-Greyson Group of Company-
Halos lahat ng empleyado ay nakatutok ang tingin sa kaniya nang siya ay papasok sa nasabing building. Lalo na ang mga kababaihan na naroon. Diretso lang ang lakad niya, at kung sinuman ang makasalubong niya ay binibigyan siya ng puwang sa daan. May tumitili, may parang naiihi at mayroong hindi maiwasang kiligin, kapag nasulyapan niya ng tingin.
"Ang guwapo talaga ni Sir! Parang mahuhulog ang panty ko!” bulong ng isang babae sa kasamang babae na hindi maalis ang tingin sa kan'ya nang dumaan siya sa tapat ng mga ito.
"Good morning, Sir!" bati pa sa kan'ya ng ilang empleyado sa bawat madaraanan niya.
Tumango lang siya sa mga ito, at diretsong tinungo ang elevator kung saan paakyat sa ika-sampung palapag ng building. Sa Ceo's office.
"Grabe talaga! Naiinlove na talaga ako kay Sir! May girlfriend na kaya siya? Puwede kaya ako mag-apply?" kinikilig na wika ng babae.
"Naku, mangarap ka na lang ng gising. Eh, allergic 'yan sa babae si Sir!"
He is none other than, John Damien Greyson. The only son, and only child of Mr. Daniel and Elizabeth Greyson. And the only heir of the Greyson Group of Company. He has broad shoulders, a muscular chest, and a handsome face. Ang mga mata nito ay matiim kung tumingin na kapag tinitigan ka ay parang hinihigop nito ang kaluluwa mo. At ang katulad niya ay nakakalaglag panty ika nga nila dahil sa taglay nitong karisma.
Sa edad na thirty two ay siya na ang namamahala sa mga negosyo na mayroon sila dahil siya lang din naman ang nag-iisang anak ng mag-asawang Greyson. Habang ang Mommy at Daddy niya ay nagbabakasyon na lang sa Amerika.
Uuwi lang ang mga parents niya sa tuwing may dadaluhang events sa bansa, at kung kinakailangan lang ang mga presensya ng mga ito sa company nila. Kaya minsan si Damien na lang ang pumapasyal sa mga parents niya na nasa Amerika. Mas gusto kasi ng mga parents niya na doon manirahan.
Nang makarating sa elevator ay kaagad niyang pinindot ang numero, sa kung saang palapag ang kan'yang opisina.
Magkahiwalay ang elevator na ginagamit niya sa mga empleyado ng company nila dahil gusto niya na may sarili siyang elevator.
Tumigil ang elevator at mabilis siyang lumabas do'n. Lumalakad siya sa hallway patungo sa opisina niya nang makasalubong niya ang sekretaryang si Jen na mukhang nagmamadali ito.
"Good morning, Mr. Greyson. The meeting is ready. Nasa conference room na po silang lahat,” saad ni Jen.
"Okay. I'll be there in a second,” aniya.
Tumango naman si Jen sa kan'ya. At nagpaalam na bababa muna sa ground floor, at babalik daw kaagad.
Dumiretso muna siya sa loob ng opisina para kunin ang ilang files na kakailanganin niya sa meeting ngayon. May Charity event silang gaganapin sa susunod na araw at siya ang pasimuno doon. At ang kikitain sa event na 'yun ay ibabahagi ng company nila sa Bahay-ampunan sa Baguio, ang lugar na minahal na rin niya.
Halos kada linggo yata ay bumibiyahe siya papunta doon para lang bisitahin ang mga batang nasa Bahay-ampunan na napamahal na rin sa kan'ya. Magaan ang loob niya sa mga bata dahil na rin siguro sa nag-iisa lang siyang anak at wala siyang kapatid. Minsan nga binibiro niya ang parents niya na gawan siya ng kapatid kahit isa lang.
Ang sagot naman ng mga ito ay, “Matanda na kami ng Daddy mo, hindi na nga 'yan marunong pumatong sa'kin, eh!”
"Naku, tumigil ka nga Damien! Paika-ika na nga ako tapos hihingi ka pa ng kapatid!"
Iyan lagi ang sinasagot ng mga magulang ni Damien sa kan'ya na ikinatatawa na lang niya. Pero ang katotohanan ay hindi na talaga siya nasundan ng mga magulang dahil hirap noon magbuntis ang mother niya. Matagal noon nagsama ang mag-asawang Greyson pero hindi nabiyayaan ng anak. Nagpa-konsulta ang mga ito sa isang Ob/GYN para malaman kung may deperensya ba sa obaryo nito. At doon nalaman na mayroon nga itong deperensya, kaya hindi sila makabuo ng anak. Kaya sa kagustuhan ng mag-asawang Greyson na magkaroon ng anak ay nag-undergo ito sa gamotan. Ginamit ng mag-asawa ang yaman para lang magamot, at mabigyan ng pagkakataong mag-buntis ito. At isang himala, dahil nabuntis si Mrs. Greyson at si Damien ang naging bunga.
Kaya siguro gano’n na lang kalambot ang puso ni Damien sa mga musmos dahil uhaw rin siyang magkaroon ng kapatid. Aminado siyang spoiled ng mga magulang, pero hindi siya abusado na tao. Tahimik lang siya na klase ng tao na kumbaga isang tanong, isang sagot. Ganoon siya. At magaling siyang makisama sa mga tauhan at empleyado ng kanilang company. Kaya gano’n na lang din ang respeto sa kaniya ng mga tao, at dahil 'yon din ang turo ng kan'yang mga magulang, na hindi porket nasa mataas ka ay aapakan mo na lang ang mga nasa baba. Ang kailangan sa lahat ay marunong ka makisama kahit na angat ka sa buhay. At 'yon ay hindi niya inaalis sa isip niya kahit saan siya magpunta, ang pangaral ng mga magulang niya.
Matapos ang meeting ay pagod na ibinagsak ni Damien ang sarili sa swivel chair. Napahawak siya sa batok at hinilot 'yon. Nitong mga nakaraang linggo ay medyo sunod-sunod ang kanilang proyekto kaya busy din halos lahat. Kasama na ang Charity event na gaganapin sa Baguio sa darating na Martes.
Mas gusto niya kasi na doon mismo sa lugar ganapin ang event, para masaksihan ng mga namamahala sa Bahay-ampunan na pinili niyang handugan ng donasyon.
Masaya siya kapag nakatulong sa kapos, lalo na sa mga musmos. Ang mga magulang niya ang nagpasimuno sa pagpapatayo ng Charity para sa mga bata, pinasa lang sa kan'ya noong nagsimula na siyang pamahalaan ang company nila. Dahil malaki rin ang tiwala ng mag-asawa na siya ang magpapatuloy ng sinimulan ng mga ito.
Napabaling siya sa cellphone na nasa mesa nang biglang tumunog 'yun. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay mabilis niya itong sinagot.
"My baby! How are you? Kumakain ka ba ng maayos diyan? Oh, my gosh! I miss you, baby!" malambing na wika ni Mrs Greyson.
Napailing na lang si Damien sa paglalambing ng mother niya na medyo kinikilabutan siya sa endearment nito sa kan'ya na ‘Baby’.
"Mom, stop calling me baby. Hindi na po ako baby, marunong na nga ako gumawa ng baby, eh,” aniya sa mother niya na ikinatili nito ng malakas. Parang nagsitalsikan 'ata ang eardrums niya dahil nabingi siya saglit.
"Oh-my-god Daniel! Ang baby natin! Marunong na raw gumawa ng baby ang baby natin!" malakas na tili nito kay Mr Greyson.
Patay! Sigaw ng utak ni Damien.
Narinig pa niya ang boses ng Daddy niya na papalit siguro sa Mommy niya.
Nailayo pa ni Damien ang aparato sa tenga dahil sa lakas ng boses ng mother niya habang may sinasabi na kung anu-ano sa Daddy niya. Kahit kailan talaga ang O.A ng Mommy niya.
"Ano? May apo na tayo! Saan daw? Akin na nga ‘yang cellphone, ako ang kakausap sa anak ko. Mana 'yan sa'kin, eh.”
Narinig pa ni Damien ang salita ng Ama niya. Napahawak siya sa sentido, parang bigla 'ata siyang nahilo sa mga pinagsasabi ng mga magulang niya. Wala nga siyang girlfriend, eh, anak pa kaya? Napailing na lang siya.
"Son, nasaan ang apo namin? Kamukha ko ba? Uuwi kami agad ni mommy mo bukas na buka—"
"Dad!" putol niya sa sasabihin ng ama.
Hindi niya maiwasang ma-i-stress dahil sa mga pinagsasabi ng mga magulang niya. Sobrang advance naman kasi mag-isip ng mag-asawang Greyson.
"Oh, Bakit Son? Hindi ko ba kamuk—"
"Dad naman, eh! Paano po ako magkakaroon ng anak? Eh, wala nga akong girlfriend, ‘di ba?" may halong inis ang sagot niya.
"Ay ganoon ba, anak? Akala ko magkaka—"
At inagaw ng Mommy niya ang cellphone. "Hanapan kita ng girlfriend, baby! Para magkaroon na kami ng apo ni Da—"
Pinatay na niya ang tawag. Sumasakit ang ulo niya. Minsan talaga ang kulit din ng Mommy niya, lalo na ang Daddy niya. Tatawag lang minsan para alamin kung may sine-seryoso na ba siya o magkaka-apo na raw ba ang mga ito.
Minsan ang Mommy niya pa mismo naghahanap ng magiging girlfriend niya kuno. Magugulat na lang siya na may kakatok sa opisina niya, tapos magpapakilala na girlfriend daw niya. Like what? Ni hindi nga siya nagseseryuso dahil ayaw niya pang matali, tapos magugulat na lang siya na may instant girlfriend na siya? Napabuntonghininga siya ulit.
Alam niyang mali ang p*****n ng cellphone ang Mommy niya pero hindi na kaya ng tenga niya ang mga pinagsasabi nito.
"Tatawag din iyon ulit mamaya," aniya.
Pagsinabi pa naman ng Mommy niya na hahahap ito ng babae na para sa kan'ya ay tino-totoo talaga nito. Kaya hindi na siya magugulat kung isang araw ay may magpakilala na naman sa kaniya na girlfriend daw niya.
Napakamot na lang sa ulo si Damien.