ang pag-ngiti ni Dero dahil gustong-gusto niya talaga magkaroon ng maraming kaibigan. "Sure! I like friends!" masayang sabi ni Dero. Inakbayan pa nito si Boyong. At iyon ang eksena na naabutan ni Trina nang lumabas siya ng kanilang pinto para sana tawagin si Dero. Inakala nito na ang batang si Boyong ang kaibigan na ipapakilala ni Dero sa kan'ya. Natawa na lang siya sa imahinasyon ni Dero dahil hindi naman nito kamukha ang kaibigan na sa tantiya niya ay anim na taon na ang edad. Pero ang guwapo ng bata, ang cute nito. Kaya nakaramdam siya ng panggigil dahil sa matambok nitong pisngi. Sakto naman na napalingon si Dero sa kinaroroonan niya. Hinila nito si Boyong at nagmamadaling ipinakilala sa kan'ya. "Mom! This is my friend, Boyong!" bulalas ni Dero habang hila sa kamay si Boyong na nahihiya pa humarap kay Trina. Ngitinan naman niya ang batang si Boyong. "Hi, Boyong! Ikaw pala ang kaibigan na gusto ipakilala ni Dero sa’kin? Ang cute mo naman!" ani niya saka pinisil ang pisngi ng bata. "Nice meeting you, Boyong! Ako pala ang Mommy ni Dero," wika ni Trina at inilahad ang kamay kay Boyong. Nahihiya pa si Boyong na tanggapin ang kamay niyang nakalahad. "H-hi po, Ma’am. Ako po si Boyong." "Naku, huwag ka mahiya sa’kin Boyong, at saka huwag mo na akong tawaging Ma’am! Tita na lang, 'diba anak?” baling niya kay Dero. Gusto niya kasi na maging komportable si Boyong sa kan'ya dahil kaibigan nito ang anak niya. "Yeah! Huwag ka mahiya sa Mommy ko. Mabait siya, kaya nga mahal na mahal ko ‘yan!" proud naman na sabi ni Dero. Na-touch naman si Trina sa ka-sweet-an ni Dero. Parang may humaplos sa kan’yang puso dahil sa mga katagang lumabas sa bibig nito. "Oh, My baby! Ang sweet talaga ng anak ko!" gustong maluha ni Trina dahil sa sinabi ng anak. Umandar tuloy ang pagiging O.A niya. "Mom! I'm not a baby anymore! Big na nga ako 'diba?" nakangiwing sagot ni Dero. "Still my baby!" hindi nagpapatalong wika ni Trina na lalo lang ikinangiwi ng kan’yang anak. Habang si Boyong naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang mag-ina. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot dahil miss na miss na niya ang mommy niya. Ang sabi ng lalaking nagpakilala na daddy niya ay mahal siya nito, pero kalaunan ay sinabi nito na tiyuhin niya lang pala ito. At lagi rin siya nitong sinasaktan. Lumungkot ang mukha ng bata at pigil nito ang mapaluha. At iyon ang napansin ni Trina kaya mabilis niyang tinapik-tapik ang balikat ni Boyong. "Boyong, okay ka lang ba? Bakit bigla ka naman nalungkot?" nag-aalalang tanong niya sa bata. Pilit namang ngumiti si Boyong. "K-kasi po…ang suwerte ni Dero kasi may Mommy siya…" anang bata na naiiyak na. Kaya nataranta naman si Trina. "Bakit, Boyong? Nasaan ba ang mga magulang mo?" tanong niya sa bata habang hinahaplos ang buhok nito. Si Dero naman ay gusto rin maiyak habang nakatingin sa kaibigan nito. Masyado kasing malambot ang puso nito. Naalala pa nga ni Trina na iniyakan nito ang langgam na tiniris niya noon. Kinagat kasi siya ng langgan, at bilang ganti niya ay tiniris niya ito ng pinong-pino. At dahil doon, isang linggong nagluksa si Dero. "P-patay na po sila sabi ng Tiyuhin ko…" malungkot na sagot ni Boyong na nagpabalik kay Trina sa kasalukuyan. Nakaramdam naman ng awa si Trina para sa bata. Alam niyang hindi madali ang mabuhay ng walang mga magulang. Siya nga namatay ang Mommy niya noong ipinanganak siya, at ang tanging Daddy na lang niya ang tumaguyod sa kan'ya hanggang sa magdalaga siya. Nakikita niya noon sa Daddy niya na nagpapanggap lang itong malakas kahit na ang totoo ay durog na durog ang kalooban nito. Naalala pa niya noon na t’wing gabi bago siya matutulog ay sinisilip niya ang kuwarto nito, at doon ay nasaksihan niya kung paano ito umiyak dahil kahit ilang taon nang namayapa ang Mommy niya ay nagluluksa pa rin ang kan’yang ama. Alam niyang hindi madali para rito ang mawalan ng asawa at ganoon rin naman ang nakaramdam niya. Masakit rin para sa kan'ya ang lumaking walang ina. Kaya naiintindihan niya ang nararamdaman ni Boyong ngayon. "Boyong… Okay lang ‘yan ha, ang importante ay nariyan pa ang Tiyuhin mo, at marami pa ang nagmamahal sa'yo. Hindi ba magkaibigan na kayo ni Dero? Kaya puwede mo na rin akong tawaging Tita. Para may Tiyuhin kana, may Tita ka pa!" pag-aalo niya kay Boyong. Totoo naman ang sinabi niya sa bata. Puwede naman maging Tita o kapamilya ng lahat ang isang tao kahit hindi ang mga ito magkadugo. Hindi naman importante na hindi mo kadugo ang isang tao para lang tawagin mong pamilya. Or hindi naman sa dugo nababase ang pagiging magkapamilya. Minsan nga kung sino pa ang tunay mong kadugo eh, siya pang hindi ka matawag na pamilya. Dahil sa sinabi niya ay napangiti ng maluwag si Boyong. Parang naibsan ang kalungkutan nito dahil lumiwanag ang mukha. Pinunasan nito ang mga luha sa pisngi bago muling nagsalita. "T-talaga po? Gusto ko po iyan, T-tita…" wika ni Boyong habang pinapahid ang mga luhang lumandas naman sa pisngi. "Yes!" masayang bulalas naman ni Dero. Inakbayan nito sa balikat si Boyong. "Yes, Boyong. Ngayon huwag kana mahihiya sa’kin ha, at kay Dero. At saka next time ipakilala mo na rin sa’min ang Tiyuhin mo, ah?" saad ni Trina. Alanganin namang tumango si Boyong. Gusto sana nitong sabihin na hindi nito Tiyuhin si Damien pero hindi na nasabi ng bata. "Halika, pasok ka muna sa loob. Mag-meryenda muna tayo," paanyaya ni Trina kay Boyong. "Sige po, Tita! Pero magpapaalam lang po ako sa kasama ko, baka kasi hanapin niya ako mamaya." wika ni Boyong. Ngumiti naman si Trina sa batang mabait. "Oo nga pala. Sige, hintayin ka namin ni Dero dito ha." Tumango naman si Boyong. Hinihintay nila ito sa labas ng kanilang pintoan. Nang muli itong lumabas ay napangiti silang tatlo. "Tara na!" sabay-sabay nilang wika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD