Chapter 15

1155 Words
“What kind of job?” Kaagad na tanong ni Gabriel matapos kong putulin ang tawag. Atat na atat itong naghihintay ng sagot mula sa akin. Seryoso ang mga titig niya at tila ba may mga pagdududa. Dinaig pa niya ang ama ko kung umasta. Maaaring iniisip na naman nito na may gagawin akong kalokohan. “Baka mapahamak ka pa ng kaibigan mong ‘yan?” Bakas sa tono ng kaniyang pananalita ang pag-aalala. “Hindi ko pa ‘yan kilala,” patuloy niyang sabi. Kulang na lang sabihin din niya sa akin na hindi ito payag. Maraming beses ko nang nabanggit sa kaniya ang pangalan ng kaibigan kong si Nero. Lalo na sa tuwing nagpapaalam ako na mayroon akong lakad. Ngunit hindi pa nagkakatagpo ang landas ng dalawa. I also don't see any reason to introduce them to each other. Hindi ko rin akalain na magiging interesado pala ito na makilala ang kaibigan ko. “Not everyone you think is your friend— is really your friend. Matalino ka naman kaya siguradong naiintindihan mo kung ano ang pinupunto ko,” dagdag niyang wika ng hindi rin ako kaagad na nakasagot sa kaniya. Umiling ako habang nakangiti at puno ng kumpiyansa na pinagmamalaki si Nero. “Malaki ang tiwala ko kay Nero. Hindi niya ako ipapahamak sa anomang paraan. If there's anyone I should trust… It's Nero. I know he cares for me and he is always worried when something unpleasant happens to me. Even if others doubt him as my friend. I know he's real,” mahinahon kong paliwanag sa kaniya. Ikinuwento ko rin na kilalang-kilala ko na si Nero at hindi ito ganoong klaseng tao. Alam kong hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko, pero wala akong magagawa kung iyon ang paniniwala niya. Pero para sa akin walang sino man ang pwedeng magsabi sa akin kung sino ang pwede kong maging kaibigan. “How much is your salary and you seem too excited?” inis nitong tanong matapos kong magpaalam sa kaniya na magbibihis na muna ako para makaalis na. I don't get it. Maybe because he treated me well just now. Then it suddenly became suplado na gwapo. Buti na lang talaga gwapo siya kaya bagay pa rin sa kaniyang mag-inarte. “We will talk about my salary later and also my duty. That's why we will meet up today,” masigla kong sagot. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan ko pang sabihin 'to sa kaniya lahat. Kung sabagay nakakahiya naman dahil pinatira niya ako ng libre. Hindi naman nakakamatay kung magsasabi ako sa kaniya ng mga plano ko. “Pag-uusapan? You mean you don't know your job yet?” “Nero told me it wasn't harmful. So I have nothing to worry about.” Tinitigan niya ako na para bang hindi makapaniwala sa mga sagot ko. Pakiramdam ko tuloy iniisip niya na nagpapalusot lang ako. “Maria, are you sure about the jobs you are applying for?” Tumango lang ako kahit na hindi naman ako sigurado. “Kaysa naman wala,” wala sa sarili kong bulong. “Kailangan mo ba talaga na magbanat ng buto? Gayong libre ka naman lahat dito.” Tama nga naman siya. Ako lang talaga itong praning at kung ano-ano ang iniisip. Mukha namang hindi pa ako papaalisin. Napangiti ako dahil tila may demonyong nanunolsol sa utak ko ngayon na mas maganda sana kong mabubuhay ako na parang prinsesa at saka na didiskarte ng trabaho kapag nararamdaman kong malapit na akong ma-impeach. Ilang saglit ay sinaway ko ang aking sarili. Baka paasahin lang ako nito tapos kinabukasan biglang ba-bye na. Kaya dapat lang na ayusin ko muna ang sarili at kinabukasan ko habang may panahon pa akong mag-ipon. “Natatakot ako na baka magalit kita at bigla mo na lang akong paalisin,” tapat kong tugon. “Alam kong gift mo ‘to kay Ate Nana kaya naman alam natin pareho na pansamantala lang ako rito. Isa pa ikakasal ka na rin bukas at wala sa plano ko ang umuwi sa bahay. Kaya mag-iipon ako,” sinsero kong sagot. Alam kong hindi niya pa rin naiintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umuuwi sa amin. Ang alam ni Daddy ngayon ay nakikituloy lang ako sa bahay ng kaibigan ko. Nang minsan na dumalaw ako sa mansyon. Mas tahimik at payapa ang naging buhay nilang lahat. Ang akala pa naman ng mga katulong ay babalik na ako at magpapasaway. Dinig na dinig ko pa ang mga reklamo at tsismis nila tungkol sa akin. Sa galit ko ay inutusan ko ang mga mosang na linisin ang swimming pool at palitan ng bagong tubig. Hindi naman ako naligo pero gusto ko lang silang inisin. Siguro pinagmumura na nila ako sa mga isip nila nang umalis ako kaagad matapos malinis ang pool. Wala na kasi silang ibang ginawa kundi bantayan ang buhay ng iba. Kaya nga ayaw kung umuwi dahil napaka-toxic ng bahay. Nasa akin ang lahat ng mga mata nila, akala mo nakapaperpekto rin ng mga ugali nila. “I'm not going to get you out of here, just don't do silly things,” may diin niyang ani. Kumunot ang noo ko. “Talaga?” Tumango siya bilang tugon. “Sure ka?” Tumango siyang muli pero hindi pa rin ako kumbinsido. “Weh ‘di nga?” ‘Di makapaniwala kong tanong. “Mukha ba akong nagbibiro?” Kunwari ay nag-iisip ako kahit wala naman talaga akong maisip. Sa katunayan nga ay wala akong maitanong na maayos. Sa pagkakaintindi ko kasi ay hindi na niya ako paaalisin dahil sa akin na ang bahay na ‘to. Sana lang hindi ‘to prank. “You mean, payag ka na akin na ‘to?” Nag-aalangan kong tanong. Nakakahiya man pero gusto kong makasigurado. “That's not what I mean. Pwede kang tumira sa bahay na ‘to kung kailan mo gusto. Ang maipapangako ko lang sa ‘yo, Maria. Sinisigurado kong walang sino man ang pwedeng magpaalis sa ‘yo rito.” “What if ayaw ko nang umalis dito?” “Then it's up to you. The decision is all yours.” “Alam mo ba iyang mga sinasabi mo, Kuya Gabriel? Paano si Ate Nana? ‘Di ba regalo mo ‘to sa kaniya?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya and at the same time I want him to realize that this is a serious matter. Kinlaro ko ang bawat kataga kay Gabriel ang lahat at kung ano ang naabot ng pagkakaintindi ko. “Kapag wala sa isip ko—" Umiling ako at itinama ang aking sasabihin. "Kapag hindi na ako lilipat ng ibang matitirhan ibig sabihin hindi mo rin ‘to maireregalo sa kaniya,” paglilinaw ko sa binata. “I know your Ate Nana also wants me to help you,” pinal na sagot niya sa akin na tila parang ang simple lang sa kaniya ng naging tanong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD