Chapter 2:

2089 Words
"Yoooooo! Guys let’s enjoy the night," sigaw ng kaibigang si Cathy. "Mabuti naman at nakatakas ka Marg. Akala namin hindi ka na darating," agaw naman ni Bianca. "Pwede ba iyon? Alam niyo naman ako," aniya sa mga ito. "Ay kalerkey. Perst tym itey Marg kaya isi-celebrate natin to the highest level ang iyong pagiging Summa c*m Laude. Ang talino mo, Ateng," tili ng kaibigang si Ferdie. Ang baklitang daig pa niya sa suot nitong miniskirt. Lahat sila ay nakasuot ng tema ng bar ngayong gabi maliban sa kanya. Tumakas lang siya kaya hindi siya nakapaghanda. Full gear black ang suot ng mga ito. Makapal na eyeliner na parang punkista. May naka-set na music instrument sa harap ng stage kaya batid niyang any moment ay may magpi-perform. "Oh my God! Alam niyo bang ang guguwapo daw ang mga member ng band dito?” excited na turan ni Bianca. "Take note. Professional pa daw ang mga to," dagdag pa nito na inagaw nang masigabong tilihan ng kababaihang naroroon. Doon ay nakitang isa-isang lumabas ang membro nito. Talaga ngang walang itulak kabigin sa mga ito. Mabilis na pumuwesto ang mga ito sa kani-kanilang instrumento habang ang drummer ng grupo na may hawak pang sticks ay napunta sa harap. "I'm sorry guys if the lead vocalist wasn't be here for us. But I will assure you that you gonna enjoy this night as Jake will take over the microphone," anito saka tinungo na ang drum nito at ang lalaking nakahawak nang electric guitar ang pumunta sa harap. Napasinghap si Marg nang makita ang lalaking nasa harap. Napaka-guwapo nito. Hanggang sa biglang lumingon ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya malaman kung bakit tila nakita na niya ang mga matang iyon. Nagtagal ang pakikipagtinginan niya sa guitarist ng bandang nasa harap ng untagin siya ng mga kaibigan. "O-M-G! Ang lagkit noon ah," untag ni Cathy sa kanya na napansin pala ang ginawang titigan nila ng lalaking nasa harap. "That's doctor Jake Montecalvo," tiling pakilala ni Ferdie sa kanila kung sino ang guitarist. "How did you know?” usyoserong wika ni Bianca. "Ikaw talagang bakla ka? Duma-da-moves ka na naman," anito. "Jake Montecalvo! Jake Montecalvo,” ulit niya sa pangalang binanggit ng kaibigan at maya-maya ay maalala ang doktor na minsang gumamot sa kanya. "Oo. Siya nga?" napalakas na bigkas niya. Lahat ng tatlong kaibigan ay napalingon sa kanya. "Sino?" usyoso ng mga ito at lalong naintriga sa sinabi niya. "Wala,” mabilis na bawi ngunit wala yatang balak ang mga itong tigilan siya. Nang marinig na nagsalita ang drummer nilang si Gino ay agad niyang sinuot ang electric guitar. Matapos nitong humingi nang paumanhin sa hindi pagdalo ng vocalist nila ay in-introduce na siya nito bilang kakanta ng gabi. Marami siguro ang nagtataka sa bagong ayos niya sa gabing iyon. Muli niyang binalik ang hitsura niya two years ago. Nagpagupit siya at nag-ahit ng bigote. He looks so neat and tidy. Inaareglo pa niya ang kanyang electric guitar nang maramdamang tila may matang nakatitig sa kanya. Alam niyang lahat ay nakatingin sa kanila pero sa hindi niya malaman ay tila may iba siyang pakiramdam. Bago magsalita ay ginala niya ang kanyang tingin sa buong bulwagang iyon. Paikot. Hanggang sa humantong ang mga mata sa tatlong babae at isang bakla sa ‘di kalayuang mesa. Babawiin na sana ang mga mata ng makitang titig na titig ang isang babae. Kaya hindi niya na rin namalayang napatitig na rin pala siya rito. Napakaganda nito kahit ito lang ang naiiba sa gabing iyon dahil hindi ito nakasuot ng tema ng gabing iyon. He wonder kung paano ito nakalusot sa security. Hanggang sa makilala ang babaeng nakatitig sa kaniya. 'Yah, she's the girl in the hospital a month ago,' aniya sa isip nang sumingit sa isipan ang babaeng may coronary heart disease. Nakatitig pa rin siya dito nang naunang magbawi ito ng tingin dahil inuntag na ito ng mga kasamahan. "Hi everyone. I'm Jake Montecalvo. I will be your vocalist for tonight. Sorry, dahil on business trip ang naming vocalist na si Harry. Alam kong marami sa inyo ang disappointed but I will make sure na gagawin namin ang lahat para mapasaya kayo," aniya. Maya-maya ay tinaas na ni Gino ang sticks nito at pinagsagupa ito hudyat nang pagsisimula nila ng kanilang tugtug. Suwabe ang pagkakanta ni Jake ang kantang If Tomorrow Never Comes ng Boyzone. Husky ang boses nito na bagay na bagay ang gaspang ng boses nito para sa kanita. "Ahhhhh!" tili ng kaibigang si Ferdie. "My God, he sounds like Ronan Keating. ‘Di ba idol mo?” untag pa nito sa kanya matapos ang nakakabingi nitong tili. Bahagya siyang napangiti sa sinabing iyon ng lalaki. Tama ito, iyon din ang agad na naisip nang marinig ang boses nito. Idagdag pa ang guwapong mukha ng lalaki. Hiyawan ang buong bulwagan ang naroroon na halos sumabay pa sa pagkanta ng lalaking nasa entablado. Matiim pa rin ang mga matang nakatunghay sa lalaking tila nawala ang lahat ng lungkot sa mata nito habang kumakanta. Hanggang sa matapos ang kanta nito ay hindi pa rin mapuknat ang pagtili ng kaibigang si Ferdie na sinabayan na rin nila Bianca at Cathy. "Ang guwapo ng pianist nila infairness," turan ni Cathy. "Ang sarap pupugin ng halik! Ahhhh!" tili pa nito. "Grabe makatili ang baklang ito?" bara ni Ferdie. "Ikaw lang ang bakla rito. Babae po ako," salag ni Cathy. "Oh lumamalabas na naman ang pagiging malandi mo," wika naman ni Bianca dito na maging ito ay swoon na swoon sa drummer na si Gino. Kanina pa kaya nito tinititigan. Tuwang-tuwa ang mga ito samantalang tahimik lamang siya roon. "I think everyone is happy so let’s make this night hotter!" sigaw ng lalaki sa harap at muling pumaililang ang nakakabinging tugtog na hudyat ng pangalawa nilang piyesang kakantahin. Sa pagkakataong iyon ay mas hard na. Mas maingay ang tugtog. Halos magwala rin ang drummer at pianist. May exhibition pa sila saka muling inagaw ng boses ni Jake ang pansin ng lahat. "Shot through the heart and you're to blame Darling, you give love a bad name!" panimula ni Jake sa isang hit song ni Bon Jovi na You Give Love A Bad Name. Muli ay tila nagwala ang lahat ng kababaihan at sangkabaklaan na naroroon. Hindi maikakailang magaling kumanta ang lalaki. She just understand kung bakit naka-eyeliner ang lalaki at mahaba ang buhok nito noon dahil sa gig na nito. Rakista. Naalala tuloy ni Marg noong unang masilayan ang lalaki. Ang makapal nitong eyeliner, ang mahabang mukha nito at doktor gown nito na tila isang white lady. Napangiti siya ng maalala ang naisip ng una itong nakita. Para kasi siyang nakakita ng white lady na may bigote. "O-M-G! Bakit naman nakangiti mag-isa ang baklang ito?" maang ni Ferdie sa kaniya. "Oh my God, mukhang titibok na rin sa wakas ang puso ng ating kaibigan," wika naman ni Cathy. Hindi pa rin maiwasan ni Jake na mapalingon sa kinauupuan ng babae. Hindi maikakailang maganda ito at habang tumatagal ay gumaganda pa ito. Muling nagwala ang lahat nang dumating ito sa korus at nakitang bumaba sa entabladom Patuloy na kanta nito na bumaba sa entablado. Grabe, halos magwala ang buong bulwagan sa ginawa nito at maging ang mga kaibigan ay napatakbo papalapit sa nagkakagulong mga audience. Naiwan siyang nag-iisa at nakamaang na lamang. Nang maya-maya ay bumalik na ito sa entablado na nakahubad baro na. Napalunok siya ng makita ang katawan nito. Nakakapanlaway nga naman dahil sa mga abs nitong tila nang eengganyong panuurin ito. Nananakam ang bawat muscle nito. Nang maya-maya ay mapatingin ito sa kanya at muling nagtama ang kanilang mga mata. Halos hindi niya malaman ang gagawin sa sandaling iyon. Kaya nahihiya siyang nagbaba ng tingin. “Oh my God! Hindi ka nga sumama sa amin sa harap pero kung titigan ka dito ni fafa Jake. Ikaw na ang nanalo ateng," tili ni Ferdie pagbalik sa kanilang mesa. "Ang lagkit ng tinginan ninyo ah!" dagdag pa nito. "Oo nga girl. Iba ang titig ni fafa Jake ah," tudyo rin sa kanya ni Cathy. "Ang lagkit!" "Ako na naman nakita ninyo?” aniya rito upang malihis sa kanya ang topiko. Maya-maya ay nakita niyang tumayo ang kaibigang si Ferdie at tinawag ang isang waiter. Tila may hiningi ito at may sinulat sa papel at agad namang tumango ang waiter sa inutos nito. Alam niyang may naiisip na namang kapilyuhan ito. Matapos ng ikalawang set nila ay nagpahinga na muna ang banda nila para sa ikatlo at ikaapat na set nila. "That’s a nice performance bro. Halos magkagulo ang mga kababaihan sa'yo. I think nanibago sila sa hitsura mo ngayon," tawang saad ni Gino. "Sabagay, mukhang ang hot mo ngayon," anito na nagboses bakla. Nakangiti lang si Jake sa sinabing iyon nang drummer nilang si Gino. Hanggang sa maalala ang babaeng nakita kanina. "Margarita," anas niya sa pangalan nang babae. Nakuha niya ang pangalan nito sa papeles nito sa ospital. Pagbalik niya kasi kinahapunan noon ay wala na ang babae. "What is it?” gagad naman ng pianist ni Brent. "Ha?!" "I heard you. May sinasabi ka yata," anito na nakangiti. "Nothing. Just saw someone I know a while ago," aniya rito saka nakita ang pagsilay nang nakakalokong ngisi rito. "Is the girl with the floral dress?” Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "I saw how you guys stare each other." Napangiti na lang sa kasamahan ng maya-maya ay dumating ang isang waiter at may inabot kay Gino na papel. "Guys. Someone requested a song," anito sabay taas sa isang piraso ng papel. "What is it?” aniya na hindi masyadong interesado. Agad iyong dinaluhan ni Brent at kinuha ang papel kay Gino. "Hi guys! May I request a song for our friend who's celebrating her success for getting the highest honor as a Summa c*m Laude. Can you please sing her favorite song. This I Promise You by Ronan Keating. Paborito niya kasi ito. Please don't forget to mention her precious name Margarita Moran Morada. Name the price! We'll be in table 9. Please just that song. Hopeless romantic kasi ang friend namin kaya naasa na darating ang prince charming niya at kakantahin ang kantang iyan sa araw mismo ng kasal nito. Thanks." Basa ni Brent sa laman nang papel. Napamaang siya ng marinig ang buong pangalan ng babae. Matapos basahin iyon ni Brent ay agad iyong tinampal sa mukha niya. "I think it’s your chikababe!" pang-aalaska na nito na ginatungan pa lalo ni Gino. "Is Margarita is the girl with the floral dress na kung makatingin kay Jake ay tila hinuhubaran?” dagdag nito na batid na inaalaska lamang siya nito. "Enough guys,” awat sa mga ito. "Good sign, dude," pahabol pa ni Gino. Alam kasi nang mga ito ang pinagdaanan sa huling relasyon niya. "She's pretty though!" "So, are we going to sing for her?” Habol ni Brent dahil naghahanda na sila sa ikatlong set nila. "Yeah sure!" aniya. Ayaw niya namang ii-spoil ang gabi ng pagdiriwang ng mga ito. Paglabas nila agad na isinuot ang electric guitar at humarap sa micropono. "Hello guys. For our third set for tonight. We received a request for a certain girl name Margarita Moran Morada," aniya saka tumingin sa kinaroroonan ng mga ito. Nabigla si Marg ng marinig ang pangalan niyang binanggit ng lalaking nasa entablado. Halos mapaawang ang bibig sa kabiglaan habang nagtititili ang kanyang tatlong kaibigan. "That’s our friend. Yoohooooo,” hiyaw ng mga ito. "She's the one," turan pa sabay turo sa kaniya. Kahit ilang saway sa mga ito ay hindi mapigil. "Me and my bandmates congratulates you for hitting your dream. Keep it up!" dagdag pang turan nito. Tuloy ay nahihiya siyang nagbaba ng tingin habang nakatingin ito sa kanya habang nagsasalita. Halos lahat din ng mga naroroon ay napatingin sa kanya. Muli ay pumailanlang ang isang partikular na piyesa. Halos matulos siya sa kinauupuhan ng marinig ang unang lyric na kinakanta ng lalaking kanina pa ay kumuha ng kanyang atensyon. "My love, here I stand before you. I am yours now from this moment on. Take my hand, only you can stop me shaking. We'll share forever, this I promise you," kanta sa unang liriko ng kanta. Sa unang bigkas pa lang ng lalaki sa unang linya ng kanta ay halos maluha na siya. Tila ba ini-imagine na niyang ito ang lalaking mag-aalay sa kanya ng kantang iyon sa araw na pinakahihintay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD