I can't help noticing that he seems to be comfortable with me.
Hindi na naiilang. But there are times that he shows how stuck he is with me, but I knew he meant to keep the gap.
“Kuya Miguel, ayaw mo ba talaga?” Pangungulit ko sa binata habang tinataas baba ang aking mga kilay. Alam kong malapit ko na siyang makuha.
Hindi pa huli ang lahat dahil bukas pa naman ang kasal nilang dalawa. He is still single though may mangyari man sa aming dalawa at least hindi ko masyadong mahila ang kaluluwa ko sa impyerno.
Mas lalong naging masama ang tingin niya sa akin at hindi na nito napigilan ang sarili na pagtaasan ako ng boses.
“Maria! Tumigil ka na!” May pagbabanta na naman sa kaniyang boses. Akala ko tuloy-tuloy na ang pagiging mabait nito sa akin.
Tumuwid ako ng upo at nagsandok muli ng kanin. “Sabi ko nga ‘di ba, kumain na tayo.”
Masarap na bulalo ang isa sa mga putahi na niluto ngayon ni Kuya Miguel.
Noong huli naming pag-uusap, nabanggit ko sa kaniya na namimis ko ng kumain ng bulalo.
Hindi ko naman akalain na iluluto niya ako ng pagkaing nabanggit ko at mas lalong hindi ko inaasahan na naalala niya pa iyon. Para naman kasing hindi siya interesado sa mga gusto ko.
Tahimik kong sinulyapan ang librong nakabuklat malapit sa burner induction cooker.
Hindi ko man tanungin ang binata, sigurado akong recipe book iyon. Bumili pa talaga ito ng mapagkukunan ng kopya para lang mapakain ako ng masarap.
“Kuya Miguel, bakit parang ang bait mo yata sa akin ngayon?” Nagtataka kong tanong. “Bumili ka pa talaga ng recipe book,” dagdag kong sabi.
“I don't know how to cook your favourite dish. I just want to make sure it turns out delicious,” seryoso niyang tugon sa akin.
Kinabahan ako sa seryoso niyang mukha. Mukhang ito na yata ang pamamaalam ko sa kapayapaan ko.
Buong buhay ko ngayon lamang ako naging komportable.
Tapos ngayon para bang may gusto itong sabihin sa akin at naghihintay lang ng tamang timing.
Siguro kaya ito mabait sa akin dahil balak na niya akong paalisin ng bahay niya kaya naman dinadaan niya ako sa mga luto niya.
Pampalubag loob niya siguro ‘to sa akin. Kakainis, mukhang ito nga nga huli kong halakhak.
Gusto kong bumuntong hininga ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Kahit may ideya na ako sa ano mang sasabihin niya. Nagkunwari akong wala akong ideya at sinusubukan na magbukas ng ibang mauusapan.
“Ang sarap naman nito. In fairness, ha! Masarap ang kinalabasan.” Puri ko sa luto niya. “Sana all masarap labasan,” natatawa kong dagdag. “Ang sarap ng sabaw lalo’t mainit pa. Sana all naiinitan,” patuloy kong ani.
“Maria!” may diin nitong saway sa akin at mukhang nauubusan na ito ng pasensya kakasaway sa akin.
“Ano? Masarap naman talaga, eh! Kahit ano'ng sabihin ko nagagalit ka kaagad.” Sumimangot ako. “Masyado ka kasing malisyoso kaya kung ano-ano ‘yang mga iniisip mo.”
“Puro ka sana all. Wala ka ng matinong sinabi.”
“Matino akong mag-isip,” sagot ko at hindi nagpatalo sa kaniya.
Mabigat na hininga ang kaniyang pinakawalan at hindi na muling nakipagtalo pa sa akin.
Hindi na rin ako nagsalita ng kahit na ano. Hindi na rin ako umasa na kikibuin niya ako.
Mainit na ang dugo sa akin ni Kuya Gabriel kahit noon pa man at ngayon naman ay pinainit ko muli ang ulo niya.
Kahit hindi ito nagsasalita ay ramdam na ramdam ko na gusto na nitong pumutok sa inis.
“Kumain ka na, pasensiya kung nawalan ka ng gana dahil sa ‘kin,” hingi ko ng paumanhin. “Ang lambot ng karne, masarap at malinamnam. Salamat,” sinsero kong pasasalamat.
Marami na akong natikman na masasarap na bulalo pero ito ang pinaka-espesyal sa lahat.
Parang niluto na may pagmamahal dahil sa kakaibang sarap. Halatang pinag-igihan.
Naglagay si Kuya Gabriel ng sabaw sa kaniyang kutsara at bawat galaw niya ay nalalantad ang pagiging mayaman.
Nakasunod lang ako sa mga ginagawa niya at pinapanuod ang paghigop niya ng sabaw.
“Sana sabaw na lang ako,” mahina kong anas ng maranasan ko namang higupin niya ng buo. Muli na naman siyang napatingin sa aking pwesto. “Kainin mo iyang karne,” mabilis na suhisyon ko.
“Masyadong malaki ang buto.”
Natawa ako. “Ano naman kung malaki? Hindi mo naman kakainin ang buto. Kukunin mo lang naman ang karne at ‘yang bone marrow,” tukoy ko sa pagkaing mapapakinabangan lang ng binata.
Hindi ba niya alam paano itabi ang buto at tila nahihirapan ito kung paano niya kainin?
Pagkain lang ng bulalo hindi pa alam. Mahirap din pa lang maging mayaman.
Kumuha ako ng malaking hiwa at nilagay sa plato ko. Tinanggal ko ang malambot na karne at ng hindi pa rin ako makontento ay walang alinlangan kong hinawakan sa dalawa kong kamay.
Tiningnan niya ako habang kumakain at hinihintay siyang gayahin lang ako.
“Wow, ang lambot. Natutunaw sa bibig ko ang karne,” nakangiti kong sabi. “Sipsipin mo rin ang utak,” mungkahi ko sa kaniya at tinuro ang pinaka gitna sa buto.
Inulit ko ang aking ginawa at napatigil saglit ng mapansin kong sa bibig ko siya nakatingin.
“May dumi ba ako sa mukha?” Hindi siya tumugon. “Hayaan mo na, kumain ka na lang.” Tiningnan ko ang pagkain niya at saka ako muling nagsalita. “Kung ayaw mo naman sa ulam mo, pwede namang ako na lang ang sipsipin mo dahil mas masarap ako kaysa rito,” pagbibiro ko. Magpoprotesta na naman sana ito nang bigla ko itong inunahan. “Hay nako ikakasal ka na nga bukas, reklamo ka pa rin ng reklamo. Kung ako sa ‘yo, susulitin ko ang huling araw ng pagiging binata ko. Wala ka bang bachelor's party at naisipan mo pang ipagluto ako?” nagtataka kong tanong.
“A friend's prepares for me,” walang gana niyang sagot.
Tumango ako. “Kung ganoon, bakit nandito ka? Kung hindi ko lang alam na mahal na mahal mo ang Ate Nana, iisipin ko talagang may gusto ka na sa akin,” maloko kong sabi at ang mga titig niya ang dahilan kung bakit ako napatigil sa aking pagngiti.