Chapter 20

1444 Words
Naging maayos ang pagpapakilala sa akin ni Lance bilang girlfriend niya sa kaniyang pamilya. Gaya ng unang plano, hindi lang ang Lolo niya ang napapaniwala namin sa peke naming relasyon. Ang ayos ng pamilya nila. Masaya at kitang-kita ang pagmamahalan sa isa't isa. Nakakainggit silang tingnan. Hindi ko maipagkakaila na sana may pamilya akong kompleto, isang pamilya na hindi ko kailangan na ipagsiksikan ang sarili ko sa pamilyang hindi ako tanggap. Pakiramdam ko iyon ang kulang sa akin. Ang magkaroon ng pamilya na nandiyan para sa akin, iyong mamahalin ako kung sino ako. Siguro kung may matino lang sana akong magulang, malamang hindi ganito ang buhay ko. Like other children from broken families, I also dreamed of having a loving mother who will be there to care for me and a father who's there to always support me. At sa usapang ama. Nakatingin si Daddy sa direksyon ko at hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko, mukha itong kinakabahan sa mga mangyayari. Binabantayan nito ang mga galaw at kilos ko. Tila takot na takot na magkamali ako. Kahit ang titig nito sa akin ay may pagbabanta. Mas nerbiyoso pa ito kaysa sa biyenan niyang lagi na lang galit kapag nakikita ako at takot na makasama ako sa mga family gathering nila. Bahala sila kung nakokonsemisyon ang mga ito sa akin. Kasalanan na nila kung nasira man ang araw nila dahil si Ate Nana mismo ang nagpasyang dapat nandito ako. "Bagay kayo," puri ng babaeng pinsan ni Lance sa amin. Parang ito ang kinikilig sa amin ng pinsan niya. Maging ang ina ni Lance at ang ina ni Gabriel ay hindi rin pinalagpas ang sweet moment naming dalawa ni Lance. Kahit may edad na ang abuelo ay nagpaunlak pa rin ito ng imbitasyon dahil kitang-kita naman ang malakas nitong pangangatawan. “Lance, parang nagmana ka sa Lolo mo,” sabi ko dahil pareho sila ng mukha. Kahit may edad na ay makikita pa rin ang taglay nitong kagwapuhan. Siguro marami ring mga babae na nababaliw noon sa Lolo niya. Sayang lang talaga ‘tong si Lance dahil malambot ang puso niya sa mga lalaki. Hirap talaga kapag may pusong mamon. “Marami nga ang nagsabi,” tipid na sagot niya sa akin. Ang lakas talaga ng dating niya, parang 'di bakla. Paano niya kaya nagagawang itago ng kay tagal sa pamilya niya ang totoo? “Sana maging kagaya ako ng Lolo mo kalusog kapag umabot ako sa gano'ng edad,” ‘Di ko mapigilan humanga. “Mabait naman pala ang pamilya mo. Si Kuya Gabriel lang yata ang seryoso at suplado,” natatawa kong bulong kay Lance. Nakisabay rin siya nang tawa sa akin. Ngayon ko lang kasi nalaman na magkapatid ang mga Nanay nila at dahil parehong mga babae ang anak ng abuelo. Mas nilaan nito ang pamana sa mga apong lalaki. Fair naman ang hatian ng mga pamana. Sadyang pinapahirapan lang si Lance. Hiniling ng kaniyang abuelo na bago ito mamatay ay gusto niyang makitang maayos ang kalagayan ng kaniyang mga anak at apo. Ngayong ikinasal na si Gabriel, nais din ng abuelo nito na malagay sa tahimik si Lance. “Do you think they believe us?” Tumango ako. “Oo naman. Ayaw mo na nga bitawan ang kamay ko. Tapos magdududa pa ba sila?” Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. “Lance, pahingi nga ako ng balat ng letson.” Mando ko sa binata. Wala na kasing natira sa plato ko at sa kaniya na lang meron. “Mukhang hindi mo yata maubos,” ani ko sa binata. “Gusto mo ikuha kita?” “Hindi na. Iyan na lang sa ‘yo. Hindi naman ako maarte,” makahulugan kong sagot habang nakangiti. Napamaang pa ito sa kalokohan ko kaya natatawa na lang ako. “O sige.” Nakanganga ako ngayon at hinintay na subuan niya. Natutulala siyang nakatingin sa akin kaya sinaway ko ulit. Kanina pa ito wala sa sarili at kung hindi ko lang alam na bakla siya, iisipin ko talagang nagagandahan siya sa akin. “Subuan mo na lang ako para mas lalong kapanipaniwala,” utos ko at habang nginunguya ko ang balat ng letson ay biglang sumulpot sa tabi ko ang Lolo ni Lance. “Lo, ikaw po pala. Umupo muna kayo,” magalang kong sabi at tatayo na sana pero mabilis niya akong pinigilan. Ang bait kasi ng Lolo niya sa akin. Kahit alam niyang anak lang ako sa labas ay maganda pa rin ang pakikitungo nito sa akin. “Don't bother, Hija. Magpapaalam lang ako sa inyo,” mahinahon nitong sagot sa akin habang nakangiti. “May asikasuhin pa ako kaya mauna na ako sa bahay Lance.” Ang sweet ng Lolo ni Lance, nilapitan pa talaga kami para ipaalam sa amin na aalis na siya. Naging totoo ang lahat ng kinalabasan sa aming pagpapanggap dahil todo bigay ang bakla. Inasikaso ako nito at laging nakaalalay sa akin. “Ako ba hindi mo ipapakilala sa pamilya mo?” Biro naman sa akin ni Lance. “Hindi ko sila close,” nahihiya kong sagot. Ikinuwento ko sa kaniya ang papel ko sa buhay ng mga kinilala kong pamilya. Hindi na ako nahiyang aminin sa kaniya na anak ako sa labas. Malalaman din naman niya dahil kahit walang nagtatanong ay pinangangalandakan ng buong angkan kung sino ako. “Pasensiya ka na, Lance, ha. Ang importante ay naniniwala ang pamilya mo na merong tayo,” nakangiti kong sabi at pilit na tinatago ang hiya at lungkot. “Mukhang mabait naman ang Ate mo sa ‘yo,” komento niya. “Bukod tanging siya lang at sana nga totoo,” tugon ko at nag-aalangan pa rin na paniwalaan na kaya ako nitong tanggapin ng buong-buo. “Nandito lang ako,” seryoso niyang sagot at dama ko ang pagiging sinsero. Medyo naiilang lang ako dahil naging malungkot bigla ang reaksyon sa kaniyang mukha at lalo na ang kaniyang boses. Mahina ko siyang hinampas sa kaniyang balikat sabay tawa. “Ano ka ba? Hindi na kita maaasahan, ‘no! Nandito ka lang naman dahil kailangan mo ang serbisyo ko,” pagtatama ko. “Gayon pa man, masaya ako na nandito ka. Naging mahirap at masakit ang buhay ko sa mga nagdaang mga okasyon. Dama ko ang pagiging iba ko sa kanila, Lance. Ngayon, hindi ko akalain na pwede pa lang maglalaho ang lungkot na nararamdaman ko.” Nagtatanong ang kaniyang mga titig kaya natawa na lang ako. Ayaw kong kaawaan niya ako kaya habang nagkuwento ako sa mga nakaraan ay sinisigurado kong nakangiti ako. “Ikaw pa lang ang kauna-unahang tao na naging kakwentuhan ko sa ganitong okasyon, Lance. Hindi ko naman maimbitahan si Nero dahil baka hindi rin siya pansinin ng mga tao rito sa bahay.” Masaya ang naging pag-uusap namin ni Lance. Napatingin ako sa gawi ng mag-asawa at nagtama ang mga mata namin ni Gabriel. Titig na titig siya sa akin na para bang walang pakialam kahit may makapansin sa kaniyang iba. Ako na naman ang yari nito kay Daddy kapag gumawa ito ng kalokohan. Hindi ako sigurado kung bakit masama ang titig sa akin ni Gabriel. Ang kulay ng kaniya mga mata ay madilim gaya ng langit sa gabi. Ang mapulang labi niya ay madalas naka-isang linya lalo na kapag ako ang kaharap. Sarap dukutin ng mga mata niya. Kahit wala siyang sinasabi alam kong masama ang mga iniisip niya. Samantalang pagmagkasama kami ay binalewala lang naman ako palagi, kahit na ginagawa ko ang lahat para makuha lang ang buong atensiyon niya. Ngayong may pinagkakaabalahan akong gwapong bakla ay saka naman ito titig na titig sa akin na para bang gusto akong hilahin papalayo sa aking kausap. Pasimple kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko matagalan ang masama niyang tingin sa akin. Nagtagis din ang bagang nito nang makita na hindi kailanman binitawan ni Lance ang kamay ko. Nahihirapan na nga akong sumubo ng pagkain. Pero hindi ako nagreklamo kahit na konti dahil alam kung nasa paligid lang ang pamilya ni Lance. “Ano ba ang problema ng lalaking ‘to? Mukha na siyang tanga tingnan,” mahina kong anas. Hinawakan ko ang tinidor gamit ang bakante kong kamay at kunwaring tutusukin siya. Nagpa-sight-sight pa ako para ma-target ko siya sa mata. “Nakakaaliw ka pa lang kasama," sinserong puri sa akin ng binata. “Talaga ba?” Hawak ko ang dibdib ko ngayon at kunwari ay touch na touch ako sa sinabi niya. “Oo.” “Pinapalaki mo naman puso ko.” “Huh?” “Wala. Sabi ko lumalaki na ulo ko niyan kakapuri mo,” tugon ko at hindi na mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD