Chapter 7

1141 Words
Naramdaman ko ang pagyugyog ng buo kong katawan. Pagod kong minulat ang aking mga mata at napangiti ako nang makita ang gwapong mukha ni Miguel. “Hi Kuya, nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na akong tikman?” Maloko kong tanong sa kaniya. “Maria! Hindi kita ginising para sa kabastusan mo. We need to go, gabi na at baka hanapin na ako ni Nana,” suplado niyang sagot sa akin. “Ah, akala ko pa naman, sisimulan na natin ng makarami na tayo.” Sumimangot ako kahit na hindi naman talaga ako malungkot. Gusto ko lang siyang biruin. “Ayaw mo talaga?” tanong ko ulit sa kaniya at walang tigil sa pangungulit. Malay ko at maakit ko siya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nahulog sa katawan ko ang kumot na hindi ko naman ginamit kanina. Umiwas siya nang tingin mula sa akin dahil tumambad na naman ang dibdib kong naninigas ang u***g. “Are you sure? You don't like to suck my breast. Tingnan mo, ang tigas ng n****e ko,” sabi ko sabay turo sa n****e kong giniginaw. “Bastos talaga ng bibig mo.” “Ayaw mo ba? Ang akala ko kinilig ka,” natatawa kong sagot. Halatang hindi siya sa sanay sa mga kagaya kong magsalita. “Manyak lang ang taong kinikilig sa kabastusan!” “Eh, ‘di manyakin mo ako ng kiligin ka naman! Ang hirap kasi sa iyo wala kang kakilig kilig sa buto,” angal ko sa sagot niya. Muli kong hiniga ang katawan ko sa malambot na kutson at wala akong balak na umuwi sa bahay. “Get up! Fix yourself and let's go home,” mando niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Rinig ko ang matunog niyang hininga na para bang inis na inis na ito sa akin. Halatang nauubusan na siya ng pasensiya. Pero sa ayaw ko talagang umuwi. Akma siyang aalis na sa guest room kaya muli ko siyang tinanong. “Aalis ka na? Wala ka talagang balak?” “You're giving me a headache, Maria. So, you should go home before I run out of patience with you,” may diin niyang sabi at nakikita ko sa seryoso niyang mukha ang galit. Gusto kong matawa sa reaksyon niya at iwan ko ba kung bakit gustong-gusto ko siyang bwesitin. Masyado lang siguro akong papansin dahil nasanay akong parang walang lang ako sa kaniya kapag nakikita ko siya palagi sa bahay. Hindi ko naman inisip kahit kailan na nakakatuwa pa lang bwesitin siya. His reaction is priceless to me. It finds me interesting. Kaya minsan ko na ring naisipan noon na baka kung ano-ano na ang mga sinasabi ni Ate Nana sa kaniya para siraan ako. Mga judgemental kasi silang lahat. Kaya hindi rin nila masisisi kung advance akong mag-isip. “I want to stay here for a couple of days. Mayaman ka naman ‘di ba at isa pa kapatid ako ng mapapangasawa mo. Kaya alam kong hindi mo ako matatanggihan. Ibabayad ko na lang sa iyo ang katawan ko para hindi ka malugi sa pananatili ko rito.” Binilang ko ang araw sa mga kamay ko at napagpasyahan kong susulitin ang pitong araw. “I'm willing to make you happy and c*m for twenty four -seven.” Hindi na masana at hindi na rin bitin. Twenty hours and seven days in a whole week. Tiningnan niya ako ng masama at para bang gusto niya akong lumpuhin sa isip niya. “Grabe ka naman kung makatitig sa akin, Miguel. Parang gusto mo yata akong lumpuhin,” natatawa kong sabi at hindi ko mapigilan ang sariling isatinig ang nilalaman ng utak ko. “Kung may balak ka, please lang lumpuhin mo ako sa sarap at hindi sa pahirap,” dagdag kong sabi. “You are a shameless woman!” tangi niyang sagot. “Pangit ba ako? Hindi ba ako sexy?”Muli kong tanong habang nakasimangot ang mukha “You should know! See yourself in the mirror,” nang iinsulto niyang tugon. “See, ikaw ang bastos! Grabe ka kung makalait sa beauty ko. Yes or no lang naman ang isasagot mo pero hindi mo pa magawa! Para mo na ring sinabi na hindi ako kaaya-aya sa mga mata mo,” inis kong reklamo. “Now I understand. Kaya pala hindi kayo nagkakasundo ng Daddy mo. Wala kang galang! Mabait naman sila sa iyo at responsableng tao, kaya hindi ko maisip kung bakit ka pariwara,” prangka niyang sabi at para akong binato sa dibdib ng masali sa usapan ang ama ko. “Because he is not fair!” “He's being fair,” may diin niyang sagot. Sa mga oras na ito parang ang sama kong babae dahil sa paraan ng pagsasalita niya. Ang mga tingin niya ay halatang napakababaw kapag ako ang kaharap niya. “ I'm on his side because I know he is right and he should discipline you,” patuloy niyang sabi. Pinapamukha niya sa akin na dapat lang akong disiplinahin ng ama ko. “Talaga ba? Sa tingin mo dinidesiplina niya ako? Ibang-iba ang salitang dinidesiplina sa salitang husga, Gabriel,” mabilis na sagot ko at hindi ko kayang palagpasin at balewalain ang mga sinabi niya. “Hinihusgahan niya ang pagkatao ko… lahat sila walang pinagkaiba at lalong-lalo ka na!” “Kaya magtino ka, Maria kung ayaw mong hinuhusgahan ka. Be a better version of yourself!” Natawa ako ng pagak sa sinabi niya. Hindi ko alam kung advice ba iyon o insulto. Wala raw akong respeto. Bigyan ko kaya siya ng kambal na sampal with respect. “Nakakapagod kayong lahat pakinggan. Pati ba naman ikaw ay pagsasabihan ako ng ganiyan? Masyadong sweet at sobra akong na touch. Sana naman may bonus ding kiss para hindi nakakainsultong pakinggan ang to be a better person na ‘yan,” sarkastiko kong tugon sabay hawak sa dibdib ko at kunwaring masaya sa sinabi niya. Kahit ano'ng gawin ko. They don't see my worth. Magsasalita pa sana siyang muli pero mabilis ko siyang inunahan. Ayaw ko ng makipagtalo sa kaniya. “Ayaw kong mapagod sa pakikipagtalo sa ‘yo, mabait kong Kuya. Malamig ang kama at pwede nating painitin para makatulog ulit ako sa pagod,” suhisyon ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako ng masama. “Buo na ang pasya ko. Dito na muna ako at kung pipilitin mo ako ngayon. Tatawagan ko si Ate Nana at sasabihin na magkasama tayong dalawa ngayon,” pananakot ko sa kaniya. “Tingnan ko lang kung sino ang paniwalaan niya sa ating dalawa? At kahit ikaw man ang paniwalaan niya. Hindi mo na mai-aalis sa kaniya ang magduda at hindi mo na maibabalik pa ang buo niyang tiwala sa ‘yo, Kuya ko. Magiging lamat na iyon sa pagsasama niyo at baka ma-paranoid si Ate Nana kapag natagalan ka sa pag-uwi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD