"Sir, uuwi na po muna kami. May mga nababalita kasi na mga UFO* sightings at nagkaroon pa ng nationwide blackout. Baka katapusan na ng mundo!" takot na takot na paglalahad ni Kasambahay 1. "Sasakupin na tayo ng mga aliens!"
(Unidentified Flying Object)
"Sorry po, Babalik muna ako sa probinsya. Kailangan din po ako ng aking pamilya," pagpapaliwanag ni Kasambahay 2.
"Pasensya na po talaga. Sinusundo na ako ng asawa ko. Kung may mangyari raw na masama, at least magkasama na kami," pagpapaalam naman ni Kasambahay 3.
"Naiintindihan ko. Kung nais pa niyong bumalik at magtrabaho sa amin ay magsabi lang kayo. Tatanggapin ko kayong muli," paniniguro ni Uno sa mga kasambahay na nasindak sa nangyaring nationwide blackout at napabalitang alien invasion.
"Thank you po, Sir!" sabay-sabay na pagpapasalamat nila bago nilisan ang tahanan ni Uno.
"Mag-iingat kayo," pagbibilin niya bago nakasakay ng tricycle ang tatlong mga ginang.
Kahit na kalmado lang ang kanyang reaksyon, sa kaloob-looban niya ay nalulungkot siya dahil maiiwan na naman siyang mag-isa sa bahay. Para sa kanya ay kapamilya na ang turing sa mga empleyado pero wala rin naman siyang magagawa kung pinili ng mga ito ang kani-kanilang mga kadugo. Panandalian muna siyang napaupo sa gilid ng kalsada habang inaalala kung paano na siya ngayong napag-iwanan na.
Matagal na kasi siyang pinabayaan ng ina at nangibang-bansa. Nakapag-asawa na rin ito at abala sa mga stepchildren kaya siya mismo na tunay na anak ay hindi na napapansin. Ang ama naman ay inasikaso ang mga negosyo nila at bihira na rin siyang puntahan at kumustahin. Kapag siya naman ay dumadalaw sa opisina o penthouse nito ay nasa meeting iyon palagi o kaya nakikipaglaro ng golf kasama ang mga kabarkada.
Sa likod ng mayabang at spoiled brat na aura ay nais lamang niya ng atensyon at pagmamahal. Aminado siya na noong mas bata pa ay naging mapusok pa siya dahil sa paghahangad na makahanap ng pag-ibig sa mga babaeng nakarelasyon. Pogi naman kasi at madating kaya madali lamang sa kanya ang makaakit ng mga babae.
Sa kasamaang-palad, kapag fall na fall na siya sa babae ay doon naman siya ipagpapalit sa ibang lalaki. Nasasaktan pa siya dahil ang ipinapalit ay hindi na nga kagwapuhan, hindi rin magaganda ang ugali. Naisip pa niya na baka naman iba na ang standards ng mga babae at nahuhuli na siya sa balita.
"A-wooh...
Saan ako nagkulang?
Bakit ang puso ko'y iyong nilaro?
Nagawa mo rin na pagtaksilan ako.
Akala ko ang pagmamahal mo ay totoo,
Subalit isang umaga'y aking napagtanto,
Na ang pag-ibig mo pala ay tanso.
Kung alam mo lang, babaeng minahal ko,
Hindi ko inaasahan na ako'y maloloko.
Magsama kayo ng lalaking mukhang oso,
Ako'y sawang-sawa na sa kalbaryong ito!
"A-wooh...yeah...yeah..."
Biglang dumagundong ang madamdaming pag-awit ng kapitbahay habang feel na feel pa niyang inaalala ang failures sa love life. Relate na relate pa siya sa lyrics nito kaya naramdaman pa niyang nangingilid ang kanyang luha.
Nagpantig ang tainga niya sa pagkanta ng lalaki na may pamaos-maos pa at panginginig ng boses. Sinikap man niyang huwag pansinin ay nilakasan pa nito ang volume ng videoke kaya umugong sa tainga niya ang awitin nito na pinamagatang "Ang Pag-ibig Mo ay Tanso" na isinulat pa ng batikang manunulat ng mga awitin na si Wizvisionary.
"Anak ng butete! Hahagisan ko na ng gulong ang bintana niyan kapag hindi pa tumigil!" nanggagalaiti sa inis na binalak niyang gawin sa oras na ulitin pa nito ang kanta.
Susunod naman na inawit ng lalaki ang platinum-awarded song na "Isa Akong Sawi" na likha rin ng kapita-pitagang si Wizvisionary kaya napalugmok na lang si Uno sa garahe habang tinitiis ang nakakaiyak na mga lyrics. Sumandal siya sa may gilid ng kotse at nag-emote na mala-Vilma Santos.
"Ayaw ko nang mabuhay,
Sa mundong ibabaw kung saan ang mga ibon ay kumakain ng palay.
Akala ko ang puso mo ay sa akin, giliw,
Sa huli't huli pala ay maiiwan akong sawi.
Sayang na sayang ang pag-ibig ko,
Sa next life na lang ako babawi.
A-wooh...yeah...yeah...
"Tama na!" nakatakip ang mga tainga na pagdadrama na niya sapagkat affected na siya masyado sa makabuluhang mga lyrics na nananalamin sa kasawian niya sa pag-ibig.
"Stressed na stressed na ako! Ang pangit pa ng boses ng kumakanta! Putek!" mangiyak-ngiyak na pagrereklamo niya lalo na at inulit pa ngang awitin ng kapitbahay ang dalawang kanta.
Pare-pareho lamang kasi ang mga babae, naisip pa niya. Para sa kanya, habol lamang nila ang kayamanan at makalaglag-panty na katawan niya.
Kapag nakuha na ang nais nila ay ipagpapalit lamang siya at isasawalang-bahala na.
"Isa nga akong sawi! Ako na ang hari ng mga sawi sa love life!" mabigat sa kalooban na inamin na nga niya sa sarili.
"Pero..."
"Mahahanap ko pa rin ang swerte ko sa pag-ibig! Tiwala lang!" pamamag-asa pa rin niya.
"Bahala na..."
Tumayo na siya mula sa kinauupuan upang maka-move-on na kahit na ayaw pa rin tumigil ng kapitbahay sa pagkanta. Isasara na sana niya ang gate subalit natigilan siya nang makita ang babaeng matulin na tumatakbo patungo sa kanya. Lumilipad ang isipan na pinagmasdan niya lang ito na papalapit nang papalapit. Nabahala pa siya na baka isa ito sa mga maniningil ng mga utang na 5-6 kaya pinagbalakan pa niyang taguan. Mabuti na lang at napahinto na siya sa plano nang maalala na wala siyang pinagkakautangan at mayaman nga pala siya.
"Sir! Pwede bang magtanong? Wait lang!" humahangos na pagtawag ni Alfa. Kanina pa pala siya nagtatago sa isang sulok at nakikinig sa usapan nilang mag-aamo kaya napag-alaman niya na nangangailangan nito ng kasambahay. Nakita niya ang opportunity upang mag-apply at makilala na rin ang taong nakapagpa-love at first sight sa kanya.
Hinanap talaga niya ang address ng lalaking may magandang p***t sapagkat iba talaga ang karisma nito sa kanya. Sa bawat minuto na naglalakad siya sa Earth, ang tumatakbo naman sa isipan niya ay kung paano ba magiging close sa binata.
Nabalitaan pa niya mula sa mga kapitbahay na isa pala itong tanyag na race car driver at nabibilang sa pamilya ng mga fafables na Semira kaya nadagdagan ng doble ang pogi points nito sa kanya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Uno habang hinihintay na makarating ang babae sa harapan niya.
"Yes. How can I help you?" he asked with great concern, thinking what could have been bothering this beautiful young lady.
Ayan, pati si Author napapa-ingles.
Sosyal kasi talaga itong si Fafa Uno kaya dapat bongga rin ang English.
Anyway, highway, by the way, bumalik na tayo sa story!
Sumingit lang talaga ako para masaya!
"Ang yummy, my gosh!" paghanga ni Alfa nang makita nang mas malapitan ang ultimate crush. Natulala siya sa mapupungay na mga mata nito na malakas makaakit.
"The eyes are so mesmerizing! Mata pa lang, sexy na!" kinikilig na hiyaw ng kanyang isipan.
"Miss," pagtawag muli ni Uno sa atensyon niya nang mapansin na tila ba nasa outer space ang diwa nito. "Are you OK?"
"A...e...kailangan mo ba ng maid?" Kabadong inilabas niya ang mga papeles sa kanyang bag. Ni-ready niya ang lahat bago naglayas sa kanyang bahay at planeta upang maging maayos ang paninimula niyang mamuhay sa Earth. "Kumpleto po 'yan. May transcript of records, birth certificate at resume. Pati NBI clearance meron na rin! Pati urine at stool exam, nandiyan din ang resulta."
Nag-alinlangan si Uno na abutin ang mga papeles na naka-seal ng isang plastic envelope. Nagdududa man sa biglaang pagsulpot ng babae, kinuha pa rin niya iyon at binuksan upang makita ang mga dokumentong dala nito. Pasimple pa niyang pinagmasdan ang aplikante upang makilatis kung mukhang mapagkakatiwalaan ba.
Sa bilis ng mata niya sa magaganda, kaagad niyang napansin ang mala-anghel na itsura nito. Kahit na hindi kaputian ay nangingibabaw ang kagandahan ng dalaga. May pagka-pouty rin ang lips nito na tunay na kissable. Kung sa pangangatawan, kahit na naka-jeans at loose t-shirt pa ang pinagmamasdan, masasabi niya na every man's dream ang vital statistics nito.
"Sayang," naisip niya habang panakaw na tumitingin sa hazel eyes ni Alfa na napalilibutan ng mahahabang pilik. "Maganda sana pero mukhang bangag."
Nakanganga kasi ang aplikante na tila ba na-startstruck ng isang artista. Namula rin ang mga pisngi nito nang magkatitigan sila sa mga mata.
Sa pagkakabukaka ng bibig ni girlash ay napagkamalan ng isang langaw na kweba ang ngalangala nito. Pumasok ito at sa kamalas-malasan, nalunok pa niya. Nasamid siya at napaubo, dahilan upang lumabas sa ilong niya ang naliligaw na insekto. Lumipad ito palayo na tila ba walang nangyari.
Kaagad na na-turn-off si Uno dahil sa nakakadiring pangyayari. Pinigil pa niya ang sarili na matawa upang hindi naman ma-offend ang kaharap.
"Excuse me," hiyang-hiya na humingi ng paumanhin si Alfa habang pinupunasan ang ilong gamit ang kuwelyo ng t-shirt. "Nang-iistorbo yun langaw, ang bad!"
"Nagkita na ba tayo dati?" pag-uusisa na ng binata dahil parang pamilyar ang ini-interview sa kanya.
"Ay, oo! Kitang-kita kit-" tuwang-tuwa na napabulalas ni Alfa subalit natigilan din at napatakip na ng bibig. Muntikan pa siyang nabuking na ini-stalk ang kaharap sa sobrang excitement niya. "A! Kasi nakikita kita sa TV. Hahaha! Ganoon nga. Kitang-kita sa TV! Sikat ka pala, Boss!"
Hindi maipaliwanag ni Uno ang nararamdaman dahil para siyang nagagamitan ng hipnotismo. Habang tumatagal ay mas gumagaan ang loob niya sa kausap. Kapag ngumingiti ito, pati siya ay natutuwa sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa katunayan ay nais na niyang kunin kaagad ang aplikante kahit hindi pa niya lubusang nababasa ang mga papeles.
"Alfa Starr?" tinawag niya ang pangalan nito. "Foreigner ka?"
"Hindi po. Half-half lang pero sa Cebu ako lumaki!" pagsisinungaling niya dahil kailangan niyang itago ang tunay na pagkatao. Pati tunay na apelyido niyang "Buenavista" ay pinalitan niya ng "Starr" upang hindi matunton ng mga magulang at kung sino man na magpapahanap sa kanya. Hinayaan na niya na manatiling Alfa ang first name dahil good luck charm para sa kanya ang pangalan dahil ang kahulugan nito ay "first".
Tumango-tango si Uno habang binabasa ang biodata ni Miss Alien. Bahagya siyang natuwa dahil pareho pa sila ng kahulugan ng pangalan.
Marahil ay magkakasundo sila, naisip pa niya.
"Sige, pag-iisipan ko," pagde-delay muna niya dahil gusto niya munang magpa-hard-to-get. Baka kasi isipin ng babae ay marupok siya kaya nagpakipot mode muna siya. "Bumalik ka pagkatapos ng dalawang araw."
"D-Dalawang araw?" Nalungkot si Alfa dahil nais na sana niya ng matutuluyan. Kumakalam na rin ang sikmura niya at alalang-alala na siya sa alaga niyang si Fifi. Kanina pa kasi ito umiiyak dahil puro biskwit lang ang kinakain. Sanay pa naman itong kumakain ng bacon at cheese kaya nagrereklamo na. Walang-wala na kasi siya dahil tanging ang maliit na bag na naglalaman ng mga papeles at ilang mga abubot ang tanging naisalba niya nang lumubog ang spaceship na sinasakyan.
"Sir, baka pwedeng now na. Kahit walang sweldo 'yun two days, magtatrabaho na ako sa iyo," pakikiusap na niya. "Galing pa kasi ako sa napakalayong lugar at starving na ako. Kakapalan ko na ang face ko ha, may kaning-lamig ka ba riyan? Magdamagan na kasi akong hindi kumakain, baka pwedeng makahingi..."
"Kaning-lamig?" nagulat si Uno dahil sa hinihiling nito. Tumango si Alfa at umasa ng magandang tugon. Kahit tutong pa iyon ay kakainin na niya nang dahil sa sobrang gutom. Napalunok pa siya nang maamoy ang nilulutong tocino ng kapitbahay.
Naawa si Uno dahil sa lahat ng hihilingin ng kakatwang babae ay kaning-lamig pa!
"Halika na nga!" pag-aya na niya rito. "Marunong ka bang magsaing at magluto ng ulam? Pumili ka ng gusto mo sa ref at kainin mo."
"T-Talaga po? Salamat!" maluha-luhang sinambit ni Alfa.
Pinasunod siya sa loob ng bahay at pinakita ang maids' quarters kung saan siya maaaring manatili. Pagkatapos ay nagtungo na sila sa kusina upang magluto.
"Bukas ay tuturuan kita sa mga gagawin mo rito," pagpapaliwanag ni Uno sa bagong kasambahay. "Madali lang ang mga nais ko. Makinig ka lang mabuti."
"Yes po!" maligayang tugon ni Alfa sa instruksyon nito. "Madali naman akong turuan kaya hindi ka magsisisi sa pagkuha sa akin.
"Mabuti naman." Binuksan na ng bagong amo ang refrigerator at ipinakita ang maaaring pagpilian niya. Lumantad mula roon ang ham, hotdog, hashbrowns, tocino, daing na bangus at samu't saring mga gulay at prutas. "Ikaw na ang bahalang mamili ng kakainin mo. Maiwan muna kita rito kasi may gagawin pa ako sa may garahe."
"Thank you so much," pagpapasalamat niya.
Iniwan na siya ni Uno sa kusina. Masayang kinuha niya sa freezer ang tocino sapagkat sa wakas, makakakain na siya. Bago magprito, sumilip pa siya sa may bintana kung saan tanaw niya ang binata na naglilinis ng kotse.
Dahil sa kabutihang natanggap, sa paningin niya ay mas lalong pumogi ang lalaking inaasam ng one million points. Hindi niya inaasahan na ang tipo pala nito ay may ginintuang puso.
"Mukhang bad boy pero gentleman," nakangiting sinambit niya habang pingmamasdang ang hinahangaan.
"Tipong maginoo pero medyo bastos..."
"At, dreamboy!" kilig na kilig na napagtanto pa niya.
Ang mga nabanggit niya ang mga katangiang inaasam niya sa lalaki na saktong nahanap naman niya sa katauhan ni Uno.
Mas lalo siyang naging desidido na ligawan ang "one and only" true love niya.
"My loves, honeybunch, darling. sweerheart, babe, makukuha ko rin ang puso mo," pagbabalak ni Miss Alien na may kislap sa mga mata.