bc

Semira Boys Series: Uno Emir (Completed, Book 2)

book_age12+
1.0K
FOLLOW
3.1K
READ
comedy
sweet
humorous
lighthearted
witty
male lead
magical world
realistic earth
alien contact
like
intro-logo
Blurb

Semira Boys Series: Uno Emir

(Babala: SPG-SAWI. STRIKTONG PATNUBAY at GABAY sa mga SAWI sa pag-ibig ay kinakailangan. Baka maka-relate kayo kay Fafa Uno na sadyang malas sa love life pero kalma lang, imbis na paiyakin e patatawanin pa niya kayo.)

Tunghayan ang mala-extraterrestrial love story nina Uno at Alfa na pang-out of this world ang datingan.

Dahil sa pangitain ng mapupungay na mga mata at maalindog na katawan ng binata, aksidenteng nabangga sa tore ng kuryente ang spaceship ni Alfa, isang alien na nagmula pa sa Galaxy 100, 000, 007.

Simula noon ay naniwala at umasa siya na ang "earthling" ang kanyang destiny. Dumayo siya mula kalawakan hanggang sa Pilipinas para lamang mahanap ang one true love raw niya.

Eepekto kaya ang panliligaw ni Miss Alien sa choosy at bitter na bitter to the highest power na si Uno?

Abangan!

chap-preview
Free preview
Prologo
Millions of light years away, sa bansang Bow-wow, may isang magandang dalaga na nagngangalang Alfa Emily Buenavista. Karga niya ang isang bag ng mga damit at abubot habang tumatakas mula sa kanilang mansyon. Dala rin niya ang isang garapon kung saan payapang natutulog ang alaga niyang ipis. Binuksan niya ang spaceship na pag-aari ng ama at sumakay roon. Matagal na talaga niyang plano na maglayas dahil s*******n siyang in-engage sa prinsipe ng kanilang bansa. Sa kadahilanang siya ay kaisa-isang anak ng nagmamay-ari ng mga malls sa kanilang lugar at pangarap pa ng mga magulang na maisali sila sa nobilities, ipinagkasundo siyang maipakasal kahit na labag pa sa kalooban. Pikit-mata niyang pinindot ang start button ng bonggang spaceship. Umilaw ito at yumanig saglit. Hinawakan niya ang manibela niyon at huminga nang malalim. Inipon niya ang sandamakmak na lakas ng loob bago niya pinaangat ang sasakyan sa ere. Nang marinig ang pag-andar ng makina ay lumabas ang kanyang mga magulang. "Alfa, bumalik ka rito!" sigaw ng kanyang ina. Maluha-luha niyang tiniis ang pagtawag ng mga magulang sa kanya upang bumalik. Inapakan na niya ang gas ng spaceship at tuluyan na siyang dinala nito sa kalawakan. Nagbigay siya ng panuto sa UPS* ng sasakyan upang hanapin at dalhin siya sa planetang Earth. Habang siya ay naghihintay, nilabas muna niya ang makeup kit at nag-retouch upang hindi siya mainip. (Universal Positioning System) Mga dalawang oras na ang nakalilipas ay nag-alarm ang spaceship. May parating na asteroid at kailangan ng manual na pag-ilag doon dahil nagloloko ang makina kapag may ganoon kalakas na pwersa. Hinawakan niya muli ang manibela upang ilihis ang daan. Gayunpaman ay yumanig ang sasakyan at gumulong ang bote kung saan naroon ang alaga niyang si Fifi. "Fifi, baby ko!" pagtili niya habang sinasalo ang pinakamamahal na alaga. Matagumpay niyang nasagip iyon ngunit hindi niya napansin na ilang metro na lang ang layo nila sa asteroid. Sinikap niya na mailagan iyon ngunit natamaan pa rin ang dulo ng spaceship. Namatay ang ilaw sa loob kaya siya ay nangapa sa dilim. Tanging liwanag na lamang na nagmumula sa mga bituin ang natatanaw niya. Maging ang UPS ay na-damage rin. Siya na lamang ang maaaring magpaandar sa sasakyan ng manu-mano. Nilabas niya ang cellphone upang magsilbing guide. Nakahinga siya nang maluwag nang malaman na malapit na pala siya sa Earth. Nang makapasok na sa teritoryo ng nasabing planeta ay manghang-mangha siya nang makita ang Statue of Liberty. Umikot-ikot muna siya sa Estados Unidos ngunit huminto siya nang mapansin na sinusundan na siya ng mga eroplanong pandigma. Napansin din niya na nagsisitakbuhan na ang mga tao sa ibaba at mukhang takot na takot sila. "Bakit kaya?" tinanong niya sa sarili. Hindi na lang niya sila pinansin at pinaharurot na lang palayo ang spaceship. Gabi at madilim na sa susunod na pinuntahan niya. Mula sa alapaap ay may natanaw siya na apat na lalaki. Wala silang mga pantalon at nakasampa sa isang pader. Mukhang may pinagkakaguluhan sila at nagmamadaling makababa. Napansin niya ang isa na bumababa na ng puno habang nagkakagulo ang mga kasamahan nito sa tuktok ng pader. Kinuha niya ang binoculars upang mas malapitan itong mapagmasdan. Kaagad siyang naakit sa pagkakahulma ng p***t nito. Sa bente-singko na taong nabubuhay siya ay ngayon lamang siya nakakita ng ganoon kaperpektong p***t! Pinagpawisan siya nang malapot dahil masyado siyang na-excite sa kakatwang nilalang na may asset na pang-wonders of the world! Labis siyang nagulat nang lumingon ang lalaki at tumingin sa kalangitan na tila ba alam nito na pinagmamasdan siya. Na-love at first sight siya sa pungay ng mga mata nito na mahaba ang mga pilik ngunit may pagka-chinito pa rin. Tall, dark and handsome. Wow na wow! Namula ang kanyang mga pisngi at kinilig dahil feeling niya ay siya nga ang tinititigan. Inayos niya ang buhok at kumaway pa na para bang nakikita siya ng lalaki. Dahil sa kanyang pag-iinarte ay nawala sa isipan niya ang pagmamaneho. Huli na ang lahat nang makita niya na tatama na pala siya sa tore ng kuryente. Sa pagbangga niya roon ay namatay ang ilaw sa daan at mga gusali. Nagkaroon ng nationwide brownout ng isang linggo dahil sa kalandian ni Alfa. Umikot-ikot ang spaceship sa ere. Nawalan na ng control si Alfa at hindi na niya alam kung saan siya makakarating. Maya't-maya ay mabilis itong bumaba hanggang sa bumagsak na sa dagat. Dahil may pinsala na ang sasakyan ay pumasok ang tubig sa loob. Nasira rin ang emergency button kaya kinailangan din niyang buksan ang pinto gamit ang martilyo. Umabot na hanggang leeg ang tubig ngunit hinding-hindi raw siya susuko. "Hindi ako maaaring mamatay! Kailangan kong makilala ang lalaking may maalindog na p***t!" hiyaw ng kanyang isipan habang sinisikap na maisalba ang sarili, kasama ang alaga niyang si Fifi na nakiki-panic mode na rin sa pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng mga antenna nito sa ulo. Hanggang sa paglubog pailalim ay isa lamang ang naiisip ni Alfa... "Siya ang aking destiny!" Author's Note This whole book is dedicated to UNOU5MYW Siya po ang character basis ni Fafa Uno pero mas pogi, este, maganda at mabait po si friend ko, sobra. Please check her books. Magaling siya na author, I can assure you! Thanks for visiting this book.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Childish

read
203.7K
bc

Kidnapped by the Mafia Boss (COMPLETED)

read
405.9K
bc

SILENCE

read
387.5K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
47.2K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
109.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook