HINDI malaman ni Dawn ang gagawin nang makita ang private car ni Jian mismo sa kanilang villa. Nakaabang ang driver nito at kausap si Albert. Kaagad na tumakbo si Dawn palabas dahil hindi puwedeng makita ni Albert si Jian kung nagkataong kasama ito. Ngunit nang makapalit na siya ay lumabas naman mismo ang taong nasa loob ng sasakyan.
"Director Shu ano'ng ginagawa n'yo rito?" Pribado ang lupain ng mga Van Shen kung kaya't hindi basta-basta makakapasok ang bisita. Bakas sa mga mata ng direktor ang pagkagulat at mangha nang kanyang makita ang buong villa.
"Dawn gaganapin na kasi bukas ang proyekto ng Sun Group. We needs some models for the new clothing line." Kasama si Dawn sa mga bumuo ng proyektong iyon. Kompleto na ang mga modelo.
Sumakay na s'ya sa sasakyan kasama ang direktor para puntahan ang agency. Naroon ang mga hired models ng nasabing clothing line. Sa labas nito ay may malaking tent kung saan nandoon ang designer ng mga damit. Nakita naman n'ya ang isang pamilyar na babae habang abala ang kasamang direktor sa pakikipag-usap sa manager.
Abala ang babae sa pagsusukat ng mga damit. Nakapusod ang buhok nito habang nakasuot ng off-shoulder dress. Mababakas ang maaliwalas na mukha ng babae hanggang sa makita nito si Dawn.
Yumuko si Dawn bilang pagbibigay respeto ngunit tahimik lamang na nakatingin sa kanya ang babae.
"Katalina my dear." Bati ni Director Shu. Bumeso lang ito rito at muling tinuon ang atensyon kay Dawn.
"Oh before I forget, siya ang kasama ko para mag-hold ng event." Nakangiting sabi ni Director Shu.
"I know her." Sabi ni Katalina at tinanggal ang nakalagay na tape measure sa kanyang leeg at saka ipinatong sa mesa.
"Don't worry isa sa magaling kong agent si Dawn. Hindi niya pasasakitin ang ulo mo."
"Ricky I know and besides mukhang magkakasundo kaming dalawa. Right Dawn?" Sabi ni Katalina.
"Perfect! Mabuti naman at tama lang pala ang pagpili ko kay Dawn." Masayang masaya ang baklang director.
"Okay let's start. Come here and give me a hand." Sabi ni Katalina nang dumating pa ang ibang mga models. Inilapag din nito sa malaking mesa ang mga designs ng gowns na susuotin sa event. Tahimik lang ito habang abala sa pagsusukat ng kanyang mga modelo. Si Dawn naman ay nanonood lamang sa dalaga.
"So sa Sun Group ka pala nagtatrabaho." Basag ni Katalina sa katahimikan.
"Yes Mam." Sagot ni Dawn at ini-abot dito ang karayum na kanyang pinahawak. Nakahilera ang mga modelo habang iniisa isa ni Katalina ang pagtatahi ng disenyo sa mamahalin n'yang obra.
"I see. Give me some coffee with no sugar." Biglang sabi nito.
"E-excuse me?" Hindi makapaniwalang sabi naman ni Dawn dahil ang alam n'yang trabaho n'ya ay bilang partner ni Director Shu sa gaganaping event.
"Inuutusan kita." Nakangiting sabi ni Katalina. Walang nagawa si Dawn at inilapag ang hawak na maliit na box kung saan nakapagay ang mga sinulid at karayum. Tumalikod na ito para lumabas ng malaking tent at kumuha ng kape ni Katalina. Ang hindi niya alam, kanina pa nakatitig sa kanya si Katalina habang s'ya ay naglalakad papalayo.
Kailangan pang pumasok muli ni Dawn sa agency para pumunta ng pantry. Ilang kilometro rin ang layo nito. Hinihingal na nakarating si Dawn sa pantry dahil bukod sa mataas ang heels ng sapatos niya ay grabehan naman ang init ng panahon.
Nagpakulo na ito ng tubig at naupo para mag-hintay. Walang katao-tao sa loob hanggang sa may narinig s'yang ingay na nagmumula sa isang silid. Hindi na n'ya iyon pinansin dahil alam niyang masamang makinig sa usapan ng iba. Nang kumulo ang tubig ay tatayo na sana s'ya nang bumukas naman ang pinto at dalawang tao ang dumating. Isang babae at lalaki. Magulo pa ang itsura ng babae na mukhang kagagaling lang sa matinding laban. Namula ang dalawa at nagmamadali nang lumabas. Napahilot nalang si Dawn sa kanyang sentido at napailing. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon kumpara sa kapanahunan n'ya.
Matapos mag timpla ni Dawn ng kape ay mabilis na itong bumalik. Muli ay naarawan nanaman nang sikat ng araw ang maputi at makinis niyang balat. Pagkapasok nito sa malaking tent ay naabutan naman niyang nagsisisigaw na si Katalina at mainit ang ulo. Padabog kung kumilos at tahimik na lamang ang mga modelo. Hawak hawak ni Katalina ang sketch para sa big event na gagawin bukas. Lumapit na si Dawn para ibigay ang kape rito nang lumingon si Katalina at sinadya nitong tabigin ang dalang kape ni Dawn.
Mabilis ang mga pangyayare. Napahawak ang mga modelo sa kanilang bibig at hindi makapaniwala. Ang kape ay nabuhos sa binti ni Dawn at tumalsik ang ilang latak sa sketch na hawak ni Katalina.
Napasigaw si Dawn sa labis na sakit. Para bang nayapos ang balat niya dahil sa napakainit na tubig.
"Oh my god my sketch!" Sigaw naman ni Katalina sa namimilipit na si Dawn. Galit na galit pa ito dahil sa sinapit ng kanyang sketch.
"Dawn!" Dumating si Director Shu na gulat at naabutang namimilipit si Dawn sa sahig.
"Ricky ano ba naman 'yang isinama mo? Tignan mo ang sketch ko?! Bukas na ang big event!" Sigaw naman ni Katalina. Mas biglang naging mainit ang tensyon nang bigla na lamang makatanggap ng malakas na sampal si Katalina.
Ang buong awra ng paligid ay dumilim. Nanginginig ang mga tuhod ni Director Shu dahil sa pagdating ni Mr. Sun.
"J-Jian." Hindi makapaniwalang sabi ni Katalina habang hawak ang kabilang pisngi n'ya kung saan lumapat ang palad ni Jian. Natahimik ang mga modelo sa kanilang pagbubulungan.
Binuhat ni Jian si Dawn at tumalikod. Nakasalubong pa nito mula sa kanyang likuran ang takot na takot na si Director Shu.
"You are all fired." Simpleng sabi ni Jian ngunit kapupulutan nila ng takot at pangamba. Dahil sa simpleng insidente ay damay damay silang nawalan ng trabaho. Nang lumabas na si Jian mula sa tent ay dali-dali namang pumasok ang kanyang driver na hinihingal. Ang owner ng nasabing agency ay hindi makapaniwala dahil sa termination. Mawawalan na sila ng trabaho, mag sasara pa ang agency.
NAGKAMALAY na lamang si Dawn sa hospital.
"Ma!" Bakas ang matinding takot sa mukha ni Sean nang salubungin niya ang ina. Kasama nito si Jian na nakatayo.
"A-asan ako?" Nakita n'yang nakabenda ang kanang binti at namamanhid dala marahil ng anestisya. Dumating naman ang aligagang si Mei.
"Dawn! Nako nabalitaan ko na. Sinasabi ko na nga bang may pagka demonyo yang Katalina na 'yan!" Gigil na gigil ang kaibigan na mukhang susugod.
"Mei tama na." Pinandilatan siya ng mata ni Dawn. Dumating naman ang doctor para kamustahin ang kalagayan nito.
"Mabuti na lang at minor injury ang nangyare sa 'yo. Pwede ka namin isailalim sa plastic surgery after ng ilang mga lab test." Doon nag-sink in sa isipan ni Dawn ang mga nangyare. Napaso s'ya ng kape dahil sa pagsagi ni Katalina rito.
Maya-maya pa ay dumating na si Celda dahil tumawag si Mei para ibalita ang nangyare. Dahil sa kaba ng matanda ay hindi na ito nakapag handa para kay Dawn. Nang s'ya ay nasa pinto na ay bigla namang nanghina ang mga tuhod nito at napaluhod nang makita mismo si Jian na nakatayo. Kaagad s'yang sinaklolohan ni Jian upang makatayo ng tuwid. Hindi makapaniwala si Celda sa kanyang nakikita.
Hinawakan nito ang mukha ni Jian at napakunot noo.
"Y-Young Master..." Hindi makapaniwalang sabi ng matanda.