Nang muling ibalik ni Jake ang mata sa kinauupuan ng babae ay nakita niya ang pagkislap ng luha sa mukha nito. Bigla ay tila nalugod ang puso niya dahil talagang paborito nga yata nito talaga ang kantang kinakanta niya.
And when I look in your eyes
All of my life is before me
And I'm not running anymore
'Cause I already know I'm home
With every beat of my heart
I'll give you my love completely
My darling, this I promise you
"Ahhhhhh!” Tili ni Ferdie sa kanyang tainga dahilan para mapapitlag si Marg.
Halos hindi siya makahinga dahil sa talagang tumatagos sa puso ang bawat salita at liriko ng kanta. Lalo pa't titig na titig sa kaniya ang isang guwapong lalaki na may napakagandang mata na kay hirap tanggihan.
"Ayyyyy! Oh my God!" tila maiihi pa sa katitili ang kaibigang si Ferdie na sinabayan na rin ng dalawa pang kaibigang sina Bianca at Cathy. Doon ay biglang bumalik siya sa kamalayan at nanlaki ang mga mata niya ng papalapit na ang lalaking may hawak ng mikropono sa kanya na may hawak pang isang tangkay ng rosas.
Kaya pala ganoon na lang kalakas ang mga tili ng mga ito. Na halos mahimatay pa si Ferdie sa kalandian nito.
My love, I can feel your heartbeat
As we dance now closer than before
Don't let go, 'cause I could almost cry now
This is forever, I make this vow to you
Patuloy na kanta nito habang binibigay sa kanya ang rosas na hawak nito.
Halos matutop ang bibig sa labis na kaligayahan. In just a simple gesture ay napuno ang puso niya nang kasiyahan. Kasiyahang babaunin siya sa nalalabing araw niya sa mundo.
Hindi malaman ni Jake kung ano ang nagtulak sa kanya upang lapitan ang babaeng inaalayan ng kanta. Nakita niya ang pasimple nitong pagpahid sa mga luha nito. Bumaba siya sa stage at tinungo ang counter kung saan may nakahatag na bulaklak. Kumuha siya ng puting rosas at agad na tinungo ang kinaroroonan nito.
Nakita niya ang gulat sa maamong mukha ng babaeng ngayon ay nasa mismong harapan. Patuloy lang siya sa pagkanta.
Pabalik na siya sa stage ng marinig ang mga kaibigan nito.
"Marg, are you okay?” anang ng mga ito.
Ang akala niya ay simple lang ang pagtatanong ng mga ito sa kung okay ba ang babae ngunit muli niyang narinig ang mga kaibigan nito na tila nag-aalala na.
Napatigil siya sa pagkanta at awtomatikong tumigil ang lahat.
"Marg, what is happening?” Naiiyak nang saad ng isang kaibigan nito na nanlalaki ang mga mata habang nakatunghay sa kanilang kaibigang nahihirapang huminga.
Mabilis ang ginawang pagbalik ni Jake sa kinaroroonan nang dalaga at walang sabi-sabing binuhat ito.
Mabilis na pinasok sa backstage stage at agad na kinalkal ang kanyang bag. Doon ay nilabas ang isang brown bag na sumakop sa buong mukha ng babae. Doon ay nakita niya ang paglalim ng bawat hininga nito. Mabilis ding kinuhanan ito ng pulso.
Ilang ulit ang ginawang paghinga ng babae gamit ang inilagay niya sa mukha nito. Hanggang sa unti-unting nakitang bumabalik na ito sa normal.
Pagtaas ng tingin niya ay nabungaran agad ang nag-aalalang mukha ng mga kaibigan nito at ang kanyang ka-banda.
"She's okay," tipid na tugon sa mga kaibigan nito at tumayo na.
Patalikod na siya ng magsalita ito sa kanya. "Thanks,” mahinang sambit nito.
Masyado siyang nabigla sa nangyari. Everything in the past flashed in his mind. Habang kalong ito kanina ay naalala ang kasintahang si Sheena. He can't afford to lose someone in his arms again.
Hindi niya nilingon ang babae at saka nagpatuloy na sa paglabas doon. Gusto na muna niyang mapag-isa. Naaalala niya si Sheena sa katauhan ni Margarita.
Tila naman napahiya si Marg sa inasal ng lalaki. Hindi man lang kasi siya tinapunan man lang ng tingin sa ginawang pagpapasalamat dito.
"It’s okay. Ganoon talaga si Jake. For sure he just remember Sheena," ani ni Gino sa kanila nang makitang kinalungkot niya ang inasal ng lalaki.
"Sheena who?” Intrigirang sabad ni Ferdie.
"Someone in the past,” makahulugang turan ni Brent saka nagpaalam sa kanila dahil pupuntahan daw ang lalaki.
Maging siya ay naintriga kung sino si Sheena at tila ba muling bumalik ang mga matang unang nakita sa ospital.
"Dad," tawag ni Marg sa ama habang naglalambing dito.
"Hmmmmm,” turan naman nito bilang tugon dahil busy sa binabasang diyaryo.
"Can I ask you a favor?” Alanganing wika rito.
Doon ay tuluyang binaba nang ama ang binabasa nito.
“What is it? Is it something on your graduation gift? If that a car. Sorry to say na hindi ka allow mag-drive," sunod-sunod na turan nang ama.
"No dad! Hmmmmmm. How could I say this?” Aniya habang inahapuhap ang tamang diskarte sa pagsasabi sa kanyang hihilingin.
"What is it?” Ulit ng ama na tila nababagot na sa kanyang sasabihin.
"Remember that doctor when you rushed me last month?" Panimula sa ama.
Nangunot ang noo nito na pilit iniisip kung sino.
"Ah—yah? Iyong may mahabang buhok at may makapal na eyeliner. Noong una mong nakita akala mo na siguro isang white lady na tinubuan nang bigote," natatawang turan nang ama.
Natahimik siya sa sinabi nito. Nang mapansing sumeryoso siya ay tumigil ito at tinanong kung bakit niya iyon natanong?
"Dad, can you find him and ask him if pwede siya na lang ang maging personal doctor ko?” Aniya sa ama.
Nakamaang ang ama sa kanyang sinabi.
"Com'on dad. Please! Please! Please!” Pagpapacute pa sa ama.
Tumiim ang titig nito sa kanya saka sumang-ayon. Halos mapalundag siya sa tuwa ng sumang-ayon ang ama sa gusto.
"Opppss! Huwag masyado magsaya kasi baka busy iyong tao o kaya maraming pasyente," bawi pa nang ama.
Kahit anu pa man ay umaasa na siyang gagawin nito ang nais niya. She knows her dad. Lahat gagawin maibigay lang ang gusto niya.
Napapangiti si Marg habang nakahiga sa kanyang kama at paulit-ulit na binabalik sa isipan ang guwapong mukha ni Dok Jake. Hindi niya maiwasang imagine-in na nasa harap siya nito at inaalayan ng kanta.
"Jake,” anas sa pangalan ng lalaki.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad na kinuha iyon at sinagot ang sinumang natawag sa kanya.
"Ahhhhh!” Nakakatulig na boses iyon ni Ferdie. "Girl, I got his number," anito.
"Ha?" Turan dahil hindi niya ma-gets ang ibig nitong sabihin.
"Iyong number ni dok Jake. Binigay ni Gino baka daw gusto mo itext," nanunudyong turan nito.
"Ha?" Muling turan.
"Hay naku Marg. Maang-maangan ka pa. For sure, kanina mo gustong kunin," anito.
"Ewan ko sa'yo Ferdz," aniya ngunit interesado naman siyang kunin ang numero nito.
"Okay. Kung ayaw mo. Madali lang naman akong kausap," tila hinanampo na nito.
"Okay! You got it. So can you forward me now his number," pag-aamin dito.
Narinig niyang tumawa ng malakas ang kaibigan.
"Aayaw ayaw pero gustong gusto naman. Kilala kita Marg. Type mo si doc Jake noh?” Panghuhuli nito sa kanyang damdamin para sa lalaki.
"Ewan ko sa'yo?” Aniya dito na tila naiinis na sa totoo lang ay tila pinagkakanulo siya ng kaniyang salita sa kaibigan. Ikanga nila, tulak ng bibig kabig ng dibdib.
Lumakas pa lalo ang tawa ng kaibigan sa kanyang sinabi. "Okay, alam ko na. Forward ko na sa'yo ang number na at ikaw na ang bahalang dumiskarte. Basta, whatever happen. Nandito lang kami," saan pa nito saka nagpaalam.
Ilang saglit lang siya nakatulala sa kesame ng muling tumunog ang cellphone. Mensahe iyon galing sa kaibigan. Alam na niya kung ano iyon.
Napangiti siya ng pinasa na nga ng kaibigan ang numero ni Jake Montecalvo.
Kaya lang hindi niya naman alam kung papaano ito iaapproach ng hindi siya magmumukhang cheap.
"Dok," tawag ng isang nurse na humahagos sa kanyang opisina. "Dok, emergency.”
Mabilis siyang tumayo at tinungo ang emergency room kung saan nakita ang isang batang paslit na tila walang malay at bakas sa bibig nitong namumuti na.
"Anong nangyari?” Agad na tanong sa babaeng nagdala rito.
Maganda ang babae at bakas pa sa mukha nito ang pagod. Sa kabila noon ay ang katatagan para harapin ang anumang pagsubok.
Habang kausap ang babae ay natanawan niyang papasok sa ospital ang kapatid na si Lance. Nabigla siya sa pagdalaw ng kapatid. Masyado silang busy sa kani-kanilang buhay kaya hindi sila masyadong nagkikita-kita.
Nakita niya ang tila pagtitig nito sa nakatulalang mukha ng babaeng kausap niya. Nang maya-maya ay nakitang sumenyas ito na hintayin siya nito sa opisina niya.
Mabilis na dinaluhan ang batang pasyente at doon napag-alamang malubha ang karamdaman nito. Nahihirapang magproduce ng red blood cells ang katawan nito at kailangan ng agarang bone marrow transplant.
Napakahirap ang sitwasyon na ganito dahil bukod sa mahal ng gastusin ay mahihirapan pang kumuha ng ka-match nito.
Inabot din siya ng mahigit isang oras para ma-stabilize ang kondisyon ng bata saka muling binalingan ang babae.
"Misis, hindi po ba darating ang mister mo?” Bungad dito bago ieksplika ang kondisyon ng anak.
Nakitang tulala pa rin ang babae kaya hindi na inulit ang tinatanong rito.
"Alam niyo na naman siguro ang kondisyon ng anak mo. Malala na ang sakit at kailangan na ng agarang bone marrow transplant bago pa mahuli ang lahat." Paliwanag pa rito saka na siya nagpaalam.
Nang makarating sa opisina niya ay matiim na naghihintay ang kapatid na si Lance.
"What brought you here?” Nakangiting tanong rito.
"I just miss you bro. Anyways, anong problema doon sa babaeng kausap mo?” Hindi mapigilang tanong nito.
"Serious condition. They needed an urgent bone marrow transplant." Tipid na tugon sa interesadong interesadong kapatid.
Nakita niya pang tumango-tango ito. Nang maya-maya ay tumunog ang cellphone niya.
Napakunot noo siya dahil galing sa unknown number ang numero.
Can you be my textmate.
Basa niya sa text na mas lalong kinakunot ng noo niya. Ignore niya lang iyon. Saka muling bumaling sa kapatid. Nang muli ay tumunog ang cellphone at galing ulit sa numerong nagtext kanina.
Hi sorry. Do I disturb you?
Muling basa sa text. Naiinis na siya kaya muli ay ignore niya ito.
"What is it?” Hindi mapigilang tanong ng kapatid sa kanya.
"Nothing? So what’s new?” Untag sa kapatid na mukhang malalim ang iniisip. Hanggang sa sabihin nito ang nais.
"Do the bone marrow as soon as possible. I will pay for it?” Saad nito.
Nanlaki ang mata ni Jake sa sinabi ng kapatid na si Lance. "Are you serious?”
"Yes? I have my trust fund. I can used it," anito.
"What? Why are you doing this? Tell me, did you know the girl?” Sunod-sunod na turan sa tila hibang na kapatid.
Gagamitin nito ang trust fund na iniwan ng ama dito para sa taong hindi kilala. Hindi basta-basta ang isang milyon.
"Pera lang 'yan. I have my own money. I can earned," anang pa nito.
"Well. It’s your money. She might be very special to you," turan na lang hanggang sa magpaalam ito.
Muling binalikan ang cellphone na halos minu-minuto na yatang natunog. At sino naman kaya ang nakikipagtextmate sa kanya.
Wala siyang time para sa kung sinumang nangungulit sa kanya.
Are you mad?
Why you’re not replying?
Okay. I'm sorry if I disturb you. I just want someone to talk too.
I feel so alone and lonely.
I'm dying.
Basa sa mga sunod-sunod na text nito. Napalunok siya sa huli nitong text kaya mabilis siyang nagreply dito.
Hey! I dunno know you but do hope you're fine. I am that busy. At work at the moment.
"Oh my God!" Malakas na tili ni Marg ng sa wakas ay nagreply na rin ang lalaking kanina pa tinitext. Kailangan pa niyang magdrama para maagaw ng atensyon nito.
Sorry. Sorry. I didn't mean to disturb you. I just want someone to talk. Do you believe at love at first sight?
Mabilis iyong ipinadala sa lalaki. Wala kasi siyang maisip na itanong dito.
Napailing na lang si Jake ng mabasa ang messageng hindi kilalang katext. Sa tanong nito ay sapantahang babae ito. May pagkaromantik kasi ang tanong nito.
Not so.
Tipid na tugon sa ka-text.
Ay ganoon ba?
Tila nalungkot ang katext sa nasabasang reply niya pero iyon ang paniniwala niya. Hindi kasi nababase sa unang tingin ang pag-ibig. Mas maganda kung mas kilala mo ang isang tao bago mo pag-alayaan ng buo mong pagmamahal.
Do you believe in destiny?
Sunod na mensaheng tanong nito. Hindi niya alam kung bakit siya nag-aaksaya sa pakikipag-usap dito eh hindi niya naman ito kilala.
Hindi na niya iyon sinagot pa at piniling umidlip na muna.