KABANATA-10

2224 Words
Dinayal ni Trina ang numero ni Drix. Naka-ilang ring pa iyon bago sagutin ng binata. "Hello?" sagot ni Drix mula sa kabilang linya. Mahina siyang napatawa dahil sa walang kabuhay-buhay na boses ng kaibigan. Tila sinakluban ito ng langit at lupa dahil sa bigat ng boses nito. Anong problema ng isang ‘to? Naitanong niya sa sarili. "Kuya Drix!" tawag niya rito. Pero nangunot ang noo niya dahil walang sagot mula rito. Tiningnan niya ang cellphone, hindi naman nakapatay ang tawag niya. Ibinalik niyang muli ang aparato sa tenga. Wala siyang naririnig kundi ang nakakabinging katahimikan lamang. Kaya tinawag niya muli si Drix. "Kuya Drix? Hey! It's me, Trina!" dagdag pa niya. Pero hindi pa rin sumasagot si Drix. "Hoy lalaki! Bakit hindi ka sumasagot ha? Anong nangyari sa’yo diyan?!" naiinis niyang wika. Medyo nagsisimula ng umusok ang butas ng ilong niya. Pero wala pa rin sagot mula kay Drix. "Isa, Drix!" ulit pa niyang tawag. Nag-aalburuto na talaga siya! "Dalawa!" Nakakabinging katahimikan pa rin ang naririnig niya. "Tatlo—" "Hi, little sis!" sa wakas ay sumagot din si Drix. Napabuntonghininga naman si Trina sabay iling. Sasagot din naman pala ang loko pero pinatagal pa! "Sa wakas tinubuan ka din ng dila! Sasagot ka naman bakit ang tagal pa?!" inis niyang sabi sa kaibigan. Narinig niya ang pagbuntonghininga ni Drix sa kabilang linya. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Na-shock lang ako, baby sis," anang kaibigan niya. Kasunod no’n ay tumawa ito. Natawa na rin siya sa tinuran nito. Hindi naman siya namatay na muling nabuhay para ma-shock si Drix. Hindi lang sila nagkita ng ilang taon. Loka-loka ‘tong kaibigan niya. Sarap kurutin sa singit. "Grabe ka naman ma-shock sa’kin, Kuya! Ang arte mo!" saad niya na may halong pang-aasar kay Drix. Si Drix naman sa kabilang linya ay napapakamot sa ulo sa sinabi ni Trina. "Nagulat lang ako na ikaw pala ang kausap ko ngayon. Nakaraang araw kasi sinabi ni Mom sa’kin na tumawag ka daw sa kan'ya, tapos humihingi ka daw ng number ko." ani ng binata. "Ganoon ba? Oo nga pala kuya. Hiningi ko nga kasi wala na akong contact sayo, eh.” saad ni Trina. "Saan ka ba nagpunta? Ang Tagal mo naman nawala," tanong pa ni Drix na may himig tampo ang tono ng boses. Napakamot naman sa ulo si Trina. Inaasahan na talaga niya na itatanong iyon ng kaibigan. Kaya nakahanda naman siyang sagutin ito. "Sa America, Kuya. Doon na kami naglagi simula nang ikasal kami ni Andrew—" "Wait. What!? Kasal?! Nagpakasal kana?! Bakit?!" sunod-sunod na tanong ni Drix na mababakas ang pagkagulat sa kan’yang sinabi. "Anong bakit, Kuya?" saad niya. Napatawa pa siya sa kaartehan ng kaibigan. Hindi ito nakasagot kaagad kaya nagsalita siya ulit. "Pasensya na kung hindi kita na invite, Kuya." aniya. Baka kasi nagtampo ito na wala man lang siyang ibinalita tungkol sa pagpapakasal siya. Paano ba naman niya ma-i-invite si Drix eh, mabilisan nga lang ang kasal nila ni Andrew sa huwes. Walang reception or anything. Kasama lang nila ang Daddy niya at Daddy ni Andrew, iyon lang. Basta kinasal lang sila sa huwes, gano’n lang ka simple. Pagka-uwi nila sa mansion ay diretsyo na sila kani-kaniyang kuwarto nila. "Woah! Naunahan mo pa ako mag-asawa ah. At teka, sinong Andrew ang napangasawa mo? Iyon bang kasosyo ni Tito sa kompanya?" Sa wakas ay sagot ni Drix. "Oo, Kuya, siya nga." malungkot niyang tugon. Hindi niya naiwasan ang pag-tamlay ng kan’yang boses at kung bakit ay ewan ba niya. Iyon ay napansin naman ni Drix kaya naman sinita nito si Trina. "O, bakit parang ang lungkot mo? Hindi ka ba masaya na siya ang napangasawa mo? Guwapo naman siya eh. Pero syempre mas guwapo ako!" natatawang wika ni Drix. Nag-uumpisa na naman itong magbuhat ng sariling upuan. Kahit kailan talaga ang feelingero nitong kaibigan niya. Pero guwapo naman talaga si Drix. Sa katunayan nga ay first crush niya ito. Kaso noong nakilala niya ang pinsan nito ay mas malala ang crush na naramdaman niya sa unang pagkikita palang nila. Hanggang sa pina-crushed na niya sa binata ang virginity niya! Girl, pumasok na naman sa isipan mo ang isang iyon! Sukmat ng isipan niya. "Oh, bakit ikaw naman ang natahimik diyan? Umurong na rin ba ang dila mo?" untag ni Drix sa pananahimik niya. Tumawa na lang si Trina kahit wala namang nakakatawa. Nawala na sa isipan niya ang dapat sanang sasabihin kay Drix. Paano, inukupa na naman ng lalaking iyon ang isipan niya. Mahaba pa ang naging usapan nila ni Drix. Hindi niya sinabi sa kaibigan na may anak na siya. Balak niya itong surpresahin mamayang hapon sa meeting place nila, dahil nagkasundo sila na magkita matapos niyang sabihin sa kaibigan na nakauwi na siya sa ‘Pinas. At gano’n din ang sinabi ni Drix sa kan'ya, na nakauwi na rin ito. Siguradong magugulat mamaya ang kaibigan niya kapag nakita nito si Dero. Hindi na niya sinabi kay Drix ang tungkol sa kan’yang sekreto. Alam niyang mapagkakatiwalaan naman niya ito pero sila na lang ni Andrew ang dapat na nakakaalam no’n. "Deluxe Cuisine, baby sis." paalala muli ni Drix sa kan'ya. "Sure, Kuya! May surprise pala ako sa’yo mamaya!" masayang tugon niya. Naku, siguradong ma-sho-shock na naman ang isang ‘to mamaya. Pinanganak pa naman na ubod ng arte. "Wow! At ano na naman ‘yang surprise mo ha? Excited na tuloy ako," saad ni Drix na halata ang excitement sa boses nito. "Surprise nga 'diba? Later, malalaman mo rin!" aniya. Alam niyang sa mga sandaling ito ay atat na ang binata na malaman kung ano iyong surpresa niya. "Sige na nga! See you later, baby sis. Magre-ready na ako. Sana naman chix iyang surpresa mo sa akin." anito at saka nagpaalam na ibaba na ang tawag. Nagpaalam na rin siya sa kaibigan saka tinapos na ang tawag na tumatawa pa. Kahit kailan talaga ang landi ng lalaking iyon! Humakbang siya papasok sa loob ng silid, nasa balkonahe kasi siya. Mahimbing pa rin na natutulog si Dero nang tingnan niya ito. "Mamaya ko na lang siya gigisingin." bulong niya habang hinahaplos-haplos ang pisnge ng anak. Bubusangot na naman kasi ang pagmumukha nito kapag ginising niya. Kaya nag-ready na lang siya ng susuotin mamaya ni Dero pagkagising nito. Pagkatapos ay pumasok na rin siya sa banyo para maligo. Mauuna na siyang mag-ayos habang tulog pa ito. ... Napatayo si Trina nang makitang papasok si Drix sa entrance ng Restaurant na pinagkasunduan nila. Nakangiti niyang pinagmamasdan ang guwapong kaibigan habang seryuso itong naglalakad. Habang si Dero naman ay busy sa pinapanood na cartoon sa tablet nito. Mukhang walang pakialam ang anak niya sa paligid. Gusto pa nga nitong matulog kanina pero sinabi niyang may lakad sila ngayon kaya wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa kan'ya. Nakita naman siya kaagad ni Drix kaya masaya siya nitong sinalubong ng isang mahigpit na yakap. Hinalikan pa nito ang tuktok ng kan’yang ulo. Kahit kailan talaga ang sweet ng kuya niya! Suwerte ang magiging asawa nito. Iyon ay kung hindi na babaero ang kaibigan niya ngayon. "I miss you, Kuya!" wika ni Trina habang mahigpit na niyakap pabalik si Drix. Hindi nila napansin si Dero na nakangunot na pala ang noo nito habang mataman silang pinagkatitigan ni Drix. "Aw, my baby sis! I miss you too!" ganti rin ni Drix. Ginulo-gulo pa nito ang kan’yang buhok na ikinanguso naman niya. Lumukot pa tuloy ang buhok niya. Subalit pareho pa silang napahiwalay ni Drix mula sa pagyayakapan nang marinig ang isang boses ng bata. Nang balingan nila iyon ay ang mukha ni Dero na hindi maipinta ang sumalubong sa kanilang paningin. "Mister, why are you hugging my mom?!" nakapamewang at nakabusangot ang mukha nito. Masama rin ang tingin na ipinukol nito kay Drix. "Dero, anak. Halika!" natatawang tawag ni Trina sa anak. Lumapit naman ito sa kan'ya at niyakap ang kan’yang bewang. Doon naman lumuwa ang mga mata ni Drix. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Trina at sa batang lalaki. "M-mom?" tanong niya kay Dero at si Trina naman ang binalingan niya. "A-anak mo?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Mabilis naman siyang sinagot ng batang lalaki. "Yeah! She's my mom! And why are you hugging her?" nakakunot ang noo na tanong ng bata. Hinila pa nito si Trina palayo sa kan'ya. Napalunok siya ng ilang ulit dahil masama ang tingin ng bata sa kan'ya. Mabuti na lang dahil nagsalita na rin sa wakas ang kaibigan niya. "Baby, he's a friend of mine. Siya si Tito Drix mo," paliwanag ni Trina kay Dero. At siya naman ang binalingan ni Trina. "Kuya Drix, siya si Dero, anak ko. Surprise!" Lalo lamang lumuwa ang kan’yang mga mata sa narinig. Hindi niya maalis-alis ang tingin kay Dero. Kinakabisado niyang maigi ang kabuuan ng mukha ng bata. Parang may nakikita siyang pamilyar sa mukha ni Dero pero hindi niya matukoy kung sino iyon. Nagulat na lang siya nang tapikin nito ang kamay niya. "Hi, Tito Drix," nakangiting wika ni Dero. Hindi na masama ang tingin na ipinukol nito sa kan'ya. Nakalahad ang maliit nitong kamay at hinihintay na tanggapin niya ang pakikipag-kamay nito. Pero nanatili lang siyang nakatitig sa mukha ng bata kaya muli itong bumusangot. "Mom, nalunok ba niya ang dila niya?" tanong ni Dero kay Trina. Doon lang natauhan si Drix. Kaya tinanggap niya ang pakikipag-kamay ng bata.Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang mahawakan niya ang maliit nitong kamay. "H-hi, little handsome! It's nice to meet you," bati niya kay Dero nang makabawi siya mula sa pagkagulat. Nang bitawan niya ang palad nito ay ang pisngi naman ng bata ang pinanggigilan niya. "Pareho pala tayong guwapo!" ani niya. Binuhat niya rin si Dero at pinupog ng mga halik ang pisngi nito. Habang si Trina naman ay tahimik lamang sa isang tabi habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki. Magkahalong kaba at saya ang kan’yang nararamdaman dahil nag-tagpo na ang dalawa. Tumikhim siya upang agawin ang atensyon ng mga ito. "Maupo na muna tayo para makapag-order na rin," agaw niya sa pag mo-moment ng dalawa. Tumango naman ang mga ito at naupong magkatabi sa silya. Pagdating ng waiter ay nag-order na sila ng makakain. At habang inaantay ang pagdating ng mga pagkain ay nag-usap muna sila ni Drix. Habang ang atensyon naman ni Dero ngayon ay sa tablet na naman nito. Napansin niyang panay ang baling ni Drix kay Dero. May pagkakataong natutulala ito habang nakatitig sa mukha ng bata. "Kuya, baka malusaw ang anak ko diyan ha! Kanina mo pa tinititigan yan," sita niya kay Drix. Bakit naman kasi gano’n ito kung tumitig sa anak niya? Kinakabahan tuloy siya. Napakurap naman si Drix sa kan’yang sinabi. Nalipat ang tingin nito sa kan'ya. "Grabe, hindi ako makapaniwalang may anak kana talaga, at kasing guwapo ko pa siya!" anito. "Ang lakas na naman ng hangin!" iiling-iling na wika ni Trina. Dumating ang kanilang order kaya nagsimula na silang kumain. Marami pa silang pinag-usapan ni Drix, pero hindi niya binanggit sa kaibigan ang tungkol kay Damien, kung kamusta na ba ito. Kung may asawa na ba o wala ang binata. Maliban kasi sa OA ay chismoso rin ang kaibigan niya. Baka ano pa ang isipin nito kapag nagtanong siya tungkol sa isang iyon. Nang matapos silang kumain ay nagka-ayaan sila ni Drix na mamasyal sa Mall at manood ng sine. Tuwang-tuwa naman si Dero dahil nag-e-enjoy ito sa pamamasyal nila. Marami itong tinuro na mga mamahaling laruan. Si Drix pa ang nagbitbit ng mga iyon dahil iyon ang gusto ni Dero, total daw ay Tito naman nito si Drix. Wala rin nagawa si Drix kaya naging sunod-sunuran ito kay Dero. Napag-usapan rin nina Trina at Drix ang tungkol sa pamamasyal sa Baguio. Napagkasunduan nila na pumunta roon sa susunod na linggo. Tatapusin lang daw muna ni Drix ang mga naka-schedule nitong appointment. Hanggang sa inabot sila ng alas-syete ng gabi sa paglilibot sa Mall. Saka lang sila nagkasundo na umuwi. Nag-prisinta pa si Drix na ihatid sila pauwi ni Dero kaya sumang-ayon naman siya. Pero biglang nagbago ang isip ni Drix nang may tumawag sa cellphone nito. "I'm so sorry talaga, baby sis." hinging paumanhin ni Drix. May kailangan daw itong puntahan. At duda ni Trina ay babae ang pupuntahan nito. Narinig niya kasi kanina ang pagbanggit ni Drix ng endearment sa kausap nito sa cellphone. Anong magagawa niya eh, may pakpak ang tenga niya kaya narinig niya iyon. "Okay lang, Kuya. At saka papunta na rin ang driver ko kaya don’t worry–ay ayan na pala ang sundo namin eh!" wika ni Trina nang makita ang sasakyan na pumarada sa gilid ng daan. Iyon na nga ang sundo nila. "Babawi ako next time, Sam." Hinalikan siya nito sa noo. Ganon din ang ginawa nito kay Dero, niyakap pa nito ang bata bago ito tumalikod. "Nextime po ulit Tito ha!" masayang paalam ni Dero kay Drix. Tumango naman ang binata at mabilis na tinungo ang sasakyan nitong naka-parking, nang makapasok ito sa loob ay mabilis nitong pinasibad iyon. Napangiti na lang si Trina habang sinusundan ng tingin ang papalayong kotse ni Drix. Mukhang pumapag-ibig na kasi ang kan’yang kaibigan. Sana nga ay mag-seryuso na ito sa buhay. Tinungo nila ni Dero ang sasakyan. Bitbit naman ng driver nila ang madaming paper bag na naglalaman ng mga pinamimiling laruan ni Dero. Na walang ibang nagbayad kundi si Drix din. Taga bitbit na, taga bayad pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD