Chapter 1
"Maria, what are you trying to do? Magpalakad-lakad sa kalye na para bang nasisiraan ng bait?" Inis na tanong sa akin ni Gabriel at halatang nauubos na ang pasensiya sa kakasaway sa akin, pero hindi ko siya sinagot at nagkunwaring wala akong naririnig.
Masyado na akong nadadala sa lahat ng mga nangyari sa araw na 'to at sawa na rin ako sa pakikipagtalo sa kahit na kanina.
Kahit naman abutin kami ng bukas, alam kong hindi ako mananalo pagdating sa kaniya.
Sa dami ng mga nakakasalamuha kong mapanghusgang mga tao, alam ko kung kanino ako makikipagtalo at kung kanino hindi.
Alam ko kung kailan ako papatol at kung kailan ako dapat umiwas. Alam ko na hindi sa lahat ng oras kailangan kong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko. May mga oras din na kailangan kong hayaan na lang sila kung ano man ang gusto nilang isipin tungkol sa akin.
Isa lang naman ang paraan ko para maiwasan ang gulo. Ang umalis at hayaan ang mga ito sa kung ano man ang isipin nila tungkol sa akin, bahala na sila.
Hindi ko kailangan magpaliwanag at depensahan ang sarili ko tungkol sa mga iniisip nila sa akin dahil wala rin namang magbabago at wala ring maniniwala maliban na lang sa mga taong kilalang-kilala ako.
Kung ano lang ang nakikita nila, iyon lang din ang paniwalaan nilang lahat.
"Come with me," maawtorirad na sabi ni Gabriel sa akin. Kung makapag-demand ay para bang pinapasahuran ako.
Tiningnan ko lang siya na parang wala lang. Nagbibingi-bingihan sa lahat ng mga utos niya.
"Maria!" Singhal niya sa akin. Malakas ang kaniyang boses at halatang galit na galit na.
Pero imbes na matakot, sa halip ay mas lalo lang akong nagalit dahil sa paraan ng kaniyang pananalita. Napapalibutan na ako ng mga taong nakikialam sa buhay ko tapos dumagdag pa siya.
"Really? You are shouting me," naiinis na sagot ko. Mahina lang ang aking tinig pero sinadya kong idiin para malaman niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
Sa totoo lang ay gusto ko ng sumabog at pumutok dahil naiinsulto ako sa paraan ng pakikipag-usap niya sa akin ngunit pinagsawalang bahala ko na lang ng hindi na siya nagsalita. Ayaw ko ng makipagtalo pa sa kaniya.
Aalis na sana ako sa harap niya nang bigla na naman siyang nagsimula.
"Hindi mo na ginalang ang sarili mo, Maria. Tingnan mo nga iyang suot mo!" patuloy nitong reklamo at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagdaan nang tingin niya sa kabuohan ko.
Bawat salitang binitan niya ay may diin na para bang gustong mulatin ang aking isipan. Tila gusto niya ring mataaman ang kailalaliman ko at buto. Tagos sa kaluluwa ko ang insultong sinabi niya sa akin. Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi ko makakalimutan kong paano niya pinamukha sa akin na isa akong babaeng hindi kagalang-galang.
"Kuya, tigilan mo na ako," nagsusumamo kong sabi kahit nangingibabaw ang galit.
Ayaw ko nang makarinig pa ng sermon. Gusto kong pagpahingahin muna ang utak ko stress.
Kaya nga ako hindi umuwi sa bahay dahil ang sakit na ng mga tenga ko.
Gusto kong masanay na lang sa mga reklamo nila pero ganoon pa rin naman, apektado pa rin ako.
Hindi ko mapigilan ang sariling masaktan lalo na sa tuwing nakakabig ang pangalan ni Ate Nana sa usapan at ikinokumpara ako sa kaniya.
Para sa kanilang paningin si Ate Nana ang santa na hindi magawang makabasag ng pinggan at ako ang maitim na tupang pilit nilang itinutuwid.
Sa bawat paglalarawan nila sa akin, isa akong tao na sakit lang sa ulo.
Ako ay bunga ng kasalanan kaya isa na ring makasalanang tao dahil minana ko sa mga magulang ko ang kanilang mga pagkakamali.
I felt useless.
Walang halaga sa ibang tao at higit sa lahat ay walang halaga sa pamilya.
I am a disgrace, rebel, maverick, outcast.
"Hayaan mo na lang ako, please. Ayaw kong sumama sa 'yo."
Sa mga oras na 'to ay parang gusto na nitong sumigaw sa galit.
Hindi ba't ako naman ang dapat na magalit sa kaniya?
Umiigting ang mga panga nitong nakatitig sa akin ngunit mas piniling magpigil ng nararamdaman.
Umasta pa rin akong parang walang napapansin kahit na konting-konti na lang ay parang gusto na akong sakalin. Wala rin akong pakialam kahit magalit siya sa akin.
Hindi ako binuhay ng Diyos para i-please ang lahat ng tao.
Kung ayaw nila sa akin ay mas lalo namang ayaw ko sa kanila.
Hindi nga valid sa kanilang lahat ang emosyon ko tapos ngayon gusto pa nilang lahat na sinusunod ko sila. That's really unfair.
"Hindi ko alam kung ano'ng dahilan mo para gawin 'to, pero sana isipin mo na lang si Nana kaysa makipagtalo sa akin," aniya.
Hindi ko pa rin siya pinansin ngunit bigla na lang itong humarang sa dinadaanan ko.
Mukhang hindi niya talaga kayang pigilan ang sariling manghimasok sa buhay ng may buhay.
Ang akala ko nga babae lang ang pakialamira. Nag-upgrade na rin pala, pati mga lalaki ay mas matindi pa.
Tinapunan ko lang siya nang tingin matapos niyang hulihin ang aking pulsuhan. "This is too much!" Kunot noo niyang sabi at salubong ang mga kilay.
Halos hindi ko pa nakitang ngumiti ang lalaking ito.
Kaya mas lalo lang akong nawala sa mood dahil palagi na nga lang itong nakasimangot sa tuwing nagkakaabutan kami sa bahay, pati ba naman ngayon kung kailan wala ako sa tamang huwisyo ay sisimangot pa rin siya sa harapan ko.
Mas mabuti pang umalis na lang siya at hayaan akong mag-isa.
"Hindi ka pa rin ba napapagod sa mga walang kabuluhang ginagawa mo sa buhay mo?!"
Kanina pa ito sunod nang sunod sa akin at walang tigil sa pagpalag. Napakakulit, walang kasing kulit.
Bakas din sa boses nito ang inis at galit lalo na sa tuwing tinitingnan niya ako habang walang tigil sa pagpapaliwanag na kaya ko ang aking sarili.
Hindi na ako bata. Pero pinaparamdam niya sa akin na hindi ako kapani-paniwala.
Lahat sila ay walang tiwala sa akin a para bang hindi ko kayang magpasya para sa sarili ko.
Bawat mga katagang binibitawan ni Gabriel ay para akong sinampal ng kamusmusan.
Kung umasta siya ay para bang wala akong kaalam-alam sa mundo.
At sa tuwing nagtatanong sa akin si Gabriel ay parang hindi naman tanong.
Hindi ko maintidinhan kung ano ba ang pinuputok ng butsi niya.
Kung tutuusin ay hindi ito mukhang nagtatanong dahil mas mainam sigurong sabihin na nagrereklamo ito sa akin.
"I'm sick of this!" Hindi ko mapigilan ang sariling magalit sabay sabunot sa mahaba kong buhok. Mas lalo ko lang ginulo ang ayos ng buhok ko dahil sa pagkakadismaya.
Hindi ko naman kailangan sa buhay ko ang katulad niya lalo na sa mga oras na ito.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang niyang hinuli ang kamay ko nang magkita kami.
Kanina pa kami nagtatalo at kahit ayaw ko siyang patulan, ayaw pa rin akong lubayan.
Walang kasing kulit si Gabriel at hindi na ako magtataka kung bakit napasagot niya si Ate Nana noong nanligaw siya sa kapatid ko.
Parang hindi ito tumatanggap ng salitang "ayaw at hindi."
I hate him. Gwapo lang siya at nakakaakit pero masyado pa rin siyang pakialamero!
Pati sa kaniya ay nasusuklam na rin ako dahil sa pakikialam niya sa buhay ko.
Hindi niya ako obligasyon at responsibilidad ko ang sarili ko.
Hangga't hindi niya naririnig mula sa bibig ko ang pahintulot upang pakialaman niya ako sa personal kong buhay, dapat ay hindi siya nanghihimasok.
I am just nothing to him. Bakit kailangan pang makialam?
At isa pa, ano ba ang naging ambag niya sa buhay ko at kung umasta siya ay parang ang lapit-lapit namin sa isa't isa.
Medyo nahihilo pa rin ako, umiikot ang buong paligid ngunit hindi ko iyon alintana. Ang kaniyang mamahaling pabango ay kabisado ko na ang amoy.
Kahit na pumikit pa ang mga mata ko ay hindi iyon magiging hadlang para hindi ko siya makilala.
Si Kuya Gabriel. As if naman talagang concern siya sa akin!
Nakita niya lang ako sa tabi ng daan na pa ekis-ekis ang lakad. Marahil ay hindi na talaga ako nito matiis.
Lasing ako kahit na tanghaling tapat. Wala naman akong pinipiling oras. Kapag gusto kong uminom, iinom ako, walang makakapigil sa akin. Kahit pa pagbawalan ako ng pamilya ko.
"Maria, tumigil ka na!" Asik niya.
Walang tigil ang pagsaway niya sa akin ng hindi pa rin ako humihinto sa paglalakad.
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay iyong pinapakialaman ako.
Alam ko naman na dadalhin na naman niya ako ngayon at ihahatid sa bahay ng may nakatirang mga perpektong tao.
Napapailing na lang ako habang natatawa. May ganoon bang tao? Meron nga bang perpekto?
Kung umasta sila ay para bang hindi sila nagkakamali.
"Maria, I think you should go home!" may diin niyang sabi sa akin.
Hindi naman ito ang unang beses na nakialam siya sa buhay ko.
Bakit ba kasi pati siya ay nanghihimasok din sa buhay ng may buhay.
"Halika na, let's go home," he command habang hawak nang mahigpit ang aking kanang kamay.
Umiling ako. "Ayaw ko! Ayaw kong umuwi ng bahay!" Pagmamatigas ko sa kaniya.
"Hindi ikaw ang masusunod, Maria!" nangangalaiti nitong ani. "Lasing ka na!"
"Ano bang ginawa ko, Kuya Gabriel? Naghahanap ba ako ng gulo? Hindi naman 'di ba? Kaya kong pwede lang hayaan mo na lang ako! Buhay ko 'to at ito iyong gusto ko... ginusto ko 'to!" inis kong tugon at sinadyang idiin ang huling mga kataga dahil ayaw ko pa talagang umuwi sa amin.
Lahat sila sa bahay ay tinitingnan lang ako na parang taong walang kwenta sa mundo.
Hindi lang nila basta-bastang pinapakita sa akin na wala akong kwentang tao dahil pinaparamdam din nila sa akin kung gaano ako ka walang silbi.
Para akong inutil sa paningin nilang lahat.
Kahit naman hindi ko sabihin kay Kuya Gabriel ngayon ang gusto kong mangyari, alam naman niyang mas higit na gusto ko pang manatili sa kalsada kaysa umuwi ng bahay.
Hinawakan ko ang kamay ni Gabriel na nakakapit sa akin at sinubukan kong tanggalin. Pero wala akong lakas kaya napapatitig na lang ako sa kaniyang mukha.
"Please huwag mo na akong pilitin. Mabibingi lang ako ro'n kapag nandoon ako. Nakakasawa na silang pakinggan. Kahit si Papa ay mas pinapanigan ang stepmother ko kaysa sa akin, Kuya Gabriel," muli kong reklamo. "Kung sabagay, anak lang naman ako sa labas. Kaya normal lang na lahat ng pabor ay mabibigay kay Ate Nana," patuloy kong reklamo at pilit na tinatago ang lungkot na nararamdaman.
Nagtatapang-tapangan ako kahit ang totoo ay matagal na akong hindi buo. Simula ng tumuntong ako sa pamamahay na iyon ay hindi ko na maramdaman ang kaligayahan na nakikita ko sa iba. Hindi ko na nararamdaman ang tuwa.
Nakakaramdam lang ako ng tuwa at saya kapag kasama ko ang mga barkada ko. Pero lahat ng iyon ay panandalian lang, dahil kapag mag-isa na ulit ako ro'n ko masasabi na hindi nga ako mabubuo.
"Ayusin mo kasi ang buhay mo, kung ayaw mong tratuhin ka nila gaya ng iniisip mo," reklamo niya.
Namula ang mga mata ko sa inis. Mas lalo ko lang siyang kinamumuhian ngayon dahil sa mga sinabi niya.
Kahit naman kasi ayusin ko at magpaka-ulirang anak ay wala rin namang mangyayari.
Syempre ginawa ko na rin iyon upang kuhanin ang loob nila. Wala kasi siyang alam! Puro lang siya salita, pero wala naman siyang alam sa lahat ng mga nangyayari.
"Ano ba kasi ang dapat kong ayusin sa buhay ko, Kuya Gabriel? Maayos naman ako, ha! Sa tingin mo nasisiraan na ako ng bait? Kung tutuusin ay sila nga ito ang hindi maayos ang trato sa akin at halata namang kasama ka sa kanila na hinihusgahan din ako. Bakit kaya? Dahil ba nagmula ako sa isang mali at pagkakasala, kaya makasalanan na rin ako ngayon?" inis kong sabi sabay higit ng aking kamay.
Lahat kay Ate Nana na lang, lahat ng pagmamahal ay sa kaniya lang pinapadama.
Para akong tanga dahil hanggang ngayon ay nakatira pa rin ako sa bahay na parang hangin lang ako sa lahat.
"Wala namang may pakialam kung umuwi man ako o hindi. Kung nasa labas ako o nasa bahay lang. Kahit mga katulong ay hindi ako nirerespeto, Kuya. Isa lang ang tingin nila sa akin, isang pasaway at anak sa pagkakasala ng dahil sa ginawa ng aking ama. Pero hindi ko ginustong maging anak sa pagkakamali. Ayaw ko ng buhay ko!" Naiiyak kong sabi pero pinilit kong huwag bumigay. Ayaw kong makita niya ako sa ganoong sitwasyon. Sapat nang maramdaman niyang nasasaktan ako pero hindi ko ipapakita sa kaniya na mahina ako habang lumuluha sa harap niya.
Matagal kong pinag-aralan na kontrolin ang mga luha ko sa tuwing nasasaktan ako. Wala akong pakialam kahit sabihin ng lahat na manhid na ako at matigas ang puso ko.
Pakiramdam ko kasi ay mas lalo lang silang matutuwa kapag nakita nila akong umiiyak. Isa na roon ang stepmom ko.
Ewan ko ba kung ano'ng naisip ng nanay ko at binigay ako sa aking ama.
Ang sabi niya ay nais niya ay maging maayos ang buhay ko.
Gusto niyang mabigyan daw ako ng magandang buhay.
Pero hindi ko naman nararamdaman at nakikita ang magandang buhay na tinutukoy niya.
Lagi na lang akong nakikita sa mga mali kong nagawa. Kapag nakakagawa naman ako ng kabutihan parang hindi naman nila naa-appreciate.
Kaya ano pang silbi ng lahat kung wala namang halaga sa kanila ang mabuti at masama?
Sa paningin nilang lahat, si Ate Nana lang ang magaling at mabait.
"Kaya ka napapagalitan dahil puro ka na lang lakwatsa! Hindi dahil anak ka sa labas. Kababae mong tao ang dami mong bisyo! Hindi ka ba nahihiya?"
Tinakpan ko ang dalawang tenga ko gamit ang magkabila kong palad habang nakapikit ng madiin ang aking mga mata.
Naririndi na ako sa pakikinig ng mga sermon niya.
Nakakapagod makipagtalo dahil wala rin namang maitutulong iyon sa buhay ko.
Wala rin namang saysay kahit na makipagtalo pa ako sa kaniya.
Magbigay man ako ng dahilan, hindi rin niya ako maiintindihan.
Tinalikuran ko siya at balak na sanang umalis nang bigla na lang niya akong hinatak ng pwersahan.
Kinaladkad niya ako patungo sa kotse niya kahit na nagpupumiglas na ako.
Ginawa ko ang lahat para makawala sa mahigpit niyang kapit sa akin.
Nang nasa tapat na kami ng kotse niya, pilit niya akong pinapapasok sa shutgon seat.
Sa ayaw man o sa gusto ko, ihahatid niya ako sa bahay na ganito ang kalagayan ko.
Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw sa galit. Gusto kong magwala at may ilang mga tao na ring lumalapit sa amin.
Nakapaa ako at ang dumi ko pa. Nasira rin ang aking sandalya kaya sa inis ko ay itinapon ko ito sa tulay kanina.