Chapter 21

1322 Words
“Maria, are you taking my cousin seriously?” He asked me seriously while I was still in the doorways. Parang lumipad saglit ang kaluluwa ko sa katawan at iniwan ako ng walang paalam. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa pagpaparito ng isang Gabriel Devon? Ang akala ko talaga ay magkasama pa rin sila ni Ate Nana. Pero mas naunahan pa ako nitong umuwi sa bahay. I'm not really prepared. Actually, in the past couple days, he has acted very strangely. Hindi ko siya mabasa, hindi ko alam kung ano'ng gumugulo sa isip niya. Ang alam ko may kakaiba, iba sa normal niyang mga kinikilos. Parang may gusto siyang itanong sa akin o gustong sabihin na hindi niya masabi-sabi sa akin. Tila ba hirap na hirap ito sa sitwasyon. Pati ako ay balak na yatang baliwin ng lalaking ‘to sa kakaisip ng mga trip niya sa buhay. Nakakapagod din intindihin iyong pagiging moody niya. Minsan tahimik, may pagkakataon naman na sobrang bait niya sa akin. Iyong hindi mo alam kung ano iyong nakain niya o kaya naman ay nauntog ang ulo niya sa pader kaya biglang bumait. Kung gusto naman nitong magsungit, nagsusungit talaga sa buong linggo. Hinahayaan ko na lang at baka may kabuwanan. “Sumagot ka, Maria!” Natigil ako sa pag-iisip at bumalik sa aking katinuan. Halatang nawawalan na ito ng pasensya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan. Mas kinakabahan ako lalo na nang marinig ko ang walang kabuhay-buhay niyang boses. I'm still in shock. Hindi ko naman akalain na may tao pala sa loob. And now, it's obvious that he doesn't believe my relationship with Lance. “Sa lahat ba naman ng tao na pwede mong maging nobyo. Pinsan ko pa talaga?” Inis nitong tanong sa akin at sobrang sama ng tingin sa akin. Titig pa lang niya ay pilit na akong pinapaamin. “I know he just paid you to pretend! Right? I know this is the job you're talking about yesterday?” Kung makapagsalita ito ay parang tiyak na tiyak siya sa lahat. Kinakabahan man ako sa tono ng pananalita niya, pero hindi ako nagpahalata. Ang dami ko na ngang iniisip sa buhay tapos dadagdag pa siya sa mga iisipin ko. Kapag nalaman niya ang totoo, mawawalan ng bisa ang kontratang pinirmahan ko. Hindi ako babayaran ni Lance kahit na isang kusing. Gusto kong iwasan ang tanong niya para sa akin, pero alam ko ring hahaba lang ang diskusyon naming dalawa. "Mukha ba kaming nagbibiruan lang?" Balik tanong ko. Pilit na tinatago sa kaniya ang katotohanan. Sa lahat ba naman na pwede niya pang maging pinsan, ito pa talagang si Gabriel na masyadong mapagduda sa lahat ng bagay. Paano kung may alam siya sa totoo tungkol sa sekretong pagkatao ni Lance? I continued to pretend even though I wasn't sure. So that I can somehow ease the situation. But he is here and weighing the situation. Hindi ba pwedeng maniwala na lang siya para tapos na ang lahat. Bakit ba kailangan palakihin lahat ng mga bagay-bagay sa buhay? Pagod ako at hindi pa nga ako nakakapagbihis pero ito siya at hindi man lang pumipili ng oras dahil sa panggugulo niya sa maganda kong moda. Kakarating ko lang sa bahay niya, hindi namin napansin ni Lance ang oras. Masarap kasi itong kasama kaya huli na ng mapagtanto kong gabi na pala. Gabriel crosses his arms above his chest. Dumiretso ako nang lakad at umupo sa couch. Pagod kong tinanggal ang suot kong green stiletto na binagay ko sa motif ng kasal at palihim na pinapakiramdaman ang kasama. Sumandal ako sa couch at pinikit ang aking mga mata. I had a long day and I wanted to sleep. Pero ilang sandali lang ay nagmulat akong muli dahil naiilang ako sa pinupukol na tingin sa akin ng aking bayaw. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang madilim nitong mukha. “Ma-isyu ka talaga! Bakit ka ba nandito?” Nagtatakang balik na tanong ko sa lalaki. Kakakasal lang nila ng Ate ko tapos nandito siya ngayon para lang itanong sa akin ang bagay na iyon. Hindi ba makapaghintay ng bukas ang mga tanong niya at sinugod niya pa ako rito gayong dapat ay honeymoon nila ng kapatid ko. “Bakit ang pinsan ko pa, Maria? Sa tingin mo maloloko mo ako?” sunod-sunod na tanong niya. As if naman may pakialam ako sa kung ano ang paniniwalaan niya. “Sa lahat ng tao ikaw lang din ang hindi naniniwala sa relasyon namin,” buong kumpiyansa kong sagot. “What a coincidence?!” “Ano ba ‘yang mga pinagsasabi mo?” “Iyong trabaho mo? Iyan na ba ‘yon?” He asked and still gave me a malicious stare. That question made my heart hurt for some reason. “Gabriel, pwede ba!” Singhal ko at napahilamos na lang sa aking mukha. Nawala na ang galang ko sa kaniya dahil sa kaniyang kapraningan. “Kanina ko lang din nalaman na magpinsan pala kayo. Alangan naman ipagsigawan ko pa sa buong mundo na may boyfriend ako! Ano ako timang?” sarkastiko kong tanong. Masama ang tingin ko sa kaniya ngunit mas matindi ang tingin niya sa akin, kaya hindi ko na napigilan na magalit at mainis. “Why did you treat me like this? Ano ba ang tingin mo sa akin? Pangit at hindi kamahal-mahal?” iritable kong tanong dahil sa totoo lang ay sumosobra na talaga siya sa panghihimasok at pangingialam niya sa buhay ko. Hindi ba pwedeng unahin niya muna ang honeymoon nila ni Ate Nana at hayaan na lang akong magpahinga. “Masyado yatang bumabagabag sa ‘yo ang relasyon namin ni Lance at pinuntahan mo pa ako rito para lang komprontahin ng personal?” He acted very impatient and pissed. Kulang na lang ay magwala siya at basagin ang mga gamit sa bahay niya para ipakita sa aking galit na galit siya ngayon. Dismayado akong nakatingin sa kaniya at parang hindi na ito ang kilala kong Gabriel. Alam kong mabuti siyang tao at sa akin lang siya nagpapakita ng kasamaan. Pero alam ng halos lahat na hindi ito kailanman naghanap ng away. He choose to be calm in the worst situation. Ibang-iba siya ngayon sa kalmado, snob and intelligent man that I knew. Kung sabagay hindi ko naman talaga siya masyadong kilala. Marami pang mga bagay na hindi ko matutuklasan dahil wala akong karapatan. But for now I need to protect myself and the secret that only me and Lance knew. Kapag nabuking kami ay paniguradong guguho ang mga plano ni Lance at mawawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap. Paniwalang-paniwala na ang pamilyang kasama ng binata kanina na may relasyon kaming dalawa. Hindi ko hahayaan na si Gabriel ang sisira sa buhay ni Lance. Dahil hindi ito simpleng mana lang. Pinag-uusapan dito ang kinabukasan ni Lance. “You're making me crazy!” Galit na sigaw ni Gabriel at para na ngang nababaliw. Nakakatakot na siyang tingnan. Parang kaya niya akong kainin ng buhay. “Nakainom ka ba? Bakit parang lasing ka kung umasta?” “This Is all your fault!” Paninisi niya sa akin at hindi ko inaasahan na lalapit siya sa akin at bigla na lang akong hinatak sa kinauupuan ko. “Kasalanan ko na naman? Bakit ba palaging sa akin ‘yong sisi?” nasasaktan na tanong ko at iniinda na lang ang sakit na nararamdaman ko dahil sa higpit nang kapit niya sa aking braso. “Ang dami ko ng problema sa buhay, Kuya,” may diin kong sabi sa huling salita. “Please huwag mo namang dagdagan!” nanginginig kong sabi dahil sa galit. Wala naman akong laban pagdating sa kaniya. Siya iyong tipo ng taong mapilit at hindi titigil hangga't hindi nalalaman ang totoo. Isa lang ang pwede kong gawin para malusutan ko ang sitwasyon na ‘to. Kung galit siya, lalabanan ko rin siya ng galit.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD