KABANATA-1

1585 Words
THREE YEARS LATER... "Mama!" sigaw ni Dero na ikinagulat naman ni Trina. Kasalukuyan siyang nagluluto para sa lunch nila mamaya. Ang alam niya ay isinama ng Daddy Limuel niya si Dero sa pamamasyal ngayong araw sa Mall, kaya maaga pa nang nagising ang tatlong taong gulang na anak kanina, dahil excited itong mamasyal. At dahil gusto niya na ang mag-lolo lang ang mag-bonding ay hindi na siya sumasama. "Oh, Dero anak, akala ko ba nakaalis na kayo ng lolo mo?" kunot ang noo na tanong niya sa anak. Nilapitan niya ang anak na humahangos rin papunta sa kaniya. Mukhang wala ito sa mood at nakasimangot ang guwapo nitong mukha. "Mama, kasi ayaw pumayag ni Papa na sumama ako kay Lolo!" umiiyak na sumbong ni Dero. Nangunot pa lalo ang noo ni Trina. Ano na naman ang problema ni Andrew at ayaw payagan ang bata na sumama sa Lolo niya? Tanong niya sa kaniyang isipan. "Gano'n ba anak? Sige, kakausapin ko muna si Papa Andrew ha?" paalam niya kay Dero. Tumango naman ito. At tinungo niya ang hagdan papunta sa Library ni Andrew dahil alam niyang naroon ang asawa. Kumatok siya muna bago itinulak ang pinto para bumukas iyon. Nakita niyang busy si Andrew sa harap ng laptop nito at hindi man lang siya binalingan. "Andrew. Ano ang problema? Bakit hindi mo pinayagan si Dero na sumama kay Dad? Araw ng Linggo ngayon, at bonding nilang mag-lolo." mahinahon ang boses niya habang kinakausap ang asawa. Hangga't maari kasi ay ayaw niyang mag-away sila dahil lang sa simpleng bagay. Tumigil ito sa ginagawa pero hindi siya binalingan ng tingin. Bumukas ang bibig nito para sagutin siya. "Sinabihan ko na si Dad, na hindi ako payag na sumama si Dero ngayon," simpleng sagot nito na hindi pa rin siya tinitingnan. "At ano ang dahilan mo, Andrew?" Hindi niya maiwasang makaramdam ng init ng ulo. Heto na naman ang problema niya kay Andrew, eh, masyadong mahigpit na minsan wala na sa lugar. "Basta hindi ako pumapayag. Tapos ang usapan," pabalang na sagot nito. Hindi na nakapagtimpi si Trina dahil sa sagot na iyon ni Andrew. Nararamdaman niyang ito na naman ang dahilan ng pag-aawayan nila. "Anong klaseng rason 'yan, Andrew?! Ni wala kang saktong dahilan kung bakit ayaw mo payagan si Dero. Every Sunday sila lumalabas ni Dad, at 'yan lang ang bonding moment nila for God sake naman!" Hindi niya maiwasang taasan ang boses dahil sa inis na nararamdaman. Pero nagulat pa siya nang biglang ibalibag ni Andrew ang laptop. Pati ang mga gamit na nasa mesa nito ay nagsiliparan kung saan sulok ng silid. Napatikom siya ng bibig dahil nakaramdam siya ng takot sa Asawa. Kaagad rin siya napaatras. "Shut up! Kapag sinabi kong hindi ako pumapayag, hindi ako pumapayag!" sigaw nito sa mukha niya na ikinaatras niya pa lalo. Nakaramdam siya ng takot pero hindi niya 'yun pinahalata. Dati niya pa sinasanay ang sarili na huwag ipakita kay Andrew ang takot na nararamdaman niya sa tuwing mag-aaway sila dahil ayaw niya na makita nito na mahina siya. Sa tuwing hindi sila nagkakasundo sa isang bagay ay nauuwi 'yun kaagad sa away. Masyado naman kasing mahigpit sa kanila si Andrew. Ultimo ang pagpapasyal niya sa Mall ay bawal. Kaya madalas nasa bahay lang siya. At kung pupunta man siya sa Mall ay saglit lang, dahil kailangan makabalik siya kaagad sa oras na binigay nito sa kan'ya. "Ewan ko sa'yo Andrew! Hindi kita maintindihan! Bakit ka ba ganyan, ha?" Pilit ang tapang na pinapakita niya kay Andrew kahit na pakiramdam niya ay nanginginig na ang mga tuhod niya dahil sa talim ng tingin nito. Tinabig pa nito ang vase na naroon at madilim ang mukhang binalingan siya. Bigla itong lumapit sa kaniya at mahigpit siyang hinawakan sa magkabilang braso. Napadaing siya dahil sa higpit ng pagpiga nito sa braso niya. At napangiwi pa siya nang lalo pa nitong diinan. "Aray! A-andrew, ano ba? Nasasaktan ako!" aniya na namimilipit sa sakit. Pakiramdam niya ay mababali ang mga buto niya dahil sa pagpiga ni Andrew roon. Nilapit nito ang mukha sa kan'ya habang bakas sa mga mata nito ang galit. "Sa susunod...kapag sinabi ko na ayaw ko, ayaw ko! Naiintindihan mo ba, ha?!" Lumalabas na ang ugat nito sa leeg habang lalong hinigpitan ang pagdiin sa mga braso niya. Walang nagawa si Trina kundi ang tumango na lang dahil kapag sumagot pa siya ay siguradong hindi lang ganito ang gagawin ni Andrew sa kan'ya. Baka ibalibag pa siya nito sa kung saan. Napansin niya kasing may Anger Issues ang asawa niya noon pa. Kaya minsan mas pinipili na lang niyang tumahimik. Dahil kapag nagalit si Andrew ay umiiba ang anyo nito. Sa loob ng tatlong taon ay hindi na bago sa kaniya ang ginagawa ng asawa. At hindi iyon alam ng Daddy niya, ayaw niyang ipaalam. Dahil para sa kan'ya ay kaya naman niya si Andrew. At ayaw niya mag-alala ang Daddy niya. Hindi niya magugustuhan kung sakaling atakihin sa puso ang Daddy niya kapag nalaman nito ang ginagawa ni Andrew. Mabait naman si Andrew base sa observation niya. Hindi pa naman siya nito sinasaktan ng grabe. Pero may isang beses noong lasing ang asawa niya ay nasampal siya nito. At tyempo naman na naroon si Dero nang maganap 'yun. Dahil kasama niya ang anak noong pinagbuksan niya ng pinto si Andrew. Pinagsabihan niya kasi ang asawa dahil hindi ito dumating sa ika-dalawang-taon na kaarawan ni Dero dahil may business trip raw ito sa ibang lugar. Pero napag-alaman niya na nasa isang Hotel lang pala ito at kasama ang isang babae. Ayon sa Driver nila na naghatid mismo sa asawa sa nasabing Hotel. Kawawa rin ang Driver niya na 'yun dahil pinatalsik ni Andrew sa serbisyo nang malaman na ito ang nagsumbong sa kan'ya. Matagal na niyang alam na nagloloko ang asawa. Pero binalewala na lang niya 'yun. Ang importante sa kan'ya ay si Dero na gusto niyang lumaki ito na buo ang pamilya na may kinagisnan. At dahil iyon lamang ang mabibigay niya sa anak maliban sa pagmamahal niya rito. Kaya tinitiis niya ang lahat ng kahigpitan ni Andrew. At hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na walang pagmamahal sa kan'ya ang lalaki dahil gano'n din naman siya kay Andrew. Kaya it's a tie! "Get out of my room," malamig na wika ni Andrew na ikinabalik niya sa kasalukuyan. "Edi, lalabas!" Bumalik sa mesa ang lalaki at tahimik na umupo roon. Kaya umatras na rin siya at lumabas na ng silid na 'yun. Pero bago siya tuluyang lumabas ay binalingan niya ulit si Andrew. "Huwag mong idamay si Dero... kung galit ka sa akin, sa akin na lang—" Nagsusumamo ang mga tingin ni Trina. Ayaw niya na idamay ni Andrew si Dero sa kung anumang naging kasalanan niya rito. Kung kasalanan nga ituring 'yun. Hindi sumagot si Andrew. "Bingi siguro," aniya kaya umalis na rin siya sa silid na iyon. Tinungo niya ang hagdan pababa at nakita niyang nakaupo si Dero sa paanan ng hagdan. Malungkot itong nakatulala at mukhang malayo ang iniisip. "Dero, anak. Anong ginagawa mo riyan? Kanina ka pa ba dito?" tanong niya nang tuluyan makababa sa hagdan. Nilapitan niya ang anak at binuhat ito. "Ang bigat na talaga ng baby ko, ah," wika niya nang mabuhat ang anak. Ngumiti si Dero pero malungkot pa rin ang mga mata nito. Dinala niya ito sa sala at naupo sila sofa na naroon. "Mama, galit po ba si Papa Andrew sa'kin?" malungkot na tanong ni Dero. "Naku, anak hindi, ah. Bakit naman magagalit si Papa Andrew sa'yo?" sagot niya habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nakaunan na ito sa kaniyang hita. Matalino si Dero kaya alam niyang nakikiramdam ito sa mga nangyayari sa kanila ni Andrew. At dahil nasaksihan na nito isang beses ang pagsampal sa kaniya ni Andrew. Isa rin sa rason kung bakit ayaw niya na nag-aaway sila ni Andrew, dahil may posibilidad na marinig sila ng bata. Katulad na lang ng nangyari ngayon lang. Sigurado siyang narinig na naman ng bata ang pagtatalo nilang mag-asawa kanina. "Narinig ko po kasi kanina si Papa at mukhang galit siya," sagot ni Dero. Sabi na nga ba, eh! Bulong niya sa loob ng utak niya. Napabuntonghininga siya dahil sa sinabi ng anak. Ito ang ayaw niya sa lahat, ang marinig ni Dero na nag-aaway sila ni Andrew dahil nagkakaroon iyon ng impact sa bata. "Anak, 'wag mo ng isipin 'yon, ha. Kung anuman ang narinig mo ay kalimutan mo na lang iyon. Pagod lang ang Papa mo," paliwanag niya kay Dero. Tumango lang si Dero at bumangon ito mula sa pagkakaunan sa hita niya. "Oh, bakit anak, saan ka pupunta?" tanong niya nang mapansin na aalis ito. "Pupuntahan ko po si Papa Andrew, Ma. Magso-sorry lang po ako. Dahil mukhang nagalit siya dahil sa'kin," sagot ni Dero at nagsimula nang pumanhik sa taas. "Hindi mo kailangan mag-sorry, anak," pahabol na sabi niya sa anak, pero hindi niya alam kung narinig ba siya ng anak niya. Ganiyan ang ugali ni Dero. Sa tuwing may pinag-aawayan sila ni Andrew, at marinig nito, ay ang bata ang humihingi ng sorry. Sa murang edad ay nakakaintindi na ang anak niya at hindi rin ito mahirap umintindi. Si Andrew lang ang mahirap makaintindi. Malaki ang pasasalamat niya dahil binigyan siya ng isang mabait, bibo at guwapo na bata na si Dero. Si Dero ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa kan'ya at habang buhay niya iyong ipagpapasalamat. At alam niya na ang batang mabait ay may takot sa Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD