“Deal.”
“Deal?” “Are you sure it's a deal?” Ulit na tanong sa akin ni Nero na para bang hindi makapaniwala sa naging desisyon ko.
Nag-approve ako gamit ang hintuturo ko at tinaas ang aking kilay. Pagod na akong magsalita dahil ang daming rules na pinakinggan ko.
Isa na sa mga rules niya ay ang mga karapatan niya na hindi ko dapat balewalain.
At lalo na ang karapatan niya sa oras na kailangan niya ako. Wala akong karapatan na tumanggi kapag kailangan niya ang serbisyo ko.
At bawat pagkikita at pagpapanggap na gagawin ko ay may katumbas na halaga. Gusto ko lang ngayon ay magpahinga habang nandito pa ako sa hotel.
The ambiance is really good. Binayaran na ito ni Lance at sayang naman kung hindi ko susulitin.
Malapit lang din ito sa bahay kaya rito na ako matutulog. Ako ang bridesmaid ni Ate Nana kahit na labag sa loob ko.
Balak ko ngang sirain ang buhay niya tapos bibigyan niya pa ako ng responsibilidad sa araw ng kasal niya.
Pero kahit tumanggi ako wala na akong magagawa dahil mapilit siya. Kapag nasira ko ang moda sa kasal nila. Tiyak ako na naman ang pagbibintang ni Daddy at pagbubuntungan ng kaniyang galit dahil sa hindi ko pagsipot sa kasal ng paborito niyang anak.
“Are you sure? Payag ka sa alok ko?” Ang binata naman ang nagtanong.
“Oo naman,” walang alinlangan at pagdadalawang isip na sagot ko. “Ang dali-dali lang kaya ng pinapagawa mo. Alam mo bang diyan ako magaling?” Buong kumpiyansa kong sabi. “Mahilig kasi ako sa acting-an kaya lang ayaw ko sa mga audition. Nakakapagod masyado,” mabilis na paliwanag ko. Baka isipin nitong nagsisinungaling ako dahil hindi naman ako naging artista.
Napangiti ang binata sa akin matapos kong ipinangako sa kaniya na mapagkakatiwalaan niya ako at wala siyang dapat na ikabahala.
Ang sekreto ay mananatiling sekreto.
Kaming tatlo lang ang nakakaalam sa nga napag-usapan namin ngayon. Kaya kung meron mang lalabas, sigurado akong wala sa amin ni Nero.
Kaya nga kami magkaibigan ni Nero dahil parehong tikom ang mga bibig namin sa mga lihim-lihim.
Hindi kami iyong tipo ng mga magkakaibigan na kapag nag-aaway ay labas lahat ng baho. Lahit ilang beses na kaming nagtalo at nagkakatampuhan, sa huli nagkakasundo pa rin dahil sa tiwala namin sa isa't isa.
Kung may masama man itong nasabi, alam kong para lang sa kabutihan ko at gusto akong mas mapabuti pa.
“To make it realistic for the two of us. I have one more request for you.”
Salubong ang mga kilay ko habang hinihintay siyang magpatuloy sa pagsasalita. Masyado itong seryoso at wala akong ideya kung ano pa ang pabor na gusto niya.
“Kung hindi kalabisan para sa iyo. Nais ko sanang ipinta ka. Alam ng pamilya ko na mahilig akong magpinta. Ayaw ko lang na may mga pagtataka sila at masabi na nagsisinungaling lang ako para sa mana. I'm sure they will wonder and doubt. Ayaw ko lang na may makita silang dahilan.”
“Pwede naman, pero syempre iba na ang halaga ng talent fee ko. Maliban na lang kung ibibigay mo sa ‘kin ang painting,” biro ko kay Lance.
Nakangiti lang ito sa akin at mukhang naaaliw sa bawat sinasabi ko.
Mukhang mabait naman ito at tama nga si Nero. He is harmless. Mana lang talaga niya ang concern niya.
Mahina ring bumulong sa akin ang kaibigan na wala akong dapat na ikatakot kay Lance kahit kami na lang dalawa ang matira sa kwarto.
Sa totoo lang ay napakagwapo niya. Attractive, hot and sexy. Pwede siyang mag-artista o kahit maging isang modelo. Mula sa pananamit at mga kilos ay halatang amoy dolyares. Kahit mga mata niya ay halata ring may banyagang dugo.
Bakit kaya hindi na lang ito mag-girlfriend ng totoo. Wala pa sana siyang gastos. Masama rin naman kung aakusahan ko itong bakla dahil hindi pa niya sinasabi. Buhay niya iyan kaya wala akong pakialam kahit totoo man ang hinala ko.
Marami na kasing mga lalaki ngayon na akala mo straight pero hindi pala. At kung saan sila masaya, go lang sila nang go. Ang mahalaga masaya sila at walang inaapakang ibang tao. Walang sino man ang may karapatan na humusga.
“Kung ganoon pwede na siguro akong umuwi. Total naman ay nagkakaintindihan na kayo,” paalam sa amin ni Nero.
“Sige, ingat ka sa pag-uwi. Ako na ang bahala rito sa beshy mo,” tugon ko sa kaibigan at bigla na lang akong pinandilatan ng kaniyang mga mata. Napangiti ako bigla sa reaksyon niya. “Huwag kang mag-aalala at hindi ako pumapatol sa same heart ko.” Natatawa ako at ito ay parang gustong maiyak. Akala siguro ni Nero ay aakitin ko ang baklang kaibigan niya. “Ano?” Nagtataka kong tanong dahil hindi ko maintindihan ang mga sign language niya.
“Bukas na tayo mag-usap,” sumusuko nitong sagot at tuluyan ng nilisan ang elegante at mabangong silid.
Nang tingnan ko si Lance ay napakasaya ng kaniyang mukha. Tuwang-tuwa at parang bata na nilibre ng paborito niyang pagkain.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang malaking salamin. Humarap ako ngayon nang nakangiti habang tinitingnan ko ang aking sarili. Walang sino man ang may lakas ng loob na kokontra sa akin.
“Paano ba ganito ba?” Nag-pose ako na parang modelo. “Pwede na ba ‘to?” Seryoso kong tanong dahil ayaw ko naman magmukhang tanga sa painting niya.
“Yeah, that's good.” Sang-ayon nito habang kumikinang ang mga mata. Mabuti pa ang mga bakla na kagaya nila ni Nero ay masarap kasama at kaibiganin dahil hindi marunong magsinungaling.
Kahit ang mga anghel sa langit ay tiyak na sasang-ayon sa taglay kong kagandahan.
Lumayo ako ng bahagya para mas makita ang buong katawan ko.
Bagay sa akin ang simple kong suot. Ano pa kaya kung magsuot ako ng magandang damit?
Kung ano-ano lang naman ang sinusuot kong damit. Depende sa gusto ko at sa moda ko sa bawat araw.
Sa ngayon napili ko kaninang suotin ang maiksing tattered denim short na lagpas ang bulsa at pinaresan ko naman ng crop top na kulay puti.
Nagpapasalamat ako dahil kahit kain ako nang kain ay hindi ako tumataba.
Isa ako sa masuswerteng mga babae na may magandang hugis ng katawan. Active rin ang metabolism ko kaya hindi ako worried sa pagpapapayat.
Sinipat ko rin ang pang-upo ko at napapahanga na lang ako sa ganda ng umbok ng aking puwet.
Tinalian ko ang buhok ko pataas at hindi na inabalang ayusin ang ibang takas na buhok ko.
"You look messy but not ugly," aniya sa looks ko. Kung sabagay ay mas nakakaakit ako kapag ganito nga ang pormahan ko.