Ngumiti siya sa kaniyang mama. Saka niyakap ito ng mahigpit. It’s been a long time na hindi iyon nagagawa rito.
"I love you Ma."
"I love you too son. Mula ng mawala ang inyong papa ay ako na ang nagtaguyod sa inyong apat. I know when you’re sad or not. Looking at you, I know you still recovering from Sheena's death but son. Hindi naman gugustuhin ni Sheena na maging single ka hanggang pagtanda mo," pilit na ngumiti ang ina saka siya hinaplos sa pisngi niya.
Muli itong bumalik sa ginagawa. Ngunit muli ring nagsalita.
"Do you remember the guy who help me before? Noong panahong palagiang sinusugod sa ospital ang inyong ama at napabayaan na ang kompanya?” Tanong ng ina.
Napakunot noo siya at pilit inalala ang tinutukoy nito.
Doon ay sumingit sa alaala ang lalaking minsang kausap ng ina sa bahay nila. He was 13 or 14 at that time.
"Bakit Ma?" Agad na tanong rito. "Don't tell me nanliligaw sa'yo?" Pambibiro rito.
Tumawa naman ang kaniyang ina. "Sayang nga eh. May asawa pa!" Panggagatong naman nito saka muling tumawa.
"What about him Ma?" Seryoso nang wika ni Jake.
"Sabi niya kasing may sakit ang nag-iisang anak. Pupunta ng Singapore para doon mag-ojt for two weeks. Hindi masasamahan ng mag-asawa dahil hindi pwedeng magtravel abroad pa ang asawa nito dahil kaoopera lamang. They're looking for someone na titingin sa kaniya. Iyong may alam na rin kaya naisip kita para makapagbakasyon ka na rin," turan ng ina.
"Ha? Bakit ako Ma?” Sabad rito.
"Anak, please do it for me? Nasabi kong may anak akong doktor. At nakapangako na ako sa kanila. So please anak. Do it for me. Kahit ngayon lang,” tila batang naglalambing ang ina.
Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan nito.
"Kailan po ba Ma? Para maayos ko ang schedule ko," aniya rito.
"Yes!" Pagbubunyi ng kaniyang ina. He is happy looking at her mom happy.
"Anak naman, ‘di ba sabi ko ngayon ang flight mo? Bakit hindi ka pa nag-aayos ng mga gamit mo?” Natatarantang wika ni Helen sa anak na si Jake.
"Ma, chill. I have 5 hours to fix things. Okay?" Awat dito.
"Hay naku! Hanggang ngayon ba naman ay mahilig ka sa last minute? Baka maging lovelife mo niyan eh pang last minute na rin?” Bwelta ng ina sa kaniya.
Tumawa na lamang siya at mabilis na inayos ang kaniyang dadalhin.
Nagprisenta pa talaga ang ina na ihatid siya sa airport upang makilala na rin daw nito ang anak ng kaibigang matagal nang hindi nakakausap mula ng mamatay ang kaniyang ama.
Pagkarating sa airport ay agad nilang hinanap ang mga ito sa sinabing kinaroroonan ng mga ito.
"Hayan Iho. Nakakahiya sa kanila? Hinintay pa yata tayo?” Angal ng ina.
"Relax Ma. May two hours pa bago ang flight. Nasaan daw po ba sila banda?” Aniya rito upang hindi na muling manisi ang ina.
Nasa loob na sila ng terminal 3. Mabilis nitong ginala ang tingin at nakita ang mag-asawang nakaupo.
"Hayon sila?” Turo ng ina at mabilis na pinuntahan ang kinaroroonan ng mga ito.
"Ouchhhh! Ouchhhh!" Ani ni Marg habang pilipit ang paglakad papasok sa CR. Ihing-ihi na talaga siya.
Buti na lamang at walang gaanong tao kaya mabilis siyang nakapasok sa isang cubicle.
"Oh thanks God. Malapit nang pumutok ang pantugan ko doon ah," bulalas niya ng maginhawaan.
Nang matapos ay mabilis siyang nag-ayos at bumalik sa kinaroroonan ng kaniyang mga magulang. Hinihintay daw kasi nila ang anak ng isa nilang kaibigan na sasama sa kaniya sa Singapore.
Mabuti na rin iyon para may kasama siya. Mabibilis ang mga hakbang at saktong nasa harap na siya ng magulang ng makitang may kasama na ang mga ito at nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino ang lalaking kasama ng isang ginang na kausap ang mama niya.
Maging si Jake ay nanlaki ang mata ng mapagsino ang babaeng palapit sa kanilang kinaroroonan.
"You?”
"Ikaw?”
Sabayang pang bigkas nila na umagaw sa pansin ng kani-kanilang magulang.
"Magkakilala kayo anak?” Ang mama ni Jake ang unang bumasag noon.
Natahimik si Jake.
Samantalang napangiti si Marg. 'Tignan mo nga naman ang pagkakataon,' aniya sa isip saka ngumiti ng ubod tamis.
"Is she the one—” putol na wika ni Jake.
"Yes Iho. Grabe ang ganda-ganda mo Iha," puri pa ng ina sabay hawak sa dalawang palad ng bagong dating na dalaga.
Aangal pa sana si Jake sa ina ngunit biglang nag-announce ng final call ng airline na sasakyan dahilan upang ipagtulakan sila ng nga ito bago pa raw sila maiwan.
Pasimpleng tumingin muna si Marg sa ama na kumindat naman sa kanya.
Napabaling-baling siya ng ulo. Hindi niya lubos akalaing gagawin talaga ng ama ang lahat ng gusto niya.
"Hmmmmm!” Tikhim ni Marg.
Ngunit patuloy sa paglalakad ang kasama hila ang maliit nitong traveling luggage.
"Hmmmmm!" Nilakasan pa ang pagtikhim.
"What do you want?" Baling ni Jake sa babaeng nakasunod sa kaniya.
"Galit ka ba?" Gagad dito.
"Hindi. What do you want?" Muling tanong.
"Ikaw. Ah este—mukhang galit ka kasi," pang-iiba rito.
"I'm not. Tahimik lang akong tao. Ayaw ko ng makulit." Anito saka muling naglakad.
Malaki itong tao kaya malalaki ang hakbang. Halos tumakbo siya pasunod rito.
"Wait!" Aniya rito sabay tutop sa dibdib.
Natigilan si Jake ng lingunin ang babaeng kasama. Nakitang tutop ang dibdib nito. Agad niyang dinaluhan ito.
"Are you okay?" Agad na dali rito.
"Yes, I'm good. Hindi lang kita maabutan. Nagmamadali ka masyado,” nahihiyang wika.
"I'm sorry." Hinging paumanhin naman ni Jake kay Marg.
"I'm okay. Let’s go,” aniya ng maramdaman ang paggapang ng tila kuryente sa katawan sanhi ng pagkakahawak nito sa kaniya.
Nakaupo na sila sa eroplano. As usual ay magkatabi sila ng upuan. Agad na pinikit ni Jake ang mata niya ng makapwesto na siya.
Ngunit hindi pa man siya nagtatagal na nakapikit ay ramdam niyang may maiinit na matang nakatingin sa kaniya.
Nagdilat siya ng mata at nasumpungan ang mga malalamlam na mata ni Marg.
"Is there something wrong?" Agad na turan.
"Wala. Ang guwapo mo kasi,” deretsahang wika nito.
Hindi malaman ni Jake kung paano magre-react sa sinabing iyon ng katabi.
"I remember, I met one of your brother before,” panimula ni Marg ng usapan.
Tahimik pa rin si Jake.
"Hindi ko tanda kung sino basta alam ko mga 3 or 4 years ahead sa akin,” aniya.
Agad na naisip na maaaring si Kiel iyon. "Then?”
"He said. Someday, he'll gonna marry me," bulalas niya.
Dahilan upang mapatingin sa kaniya ang lalaking kanina ay walang reaksyon.
"Why are you staring like that?" Nahihiyang wika niya sa lalaki.
Ngunit nananatili itong nakatitig sa kaniya. Bigla tuloy siyang na-conscious kaya nagpatay malisya na lamang siya at umayos kunwari ng upo at tumingin sa labas ng bintana ng eroplano.
"Malay mo totohanin niya. Maging brother in law pa kita," nakatawa niyang baling sa lalaki ng nasumpungan itong nakadukwang sa kaniya.
Halos magkalapat na ang mukha niya sa pagbaling rito. Ang bilis ng kabog ng kaniyang dibdib na tila nagkakarerahan ang mga ito sa bawat pagpintig nito.
Napapalunok siya ng makitang pababa ang mukha nito sa kaniyang mukha. Ayaw niyang ipikit ang kaniyang mga nandidilat na mata dahil ayaw niyang makaligtaan ang pagkakataong iyon dahil iyon ang kaniyang kauna-unahang halik.
Ngunit bigla itong umayos ng upo at patay malisyang muling pumikit.
Halos gustong matawa ni Jake sa nakitang reaksyon ni Marg ng bigla siyang umayos. Tila ba nanghinayang ito sa hindi niya tinuloy na halikan dito.
Nakapikit man ay ramdam niya ang nakakapasong tingin ng babae. "Huwag ka nang umasa sa sinabi ni Kiel. She has a girlfriend already," aniya habang naaalala ang babaeng minsan ay nakita sa ospital.
"Oh, see Kiel pala ang name niya? So how is he?" Tila interesadong tanong rito.
"He's good. He's working as an executive manager ng isang bangko" ani ni Jake.
"Wow!" Hindi mapigilang bulalas ni Marg. "That’s great? Where and which brand?” Talagang interesado na siya.
Napakunot noo si Jake dahil mukhang interesado ang babae sa kapatid niya.
"Why?"
"Para doon ako mag-apply?" Nakangiting tugon nito ngunit hindi siya kumbinsido. Sa ngiti pa lang nito ay alam na niyang may hindi maganda itong naiisip.
"I told you. May gf na siya," giit niya.
"Hindi naman ako mag-aapply bilang gf niya. Accountancy graduate ako kaya pwedeng pwede ako sa bangko nila," pilit rito. "Sige na!"
"Huwag ng makulit.” Aniya saka muling pumikit.
"Please!" Pilit pa rin ni Marg dahil alam niyang nagtutulog-tulugan lamang ang kasama.
"Interesado ka ba sa kapatid ko?" Iritang tanong na ni Jake.
"Bawal ba?" Tudyo pa ni Marg kahit alam niyang nakukulitan na ito sa kaniya.
"Akala ko ba ako ang gusto mo?” Biglang sabad ni Jake. Matapos mabigkas iyon ay natigilan din ito. Maging si Marg ay hindi nakahuma sa narinig buhat sa lalaki.
Ngunit ilang saglit ay nakabawi si Marg sa pagkabigla.
"Nagseselos ka ano?" Tawa pang tudyo sa lalaki.
"Hell, no!" Anito.
"Weehhhh, umamin ka na kasi sasagutin naman kita agad eh," aniya na ngiting-ngiti.
"Bahala ka," ani ni Jake sa tuluyang pumukit.
Nangingiti naman si Marg habang nakatitig sa nakapikit na lalaki.
'Ang guwapo talaga,' aniya sa isip.
"Baka matunaw ako niya?” Tinig nito na pormal ang mukha.
"Ang guwapo mo kasi,” aniya na hindi na napigilan pa.
Gustong mapangiti si Jake ng marinig iyon ngunit nagpigil siya. Masyadong vocal ang babaeng kasama sa feelings nito.
"Oh yeah, malapit na tayo," dinig niyang wika pa habang nakadungaw sa bintana. "Alam mo kung pwede lang ako tumalon mula dito gagawin ko." Todo ngiting wika nito.
"Bakit naman?" Curious na tanong.
"Maiksi lang ang buhay. Gusto kong maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan. You know about my situation. Any time pwede akong mamatay at ayaw kong mamatay na may pinagsisisihan akong hindi ginawa," mahabang wika nito.
Nabakas ni Jake ang lungkot sa matatag na boses ng babae. "I love doing things na ayaw nina papa. Kasi sa ganoong paraan ay maenjoy ko ang buhay. Like the night I first saw you in the bar. Oh my god! Inakyat ko pa ang gate namin," natatawa nitong kuwento.
"Seriously? Inakyat mo ang gate niyo na naka-mini dress ka?" Gagad na wika rito.
Napahagikgik ang babaeng kausap. "No worries, naka-cycling shorts naman ako noon." Pilya pang wika.
Wala na siyang masabi rito.
Ilang saglit lamang ay nakalapag na rin sila sa wakas. Tila bata itong nakalaya ng makalabas sila ng airport.
"Yes! Yes! Yes!" Nagtatalon pa ito na tila batang walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kaniya.
"Hey! What are you doing?" Pormal na tanong rito. Nagmumukha na kasi itong engot kaya inawat na niya.
"My gosh, imagine Dok. All my life lagi akong buntot ni mommy at daddy. Ngayon lang ako mag-isang nakaalis," anito ng mapagtantong kasama siya nito.
"Well, kasama ka pala." Tatawang bawi nito. "Let’s go!" Masayang yakag sa kaniya.
Hindi mapigilan ni Jake na mapangiti habang nakikita ang saya sa mga mata ni Marg. Tila napakanosente pa nito sa maraming bagay at marami pang bagay ang gusto nitong tuklasin.
Mabilis silang sumakay sa taxi at tinungo ang hotel kung saan sila binook ng kanilang nga magulang.
Mabilis silang nakarating doon at maging sa pagkuha ng silid dahil nakareserve na talaga iyon sa kanila.
"Hi ma'am, sir. Here's your key. Room 307 and 301. Take the lift going to third floor then take right. Your doors are exactly opposite of each other," magalang na wika ng magandang babae sa information desk ng hotel na iyon matapos ipakita ang kopya ng kanilang reservation doon.
"Thank you," nakangiting wika ni Marg. She can't wait na gumala mag-isa o kasama ang lalaki.
"You seems so happy." Puna ni Jake kay Marg na kanina pa hindi mapuknat ang pagkakangiti.
"Wala lang," nakangiti pa ring sagot ni Marg. Naiisip pa lang kasing makakasama niya ito ng dalawang linggo ay kinikilig na siya.
Pagkapasok ni Marg sa silid ay lumingon muna siya sa lalaki bago sinara iyon at binigyan ng isang ubod tamis na ngiti. Saka mabilis na sinara.
"Ahhhhh!" Tili niya.
Napabaling-baling na lamang ng ulo si Jake ng marinig ang tili ng babaeng kasama.
Mabilis na tumalon si Marg sa kama niya upang ihilata ang katawan. May limang minuto na siyang nasa ganoon ng maisipang tumayo at tinungo ang banyo niya. Agad siyang nagsuot ng skinny jeans at isang hangging blouse na puti at saka sinuot ang kaniyang white rubber shoes.
Mabilis na pinusod ang buhok paitaas at naglugay lang ng ilang hibla sa harapan para magmukha messy look iyon na bumagay sa get-up niya.
Nang makontento sa hitsura niya ay mabilis na lumabas at kumatok sa katapat na pintuhan.
"Wait," tinig ng pakay.
Hinanda na ang pinakamatamis niyang ngiti. "Hi!" Bati rito.
Napakunot noo ito ng makitang bihis na bihis siya.
"I'm going out. Are you coming?" Nag-aalangang saad dito.
"We're not going. We just arrive. You need to rest. We need to rest!" Madiing tutol nito.
Ang matamis na ngiti niya ay unti-unting napalis at napabusangot sa lalaki.
‘KJ naman,’ aniya sa isipan.