Chapter 17

1094 Words
“Makinis ang kutis mo kahit hindi ka masyadong maputi. Mukhang hindi ka dumaan sa hirap,” komento ng lalaki habang seryosong pinipinta ako. Mahaba ang kaniyang mga daliri at maarteng gumagalaw. Men are men. Sa sexy ng mga pose ko mukhang hindi naman siya apektado. Hindi kagaya ng mga lalaking madalas kong nakakasalamuha na walang ginawa kundi landiin ako. Gusto ko lang siguraduhin na bakla nga siya. Lalo pa't nagpapakita ako ngayon ng motibo. Then I confirm. Siguro iniisip din nito kung ano ang gagawin ko sa pera at kung bakit ako pumayag sa ganitong set-up. Wala akong naging komento sa lahat ng mga sinabi niya. Nakinig lang ako at paminsan-minsan ay sumasagot lang ako kapag kailangan. “Malapit na?” Tukoy ko sa pagpipinta niya. Magdadalawang oras na rin akong nakaupo rito sa ibabaw ng kama pero hindi pa rin tapos. Kanina lang ang sigla-sigla ko at kung ano-ano ang mga pose na ginagawa ko. Nahuhuli ko pa itong mahinang natatawa sa mga ginagawa ko. Tapos ngayon ay parang hinigop ang lahat nang lakas ko. Ubos na ubos na lahat ang aking sigla dahil nakakabagot din pala ‘yong ganito. Sa umpisa lang talaga exciting. “Konti na lang.” Tumango ako at naghintay pa. Kung hindi lang talaga ito parte ng pagpapanggap ay titigil na ako. “Matagal na ba kayong magkaibigan ni Nero?” Kuryos na tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang kasi siya nakita. “Classmate ko siya noong high school. Noong mga panahon na hindi pa siya nagladlad.” “Ngayon ka lang niya pinakilala sa akin.” Tumango siya. Bawat galaw niya ay napaka-astig pakinggan. Kung hindi ko lang alam na kaibigan siya ni Nero ay iisipin ko talagang lalaki siya. Ano kaya ang pakiramdam ng may ganito kagwapong mukha pero kapwa lalaki rin ang gusto? Mahirap siguro para sa kaniya dahil sigurado akong ang daming umaaligid na mga babaeng gusto siyang maangkin. But this time hindi na siya basta-basta malalapitan ng kahit na sino dahil nandito na ako. Gagawin ko kung ano ang trabaho ko. “Matagal na rin kaming walang komunikasyon," paglilinaw niya. “Kaya pala,” tipid na sagot ko. Ang simple naming pag-uusap ay nakatulong para makilala namin ang isa't isa. Kahit simpleng mga bagay tungkol sa akin ay tinatandaan niya. Kahit ang birthday ko at ang mga paborito kong pagkain at mga bulaklak ay tinatandaan niya. Ang mga hilig ko at kung saan ako madalas tumatambay kapag masaya at malungkot ako. Sinasabi niya rin sa akin ang mga hilig niya at kung ano pa ang kailangan na malaman ko na pwedeng makatulong sa aming sitwasyon. “Sayang naman. Ang gwapo mo sana,” nanghihinayang kong ani dahil sayang naman kasi kung hindi dadami ang lahi niya. Pero hindi naman ako against sa mga katulad nila. Kung magkakaroon man ako ng mga anak sa hinaharap. Tatanggapin ko ng buong puso, ano man ang kasarian nila at kung ano man ang pagkatao nila. Ang mahala ay mapalaki ko silang may mabuting puso at hindi manhahamak ng iba. Magiging mabait kaya akong ina? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako dahil hindi naman ako naging mabuting anak? Baka magkatotoo ang sinabi sa akin ni Daddy na darating ang araw na mananalamin din ako sa sarili ko kapag tinitingnan ko ang mga anak ko. Kung ano'ng sakit ng ulo ang binigay ko sa kaniya ay ganoon din ang ipaparanas sa akin. Maiintindihan ko pang kapag nandoon na ako sa sitwasyon na iyon. “What did you mean?” Nagtataka niyang tanong sa akin. “I know I'm handsome,” mayabang niyang sagot sa akin habang nakangiti. Napapansin kong palangiti siya at nakakahatak ng mga babae. Kasalanan din naman pala niya kaya nagkakaproblema siya. “Iniisip mo ba na hindi ako mahilig sa mga babae?” “Huh? Oo… ay hindi. Wala.” Umiiling at nauutal kong paliwanang. Nabubulolo at hindi na nagpaliwanag pa. Ayaw ko siyang ma-offend kaya iniba ko kaagad ang usapan. “Malaki ang mamanahin ko kapag nagtagumpay tayo, Maria. Kapag napaniwala ko silang totoo ang relasyon nating dalawa. Hindi magdadalawang isip si Lolo na ibigay sa akin ang parte ko.” “Sigurado ka na ba sa mga plano mo? Baka ipakasal tayo niyan, ha?” Kinakabahan kong tanong dahil ang usapan ay magpapanggap lang kaming magkasintahan. Wala sa usapan ang kasalan. Pagkatapos niyang makuha ang mana ay maghihiwalay na rin kami ng landas. “Don’t worry. Hindi tayo aabot sa ganoon,” paninigurado niya. “Salamat naman kung ganoon.” Nakalma ako kahit papaano. “Ikaw ba may boyfriend na? Baka magkaproblema tayo—” “Don't worry dahil kagaya mo, wala rin ako.” Putol ko sa sasabihin niya. “Ang unfair ba naman kasi ng buhay. Maganda ako pero nauubusan din ng biyaya at ikaw naman gwapo sana pero…” “Pero ano?” “Wala.” Tumawa ako ng alanganin at nakaramdam ng hiya. Natigil siya sa kaniyang ginagawa at hinihintay akong magpatuloy sa aking sasabihin. “Hayaan mo na,” dagdag kong sabi. Hindi ko kasi masabi sa kaniya nang harap-harapan na sayang dahil gwapo siya pero naging bakla siya. Hindi pa kami masyadong close na kagaya ni Nero. Basta ang alam ko, same feather flocks together. Ilang sandali lang ay natapos na ni Lance ang ginagawa. Pero nakakatampo dahil ayaw niyang ipakita sa akin. “Siguraduhin mo lang na hindi ako magmukhang tanga riyan.” Ngumiti siya bilang tugon at sa totoo lang napakagwapo ng ngiti niya. Pantay na pantay ang puti niyang mga ngipin at ang mga mata ay mas kumikinang sa tuwing siya ay ngumingiti. Kung hindi ko lang alam na bakla ang lalaking ‘to, tiyak papatusin ko ‘to. “Baka nakakatawa akong tingnan diyan, ha?!” Nakasimangot kong reklamo. “Wala pa akong obra na hindi maganda. Lahat ng gawa ko ay pinupuri nila,” aniya na hindi naman tunog na nagyayabang. In fairness magaan siyang kasama. Kahit employer ko siya ay hindi ako nakakaramdam ng kahit na kaunting pressure. Kailangan ko lang makasundo ang boss ko para hindi ako kabahan at magmukhang natural ang acting namin. Iyong pakiramdam na pwede pa rin akong maging ako kahit pagpapanggap lang ang lahat na meron kaming dalawa. “Lance, salamat pala, ha? Sa tingin ko magiging good partners tayo,” sinsero na sabi ko dahil maayos kasi ang pakikitungo niya sa akin. Nakatitig lamang siya ngayon sa akin na para bang natulala dahil sa narinig mula sa akin. Ilang saglit lang ay tumango na rin siya at nagpaalam sa akin na aalis na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD