Pinipilit pa rin ako ni Gabriel na gumayak para makaalis na kami kaagad.
“Gusto ko rito, Gabriel. Iregalo mo na lang kaya ‘to sa akin. Marami ka namang pera kaya makakabili ka pa ng mas maganda pa kaysa nito,” magiliw na hiling ko kay Gabriel at nag-puppy eyes pa ako sa harap niya, kahit hindi ko alam kung bagay ba talaga sa akin na mag-inarte.
I'm not look like an angel. I just hope that I didn't wake up the demons inside him because for sure he will be annoyed or else I'll be strangled for my stupidity.
First time in my life, ngayon lang talaga 'to nangyari at hindi ko alam kung uulitin ko pa ba ang ginawa ko ngayon na katangahan.
I swear, this is the most embarrassing moment of my life. Ang mag-inarte.
Ngayon lang talaga ako nag-puppy eyes para lang mapapayag siya kaagad ng hindi na kailangan nitong mag-isip ng matagal.
Alam kong masyadong malaki ang hiningi ko sa kaniya, pero nagbabakasakali lang ako at pinagdarasal na sana ay pumayag siya. Mayroon namang himala and I really believe in miracles.
Kahit pa alam ko na suntok sa buwan ang hinihingi ko ngayon sa kaniya.
Well, sino ba namang matinong tao na magbibigay ng bahay na ganoon-ganoon lang.
Ako lang din yata ang bukod tanging tao na may sobrang kapal ng mukha na humingi pa talaga sa kaniya ng ganito kabigat na regalo.
Baka isipin na rin sa akin ni Gabriel na may tiriring ako o kaya naman ay naakyatan ng hangin sa utak.
Natawa ako sa aking naisip but at least hangin lang ang umakyat sa ulo at hindi tae.
Masisira ang buhay ko kapag nagkataon.
“Pretty please,” malambing kong ani at nagpatuloy sa paggamit ng talent ko. Magaling yata ako sa acting.
“What are you talking about?”
“I really like this place.” Kaagad din akong napailing at tinama ang aking sinabi. “No, I don't like it. I love it,” pinal na sabi ko.
Alam ko rin na wala ako sa posisyon para humiling sa kaniya. Sino ba naman ako sa buhay nito?
Natatawa na lang tuloy ako sa sarili ko. Kung makapagsalita ako ay para bang nanghihingi lang ako ng candy sa isang kaibigan.
“Tsk, demanding talaga,” mahina nitong sabi pero narinig ko pa rin ang lahat ng mga sinabi niya. Iritable at mukhang nagpipigil na magwala. "Hindi ba uso sa babaeng 'to na mahiya?" mahina nitong bulong pero umabot pa rin sa pandinig ko.
“Hindi mo na kailangan hinaan ang boses mo dahil rinig na rinig pa rin kita,” saway ko sa kaniya.
“Sanay ka ba talagang manghingi nang manghingi?” inis niyang tanong sa akin at alam kong galit na. Pero hindi naman ako naaapektuhan kahit lampas langit pa ang galit niya sa akin.
Mas cute nga siyang tingnan kapag naiinis siya sa akin. Ang sarap niyang pag-trip-pan.
“Hmmm, kapag gusto ko lang,” wala sa sarili kong sagot. “Ang ganda naman kasi rito kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mamangha. Kung may pera lang akong pambili, bibilhin ko ‘to sa ‘yo,” lakas na loob kong wika kahit alam kong imposible pa rin.
Binili niya ang lugar na ito dahil may pag-aalayan siyang tao at mulat ang mga mata ko sa katotohanan na mapupunta na naman ang magandang bahay na 'to sa babaeng isa sa mga kinaiinggitan ko.
Ang babaeng umangkin na ng lahat at hindi man lang nagtira sa mga gusto kong maging akin.
“Gusto ko ‘tong makapasa akin,” muli kong saad na may puno ng kumpiyansa.
Hindi nito maitago ang reaksyon sa kaniyang mukha at alam kong nabigla siya sa aking sinabi.
Kung sabagay hindi naman kami close sa isa't isa. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito ang reaksyon niya.
“Wala akong pagbibigyang iba at wala rin akong plano na ibenta. Regalo ko ito sa Ate Nana mo.”
“Alam na ba ni Ate Nana ‘to?”
“Not yet,” tipid niyang sagot sa akin. Kahit halatang ayaw niyang makipag-usap sa akin pero sinasagot pa rin ako sa tuwing may tanong ako sa kaniya.
Kahit hindi naman ako nagtatanong ay pinapatulan niya pa rin ako.
“That's great. Akin na ‘to, tutal hindi pa naman alam ni Ate Nana ang tungkol dito,” masaya kong sambit. Ito ang lugar na gusto ko. Kaya hindi naman siguro kalabisan kung gusto kong hingi-in ‘to sa kaniya.
Espesyal para sa kaniya ang lugar na ito, lalo na ang bahay kaya planado na ang lahat para ibigay kay Ate Nana.
Mahirap baliin ang pasya ng isang Gabriel Devon.
“Why do you want to steal everything from your Ate Nana? Are you that greedy?” sunod-sunod na tanong niya sa akin at bakas sa boses niya ang pagkadismaya.
Pero gusto kong buksan ang mga mata niya sa katotohanan. Tutal nasabi na rin nitong sakim ako at matakaw sa mga pagkakataon. Then I will let him know about the reality.
“People are greedy creatures, Gabriel. And there's a reason for greed. You just can't judge anyone without knowing their story. You know what? Not everyone is given a chance and that's life because we can't have everything we want, Gabriel. May mga gusto tayo ngunit hindi naman itinadhana para sa atin. Nakakalungkot lang dahil may gusto ang mga kagaya ko ngunit sa iba naman napupunta. Nakakasakit ng damdamin dahil napaka-unfair masyado ng buhay dahil hindi naman nila iyon inaasahan. Samantalang kagaya ko na may gustong-gusto kong makamit pero pinagkait sa akin ng tadhana at pagkakataon. It's really just luck and if you don't find a way to get what you want. Surely the dream is useless for everyone, Gabriel. And for my own opinion, it's okay to be greedy sometimes because it's really hard to be content in life if you know you're not happy with what you have. I know your a smart man l, Gabriel and I do believe that you understand what's my point,” mahaba kong paliwanag at marami pa akong gustong idugtong pero alam kong nakuha na niya ang gusto kong iparating.
Well he's Gabriel Devon and nothing is hard for him.
“But the secret of being happy is being contented with life at hindi mo pwedeng ipilit ang hindi kaya, Maria. That's life. You have to face reality.”
“Hindi pwede. Iba-iba tayo ng pananaw sa buhay at sa mga pinaniniwalaan, lalo na ngayon na may bago na akong pangarap,” makahulugan kong sabi na nag-iwan sa kaniya ng kuryusidad.
Alam kong naintriga siya sa sinabi ko at tama nga ako dahil hindi niya napigilan ang sarili na magtanong. Halatang ayaw palampasin ang aking tinutukoy. “What do you mean?”
Ngumiti ako habang nakatitig sa kaniyang mga mata. Nagiging kalmado na rin.
“Yes, I have… I have a new dream and you are that dream, Gabriel Devon.” He stares at me waiting for me to continue. “Now that I've dreamed of you, I will get you away from her. Wala akong pakialam kong may masaktan ako at masagasaan, makuha lang kita.”
“You're kidding again,” tugon niya sa akin at natawa pa ng pagak kahit sobrang seryoso naman ng mukha niya.
“I”m serious, Gabriel.”
“Really? Seryoso ka na sa lagay na ‘yan?” sarkastiko niyang tanong sa akin. “I thought it was a joke. Actually, I never thought na kaya mo pa lang magseryoso,” mangha nitong sabi ngunit mga mata lamang nito ang may emosyon.
Ang emosyon ng kaniyang mukha ay wala pa ring pinagbago. Para pa rin siyang matandang binata kung umasta.
"Yeah, I know," mayabang kong sagot at may pahawak-hawak pa ako sa dibdib ko. Feeling proud of myself, though it's very clear that he didn't mean what he said.
Lahat ng yabang ko ay nawala na lang na parang bula ng magpatuloy siya sa pagkokomento.
“Kasi kahit nagseseryoso ka na, kabulastugan pa rin ang mga alam mo,” natatawa niyang patuloy at parang ayaw talagang balak na maniwala na minsan sa buhay ko ay may tinatago rin akong kaayusan sa buhay.
Napamaang akong nakatitig sa kaniyang gwapong mukha.
Seryoso ba ito? Tama ba ako ng nakita o nagmamalik mata lang ako. Si Gabriel Devon tumatawa sa harap ko.
I'm speechless.
Hindi man malakas ang tawa niya pero alam kong totoo ang tawa niya. Hindi peke at hindi rin pilit.
I struggle to recollect my sense. Sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa sarili kong ang isang kagaya niya ay nakangiti sa harapan ko mismo.
Mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko. Nakakapanghina at nakakaakit ang tawa niya. And even though my mind wants to protest, my body gives in.
Oh, Gabriel, kung alam ko lang sana na masyado kang gwapo kapag tumatawa, sana noon pa kita inakit. Makalaglag panty ang tawa nito sa akin, lalo na na kapag lumulunok siya. Ang sexy niyang tingnan.
“Nakakahilo naman ang kagwapuhan mo,” sagot ko and I really mean it. Pero muli na naman siyang nagseryoso.