Chapter 14

1151 Words
Matapos naming kumain, hinugasan ko ang nakatambak na mga hugasin. Tingnan ko pa lang ay nanghihina na ako sa dami. Isa pa naman sa pinaka-ayaw ko sa lahat ng trabaho sa bahay ay ang maghugas ng mga pinggan. Sa gulo ng kusina ay mukhang aabutin ako o ng tatlongpung minuto sa pagliligpit. “Ano kaya ang ginagawa ng lalaking ‘yon?” Binilisan ko ang aking kilos at nang matapos ako sa aking ginagawa ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko sa mesa na nilagay ko kanina. Kanina pa ito panay sa kakatunog. Hanggang ngayon ay hindi ko pa nabubuksan ang nilalaman ng mensahe. Naglakad ako palabas ng kusina at una kong hinanap si Kuya Gabriel. Wala siya sa sala, marahil ay umuwi na ito ng hindi nagpapaalam. Lumabas ako ng bahay para tingnan ang sasakyan niya. Nang sa gano’n ay masigurado kong wala na nga siya. But I saw him outside. Nakaupo lamang siya sa couch. Nakatingin sa kawalan. Sa mga oras na ‘to ay mas napagmasdan ko siya ng maigi. Siya lang yata ang ikakasal bukas na para bang may mabigat na problemang dinadala. Hindi ba niya pwedeng kalimutan muna ang problema niya at isipin muna ang maligayang araw niya bukas. Ang weird niya ngayong araw na ‘to. Parang may masama akong nararamdaman. Habang pinagmamasdan ko siya sa hindi kalayuan ay mayroon akong napagtanto. He looks like in trouble. Mismong mga kilos na niya ang nagsasabing mayroong mali. Kahit kinakabahan ay nagpatuloy pa rin ako sa paghakbang. “Kuya Gabriel, hindi ka pa ba uuwi?” diretsahan kong tanong sa kaniya. Kaswal lamang ang aking pagsasalita at kung kausapin ko siya tungkol sa pag-uwi nito ay para bang ako ang may-ari ng bahay na tinutuluyan ko ngayon. Nakaramdam ako ng guilt dahil mali ang naging tanong ko. Wala akong karapatan na tanungin siya dahil siya ang may-ari ng bahay. Uuwi siya kung kailan niya gusto at mananatili kung gugustuhin niya. “Are you asking me to go?” Balik na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung tatango ba ako o iiling na lang at babawiin ang sinabi. “Bakit pakiramdam ko pinapaalis mo na ako?” Muli niyang tanong pero nananatili akong tahimik. “It sounds like you're pushing me away,” pinal niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labas ng gate. Hindi ko alam kung may iniisip lang ba ito o may hinihintay na bisita. Ang bigat ng dibdib ko. Hindi na ako nagpigil at hinayaan ang aking sarili na mapabuntong hininga. “Pakiramdam ko, paalisin mo na ako rito,” walang alinlangan kong tugon. Hindi ko pwedeng iwasan ang katotohanan na hindi ako magtatagal sa bahay niya. “Kaya ka ba malungkot dahil nahihirapan kang sabihin sa akin na paaalisin mo na ako?” Tahimik lamang siya at parang walang narinig. Problemado pa rin ang itsura. Naiintindihan ko naman dahil simula pa lang, alam kong regalo niya ito kay Ate Nana. Kahit magpumilit ako, hindi naman pwedeng magpumilit ako palagi. Nakakapagod na rin siyang takutin. Ang hirap niya kasing abutin. Ginawa ko na ang lahat ng pang-aakit pero hindi ko siya makuha-kuha. Pinaparamdam niya sa akin palagi na hindi kami bagay sa isa't isa. Na malaki ang agwat naming dalawa. Siya ay langit at ako ay nasa putikan. Pakiramdam ko kahit anong tingala ko sa paghihintay masasayang lang ang buhay ko sa wala. Walang patutunguhan at mas lalo lang akong naiinis dahil napunta na naman kay Ate Nana ang lalaki na may katangiang gustong-gusto ko. “Tama ba ako Kuya Gabriel? Paaalisin mo na ako rito?” Sunod-sunod na tanong ko. Gusto kong klaruhin ang lahat. Gusto kong marinig ang sagot mula sa kaniyang bibig. Wala man akong alam sa naging araw niya ngayon. Pero hindi ko kayang isipin na may pinagtatalunan sila ni Ate Nana. Malambing si Ate Nana kay Gabriel. Kaya niyang sabayan ang ugali ng boyfriend niya at iniintindi kapag may tupak ito. Kaya sigurado akong walang problema sa relasyon nilang dalawa. Walang dahilan para mag-isip ng iba bukod sa pagtira ko sa bahay niya ngayon na para bang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Umupo ako sa tabi niya. Kung hindi ako nagkakamali. Sa tingin ko ay mga walong pulgada ang aming pagitan. Nilingon niya ako gamit ang walang emosyon niyang mga mata. Mas dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Para bang hinihigop niya ang lakas ko hanggang sa maubos ako. Nakakakaba ang desisyon niya pero wala akong magagawa kung ano man ang kaniyang pasya. Ayaw ko man dahil wala pa akong matutuluyan, pero hindi sa akin nakasalalay ang pasya. Hindi ko inakala na aalis ako kaagad sa bahay niya. Mamimis ko ang kapayapaan ko rito. Muling tumunog ang cellphone ko tanda na mayroon na namang nagpadala ng mensahe. Lumiwanag ang screen at lumitaw ang pangalan ng kaibigan kong si Nero. Matamlay kong pinindot ang call sa screen at hinintay ang sagot ng kaibigan ko sa kabilang linya. “Finally, tumawag ka rin sa wakas!” May inis sa tono ng kaniyang boses at kahit hindi ko nakikita ang kaniyang mukha. Nahulaan ko na kaagad ang tampo nito sa akin. “Nasaan ka ba at nang mapuntahan kita?! Pinagtataguan mo ba ako?” Sunod-sunod nitong tanong at halatang galit na galit na ang kaibigan ko sa akin dahil sa tono ng kaniyang boses. Pinalagpas ko lang sa kabilang tenga ang panenermon niya sa akin. Ganoon naman talaga siya palagi sa akin. “Nero, ‘yong offer mo sa akin noong nakaraan. Available pa ba?” Natahimik siya bigla sa kabilang linya. Ilang saglit lang ay bigla na naman akong pinagsasabihan. “Mabuti naman at naisipan mo nang magtrabaho? Ang tagal kong pinagdarasal na magising ka sa katotohanan at mauntog ka sana para makawala ka sa bangungot mong ikaw lang naman ang may kagagawan!” Alam lahat ni Nero ang mga plano ko. Mga planong walang maidudulot na maganda sa aming lahat kundi mga kaguluhan. “Tama ang pasya mo, Maria. Mas mabuting may matitirahan ka galing sa pinagpawisan mo. Hindi pwedeng nakadepende ka sa kaniya,” tukoy niya kay Gabriel. “Hayaan mo na sila,” aniya at pinapayuhan akong huwag ng ituloy ang aking mga balak. “Nero, pwede bang huwag muna natin pag-usapan ‘yan ngayon! Ano pwede pa ba ako?” Napangiti ako sa sagot ni Nero. “Darating ako,” pinal kong sabi. Nagpasalamat ako sa kaniya at kaagad nang pinatay ang tawag bago pa ulit nito maisipan na makipagtalo sa akin. Wala naman itong ibang ginawa kundi sermunan ako. Masasabi kong totoo siyang kaibigan dahil palagi itong concern sa akin. Kahit matabil ang dila niya ay siya pa rin ang itinuturing kong matalik na kaibigan. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ko. Pero ako naman itong matigas ang ulo at ayaw makinig sa lahat ng mga payo niya. Pero kahit ganoon ay hindi niya pa rin ako iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD