Chapter 11

1153 Words
Bumalik siya sa pwesto ko habang dala ang kumot at medyo nagulat ako dahil hindi ko inaasahan ang kaniyang ginawa. Ang akala ko ay proceed na kami sa another level. Muli na naman niyang binalot sa akin ang hawak na kumot sa hubad kong katawan. Panay siya balot sa maganda kong katawan. Hindi ba niya alam na maraming lalaki ang gusto akong hubaran. Tapos babalutin lang niya ako na parang sanggol na ayaw ng magulang na mahamugan. “Really, Gabriel?” ‘Di makapaniwalang tanong ko sa kaniya, pero binalewala niya lang ang tanong ko. “Malamig ang gabi pero hindi kumot ang kailangan ko, Gabriel. Katawan mo ang gusto kong ibalot mo sa hubad kong katawan,” walang alinlangan kong reklamo. Natawa na lang ako dahil sa ginawa niya, ang sarap niya tuloy yakapin. May kung ano kasi sa puso ko na para ba akong hinaplos. Pero pinigilan ko ang aking sarili dahil maraming beses na niya akong tinanggihan. May uso din naman ng kaunti sa akin ang salitang hiya. Napakalambing niya sa akin. Sana una ko siyang nakilala para sana walang problema. Ginulo niya ang buhok ko. “Alam mo ba kung bakit hindi ka masaya?” Napatitig ako sa tanong niya habang nakataas ang isa kong kilay. Ano nga ba? Bakit nga ba? Tahimik akong napapatanong sa aking sarili habang nakikipagtitigan sa kaniyang mga mata. Magtatanong na sana ako nang bigla siyang nagsalitang muli at sinagot ang lahat ng mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan. “Dahil hindi ka nagpapatawad at mas pinili mong maghiganti, kung pwede namang hayaan na lang ang lahat. Subukan mong kalimutan ang nakaraan at makukuha mo ang matagal mo ng inaasam na kapayapaan,” mahaba niyang payo sa akin. Tama naman siya. Ilang beses ko nang narinig ang mga payo na ‘yan. Pero bakit hindi ko kayang gawin? Parang ang dali lang sabihin pero ang hirap naman gawin. Palibhasa wala sila sa lugar ko. Kaya ang dali lang sa kanilang sabihin na magpatawad. Wala silang alam sa buhay ko. “Tama ka naman, Gabriel. Pero marami kang hindi alam at hindi mo rin alam ang pakiramdam na pinagkakaitan ng pagkakataon na tumawa kasama ang pamilya. Alam ko naman na may kaniya-kaniyang problema at kinakaharap na problema ang bawat isa. Pero hinarap nila ang problema nila na may kasamang pamilya. Samantalang ako, mag-isa lang at walang kasama,” tapat kong protesta at nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko. “Sa tuwing masaya ang lahat sa bahay. I feel I'm not belong and I don't know if I really belong,” pinal kong sabi. Natahimik siya sa saglit at tiningnan ako diretso sa aking mga maya at mukhang naiintindihan na ako. “I know it's hard, but believe me that's the only way,” sabi ulit niya. “Besides, they treat you well and that means you belong,” pagpapaunawa niya sa akin. Natawa ako ng pagak bago muling nagtanong. “Sino ang tatanggap sa akin sa bahay na ‘yon? Siguro si Daddy dahil wala naman siyang choice. Kahit ayaw niya hindi niya ma-i-aalis sa akin ang dugo niyang nananalaytay sa aking mga kaugatan. Pero kung may pagkakataon lang siyang humindi, tiyak na hindi niya ako tatanggapin bilang anak niya,” prangka kong sagot kahit sa totoo lang ako lang din ang nasasaktan sa katotohanan na pinapaniwalaan kong alam ko. Nakakapagod na ring dayain ang sarili. Ayaw ko ng papaniwalain ang sarili ko na kasali ako sa pamilya. Iyon ang naging pananaw ko at kahit ano man ang sabihin ngayon ni Gabriel ay hindi na niya mababago ang paningin ko. “But—” “Huwag ka na lang makipagtalo sa akin, Gabriel. Mas mabuti pang tuldukan na natin ang pag-uusap na ‘to.” “I'm sorry.” Sinsero niyang hingi sa akin ng paumanhin. Tumigil na rin sa pangungulit at hindi na nagsalita pa. Mas kailangan ko ngayon ang tahimik na paligid lalo na at hindi nga madali ang sitwasyon ko. Ilang taon din akong nagluksa at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabangon sa kahihiyan ng nagawa ng ama ko at ng nanay ko sa akin. Wala akong kasalanan pero bakit ako iyong pinaparusahan? Bakit naka-move on na sila, samantalang ako naiiwan pa rin? Gumawa lang sila ng bata na para bang hindi inisip na ito ang mas higit na mahihirapan sa sitwasyon at magdurusa. Naikuyom ko ang aking mga palad sa galit at naiiyak na lang dahil walang magawa. Ako kasi iyong talo at ang pagganti lang ang alam kong gawin para mabigyan ko ng kasiyahan ang sarili ko. “Maria,” mahinahon na tawag sa akin ni Gabriel upang gisingin ako sa malalim na pag-iisip. “Magiging maayos din ang lahat,” patuloy niyang ani. “Thanks,” sinsero kong pasasalamat at pilit na tinatago ang lungkot sa pamamagitan nang ngiti. “Thanks for what?” “Kahit papaano may nasasabihan ako at nakakausap,” sagot ko. “Hindi man gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap natin ngayon, pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nakinig ka,” dagdag kong sabi. Ngayon ang mga tingin niya sa akin ay may kakaiba. Hindi na galit at inis kundi awa. Mas gusto ko pa iyong naiinis siya sa akin kaysa ganito. Naninibago ako at hindi ako sanay. Ang pangit pala sa pakiramdam na may nakikita kang tao na nakatingin sa ‘yo tapos kinakaawaan ka lang pala. “Maria, you will always find peace kung magtitino ka lang,” payo niya sa akin. I know he tries to make me feel better. But deep inside my heart, I know I can't. Nawala ako ng matagal na panahon sa buhay na gusto ko na dapat sana ay katapatan ko. Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang sarili ko. Kahit kalahati ng buhay ko ay hindi ko mabuo. Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng mga nangyari noon. Ang nakaraan na pumapatay sa akin nang dahan-dahan. Pero kahit labanan ko ang lungkot ay wala akong magawa para tuluyan nang mabura sa akin ang mga sandaling iyon. Sa bawat araw na gumigising ako sa umaga ay nakikipaglaban ako sa pakiramdam na parang wala akong silbi sa mundo. Iyong pakiramdam na wala naman akong dapat na patunayan dahil matagal na akong wasak at mas mawawasak ako kapag nabigo na naman ako sa aking mga pangarap. Iyong wala kang ibang choice kundi sabihin na lang sa sarili na life must go on. Iyon naman ang dapat ‘di ba? Kahit sa totoo lang ay hindi ko na rin alam ang dapat na gawin. “Sana nandito ka palagi sa tabi ko, Gabriel. Para kahit papaano ay mas magaan na ang lahat,” mahina kong anas at hindi ko alam kung narinig ba ako ng binata. Nagtunog desperada na ako sa naging hiling ko pero nang sinabi ko ang salitang sana nandito siya palagi sa tabi ko, nilunok ko na rin iyong pride ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD