bc

Montecalvo Sibling:JAKE The Rockstar Doctor

book_age16+
18.9K
FOLLOW
85.8K
READ
aloof
band
doctor
drama
bxg
witty
city
office/work place
childhood crush
illness
like
intro-logo
Blurb

Jake Montecalvo is a doctor by profession but a rockstar by passion. He’s a part of a boyband called SHADOW. He's the guitarist and sometimes a vocalist. He has the look that every girl wanted to be. A profession that can save a life of every patient. He is a certified hunk but a certified snub as well.

Margarita Moran Morada, a fresh graduate of Dela Salle University with a high honor as Summa c*m Laude. She's beautiful and famous as a typical rich girl. She's naughty and adventurous. She live in fame and luxury but she remain so thoughtful and down to earth. A young woman who suffered a lot from her sickness.

Sa pagtatagpo ng kanilang mga landas. Uusbong ang pag-ibig ngunit paano ka iibig kung hindi mo kayang magmahal dahil sa iyong karamdaman. Papaano mo ipaglalaban ang pag-ibig mo sa babaeng iyong pinakamamahal kong ikaw na doktor ay wala nang magawa.

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
Isang nakakabinging ingay ang pumailanlang sa bulwagang iyon hudyat nang pagsisimula ng isang masaya at maingay na gabi sa lahat nang naroroon sa bar na iyon. Hiyawan ng mga kababaehan ang pumapaimbabaw at sa may kalakihang entablado ay naroroon ang bandang Shadow. Lahat ng membro ay walang itulak kabigin sa mga ito. Lahat may angking kaguwapuhan at karisma. Isa na doon si Jake Montecalvo. Napakahusay nito habang ginagawa ang ilang stokes sa electric guitar na hawak nito. Muling sumigabo ang hiyawan nang mga kababaihang naroroon nang magsimula ng kumanta ang lead vocalist ng banda. "Sitting here wasted and wounded at this old piano," panimulang kanta ng lalaking kasing guwapo ni Tom Rodriguez. Idagdag pa ang magkabilaang biloy nito sa tuwing nagsasalita. Muling sumigabo ang hiyawan ng mga kababaihang naroroon. Mas lalong nagwala ang lahat nang magsimulang maging maingay ang buong paligid. "About love, the truth, what you mean to me and the truth is. Baby you're all that I need. Yes! Join with us!" malakas na sigaw nito. Bungad nito sa kanyang bed of roses ni Bon Jovi. Napakalamyos ang tinig nito at tila lahat nang sangkababaihan na naroroon at isama na ang sangkabaklaan ay tumitili sa pagtugtug ng mga ito. "I love you, guys!" malakas na sigaw ng isang babae. Napalingon silang lahat at nakita roon ang isang magandang binibini. Nang marating ang korus ng kanta ay halos sumabay pa nang kantahin na nila ang korus. Nakakabingi na ang sumunod na mga pangyayari. Lahat ay masaya maliban kay Jake. Naroroon siya hindi magsaya kundi upang kahit papaano ay mawala ang pait nang kanyang nakaraan. Nakaraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan. Dalawang taon na palang wala ang kasintahang si Sheena. Naalala pa niya ito nang una silang magkakilala sa isang outreach program. Hanggang sa muling nagkrus ang landas nila when they invited his band to perform sa isang pista sa Bulacan nang makilala ito. She's the city mayor's daughter at isa sa mga hurado ng patimpalak sa gabing iyon ng pista. Masasabi niyang na-love at first sight siya dito. Mula nang makita ito ay hindi na niya tinigilan hanggang sa naging sila. Siya na siguro ang pinakamasayang lalaki sa mundo ng sagutin siya nito. Walang pagsidlan ang saya. Sheena was pretty, classy and smart. Kapag kasama mo siya ay hindi ka mabo-boring dahil marami itong alam. Kahit medyo mahiyain ito pero kapag nahuli mo na ang kiliti ay madaldal din ito. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na may leukemia pala ito. Sakit na nilihim nito sa kaniya. He was terrified when he found out. Nasa terminal stage na ito ng malaman niya. Wala siyang nagawa ng tuluyang agawin ito ng kanyang sakit. Napakasakit sa kanya bilang doktor na nagagawa niyang isalba ang buhay ng iba pero ang buhay ng babaeng pinakamamahal ay wala siyang nagawa. Mula noon ay halos mapabayaan na niya ang kanyang sarili. Ang dating malinis na malinis tignan ay naging rugged. Humaba na rin ang buhok niya hanggang balikat na parang babae. Tila nawalan siya ng ganang mabuhay dahil sa pagkawala nito. Kung hindi lang marahil sa kaniyang mama ay sumuko na rin siya. Ayaw niya kasing makitang nasasaktan ang ina dahil batid nilang magkakapatid ang sakit ng pinagdaanan nito ng iwan sila ng kanilang ama. Napasok pa rin naman siya sa trabaho ngunit hindi na kagaya ng dati. Tila nawawalan na rin siya pagkagusto sa propesyong pinili. Siguro ay pumapasok na lang siya sa ospital dahil alam niyang may pasyente at iyon lang iyon. Nagpapahinga na sila para sa huling set nila sa gabing iyon sa bar ng bulabugin siya ng vibration mula sa cellphone sa kanyang bulsa. Agad na tinignan iyon. Nakita sa screen ng mobile ang salitang emergency na ibig sabihin ay galing sa ospital ang tawag na iyon. "Hello?!" aniya. "Dok si Dindin po ito. Dok may emergency po kasi dito. Wala pong doctor on duty. Alam kong malapit lang ang bahay mo rito. Please dok may tinakbo po kasing dalaga rito. Nagwawala na iyong ama," tarantang wika nang nurse habang naririnig ang sigaw ng isang lalaki sa background nito. Agad siyang nagpaalam sa mga ka-banda at agad na sumibat. "Okay, Dude. That's life, this is just rock. Go for it. Save that lady," tudyo pa ng mga ito sa kanya. Mabilis ang ginawang pagpapatakbo. Masuwerte na lamang dahil wala nang trapiko sa ganoong oras. Nang makarating sa ospital ay hindi na siya nag-abalang maghilamos man lang. Agad na sinuot nag doktor gown niya at tinungo ang emergency room. Doon ay nabungaran ang pag-asawang nag-aalala habang nasa labas ng emergency room. Nabigla pa ang mga ito ng makita ang hitsura na. Hindi na siya nagtaka dahil sa kapal ng kanyang eyeliner. Nakipagtitigan muna siya sa mga ito at tumuloy na sa loob. Kita niyang nilalapatan ng mga nurse ng ambo bag upang patuloy ang paghinga nito. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng pasyente dahil sakop ng ambo bag ang ilang bahagi ng mukha nito. Mukhang mayaman ito halata sa kinis ng balat at kaputihan nito. "How's her vitals," agad na tanong kay Dindin. "Her temperature was bit low as normal dok as well as iyong dugo niya. Na-assist ko na ang parent niya. They said na may coronary heart disease ang kanilang anak," bigay alam nito. Agad siyang napalingon sa pasyente sa nalamang kalagayan nito. Nang itinapat ang stethoscope sa dibdib nito ay naramdaman ang pagpintig nito. Nakitang medyo nag-stable na ang kondisyon ng babae. Sa mga ganitong cases o sakit. Bawal sa kanila ang lahat ng sobra. Bawal ang sobrang masaya, lungkot o di kaya ay ma-stress. Nang mag-normalize na rin ang breathing nito ay tuluyan nang tinanggal ng isang nurse iyon at tumambad sa kanya ang mala-anghel na mukha. Napalunok siya ng mapagtantong isang diyosa ang nasa harap. Ang mga mapupulang labi at pisngi. Bilugan ngunit medyo singkit na mga mata. Sa dalawang taon na wala ang kasintahang si Sheena ay never na siyang humanga sa ibang babae. Ngunit kakaiba ang hatak sa kanya ang bagong pasyente. Tinitigan niya muna ito. Habang tinuturukan nang nurse ito nang pampakalma upang hindi ma-trigger ang sakit nito. Nang makitang nahihimbing na ito ay lumabas na siya. Agad siyang dinaluhan ng kanina pa naghihintay na magulang nito. "Dok, kumusta po ang lagay ng anak ko?" agad na gagad ng babae pagkabukas pa lamang niya ng pintuhan. "So far, she's getting okay," aniya sa mga ito para hindi na mag-alala pa. Nakitang medyo kumalma naman ang mga ito sa narinig buhat sa kanya. "May coronary heart disease po pala ang anak niyo. Is she aware of that?" tanong sa mga ito. "Yes dok," turan naman ng ginang sa kanya. "Okay, that’s will be better for her kasi maiiwasan niya ang mga bawal sa kanyang gawin," aniya. Kinabukasan ay alas sais pa lamang siya na naroroon na at nagra-round sa bawat pasyente niya. Hinuli niya ang babaeng kararating lang kagabi. Kumatok muna siya bago pumasok. Nakitang naroroon pa rin ang mag-asawa at matamang binabantayan ang kanilang anak. "Good morning po," magalang na turan sa mga ito. "Check ko lang po siya kung okay na siya," aniya sa mga ito saka lumapit siya sa babaeng nakahiga. Muli ay nabighani siya sa ganda nito. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil maganda ang Mama nito at gwapo din ang ama nito. Kinuha ang maliit na flashlight at tinapat iyon sa mata nito habang hawak paitaas ang talukap ng mata nito. Medyo naaalimpungatan na si Marg nang biglang may tumapat na nakasisilaw na bagay sa kanyang mata. Nabigla siya kaya agad na napadilat at nakita ang lalaking mahaba ang huhok, may makapal na eyeliner at nakasuot ng puting gown. "Daddy! Mommy,” iyak niya sa takot sa nakikitang nakatunghay sa kanya. Bahagya pa siyang umurong dahil sa kabiglaan sa kung ano o sino ang nasa harap? "Anak, calm down. Nandito lang kami," agad na dalo ng Mama nito. Nakita niyang muling lumingon sa kaniya ang babae hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Tumagal din ang pagkahinang ng kanilang mga mata ng pukawin sila ng tinig ng Mama nito. "Nothing to worry. Siya ang doktor na tumingin sa'yo kagabi," wika ng ina. Sa sinabing iyon ng ina ay muli siyang napatingin sa lalaki. Hindi niya akalaing doktor pala ito. Masusi rin niyang pinagmasdan ito. 'Sayang guwapo sana pero hindi bagay ang mahabang buhok,' aniya saka palihim na nangiti. Nang maya-maya ay isang katok ang narinig sa pintuhan at sumilip ang isang nurse. "Dok Jake. Emergency," ani nang nurse. Nakitang agad na tumayo ang lalaki at tinungo ang pintuhan ng kuwarto nila. Matapos magpaalam sa magulang niya ay mabibilis ang mga yabag na narinig. "Dok Jake," ulit sa pangalan ng doktor. Ewan ba niya ngunit tila nabasa sa mga mata nito na may malalim na pinaghuhugutan nito sa ginawang pagpapahaba ng buhok at makapal nitong eyeliner. Kinabukasan ay stable na ang kondisyon ni Marg kaya minabuti na nilang umuwi. Galing sila sa Bataan kung saan nakidalo silang pamilya sa kasal ng pamangkin ng ina ng bigla siyang atakihin ng sakit niya sa daan. Malapit na sila sa Manila noon. Nasa bandang Pampanga na nang bigla ay makaramdam siya ng paninikip ng dibdib kaya pinunta agad siya ng mga magulang sa pinakamalapit na ospital. Ginala-gala ang tingin kung makikita ba ang doktor na umistima sa kanya kagabi ngunit hindi niya ito makita. 'Maaaring off duty,' aniya sa sarili dahil may namataang ibang doktor doon. Maliit lang ang pampublikong ospital na iyon kaya mabilis na ginalugad ang lugar ngunit wala talaga ito. At nang makakita ang nurse ay agad na nagtanong. "Ah, miss pwede po bang magtanong?” Alanganin niyang wika sa nurse na abala sa pag-aayos nang gamot na nasa hawak na tray. "Ano po iyon,Ma'am?” magalang na tugon naman nito. "Nandito po ba si Dok Jake?” Pag-uulit niya sa pangalang binaggit ng isang nurse kagabi ng tawagin ito. "Ah si Dok Jake. Kaaalis lang po ma'am. Wala po kasing tulog si dok. Katatapos lang niyang lapatan ng paunang lunas iyong emergency kahapon. Grabe nga po akala namin mamamatay na iyong pasyente dahil talagang bumaba na lahat ang vital signs at nag-flat na pero hindi sumuko si Dok," pagkukuwento pa nito. Tapos nang mapansing natitigilan siya ay muli itong nagsalita. "Naku, Ma'am sorry. Daldal ko noh," nagihiyang wika. Ngumiti naman siya rito. "Hindi. Okay lang." "Bakit niyo po ba hinahanap si dok?" "Ah-eh,” aniya na inaapuhalp ang ikakatwiran. Bakit niya nga ba hinahanap ito. "Ah okay. Magpapasalamat sana ako. Oo iyon magpapasalamat," aniya na tila kinukumbinsi ang sarili na iyon talaga ang tunay na dahilan. "Mamayang hapon po ulit ma'am siya paparito," anito saka na nagpaalam sa kanya. "Miss?” muling tawag dito. "Yes, Ma'am. May kailangan pa po ba kayo?" "Ah, pwede po ba malaman ang buong pangalan ni dok?" nahihiyang tanong rito. "Ah, nandoon po sa ospital chart namin sa reception. Jake Montecalvo po," tugon naman nito. Nang makaalis na ang nurse ay napangiti siya. "Jake Montecalvo," paulit-ulit na turan sa isip. "Montecalvo, sounds familiar," aniya sa sarili. Nasa apartment na siya nang muling sumingit sa isipan ang imahe ng babaeng pasyente kagabi. Kahit antok na antok siya ay nasingit pa rin sa isipan ang hugis puso nitong mukha. Ang manipis at mamula-mulang labi nito. Muli ay naalala kung ano ang reaksyon nito nang makita siya. Sa pagkakataong iyon ay napatingin siya sa salamin. "Pangit na ba ako?" natanong niya sa sarili. Sa reaksyon kasi ng babae kagabi ay tila nakakita ng multo na takot na takot. Sabagay sino ba naman kasing hindi matatakot sa hitsura niya sa makapal na eyeliner niya idagdag pa ang mahaba niyang buhok at naka doktor gown pa? Buti nga at hindi siya napagkamalang white lady nito. "Margarita Morada," sambit sa pangalan ng babae. Ayon iyon sa impormasyong binigay ng magulang nito at napag-alamang taga Manila ang mga ito at hindi sa Pampanga. We’ll siya man ay sa Manila rin pero mas piniling manilbihan sa probensiya lalo sa maliit na ospital na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.0K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.3K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
508.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook