Chapter 19

1283 Words
Pauwi na kami galing sa simbahan ng malaman kong imbitado rin pala si Lance sa kasal ng kapatid ko. Maraming mga bisita na halatang galing din sa marangyang pamilya. Wala akong nakitang imbitado na pipitsugin lang. “Maria?” Napalingon ako nang marinig ang aking pangalan. May pag-aalangan sa tono ng pagtawag nito sa akin. “Lance?” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Siya nga at mas lalo siyang gumagwapo sa suot niya ngayon. “Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa ginagawa o matatawa na lang,” aniya na natatawa dahil sa paraan ng titig ko sa kaniya. “Naks naman! Ang gwapo mo. Bagay na bagay sa ‘yo ‘yang suot mo,” mangha kong sabi. Hindi halatang lalaki rin ang gusto. Inayos pa nito ang suot at tumayo ng tuwid habang nasa harap ko. “I already know but thanks.” Hindi ako makapaniwala na magkikita kami sa ganitong okasyon. Magpinsan pala si Lance at Gabriel. Ang liit talaga ng mundo. “You're gorgeous. You almost stole the spot from the bride,” sabi niya. “What did you mean?” “Masyadong mapula ang lips mo. Parang ikaw ang ikakasal,” komento niya na siya namang ikinatawa ko. Sa halip na mahiya at mailang sa sinabi niya ay mas lalo lang akong naging komportable na makasama at makausap siya. “Kaya pala ang taray ng both side family ng ikakasal dahil naungusan ko pala ang bride,” mabiro kong sagot. “Sabay ka na sa akin. Doon din naman ang punta ko." Nasasabik na aya niya sa akin. “Ipapakilala na rin kita kay Lolo at sa pamilya ko,” suhisyon niya at pabor na raw ito para hindi na niya kailangan na mag-set ng araw para ipunin ang kaniyang angkan. Aniya ay mas natural ang magiging kakalabasan ng pagpapanggap namin. Sa tuwing nagsasalita siya ay natatawa na lang ako. May sense of humour kasi siyang kausap. “Sige ba,” walang pagdadalawang isip na sagot ko. “Kaya lang mahihintay mo ba ako? May pictorial pa kasi kami rito sa simbahan.” “Ah, ganoon ba?” “Pero mabilis lang naman,” mabilis na pahabol ko at baka magbago pa ang isip. Sa totoo lang ay natutuwa akong nandito siya dahil hindi na ako maa-out of place. Mas gusto ko ring sa kaniya sumabay pauwi ng bahay dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa kotse ni Daddy lalo na at kasama nito ang mga manugang niya na kontrabida sa buhay ko. “I will wait for you then.” Tumili ako sa tuwa at yumakap sa kaniya ng mahigpit. “Beshy na talaga kita,” sabi ko sabay halik sa pisngi niya. Okay lang naman dahil alam kong bakla siya. “Maria, halika na.” Nakangiting tawag ni Ate Nana sa akin. Halatang masaya rin para sa akin. Ang mga mata ay nagtatanong at mamaya ko na ipapakilala ang dalawa sa isa't isa. Suminyas ako kay Lance na magpapakuha lang kami ng litrato kasama ang mag-asawa. Ngumiti siya sa akin at inayos ang takas kong buhok. “Ang sweet naman ng boyfriend ko,” biro ko at alam ko naman na kunwari lang ang lahat sa amin. Tumawa na lamang siya sa sinabi ko. Inalalayan niya ako papalapit sa mga kasama ko at pansin ko ang inggit sa mga mata ng mga babaeng hindi makapaniwalang papansin ako ng lalaking gaya ni Lance. Kung alam lang talaga nilang hindi ako type ng lalaki. Manghihinayang talaga ang mga ito. Maraming pinagawa sa amin ang photographer at matiyagang naghintay sa akin si Lance. Medyo natagalan pa kami dahil parang lutang si Gabriel. Hindi kasi nakikinig ng instructions kaya paulit-ulit kami. “Babe, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ni Ate Nana sa asawa niya. “I'm fine. I'm just tired,” tugon nito at pilit ang mga ngiti. Lalagpasan ko na sana ang mag-asawa para lapitan si Lance. Pero bigla kong narinig si Gabriel na tinawag ako. Hindi na ako nagpaalam dahil ayaw ko naman istorbohin ang dalawa sa sweet moment nila. Pero ito naman ang hindi mapalagay kapag may kausap ako at kasamang iba. “Sumabay ka na sa amin ng Ate mo,” maatoridad niyang sabi. “Huwag na, Kuya. Para sa inyo ni Ate Nana ang araw na ‘to at kayo lang dapat ang magkasama sa kotse. Maliban na lang kung wala talaga akong ibang masakyan,” sagot ko dahil iyon ang sa tingin ko ay tama. Naramdaman ko ang paglapit ni Lance sa akin at walang paalam na pinagsiklop ang aming mga kamay. Mainit ang kaniyang palad, kasing init nang masanag tingin ni Gabriel. “Congratulations, Gabriel,” sinserong bati ni Lance sa pinsan niya. “I wish you all the happiness,” patuloy nitong sabi. “I didn't know that my girlfriend is your wife's sister. What a small world,” dagdag nitong wika. “You're my sister's boyfriend?” Mangha at tuwa ang tanging naging reaksyon ni Ate Nana dahil sa kaniyang natuklasan. “Ikaw pa lang ang kauna-unahang boyfriend ng kapatid ko na nakilala ko, Lance. I can't believe it,” ‘di makapaniwala nitong usal. Mukhang hindi naman yata lingid sa kaalaman ni Ate Nana na pinsan ito ni Gabriel. “Ingatan mo ang kapatid ko, ha? Huwag mo siyang lolokohin,” madamdamin nitong saad. “Magagawa ko bang saktan ang ganito ka gandang dilag?” Tugon niya at in fairness ang galing ng acting-an niya. Parang totoong totoo lalo na ang paraan ng pagkislap ng kaniyang mga mata. Ang pinagsiklop naming mga kamay ay inangat niya at dinala sa kaniyang mga labi. Kinantalan niya ng masuyong halik sa mismong harap ng mag-asawa. Hindi man lang ito nahiya sa mag-asawa at sa iba pang mga tao. Nang ibalik ko ang tingin ko sa mukha ni Gabriel. Parang hindi na maipinta. Hindi ko alam kung ano'ng problema niya at mukhang bad trip na bad trip ito. Naisip ko na baka hindi malapit na pinsan ang dalawa kaya masama ang pakikitungo nito. “Matagal na ba kayo?” Nasasabik na tanong ni Ate Nana sa binata. Mukhang wala yata itong balak na tantanan ang aking kasama. Sasagot na sana si Lance pero hindi na ito nakasagot dahil bigla na namang sumbat sa eksena si Gabriel. “Wala kang sinabing may girlfriend ka na,” walang gana nitong wika at nangingibabaw ang inis sa tono ng kaniyang pananalita. Hindi ko mawari kung may pagtatampo ba ito sa pinsan. Pero sa paraan ng pagkakadiin sa sinabi nito ay para bang may ibang kahulugan. “Hindi ko ba nasabi?” Nahihiyang tanong ni Lance at humingi ng pasensiya sa pinsan habang napapakamot sa kaniyang batok. Napapangiti ako habang nakatitig kay Lance dahil parang totoo talaga ito sa mga sinasabi. Kahit sino ay hindi iisipin na planado ang lahat tungkol sa amin. “Ate, Kuya, baka hinihintay na po kayo ng mga bisita," sabat ko upang umalis na ang mga ito. “Ikaw? Paano ka?” Si Gabriel ang nagtanong. Mukhang hindi naman nakahalata si Ate Nana na concern sa akin ang asawa niya. Nakangiti lang ito at buo ang tiwala sa asawa. God! Mukhang tinamaan na yata ‘tong hinayupak sa akin. Mukhang may naaamoy akong selos. Gago lang at ngayon pa talaga kung kailan kasal na siya. “Nandito naman si Lance. Sa kaniya na ako sasabay. Isa lang naman ang patutunguhan namin,” sabi ko at sinandal ang ulo ko sa kunwari kong jowa. Wala ng nagawa ang mag-asawa ng magpaalam ako. Kahit kitang-kita ko sa mga mata ni Gabriel na kontra siya sa pagsama ko kay Lance. Pakiramdam ko ay gusto nitong magprotesta ngunit hindi nito magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD