"Kumain ka na," pag-alok ni Wiz.
Kinuha niya ang arroz caldo sa mesa upang iabot kay Francis. Buong araw na kasi itong matamlay at hindi kumakain kaya nag-aalala na sila.
"Ayaw ko," mahinang pagtanggi niya. "Ang sakit-sakit ng p***t ko. Baka kapag natae ako, lumabas pa ang bituka ko."
"Gasgas lang 'yan. Naturukan na kita ng anti-tetanus at pinainom ng antibiotics. Mga dalawang araw lang, aayos na ang pakiramdam mo," paniniguro ng nakatatandang pinsan. "Sige na, kunain ka na."
"Uuwi na ako pabalik sa Tsina. Hindi yata ako nararapat na manirahan dito," may bahid ng pagtatampong sinambit niya. "Bakit kasi sinama niyo pa ako?"
"Huwag ganyan. Alam mo naman na matagal ka na rin namin gustong iuwi dito sa Pilipinas. Para rin sa ikabubuti mo ito, hindi lang dahil sa gusto ka namin isama sa misyon na matanggal ang sumpa ni Miss Elf. Nais namin na makapag-aral ka ulit at maiayos ang buhay mo."
"Pauwiin niyo na lang kasi ako," mabigat ang loob na pagpupumilit pa rin ni Francis kahit ramdam niya ang sinseridad ni Wiz. Nahihiya na rin siya sapagkat ayaw sana niyang dumepende sa mga pinsan lalo na at maraming pabor na ang ibinigay nila sa kanya. Sa kanilang apat, siya kasi ang hindi pinalad sa kayamanan kaya feeling out-of-place siya. "Kapag pwede na akong i-discharge sa ospital, pakihatid na ako ulit sa Miao-miao. Ako na ang bahala sa sarili ko."
"Kadarating mo pa lang, pagkatapos ay aalis ka na?" naiinis na pagsingit na ni Uno sa pag-uusap ng dalawa. Napalabas pa siya kaagad sa banyo pagkatapos umihi dahil na-highblood siya sa mga narinig. "Tanggalin mo na nga sa kukote mo ang pagbalik dahil hindi na mangyayari iyon!"
"Kalma lang. Nilalagnat na nga siya," pagpigil na ni Wiz upang hindi na mas mapagalitan pa ang nakababatang pinsan.
May hinanakit na tinalikuran ni Francis ang mga kausap. Lihim na nagdaramdam din siya dahil s*******n na dinala siya sa ospital nang mapansin na inaapoy siya ng lagnat kanina pang madaling-araw. Kahit na anong paliwanag niya na simpleng lagnat lang iyon ay tumawag na pala sa 911 si Mike upang maihatid siya ng ambulansya sa pagamutan. Pakiramdam tuloy niya ay masyado nang controlling ang mga pinsan samantalang ang totoo ay concerned lang ang mga iyon sa kanya.
Pumasok ang isang poging doktor na may pagka-chinito rin ang mga mata. Sa unang tingin ay medyo intimidating siya dahil sa pormal ang kilos at pananamit. Katulad ng ibang lalaking Semira siya rin ay naulanan ng kagwapuhan. Makinis ang kayumanggi niyang kutis at maganda rin ang built ng katawan. Dahil sa lakas ng appeal, noong teenager pa ay pansamantalang nagmodelo rin siya para sa Giorgio Armani at Versace.
Mahigit pitong taon na ang lumipas nang huminto siya dahil he's too hot to handle raw. Nagsawa na rin siya sa kaka-pose at kaka-project sa camera na iisa lang ang ekspresyon ng mukha na dapat ay "fierce".
At, bitter siya dahil iniwan ng nobyang modelo rin at nagtungo sa America upang subukan ang Hollywood. Dahil doon ay ayaw na niyang pasukin muli ang mundo ng fashion.
Minabuti na lang niyang mag-aral ng medisina katulad ni Wiz. Kasalukuyan siyang residenteng doktor na specialization ang internal medicine sa ospital na pag-aari nila. Nais kasi niya na maging cardiologist pagkatapos ng kanyang residency dahil hilig niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa puso.
Mapatotoong puso man na tumitibok o heart to heart talk pa, handang-handa siyang makinig at makatulong.
Ang tawag nga sa kanya ng mga hospital staff ay "Doctor Heart".
Siya ay ang nakatatandang kapatid ni Mike na si Luis. Hindi nalalayo ang edad niya kina Wiz at Uno na nasa late twenties na.
Lumapit siya kung saan nagmakaktol pa rin si Francis.
"Mike!" nakangiti niyang pagbati muna sa bunso. "Mukhang masaya ka sa kinakain mo, a!"
"Hi, Kuya!" pagkaway naman nito sa kapatid. Gaya ng pagkakaalam ng kuya, kanina pa nga ito ngumunguya ng potato chips upang hindi mainip sa ospital. "Gusto mo?"
"Mamaya na, kakakain ko lang," pagtanggi naman ni Luis sapagkat alam niya na kulang pa ang family size na pakete ng chichirya sa kapatid.
"Kumusta?" pagbaling naman niya ng atensyon sa pasyente. "Long time, no see!"
Lumingon si Francis at pilit na ngumiti bilang tugon subalit kaagad din naman na bumaling sa kanan upang hindi na makita ng pinsan ang pagkahiya niya.
"Anong nangyari sa iyo?" pag-uusisa naman ni Luis. "May dinaramdam ka ba?"
Nagtaka siya nang nanatili itong tahimik. Nagkunwaring natutulog pala ang tinatanong sa pag-aakalang makakaligtas sa pag-uusisa niya na may kinalaman sa pagkatusok ng p***t.
"Nilalagnat e," pagsagot na ni Wiz para sa kanya.
"Lagnat?" pag-uulit niya. " Sana pinainom mo na lang ng paracetamol."
"May nangyari kasing hindi kaaya-aya." Inakbayan na ni Wiz si Luis upang mag-usap ng masinsinan at hindi na mapahiya pa ang pasyente. "Discreet na lang, 'Tol. Pina-x-ray at pina-test ko siya..."
"Inuubo ba siya? O nabalian ba?"
"Hindi...ano kasi...huwag kang mabibigla, ha," paputol-putol na pagpapaliwanag ni Wiz dahil hindi niya alam kung paano ibabalita nang mas maayos ang kamalasang dinanas ni Francis. "Natusok kasi siya...at...ang duda ko may naiwan na alambre pa sa anus at naimpeksyon."
Wala pang isang segundo na nabanggit ni Wiz ang sitwasyon ay napabulalas na ng tawa si Luis. Halos maluha siya sa paghalakhak dahil sa nangyari sa pinsan.
"Anong nakakatawa?" nakasimangot na pag-uusisa ni Francis. Napaupo na siya at tinignan ng masama ang doktor na hindi mapigil ang sarili sa paghalakhak.
"Umamin ka na!" pagbibintang na nito. "Nag-eeksperimento ka ng mga bagay na maaaring ipasok sa iyong p***t!"
"****!* napamura si Francis kahit na hindi niya nakagawian iyon. "Hindi ko gagawin 'yun! Aksidente ito!"
"Huwag ka nang mahiya. Marami naman akong kaso na ganyan. May insidente lang kahapon na pinasok ang buong bote ng Ginebra sa p***t niya! Ayun, sa operating table ang bagsak niya! Hahaha!" Kinuha niya ang telepono sa mesa at pinindot ang numero sa nurse station. " Nurse, pakidala nga 'yun resulta ng x-ray at lab results dito sa Room 101!"
"Naku, Doc. May beinte pa po na nakapila. Yun isa nga po, lampara ang pinasok kaya nagliyab. Emergency."
"Paki-next in line ito," binilin na lang niya. "Pinsan ko ang pasyente. Si Francis Mico Semira."
"Sige po, i-check ko po kung available na."
Nang matapos ang pag-uusap nila ng nurse, umupo si Luis sa tabi ng kapatid na si Mike. Kinumusta niya ang biyahe nila sa probinsya ng Miao-miao.
Nagtungo kasi sila roon upang makiusap sa duwendeng nagsumpa sa mga kalalakihang Semira na maging sawi sa pag-ibig. Nais sana nilang matanggal na iyon dahil sawang-sawa na sila sa kamalasang nararanasan.
"Success ba na matanggal niyo ang sumpa?" excited niya na naitanong. "Hindi na ba tayo masasawi sa pag-ibig?"
"Oo na hindi, Kuya," tugon ni Mike.
"Ang gulo." Napakamot siya ng ulo sa nabanggit ng nakababata. "Ano ba talaga?"
"Ganito kasi. Pumayag si Miss Elf na palitan ang sumpa pero kailangan daw naming makahanap ng babaeng mamahalin sa loob ng isang taon."
"Isang taon? Madali lang 'yan!" Kinuha ni Luis ang cellphone sa bulsa at pinakita ang isang "dating" app. "99.99% success rate daw 'yan. Hindi ko pa nagamit pero maaari niyong subukan!"
"Sinungaling 'yan! 99.99% success? Siguro sa malilibog! Mahigit isang buwan na kaming naghahanap diyan at ang mahal pa ng binayaran ko. p**n site yata 'yan. Puro lawlaw na boobs ang nakikita ko. May naka-post pa na mga nudes ng lalaki. Nagpo-pop-out bawat minuto. Nakakadiri!" nangingilabot na pinahayag ni Uno.
"Ganoon ba? Buti na lang at hindi ako nag-subscribe! Makahanap nga ng iba." Nanghihinayang na in-uninstall niya ang nasabing app nang marinig ang personal review ni Uno. Maya't-maya ay isang pilyong ngiti ang nasilayan sa kanyang mukha.
"May nudes ba ng magagandang babae?" curious na naitanong pa rin niya. "Sana pala, kinuha ko 'yun free trial!"
"Loko ka!" natatawang sinagot ni Uno.
"Nandito kapatid mo, ulol!"
"Biro lang! Good boy kaya ako."
"Kuya, hindi ba mahuli ka ni Mama na nanood ng pelikulang 'Kangkungan sa Madulas na Talahib' noong trese anyos ka pa lang?' pagri-reveal ni Mike na labis na ikinagulat nina Uno, Wiz at Francis. Napatakip pa sa bibig si Wiz at natulala na tila ba hindi makapaniwalang magagawa iyon ng good boy na si Luis. "Pagkatapos, noong kinse ka, ninakaw mo ang nakasabit na bikini ng kapitbahay kaya napatawag ka sa barangay? Noong sixteen ka nam-"
"Kailangan mo pa talagang ikuwento?" hiyang-hiya na pinigilan niya na magsalita pa ang kapatid. Pinilit na niyang ibahin ang usapan dahil alam niya na marami pang nalalaman si Mike. "Teenage mistakes...alam niyo na, haha! Phase lang 'yun!"
"Kangkungan sa Madulas na Talahib?" masayang napabulalas si Wiz nang matauhan na. "Napanood ko rin 'yun. Hahaha! Tinakas ko pa sa kwarto ni Dad ang CD na pinakatatago-tago niya! Nakita mo ba? Pink na pink-" Tinakpan na ni Uno ang bibig nito dahil batid niya na R-18 na ang susunod na mga salita at hindi dapat marinig ni Mike.
"Pweh!" nandidiri na napareklamo si Wiz nang dumampi ang palad ni Uno sa mga labi nito. "Malinis ba ang kamay mo?"
"Teka. Nakalimutan ko palang maghugas kanina noong umihi ako," naalala niya bigla. "Sorry 'Tol, excited akong pagalitan si Francis kanina kaya napalabas ako ng banyo kaagad."
"Yucky!" Pinunasan ng kausap ang bibig gamit ang t-shirt. "Kaya pala lasang pineapple! 'Hindi ba, iyon ang drinks mo kanina? Ano ba 'yan? Nakalasap tuloy ako ng 'Masangsang na Pinya sa Dalampasigan'!"
"Napanood mo rin 'yun?" mabilis na naitanong ni Luis.
"Aha! Huli ka! Ang dami mo rin alam!" tawang-tawa na pambibisto ni Wiz sa kanya. "Oo! Grabehan 'yun! Hindi nga ako nakatulog ng ilang gabi kasi na-i-imagine ko 'yun pink-!"
"Ang daldal mo!" pag-awat muli ni Uno sa kanya. Akmang tatakpan sana nito ang labi niya pero mabilis naman na nakailag.
"Uy, huwag!" Sinagi na niya ang kamay nito nang tangkain na tapalan muli ang bibig. "Mananahimik na nga ako! Maghuhugas na ako ng mukha ng ten times kasi amoy ko pa rin yun pinya! Nasaan ba ang safeguard?"
Tumayo na siya at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nag-toothbrush din siya at pagkatapos, nag-gurgle ng mouthwash para maialis ang bagsik ng pineapple na nalasap mula sa palad ni Uno.
"May eleven months pa naman kaya siguro naman, makakahanap na kayo ng nobya," pagseseryoso nang magsalita ni Luis kunwari dahil iniiwasan na niyang may umumbok habang naaalala ang nakita nila ni Wiz na mga kulay pink. "Teka, ano bang mangyayari kapag nabigo kayo?"
"Magiging isang pulgada na lang ang ating p*********i!" nakangiti pa na binalita ni Mike habang kinakain naman ang maasim at panat na ponkan na kasama ng hospital food, na para sana kay Francis.
"A-Ano?" namumutla na halos maisigaw ni Luis. Tila ba pinagtakluban siya ng langit at lupa nang dahil sa nalaman. "Hindi maaari! Pilitin niyong magka-girlfriend mula sa araw na ito, sa ayaw niyo man o sa gusto!"
Nang mga oras na iyon, ramdam ni Doctor Heart na siya ang mukhang may malalang kaso ng iron deficiency anemia at malapit nang ma-heart attack. Sinalat pa niya ang dibdib at pulsuhan upang malaman kung normal pa ba ang t***k ng kanyang puso.
"Chill ka lang," pagpapalubag ni Wiz sa kalooban ni Luis nang mapansin ang pagkaaligaga nito. "Kapag nanood ka ng may pink, magiging two inches naman 'yan! Hahaha!"
Sa kasamaang-palad, imbis na huminahon, mas nabagabag at namutla ang pinapakalma niya.