Kapitulo 1: Ang Pagbabalik

2519 Words
"Ayan, wala ng sasakyan na dumadaan," bulong ni Mike sa mga kasama habang nakahiga sila sa may damuhan. Gumapang pa siya nang mas malapit sa may daan upang makasiguro. "Are you sure?" pagtatanong ni Uno. "I-testing mo nga, Francis! Kapag may nagtitili na babae kapag nakita ka na naka-boxers lang, ibig sabihin hindi safe lumabas!" "Bakit ako?" pagkontra ng nakababatang pinsan. "Ikaw na lang!" "Kasi, sinabi ko!" Hinawakan niya ang garter ng underwear ng inutusan at sapilitang pinatayo. "Aray ko! Naiipit ang ano ko!" pagrereklamo niya habang nakangiwi. "Ang itlog ko, mapipisat na! Bitiwan mo ako!" "Sabi mo e!" patawa-tawang sinambit ni Uno kasabay nang pagtulak sa kanya sa gilid ng daan. Aksidente pa itong napaluhod sa damuhan kung saan may dumi ng aso kaya napatiim-bagang na lang siya sa inis. "Tsk! Kapag nga naman minamalas!" naiinis na nasabi na lang ni Francis habang ipinupunas ang palad sa mga dahon. Maya't maya ay may narinig siyang pagsitsit kaya napatayo na siya at nagtago sa likod ng poste ng ilaw. Dahan-dahan pa siyang sumilip upang mag-obserba kung tunay nga bang walang nakakakita sa kinaroroonan nila. Nanalangin siya na sana nga ay walang witness dahil medyo nako-conscious siya sa disensyong teddy bear ng kanyang underwear. Katulad kasi ng mga pinsan ay wala siyang suot na pantalon. Kanina-kanina lamang ay na-deport sila mula sa Tsina dahil sa kasong "indecent exposure". Sila ay kamalas-malasang naparusahan ni Miss Elf na matanggalan ng mga pantalon dahil nainis siya. Kinukulit kasi nila itong tulungan sila na makahanap ng girlfriends. Ang Semira na kalalakihan ay sikat dahil sa angking kakisigan at estado sa buhay na mararangya. Iisipin ng nakararami sa napakaswerte nila ngunit ang katotohanan ay naisumpa silang maging sawi sa pag-ibig mula sa mga kanunu-nuan pa nila. Naihian kasi ng great-great-great-great-great-great-great grandpa nila ang bahay ni Miss Elf kaya naparusahan niyang lahat ng magmumula sa bloodline nito na mga lalaki ay mamalasin sa love life. Ang problema, nais man bawiin ng nasabing nilalang ang sumpa ay hindi na maaari dahil sa sa oras na nabitiwan na niya ang mga salita, wala nang bawian. Ang tanging solusyon ay ang mapalitan iyon ng isa pa na halos katumbas ang bigat niyon. Napakiusapan naman nina Uno na mapalitan ang curse subalit tila ba pinagtakluban sila ng langit at lupa dahil mukhang mas malala pa ang ipinalit ni Miss Elf sa naunang sumpa. Kapag hindi pala nila nahanap ang mamahalin sa loob ng isang taon, magiging isang pulgada na lamang ang manly family jewels nila. "Ang kukulit niyo naman e!" iritableng tugon ng duwendeng sumumpa sa lolo sa dulo ng kuko nila na si Kungfu na maging malas sa mga babae. Kahapon lamang ay nasa probinsya sila ng Miao-miao at naglakbay pa paakyat sa bundok kung saan nananalagi ang nasabing nilalang. "Sige na kasi, pagaanin mo na po ang sumpa namin," pagsusumamo ni Mike. "O kaya ay gawin niyo na lang kami na irresistible sa mga babae." "Ayaw mo pa ba 'yun pinalit ko sa sumpa? Hindi na nga kayo sawi sa pag-ibig, 'di ba? 'Yun nga lang, kailangan niyong maghanap ng 'forever' niyo within one year, dahil kung hindi, goodbye big birdies na kayo! Bwahahaha!" sinabi niya with an evil laugh. "E kasi naman po, parang mas minalas kami kapag nag-fail kami sa sinumpa mo. Kumulang isang taon na lang at kailangang makahanap na kami ng love life. E bata pa po ako, baka wala pa ang true love ko." Napalunok pa ang binatilyo nang maalala ang hindi kaaya-ayang sumpa na pinalit ni Miss Elf sa pagiging sawi. Hindi niya matanggap na kapag nabigo ay magiging isang pulgada na lamang ang pinakamamahal na alaga. "Pwede bang ibalik na lang 'yun pagiging malas sa pag-ibig?" "Ayaw ko nga!" pagkontra ni Uno sa panukala ng nakababatang pinsan. "I'd rather take the risk kaysa may dumagdag na naman sa listahan ko ng mga exes! Tama na, ayaw ko ng maging sawi!" "Sige po, Miss Elf, si Uno na lang ang paliitin niyo ang et*ts kapag nabigong makahanap ng love life," pang-aasar ni Francis sapagkat nayabangan pa siya sa pahayag nito na marami nang naging ex-girlfriends. "Ako po at si Mike, ok nang ibalik ang dating sumpa na maging malas sa pag-ibig. Tutal, wala naman mawawala sa akin dahil tanggap ko nang maging happily single." "Hampasin kita ng kawali e!" pagsusungit ni Uno sa kinaiinisang pinsang mas pogi sa kanila ng isang paligo pero may kasungitan at katigasan ng ulo nga lang. "Manahimik ka nga riyan at inaayos ko nga ang deal! Bakit ba gugustuhin mong ibalik ang sumpa na maging malas sa pag-ibig samantalang may chance na nga tayo na makalaya? Kakaiba ka talaga! Ang sarap mong paluin nang paulit-ulit para matauhan ka!" "Mwe-mwe-mwe," pang-iinis lalo ni Francis habang ginagaya ang kilos ng kausap. "Ang dami mong sinabi! E bakit naman kasi pinagpipilitan niyo pa ang magka-love life e malas nga tayo, hindi ba? Paulit-ulit na lang 'yun cycle ng kamalasan, gets mo?" "Teka, huwag kayong mag-away," pag-awat na ni Wiz sa dalawa na nag-aasaran na parang mga batang sutil. "Ako nang bahala. Silent muna kayo." Lumapit siya kay Miss Elf at sinubukang gamitan ng charm upang mapapayag ito sa kanyang nais. Tinitigan muna niya ito ng ilang sandali upang tantyahin ang mood. Nang mahuli niya ang mga mata ng target ay inilabas na niya ang killer smile. "Miss Elf, baka naman pwedeng ma-extend ang deadline? 'Yun na lang po, please. From one year, gawin mo ng two years?" "Ayaw..." pabebeng pagtanggi ng duwende habang pinipigil ang sariling kiligin sa paglalambing sa kanya. "Bakit naman? Maliit na bagay lang naman iyon para sa iyo, hindi ba?" "Hindi pwede..." "Powerful ka naman..." "Hindi naman masyado!" pagpapa-humble pa ni Miss Elf habang hinahawi ang mahabang buhok palayo sa kanyang beautiful face. Mas lumapit si Wiz at inakbayan pa siya upang mas maiparamdam na close nga sila. "Kapag nabigo ako, ikaw ang babalikan ko, sige ka. s*******n mo akong pakakasalan, gusto mo ba na ganoon ang mangyari?" pagbabanta niya na may kasamang harot. "Ay! Pwede, hihihi...pero hindi ikaw ang type ko. Pogi ka pero iba ang tinitibok ng puso ko..." "Na-hurt naman ako," paglalandi lalo ng binata. "Kung ganoon nga, ibigay mo na sa amin ang two years na palugit. Sige na, Miss Beautiful..." "Hay naku, hindi nga pwede," mariin na pagtanggi pa rin ni Miss Elf. "Ang kulit mo, kurutin ko singit mo e!" "OK lang na makurot, basta ba ibigay mo sa amin ang two years, hahaha!" "Tigilan mo na nga 'yan, Wiz. Nangingilabot ako!" sukang-suka na pagpapatigil ni Uno sa paglalampungan ng dalawa. "Kung ayaw niya tayong pagbigyan, OK lang. One year is enough for us!" Kinuha na niya ang bag sa may puno at inaya nang umalis ang mga pinsan. Tanggap na niya na sa maikling panahon lamang ay kailangan na nga nilang mahanap ang babaeng mamahalin upang hindi matuloy ang sumpa. "Sandali na lang," pangungumbinsi ni Wiz dahil feeling niya ay kaunting panunuyo na lang ay pagbibigyan na siya ni Miss Elf. "Ang bagal mong umintindi. Ayaw niya talaga tayong magka-love life. Worse, gusto pa niyang maging maging bulilit mga alaga natin! Hindi ka talaga pagbibigyan niyan kasi salbahe na nga siya, 'bitter' pa!" Nagpantig ang tainga ng duwende sa salitang "bitter". Hate na hate niya ang salitang iyon at nawawala siya sa sarili kapag naririnig iyon. Sa isang iglap ay tinulak niya palayo ang kaawa-awang si Wiz kaya nahulog ito sa ilog na maraming buwaya. Mabuti na lamang at parang pusa ang lalaki na may nine lives kaya hindi ito nagalusan man lang nang habulin ng gutom na mga hayop. "Anong sinabi mo?" mapaghamong tanong niya kay Uno na abalang hinihila pabalik sa pampang ang pinsan. "Ang alin?" pagtataka ng binata. "'Yun huling sentence mo!" "A, 'yun hindi mo kami pagbibigyan kasi 'bitter' ka," wala sa wisyong pag-uulit nga nito. "Pagbibigyan ko kayo!" umuusok ang ilong na sinigaw niya nang masiguro na tama nga ang narinig kanina lamang. "Tutulungan ko kayong makaakit ng mga babae! As in magiging hot na hot kayo! Promise!" Upang mas mapabilis na makaakit sila ng mga babae, naisip ng duwende ang the "most convenient way". "Going pantsless is the hottest way!" Epektibo naman ang ginawa ni Miss Elf sapagkat nagkandarapa sa kanila ang mga babae mula sa bundok hanggang sa patag. Pati mga babaeng panda bears ay nabaliw sa kanila at nagsibabaan mula sa mga kawayan upang magpa-charming. Ang problema ay hinuli sila at ikinulong ng mga pulis dahil sa kasong "indecent exposure" at "harm to nature", maliban kay Mike na menor de edad pa. Kahit gigil pa ang mga babaeng pulis sa hotness nila, napagdesisyunan na lamang ng gubyerno na ipa-deport sila pabalik sa Pilipinas. At ngayong gabi, sila ay problemado kung paano makakauwi nang walang makakakita na naman sa kanila. Overexposed na raw ang katawang-lupa nila at tinatablan na sila ng hiya kahit papaano. Nang masiguro na wala ngang ibang mga tao na makakasaksi ng kanilang kamalasan, winagayway ni Francis ang kamay bilang senyales na ligtas nang lumabas mula sa damuhan. Mas mabilis pa sa kabayong natatae at naiihi silang nagsitakbuhan at nag-unahan na makaakyat sa pader ng bakuran nina Uno. "Sandali, aray ko!" Napapikit si Francis dahil naramdaman niya na bumaon ang alambre sa gitna ng p***t niya nang sumampa na siya sa bakuran. "Huwag niyo akong itulak! "Bilisan mo! Ang bagal! Tsk!" naiinis na panuto ni Uno. "Teka lang! Kung makautos e!" yamot na tugon niya habang pinipilit niyang tanggalin ang nakahadlang sa suot na manipis na shorts. Magtatagumpay na sana siya ngunit aksidente siyang nasagi nina Uno at Mike nang inunahan siyang pumanaog. Sa pagkagulat niya ay napaupo na siya kaya mas bumaon ang makapal na alambre. "Sige na, kumapit ka sa puno, pagkatapos ay dahan-dahan kang bumaba," mahinahong instruksyon ni Wiz. "Medyo dalian mo para ako naman. Giniginaw na kasi ang p***t ko, baka mapulmunya!" Imbis na sumunod ay tinitigan niya ang nakatatanda na tila ba nagmamakaawa na tulungan siya. Nagtaka si Wiz sa kakatwang akto ng pinsan. "Bakit? Takot ka ba sa heights?" "Hindi. May bumaon!" "Bumaon na ano?" pagtataka niya dahil hindi na naman niya ma-gets. Yumuko pa ito upang makita ang tinuturo ni Francis. Nang makita ang karumal-dumal na sitwasyon ay muntikan na siyang matumba at masuka dahil sa malabangungot na pangitain. "Dumudugo yata...si Uno kasi e! Minamadali ako pilit!" pagsusumbong ni Francis. "Huwag kang maingay, ha? Pwede bang sa atin na lang-" "Mga pinsan, tulong! Natusok ng alambre ang **** ni Francis!" malakas na pinahayag niya. Nagsitahulan ang mga aso at nagbukasan ang ilaw ng mga kapitbahay dahil sa narinig. Umakyat na rin sina Uno at Mike upang damayan ang kaawa-awang pinsan. "Hindi **** ko, kumag ka! 'Yun puwitan ko!" pagtatama niya. "Watch your language, young man," pinagsabihan pa siya ni Wiz dahil sa tinuran nito sa kanya. "Matuto kang gumalang sa mas nakatatanda sa iyo." "Sorry na, Kuya. Ang p***t ko kasi, mahapdi na!" paghingi niya ng paumanhin. "At kailangan mo pa bang ipagsigawan sa buong siyudad? Ang kaluluwa ko, durog na durog na!" "Magpasalamat ka at matuwa na hindi ang alaga mo ang natungi dahil siguradong sabog ang itlog mo kapag nangyari 'yun," pagsusumikap ni Uno na palubagin ang loob niya. "Matusok na ang lahat huwag lang iyon!" "Dapat pa pala akong matuwa!" mangiya-ngiyak na pahayag ni Francis. "Sa sobrang saya ko, naluluha ako!" "Masakit ba, Kuya?" pag-aalala ni Mike. Napansin kasi niya na medyo namumutla na ito kaya kinumusta na niya. "Subukan mo, mahal kong pinsan. Masarap!" sarkastikong tugon niya sa nakababata sa kanya. Maya't-maya ay may patrol car na mabilis na nagtungo sa kanila. Bumaba ang isa at nang-usig. "Anong nangyayari rito? Mga akyat-bahay kayo, ano?" pagbibintang ng pulis na kasalukuyang rumoronda sa subdivision. "Hindi po. Nagpapalamig lang kami kasi mainit," pagdadahilan ni Mike. "Atsaka pinsan po namin ang may-ari ng bahay na ito kaya hindi po kami mga magnanakaw." "Ganoon ba? E, bakit naka-brief lang kayo? Mga manyak kayo, ano?" "Hinding-hindi kami mga manyak at boxer shorts itong suot namin, hindi brief!" pagkontra ni Uno. "Brief 'yan!" pagdidiin ng pulis. "Shorts!" "Brief sabi e!" pagmamatigas nito. "Kapag lumagpas na ng ten inches mula sa tuhod, brief na iyon!" "Mas alam mo pa sa akin! Shorts nga ito!" naiinis na niyang dinepensa. "Kita mo 'yan brand, Calvin Klein Shorts! Galing America pa 'yan!" Inangat pa niya ang suot na pang-itaas upang ipakita ang tatak. "See? Bagay na bagay sa akin, hindi ba?" "A basta, brief 'yan! Hahaha!" Sumakay na sa kotse ang pulis at tawang-tawa na ikinuwento ang nasaksihan sa ka-partner. "Tama ka, P're! Mga weirdo nga ang mga Semira. Parang mga nakatama. Nakita mo ba 'yun isang may mahabang buhok? Tigang na tigang! May make-out session pa sa alambre, bwahahaha!" Kahit na ilang metro na ang layo ng patrol car ay dinig na dinig pa rin nila ang tawanan ng mga pulis. "Huwag mo na silang pansinin," pagpapakalma ni Wiz kay Francis na kanina pa iniinda ang hapdi at kahihiyan. "Kukuha lang ako ng local anesthesia at cutter para maputol 'yang alambre. Konting tiis." "Baka matetano na ako! Bilisan mo!" "Heto na nga! Uno, pakikuha ang bag ko sa ibaba!" Paglingon niya ay wala na pala ang kausap sa tabi. Nagtaka si Wiz kung bakit bigla itong pumanaog. Natanaw niya ito na nakatayo malapit sa may puno ng mangga. Nakatingala ito sa madilim na langit at para bang may hinahanap. "Hoy!" pagtawag niya muli sa atensyon ng pinsan. "Huwag ka munang magmuni-muni diyan!" "Nakita niyo ba ang nakita ko?" pagtatanong ni Uno habang nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan nina Francis. "Ang alin?" sabay-sabay na naitanong ng tatlo na nasa itaas ng pader. "May biglang gumalaw mula sa langit!" pagsasaad niya with matching hand gestures dahil amazed na amazed siya. "Parang hamburger ang hugis. Kung hindi ako namalikmata, umilaw pa iyon!" "Gutom lang 'yan. Ako nga, nai-imagine ko pizza ang buwan," saad ni Wiz. "Mga kuya, hindi ba ghost month ngayon?" nanlalaki ang mga matang pinaalala ni Mike. "Baka multo!" "White lady?" pagsang-ayon ng dalawa. "O kaya ang Anghel ng Kamatayan?" "Baka alien!" naisip pa ni Francis. Bigla-bigla ay may narinig sila na sumipol na naging dahilan nang pagkataranta nilang tatlo sa pag-aakalang isang kapre ang may kagagawan niyon. Namatay pa ang ilaw sa paligid kaya mas lalo silang nag-panic. Nakalimutan na ni Francis ang nakabaon na bakal sa kanyang puwetan dahil sa pangamba. Napaangat siya ng 'di oras ngunit napa-aray siya sa sakit nang maramdaman ang pagkagasgas ng kanyang laman. "Nakawala ka na! Salamat sa mumu sa langit!" masayang pinahayag ni Mike. "Aray ko...napunit yata ang kaluluwa ko!" shookt na shookt na sinambit siya. Author's Note: Ang napakagandang book cover at illustation na nasa itaas ay likha ng super talented na si marxrenisze. Maraming salamat at naipalabas mo ang kapogian at amazing abs ni Uno. Amazing ka talaga at super talented! Nawa'y dumami pa ang katulad mo na lumilikha ng mga fafas. We love! But wait... Since napadpad na po kayo rito, Dear Readers, you might want to read Semira Boys Series: Adventure (Book 1) muna. It's a mini book that reveals the detailed reasons kung bakit mga sawi sila at desperate to find their true loves. Maraming salamat po.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD