Chapter 12

1362 Words
“Let’s eat.” Biglang aya sa akin ni Gabriel habang nangungusap ang mga mata. Natulog lang ako buong araw at hindi ko man lang namalayan na nandito pala siya sa bahay. Kung sabagay bahay naman niya ang tinitirahan ko kaya nasa kaniya ang lahat ng katapatan. Darating siya kung kailan niya gusto. Kaya lang ay napapaisip ako. Wala akong kahit ano'ng saplot pero wala akong natanggap na reklamo. Mukhang nasanay na itong nakahubad lang ako o napagod na siguro ito kakapayo sa ano'ng dapat na gawin ko. Hindi naman siguro kailangan na puntahan ako dahil hindi naman ako si Ate Nana. Hindi ako espesyal para sa kaniya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagbihis mismo sa harap niya. Ilang beses na rin nitong nakita ang hubad kong katawan kaya wala na akong dapat na ikahiya. Ni hindi ko nga maramdaman ang kahit na konting ilang sa pagitan naming dalawa. Ilang araw din siyang wala sa bahay dahil abala ito sa trabaho at syempre dahil rin sa pag-aasikaso niya sa kasal nila ni Ate Nana. Pangarap niya ang ikasal sa Ate Nana ko kaya sinisigurado niyang walang papalya sa espesyal na araw na pinakahihintay nila. Kailan ko ba siya huling nakausap? Na-miss niya yata ang presensiya ko dahil bigla na lang itong lumitaw at dumalaw. At medyo nakakapanibago lang dahil ang paraan ng pagsasalita niya ngayon ay may kung ano na hindi ko magawang ipaliwanag. Suddenly I felt the concern walking by his tone. Nag-aalala ba siya para sa akin? Kung sabagay kapag ikinasal na sila ni Ate Nana wala na akong choice kundi umalis sa bahay na 'to. Ireregalo niya ito kay Ate at natatakot siya na baka magsumbong ako kapag pinaalis ako. Tinatakot ko lang naman talaga siya. Hindi pa ito ang tamang oras para guluhin ang masaya nilang pagsasama. Mabuti na lang talaga dahil hinayaan niya akong makitira sa bahay niya. Kahit labag man sa loob niya ay wala na rin siyang nagawa. Wala siyang laban dahil dalawang beses kong sinubo ang embutido niya. Halata namang nag-enjoy siya sa performance ko kaya ganoon na lang ang takot niya na malaman ni Ate Nana. Ang hindi ko lang alam ay kung hanggang kailangan niya makakayanan na tiisin ako. Paano niya nagagawang magpigil kahit halatang nalilibugan na ito sa akin ng husto? Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman ang kagustuhan niyang maangkin ako. Nararamdaman kong gusto rin niya ang mga ginagawa ko. Talent ko ang mang-akit pero pinapakita niyang hindi siya apektado at wala lang sa kaniya ang aking mga ginagawa. Kahit namamasa na ang kweba ko at nilalawa na kakahintay sa kaniyang patpat. Wala akong magawa kundi ang maghintay at umasa sa wala. Umaasang tuluyan na itong mahulog sa akin at tuluyan nang mahulog sa aking patibong. Malandi kong kinagat ang ibabang labi ko habang iniisip ang pwedeng mangyari sa aming dalawa. Bukas na mismo ang kanilang kasal ni Ate Nana at ako ang kanilang maid of honor. Naglilikot ang aking utak sa mga kababuyan na naiisip ko. Nanlaki rin ang mga mata niya ng mabasa ang nasa isip ko. Sandali siyang napamaang at binigyan din ako ng masamang tingin matapos makabawi. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang aking sarili. I can read the clear malice in his eyes. Konting push na lang, bibigay na siya. “Kakain na pala?” Tanong ko sa kaniya kahit narinig ko naman ang sinabi niya. Tumango siya sa akin bilang tugon at umiwas nang tingin sa akin. Aalis na rin sana pero bigla itong napatigil matapos akong magsalita. “Wait,” mabilis kong sabi dahilan kung bakit siya napahinto sa kaniyang paghakbang. “What?” Walang gana niyang tanong sa akin. Nandito nga siya pero iniiwasan naman ako bigla. Kanina lang ay para itong nang-aakit at kulang na lang sabihin niya sa akin na lapitan ko siya. “Mas masarap sana kung ako ang una mong kakainin,” maloko kong sabi, kahit alam kong hindi niya ikakatuwa ang binitawan kong salita. Pero gaya ng nakasanayan kong reaksyon mula sa kaniya, balewala ulit ako sa kaniya. Tiningnan niya lang ako sa aking mga mata na para bang hindi na bago sa kaniya ang lumalabas sa aking maingay na bibig. Pero mas ayos na rin ito kumpara noong una dahil sa totoo lang ay mas mabait na ito sa akin. Dati ay lagi na lang itong galit at naiinis. Halos ayaw akong pagsalita-in. Minsan nga lang ito naging mabait sa akin. Dinadalaw lang ako para makipagtalo. Kaya madalas ay mas nangingibabaw ang inis ko sa lalaking ‘to. Bakit pa ba niya ako dinadalaw kung wala naman itong ibang gagawin kundi ang pagsabihan at pagalitan ako. Ni hindi man lang ako nito kinakamusta. “Stop seducing me, Maria. Alam mong ikakasal na ako bukas,” may diin niyang babala sa akin at tuluyan na nga akong iniwan sa kwarto. Ano'ng nangyari sa lalaking iyon. Kanina lang mukhang good mood naman siya, tapos ngayon bigla na lang nagsusuplado sa ‘kin. Akala ko pa naman ay matitikman ko na siya. Sinundan ko siya pababa ng hagdan at dumiretso na rin sa silid kainan. Ako na rin ang naghila ng upuan para sa sarili ko katabi nang inupuan ni Gabriel. Nakahanda na ang lahat sa mesa at hindi ko alam kung ano'ng espiritu ang sumapi sa kaniya kung bakit parang ang bait niya sa akin ngayon. Wala namang dahilan para ipagluto niya ako ng hapunan. Kumikislap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin. Nagsusuplado pa rin ito sa akin, pero ibang-iba na kaysa dati. “Bakit hindi ka pa kumakain?” Tanong ko sa binata. Hindi na niya ako kailangan hintayin dahil sanay naman akong mag-isa lang na kumakain. Tahimik lamang siya at hindi na nag-abalang sagutin ako. Nagkibit balikat na lang ako dahil para rin pala akong walang kasama at kausap. Mabuti pa siguro ang multo, nararamdaman ko. “Wow, parang ang sarap naman nito,” puri ko at tinutukoy ang mga pagkaing luto niya. Nakakabingi rin kasi ang katahimikan kaya ako na mismo ang nagbukas ng paksa. Mas natatakam akong tikman ang bulalo na umuusok pa ang sabaw at nagmamantika ang ibabaw. Excited na akong tikman dahil ito ang kauna-unahang beses na pinagluto niya ako ng ulam. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pa siya nag-effort gayong pwede naman um-order na lang. Pero mas pinili kong manahimik na lang at bahala siya kung ano ang kaniyang dahilan. “Masarap nga,” tapat kong sabi matapos kong higupin ang sabaw. Masarap at saktong-sakto para sa aking panlasa. “Mas masarap sana kong ako muna ang kinain mo bago itong sabaw. Mas nakakaadik kaya ako kaysa rito,” nakangiti kong ani at kunwari ay nagrereklamo. Mabilis niyang pinitik ang nguso ko at ito naman ang nagrereklamo. “Magpasalamat ka na lang at pinagluto pa kita. Hindi iyong puro ka reklamo,” saway niya sa akin. Kunot noo ko siyang tinitigan at nagtataka sa kaniyang ginawa. Bigla niyang binuhat ang malaking bowl na siyang nilagyan niya ng bulalo na pinaghirapan niyang lutuin. “Bakit mo inalis sa harap ko?” mabilis na tanong ko sa kaniya. “Ayaw mo ‘di ba?” “Wala akong sinabing ganiyan, sabi ko lang mas masarap ako kaysa riyan,” matapang na sagot ko. “You're starting again, Maria,” muli na naman niyang reklamo. “Kuya, masyado ka namang seryoso sa buhay. Hindi mo nga ako pinapakain ng matigas na hotdog ayaw mo akong pakainin ng luto mong bulalo. Balak mo ba talaga akong gutumin?” maarte kong sabi at hindi ko na maitago ang inis sa aking boses. “Maria!” May pagbabanta sa kaniyang boses. Minsan gusto kong isipin na naaapektuhan ito sa mga sinasabi ko kaya ito nagagalit sa akin. “Puro ka kalokohan. Ayaw mo ba talagang magtino?” inis niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Sa pagkakaalam ko ay matino naman akong babae. Bakit ba kasi palagi niyang iniisip na wala akong ginawa kundi ang magbiro. “Ano na naman ba ang kasalanan ko? Masama bang maging tapat ako sa ‘yo? Sinasabi ko lang naman ang totoo,” nakasimangot kong tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD