Bagot na bagot naman na si Marg habang naghihintay ng reply ng lalaki.
"Ang tagal naman," angal niya habang titig na titig sa screen ng cellphone. Masyado bang hindi siya interesting kausap kaya hindi na ito nagreply.
"Hay naku!" Naiinis na wika saka padapang muling nahiga sa kama niya. "Last message kung hindi ka pa magrereply. Bahala ka sa buhay mo. Kainis!" Aniya saka nag-isip ng itetext na makukuha niya ang atensyon nito.
Maya-maya ay napangiti siya sa ideyang pumasok sa kanyang isipan.
Do you know why I asked you this question, because the first time I saw you. You stole my heart. This is the first time I felt this way. I think, you're the one who destine for me.
May kahabaang type dito saka pinindot ang send. Nangingiti pa siya habang nakatunghay pa rin sa cellphone niya habang naghihintay sa reply nito.
Biglang nagising ang diwa ni Jake ng magvibrate ang cellphone na ginawang i-silent para hindi siya magambala. Muli ay nakita ang hindi nakalihestrong numero.
"Ano na naman,” napipika ng wika nang mabasa ang huling mensahe nito ay napakunot ang noo niya.
"Do she know me?” Tanong sa sarili. Hindi na niya napigilang magreply dito.
Who the hell are you? Do you know me?
Halos mapatalon si Marg ng makitang nagreply ang lalaki. Ngunit nawala iyon ng mabasa ang reply nito. Mukha ngang hindi ito interesado.
Grabe ha. Ang sungit naman. Baka tumanda ka ng wala sa oras. Mas mauna ka pang mamatay sa akin niyan. High blood ka na.
Pang-iinis sa lalaki. Tuluyan na rin kasi siyang nainis dito. "Sungit! Hay naku kung hindi ka lang guwapo. Hay!"
Mas lalong napakunot noo si Jake sa nabasang mensahe.
Who are you anyway?
Reply niya rito.
"Marg," basa niya sa reply ng babae. Nasapo niya ang labi niya. Agad na naalala ang mga ka-bandmate. Maaaring isa sa mga ito ang nagbigay ng number niya sa babae.
Okay Marg. You better rest.
Reply niya upang matapos na. She need a rest sa kondisyon nito.
I can't sleep.
Reply nito sa kanya. Nagpabaling-baling siya ng ulo. Ayaw na sana niyang palawigin pa ang usapan nila pero hindi napigilang tanungin kung bakit ito hindi makatulog.
Why?
Dahil lagi kang natakbo sa isipan ko.
Reply nito sa kanya na kinangiti niya. Saka mabilis na nagreply. Sinakyan nito ang sinagot ng babae.
No wonder why, pagod na pagod ako kasi kanina pa pala ako tumatakbo diyan sa isipan mo.
Pang-gagatong sa punchline ng babae.
Halos kiligin ang lahat ng ugat ni Marg sa huling birada ng lalaki. "Marunong din naman palang sumakay," aniya sa isipan.
Ako ba? Nasa puso mo na ba?
Lakas loob na tenext iyon sa lalaki kasabay ng dalanging sana sagutin nito kahit pabiro lang ng oo.
Matagal bago nakahuma si Jake ng mabasa ang text na iyon ng babae. Muling sumingit sa isipan ang maganda at maamo nitong mukha pero handa na ba siyang muling isugal ang puso sa babaeng alam niyang sa huli ay iiwan din siya.
Hindi ka na nagreply. Wala ba? Wala ba akong pag-asa?
Tila malungkot na reply ng babae sa kanya.
You better sleep Marg. Goodnight. I have patient.
Reply dito upang makatakas sa tanong nito na hindi kayang sagutin dahil maging siya ay hindi niya alam kung ano ang isasagot.
"Margarita,” turan sa buong pangalan ng babae sa kawalan. Muli ay hinanap ang records nito at tinignan iyon.
Nanlumo siya. Bata pa lamang ang babae ay may heart failure na ito. 'Did she try to undergo bypass operation?’ Tanong niya sa sarili.
Natatakot siyang sa muling pagtibok ng puso ay sa babaeng iiwan din siya sa huli. Ayaw niyang muling malugmok gaya ng panahong nawala ang dating kasintahan.
"Bakit hindi mo sinabi?” Nang-uusig na tanong sa kasintahan habang nakaratay ito sa ospital.
Nakita ang masaganang luha sa mga mata. "Dahil ayaw kong pati ikaw ay malungkot. Alam mong iyon ang bagay na ayaw na ayaw kong mangyari ‘di ba?" Pilit na ngiti nito.
"Pero karapatan kong malaman ang lahat ng nangyayari sa'yo?” Giit niya sa kasintahan.
"I just have few days or weeks left babe. Please, I hate to leave you but I have too,” garalgal na boses nito.
Masuyo niya itong siniil ng halik sa labi. "Please, fight for me," bulong niya sa kasintahan.
"I did babe but if this is God's will. So be it," anito na tanggap na tanggap na ang kapalaran.
Nang makitang papikit na ang kasintahan matapos nitong magpaalam na magpapahinga niya ay hindi niya maiwasang ibuhos ang lahat ng sama ng loob. Pagkalabas na pagkalabas ng kuwarto nito ay napasuntok siya sa pader dahilan para dumugo ang kamao niya.
"Bakit si Sheena pa? Bakit?" Impit na iyak hanggang sa aluhin siya ng mga kapatid na kadarating lamang.
"We knows that you’re in hard times. Just calm down," tinig ng panganay nilang si Will.
"Calm down? How?" Bigwas sa mga ito. "Hindi niyo alam ang pinagdadaanan ko?” Aniya sa mga ito.
"Hey! Hindi mo kami kaaway. We're here to console you." Awat ng kapatid na si Lance habang tahimik naman ang bunso nilang si Kiel.
Doon ay nanlulumo siyang napaupo sa sahig ng ospital. "Bro, masakit at mahirap pero maging si Sheena ay tanggap na ang kapalaran niya. Hindi siya magiging masayang lilisan kung ganyan ka. Give her a peace of mind," dagdag na turan ni Liam sa kanya.
Tama ang mga ito. Hindi makakabuti kung makikita siya ni Sheena na malungkot. Gaya ng sabi nito na ang isa sa bagay na pinakaaayaw niya ay ang makita siyang malungkot.
Ala-ala ng kahapong paulit-ulit na naaalala. "Sheena, mahal na mahal kita.” Usal niya sa kawalan.
Nang biglang may tumikhim sa kanyang likuran. Napaayos siya ng upo sa kabiglaan.
"Hi kuya! Busy ka ba?" Tinig ng kaniyang bunsong kapatid.
"Oh Kiel bakit ka naririto?" Mabilis na turan ng makita ito.
"Naririto kasi ang kaibigan ko. Dumalaw lang kaya naisipan kong puntahan na rin kita dahil nandito naman na ako. Mukhang hindi mo pa rin nakakalimutan si Ate Sheena ah," anito na malamang ay narinig nito ang kaniyang inusal.
"Dumadalaw ka sa ganitong oras? Wala ka bang trabaho bukas?" Nababaghang tanong rito. Isa kasing general manager ito ng isang bangko.
"Meron pero—” tigil na wika nito.
"Pero ano?"
Ngumiti ito saka sinabing wala kaya makahulugan ang tinging pinukol dito.
"Tell me?" Pang-uudyon rito.
"Wala nga kuya,” natatawang saad na nito.
"Hulaan ko. Babae noh? Naku, gagaya ka kay kuya Lance. So, tell me?" Udyok pa rin nito.
"Wala talaga kuya,” pilit naman nito kaya hindi na niya pinilit pa.
"Okay. Ikaw ang bahala basta alam mong naririto lamang kami. Hindi man tayo laging nagkakasama eh. You always have our ear to listen. Kaya sabihin mo na," muling banat sa kapatid na kinatawa nito.
Hanggang sa magpaalam ito ay nanatiling tikom pa rin ang bibig nito kaya nagkibit balikat na lamang siya. Malaki na ito at may sarili ng buhay. Tiyak naman na kapag hindi na nito kaya ay hihingi ng tulong sa kanila.
Nang magpaalam ang kapatid ay muli siyang napatingin sa kaniyang cellphone. Napangiti siya ng maalala ang naging palitan nila ng mensahe ni Marg. The girl is adorable and lovable but he is afraid. Natatakot siyang isugal muli ang puso lalo na sa babaeng alam niyang malapit ng mawala.
Margarita's situation need to undergo a thorough medication. Specifically sa isang bypass operation o open heart surgery.
Dahil sa pagod at antok ay nakatulugan niya na sa kaiisip sa sitwasyon ng babae.
Tunog ng kanyang cellphone ang gumambala sa kaniyang pagkakayuko sa kaniyang mesa. Nakalimutan niya na ring pumunta sa mini-sofa niya sa kaniyang opisina. Ganoon talaga ang buhay niya. Kailangang handa kapag may pasyente.
Napakunot noo siya ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hello Ma!" Agad na wika ng makitang ang ina ng tumatawag ng napakaaga.
"Where are you?" Ang tinig nito na nag-aalala.
"Mom? I'm a doctor. As you know, I am in the hospital?" Wika sa ina na hindi na nasanay. Malamang ay nasa condo niya ito.
Kalilipat niya lang sa Maynila at hectic agad ang schedule niya sa ospital. Ayaw man sanang iwan ang ospital na pinaglilingkuran pero nandito ang pamilya ay napapagod na rin siyang every weekend ay kailangan niyang bumiyahe ng apat na oras. Masuwerte nga at ang mga kaibigan ay mas piniling kumuha ng gig sa Pampanga pero dahil nasa Manila pa rin ang business ng mga ito ay madalas siya ang napapaluwas.
"Yes, I know but my God. Hindi ko alam na diyan ka na tumitira anak. Have life! Alas diyes na wala ka pa sa bahay mo," turan ng ina na nagpabalik sa kaniyang diwa.
Napamaang siya. Nabigla talaga siya sa oras dahil buong akala niya ay maaga pa. Ang tagal niya palang nakatulog na nakaupo.
"Okay. Mom, I will be home soon." Aniya saka nagmadaling mag-ayos. Gustong-gusto niya na rin namang humilata sa kaniyang kama.
“You should. Nalipat ka nga rito sa Manila pero tila wala pa ring nagbago.” Sermon pa ng ina.
“Okay mom, I love you.” Turan na lamang saka nagpaalam rito.
Palabas na siya ng kaniyang doktor office ng mabungaran ang dalawang babaeng tila nagbabangayan sa labas ng isang silid.
"Pwede ba? Ayoko dito, mahal dito. Wala akong pambayad," ani ng babaeng nakatalikod na kasuot pa ng ospital gown.
"Miss, sabi ni Sir Kiel dito lang daw kayo at magpagaling," tinig naman ng babaeng umaawat rito.
Napamaang si Jake ng marinig ang pangalan ng bunso nila. Hindi man batid na ang kapatid nga ang tinutukoy ng mga ito ay alam niyang may posibilidad lalo na't naroroon ito kaninang madaling araw.
"Sabi mo diyan sa amo mo. Matapos niya akong lait-laitin at pagtawanan. Tapos tutulong tulong kuno siya. Isaksak niya sa baga niya at sa bumbunan niya ang pera niya." Ani ng babae saka nito akmang lilisanin ang ospital kahit mahina pa ito.
"Hmmmmmm,” tikhim niya upang pukawin ang pansin ng mga ito.
Parehong napatingin sa kaniya ang dalawang babae. Awtomatikong napanganga ang babaeng kanina ay naawat sa kasama.
"Miss, mukhang nanghihina ka pa?" Awat sa papalayo na sanang babae.
Tumingin ito sa kaniya at doon at tuluyang napagmasdan ang babae. Maganda ito at tila hugis puso ang mukha.
"Okay na po ako," anito sa kaniya.
"No! You're not okay," anang dito.
"Sino ka para sabihing hindi ako okay. Katawan ko ito. I'm okay! Intiendez!" Sikmat ng babae sa kaniya.
"I'm doctor Jake Montecalvo. As you heard, doktor ako." Wika. "Hindi ka pa okay?”
"Doktor ka lang. Katawan ko ito kaya alam ko kung kaya ko o hindi," matigas na turan ng babae.
Maya-maya ay tumili ang babaeng kasama nila. "Jake Montecalvo! Naku, ikaw nga ang kuya ni sir Kiel," sambit nito.
Doon ay nakumpirmang ang babaeng kaharap ngayon ang babaeng kakilalang dinalaw ng kapatid kaninang madaling araw. Napangiti siya ng wala sa oras. 'Not bad!' Aniya sa isip dahil maganda ang babae. Matigas nga lang ang ulo.
'Mas maganda naman si Margarita,' singit sa isipan.
"Graveness. Nakikita ko lang sa magazine sa office ni sir ang picture ninyong magakakapatid. Grabe! Hunk kayong lahat," tili pa ng babae.
Na hindi na nito nagawang awatin pa ang babae.
"Aryanna. Wait, Miss Aryanna," sigaw nito sa papalayong babae.
'Aryanna,' ulit sa pangalan nito.
"Nice name,” aniya.
"Ha. May sinasabi ka ba dok," tila nababatubalani pa ring baling sa kaniya ng babaeng kaharap.
"Nothing, I have to go Miss." Mabilis na paalam dito.
"Ma!” Mabilis na wika ni Jake ng mabungaran ang inang pawis na pawis sa ginagawa. "Ma, what are you doing?"
"Nakita mong naglilinis anak. Tell me Jake, ilang araw ka na bang hindi umuuwi dito sa unit mo?" Nababaghang wika ng ina.
Napaisip pa siya at napabilang. "Ilan nga ba?" Bulalas sa kawalan.
"Tignan mo. Hindi mo na rin tanda. Anak naman, hindi na lang puro trabaho at banda ang inaatupag mo. You’re 28, 29 or 30.Get life. Kailan ang huling girlfriend mo. It was Sheena right? That was two years ago." Mahaba-habang saad ng ina.
"Ma, you know that I am not yet ready.”
"Ready? Kailan pa?" Gagad nito.
Lumapit sa kaniya ang kaniyang mama at hinawakan nito ang magkabilaang braso niya.
"Anak kita, I want you to be happy. Enjoy your life. Ang pera marami iyan pero ang oras na lumilipas ay hindi mo na maibabalik pa kahit anong gawin mo. Sheena was gone. I know she will be happy if you bring back the same Jake she used to know." Paliwanag ng kaniyang butihing ina.