Chapter 18

1224 Words
“Thanks, pinagbigyan mo ako,” masaya at sinserong pasasalamat sa akin ni Ate Nana. Kung pagbabasehan ko ang tuwa sa mukha niya, tila ba walang mapaglagyan dahil nandito ako. “Wala naman akong choice,” mahina kong reklamo at kahit alam kong narinig niya ako, ngumiti pa rin siya at tinugunan ako ng isang masuyo at malambing na yakap. Mukhang totoo naman ang pakikitungo niya sa akin at sa tingin ko ay wala namang halong pagkukunwari. Kaya lang hindi ko magawang ibigay ang buo kong tiwala sa kaniya dahil hindi lahat ng maganda at mabubuti ang pinapakita ay totoong tao. Malas lang talaga dahil hindi naging mabait ang mga pamilya ng Mommy niya sa akin. Iyong Lola niyang panay sulsol sa stepmom ko at si Daddy na walang ginawa kundi ikompara ako sa kaniya. Kaya hindi ko mapigilan ang sariling mainggit at magalit. “Kapag ikinasal ka na, gusto kong nasa tabi mo rin ako,” aniya at hindi ko maiwasan na ikunot ang aking noo. Siya itong ikakasal pero ako ang binigyan niya ng regalo. May maliit na pulang box siyang nilabas sa kaniyang drawer at nang buksan niya ito sa harap ko, kumikinang ang gintong kwentas. “Gusto ko pareho tayong maganda,” patuloy nitong sabi at ito na mismo ang nagkusang nagsuot sa aking leeg. “Hindi mo kailangan gawin ‘to,” malamig na sagot ko. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan sa mundo. Marami pang mas higit na nakakaawa sa sitwasyon ko. Kaya hindi ako basta-basta susuko na lang at magmukmok kahit may dahilan akong magmukmok. Wala rin sa plano ko na lisanin ang mundo dahil sa kawalan ng saysay na mabuhay. Ang swerte naman nila kung susuko na lang ako at i-aalay ang sarili kong buhay para matahimik ang mundo nila. Because no matter how much I wanted to leave this world, I can't. May patutunayan pa ako sa kanila at maghihiganti ako sa lahat ng mga ginawa nilang pangmamata at pang-iinsulto sa aking pagkatao. Ano ba ang inaakala nila? Na sa tuwing sinasabi nilang sakit ako sa ulo at pariwara ay hindi ako nasasaktan? Akala ba nila palalagpasin ko lang iyon ng ganoon-ganoon lang? Kahit naman magtino ako, it seems worthless to them. Kahit hindi nila ako sinasaktan ng pisikal. Pinagmalupitan pa rin nila ang pagkatao ko. Mas gugustuhin ko pang saktan na lang nila ako ng pisikal kaysa kung ano-ano ang mga binabato nilang paninira sa akin. “Ang saya-saya ko, Maria. Finally ikakasal na ako sa lalaking pinangarap ko,” masigla at masaya niyang sabi sa akin. Pilit na nilalapit ang sarili niya sa akin. Kanina pa siya yakap nang yakap sa akin. Pati ang mga makeup artist niya ay nahihirapan na sa kaniya dahil sa kakagalaw niya. Marami pa namang oras kaya hindi ito nag-aalala. Maganda ang panahon ngayon pero nakakalumbay. Sa tuwing may kasayahan na nagaganap sa pamilya nila ay hindi ko magawang ngumiti. Sila lang naman ang masaya at ako ay mas lalong nahuhulog sa hinukay kong inggit. They are all living in beautiful and huge opportunities in life. Mga oportunidad na walang-wala ako. “Hija, you're gorgeous,” papuri ng Lola niya na kakapasok pa lang sa silid. Napakaganda ng ngiti nito sa apo at unti-unting nawala nang makita ako. “La,” may pagsusumamo sa boses ni Ate Nana. Pinipigilan ang kaniyang Lola kahit na wala pa naman itong sinasabi. Isang matunog na buntonghininga ang pinakawalan ng magandang matanda at pilit na ngumiti sa apo. “I'm so happy for you. Tiyak na hindi na makakahintay si Gabriel na makita ka. You are the most beautiful of all the brides that I've ever seen,” she proudly said. “Mas maganda ka pa sa Mommy mo,” dagdag nitong papuri. Namula ang mukha ni Ate Nana dahil sa mga sinabi ng Lola niya. Habang ako ay nakikinig lang at tumabi para bigyan sila ng lugar at puwang na makapag-usap nang maayos. “Thanks, La.” “I'm so proud of you, Hija. Hindi ka naging pariwara and I am happy that the man you will marry was your first and last,” aniya na tila ako ang pinaparinggan. Nakahalata naman ang nakakatanda kong kapatid at sinaway ang Lola niya. “Ate, labas na muna ako,” walang gana na paalam ko sa kapatid. Binalingan ko nang tingin ang matanda at nagbigay galang pa rin kahit na hindi ako nito tinatratong tao. “Ma'am, mauna na po ako sa inyo,” pinal kong sabi. Hindi niya ako pinansin at wala rin akong narinig na sagot mula rito. Humakbang ako patungo sa pinto at lalabas na sana nang bigla akong pinigilan ni Ate Nana. Hawak niya ngayon ang aking braso at ito ang humihingi ng paumanhin sa akin. “Pasensiya ka na,” nag-aalala nitong wika. “I'm fine, hindi pa ba ako sanay?” walang gana at naging sarkastiko ang naging sagot ko sa kapatid. “Hindi mo naman kailangan humingi ng tawad dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan. Sa totoo lang, mas lalo lang akong naiinis sa tuwing ikaw ang nagso-sorry sa hindi mo naman ginawa. Mas lalo lang akong naiinsulto,” tapat na sagot ko. Naramdaman ko ang isang pares ng mga mata na nakatingin sa amin ngayon. Walang iba kundi ang Lola niyang napaka-protective sa apo. Kahit sa akin ay halos ayaw ipalapit si Ate Nana. “Hija, halika na. Huwag mong patuonan ng pansin ang mga taong hindi naman masyadong mahalaga.” “La!” Saway ni Ate Nana. “Mahalaga ang araw na ‘to kaya huwag kang lalapit sa mga malas ng hindi ka mahawa,” patuloy pa rin nitong turan. “Aalis na ako,” pinal kong sabi at hindi na nag-alangan na iwanan sila sa loob ng kwarto. “La naman! Kapatid ko si Maria,” rinig ko ang pagtatalo ng maglola mula sa labas. Pero patuloy pa rin ako sa paghakbang at tuluyan ng bumaba para roon na sala maghintay. Sa mansyon lang gaganapin ang handaan. Bongga ang kasal nila dahil hindi naman siguro papayag si Gabriel na hindi mabigyan ng marangyang kasal ang babaeng pinapangarap niyang makasama hanggang sa pagtanda. Wala pa namang mga bisita ngayon maliban sa mga kamag-anak ng side ni Daddy at ang relatives ng stepmother ko na malayo pa ang pinanggalingan. Kilala naman ako ng both side family. May ibang namamansin at may iba namang hindi. Alam nilang lahat ang kwento ng buhay ko kaya marami ang nagalit sa Nanay ko at nadamay ako. Pero mas gusto ko iyong hindi na ako pansinin kaysa pinapansin nga ako pero halatang napipilitan lang at nakikipagplastikan. Binalewala ko lang ang mga ito gaya ng madalas kong ginagawa at nang makita si Daddy ay kaagad akong nilapitan. “Huwag kang gagawa ng kalokohan. Importante ang araw na ‘to para sa kapatid mo. Hangga't maaari ay iwasan mong uminom para hindi tayo magkaproblema,” payo sa akin ng ama at mabilis pa sa buhawi ang pagtalikod nito sa akin. Wala akong masabi, para akong pinana sa puso at nalagutan kaagad ng hininga dahil sa aking mga narinig. Masakit para sa akin sa tuwing pinaparamdam at pinapamukha nilang lahat sa akin na wala na akong ginawang mabuti. Para akong walang silbi at kulang na lang, sabihin nila sa akin na huwag ng um-attend ng kasal sa paborito niyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD