KABANATA-2

1525 Words
Kasalukuyang naghahain si Trina para sa tanghalian nila nang biglang dumating ang Daddy Limuel niya. May bitbit itong laruan na para kay Dero. "Oh, Dad. Umupo na po kayo rito. Tamang-tama tapos na kami maghain ni Nay Melba,” aniya at hinalikan muna sa pisngi ang ama. Nakagawian na nilang magluto ng marami kapag napasyal ang ama niya sa lugar nila sa Amerika isang beses sa isang buwan. May negosyo kasi ito sa Pilipinas na pinalalakad at may sarili itong condo sa Amerika, at doon ito nag-i-stay. Sinusundo lang nito si Dero para ipasyal. Pero dahil hindi pumayag si Andrew na ipasyal ngayon ay hindi na komontra pa ang Daddy niya. Kaya ito sila ngayon, kakain na lang. Dapat kasi pag-uwi ni Limuel at Dero galing sa pamamasyal ay saka sila magsasalo-salo. "Nasaan na ang apo ko na ubod ng guwapo na manang-mana sa akin?" tanong ng ama niya na malapad ang pagkakangiti. Tumawa naman si Trina, kahit kailan talaga ang Daddy niya masyadong feeling-ero. Sakto naman na pababa ang mag-ama niya sa hagdan. Sabay sila napabaling ng Daddy niya roon. Napatakbo naman si Dero nang makita ang Lolo niya. "Lolo!" Tuwang-tuwa na sinalubong ni Dero ang matanda pero nang makalapit na ito ay mas nauna pang kinuha ang pasalubong na hawak ng lolo. "Dero, mag-mano ka muna sa lolo mo,” saad ni Trina sa anak. Kaagad naman sinunod ng anak ang sinabi niya. Binitawan nito saglit ang hawak na paper bag na ikinatawa naman ng Daddy niya. Nakaupo na silang apat sa hapag-kainan nang magsalita si Limuel. "Uuwi tayo sa Pilipinas. May event tayo na dadaluhan doon. At isa pa, tatlong taon na rin kayong hindi nakabisita roon." aniya nito at ipinagpatuloy ang pagkain. "Pero Dad, hindi kami puwede. May negosyo ako na maiiwan rito sa Amerika,” hindi sang-ayon na tugon ni Andrew. Napatigil naman sa akmang pagsubo ang ama ni Trina. At hinarap si Andrew. "Pwede ka naman magpaiwan, Andrew. Pero mas maganda kung sasama ka para makilala mo rin ang ilang ka-sosyo ng Daddy Romano mo sa negosyo na hindi mo pa nakikilala,” saad ni Limuel. Tahimik lang na nakikinig si Trina sa dalawa. Kung siya ang masusunod ay gusto niya rin umuwi ng Pilipinas dahil miss na rin niya ang bansa kung saan siya lumaki. Simula kasi nang ikasal sila ni Andrew ay tumira na sila sa Amerika. Dito na rin niya ipinanganak si Dero. "Pag-iisipan ko, Dad." maikling tugon ni Andrew. "Okay. Pero sa ayaw at gusto mo ay isasama ko ang mag-ina mo,” wika ng ama ni Trina. At binalingan pa nito si Trina na tahimik lang na kumakain. "Pero, Dad—" "Psst. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa mag-ina mo,” aniya ng matanda na ngitian pa si Andrew. Hindi na komontra pa si Andrew dahil alam nito ang ugali ni Limuel na kapag may sinabi ito ay tinutupad nito. "Wow, Lolo. Uuwi na tayo ng Pilipinas?" excited na wika ni Dero. "Yes, apo. Uuwi tayo ng Pilipinas,” ulit na sinabi ng matanda. Hindi rin maiwasang makaramdam ng excitement si Trina kaya napangiti na rin siya habang sinusulyapan ang mag-Lolo na nag-uusap. Sa wakas ay makakauwi na rin sila sa Pilipinas. Nami-miss niya rin kasi ang mga kaibigan doon. Lalo na si Drix. Simula kasi noong pumunta sila sa Amerika ay wala na siyang balita kay Drix. Huling kita nila ng kaibigan ay noong sinundo siya ni Andrew at Dad niya sa Baguio, at napagalitan pa ng Daddy niya noon si Drix. Naalala pa niya ang mga nangyari noon kung saan... "May balak ka bang itago ang anak ko, Drix?" galit na wika ng Ama niya habang masama ang tingin kay Drix na mukhang wala pa sa sarili dahil may hangover pa ang binata. "Ha? Naku, wala po, Tito. Masyado po kasi kayong mahigpi—" "Drix, tumahimik ka nga!" putol niya sa sasabihin ni Drix. Kahit kailan talaga tsismoso 'tong kaibigan niya. Hindi man lang marunong itikom ang bibig. "Hala, halika na nga Trina. Pinahirapan mo pa kami ni Andrew kakahanap sa’yo na bata ka,” tinuran na hindi mapinta ang mukha ng Daddy niya. Si Drix naman ay naguguluhan sa nangyayari. Idagdag pa na may hangover ito, kaya lalong nawawala ito sa sarili. Then, napatingin siya kay Andrew na masama ang tabas ng mukha habang nakatitig sa kaniya, particular sa leeg niya. Kaagad niyang tinakpan ng balabal ang kaniyang leeg na tinititigan ng binata. Napabalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang isang tikhim. Nang tingnan niya kung saan iyon galing ay nawala bigla ang kaniyang ngiti. Si Andrew 'yun, at masama ang tingin nito sa kaniya. Napakislot siya sa upuan. Ipinatuloy na lang niya ang pagkain at hindi na muli tiningnan ang asawa. Pagkatapos ng kanilang pananghalian ay hindi na niya nakita si Andrew. Ang sabi ng Daddy niya ay umalis ito at may pupuntahan daw. "Dad, kaninong event po ba ang pupuntahan natin sa Pilipinas?" tanong niya sa ama. Nasa hardin sila ngayon, nakaupo sa isang marmol na upuan, habang si Dero naman ay naglalaro kasama ang Yaya nito. "Sa isang ka-sosyo natin sa company, anak. Hindi naman gano'n ka importante. Pero gusto ko lang talaga na isama kayo ni Dero para na rin makapagbakasyon kayo doon,” sagot ng Dad niya. “Saka may unit pala ako na binili sa Pilipinas, anak. Gusto ko doon muna kayo mag-i-stay. Naka-renovate pa kasi ang mga bahay natin,” dagdag pa nito. Napatango naman si Trina. Maarte din kasi ang Daddy niya. Naka-ilang renovate na ata ito ng bahay nila. Paiba-iba ng desenyo. Napailing nalang siya, wala na rin kasing ibang pinagkakaabalahan ang Ama niya maliban sa mga negosyo nito. Kaya siguro nabaling ang atensyon nito sa mga bahay nila. "Okay, Dad. Pero kailan po ba tayo uuwi?" tanong niya. "Next week na, anak. Kaya mag-ready na kayo ni Dero. Hayaan mo si Andrew kung ayaw niyang sumama,” nakasimangot na wika ni Limuel. Natawa naman si Trina dahil may himig tampo ang boses ng Ama niya. Si Romano at Limuel ay hindi lang basta magka-sosyo sa negosyo, kundi ay magkaibigan na rin. Kaya napagkasunduan rin ng dalawa na ipakasal sina Trina at Andrew. Pero matapos ikasal sina Trina at Andrew ay pumanaw na si Romano, dahil sa malubha na ang karamdaman nito. May sakit kasi ito na matagal nang iniinda. Kaya bilang kaibigan ni Romano ay si Limuel na rin ang tumayo bilang ama ni Andrew. Kaya ganoon nalang ang respeto ni Andrew kay Limuel dahil naging mabuting ama-amahan naman ito sa kaniya, kaya hindi na rin kumokontra ang binata sa mga desisyon nito. Ang hindi lang alam ni Limuel ay ang p*******t ni Andrew kay Trina. Ayaw iyon ipaalam pa ni Trina, dahil ayaw niyang masira ang samahan ng dalawa. Dahil kapag nalaman iyon ng Daddy niya ay siguradong malilintikan si Andrew, at ayaw niyang mangyari iyon. Ang mahalaga kay Trina ay maayos ang pakikitungo ni Andrew kay Dero at hindi nito sinasaktan ang bata. Dahil kapag nangyaring saktan ni Andrew si Dero ay hinding-hindi palalampasin ni Trina iyon. Lintik na ang walang ganti, ika nga. Kung sa kaniya ay okay lang ang ginagawa ni Andrew, kaya pa naman niya palampasin iyon dahil hindi pa naman sobra para sa kaniya ang ginagawa ni Andrew. Pero pagdating sa anak niya ay hindi niya iyon mapapalampas, kung sakaling pagbuhatan nga ni Andrew ng kamay ang anak nila. "Anak, mauuna na pala ako. May dadaanan pa ako mamaya bago umuwi ng condo,” paalam ng Daddy niya. Tumango siya at tinawag ang Anak para makapagpaalam na sa Lolo nito. "Dero, anak. Uuwi na si Lolo,” tawag niya sa anak na naglalaro pa. Pero tumigil si Dero at binitawan ang hawak na bola. Tumakbo siya papunta sa direksyon nila ng ama. "Aalis ka na po Lolo?" tanong ni Dero nang makalapit na sa kanila. "Yes, apo. Magkita ulit tayo bukas, ha. Mag-ready ka na, dahil uuwi tayo ng Pilipinas sa Lunes,” nakangiting sagot ni Limuel. Hinatid nila ni Dero ang Ama sa sasakyan nito. Nang makaalis ang ama ay bumalik silang mag-ina sa loob ng bahay. Pinunasan niya ang basang-basa sa pawis na si Dero, at pinalitan niya na rin ang damit ang anak. "Mama, excited na po akong umuwi ng Pilipinas! Hindi pa kasi ako nakakapunta doon, eh,” masiglang wika ni Dero. Napangiti naman si Trina. Siya rin naman, eh, excited na rin siyang makauwi doon. Miss na niya ang mga kaibigan. At si Drix. Wala kasi siyang kontak sa kaibigan. Mukhang nagbago na kasi ito ng numero kaya hindi na niya matawagan. Siguradong matutuwa si Drix kapag nalamang may isang anak siya na ubod ng bibo at guwapo. Siguradong panggigilan nito si Dero. Sa isiping iyon ay lalo siyang na-excite umuwi ng Pilipinas. Pero nawala bigla ang pagka-excite niya nang may maalala siya bigla. Napailing siya sabay hugot ng malalim na hininga. "Kapag nangyari iyon, baka atakihin sa puso si Daddy..." mahinang bulong niya. At hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nagkataon. "A-ako din anak, excited na rin umuwi,” sagot niya sa anak na halata ang saya sa mukha. Habang may kaba naman ang kaniyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD