Chapter 5

1371 Words
TILA tinakasan ng lakas si Dawn nang makitang kasama n'ya mismo sa loob ng sasakyan si Jian. His eyes are only staring right at her. Hindi malaman ni Dawn ang gagawin. Hindi s'ya mapakali at para bang nabibingi ang kanyang tainga dahil sa malakas na pagkabog ng puso. Tumikhim si Jian at tinanggal ang coat saka iniabot kay Dawn. Nakita n'yang basa ang kaunting bahagi ng damit nito. Wala namang kahit anong usapan ang naganap sa loob dahil parehong tahimik ang magkabilang panig. Habang binabaybay ang basang daan, mas lalo pang lumakas nang husto ang ulan. Malayo-layo pa ang kanilang tatahakin. Umataki naman ang migraine ni Dawn dahil sa pabago-bago ng panahon. Kaagad n'yang binuksan ang maliit na bag. She took one pill and closed her eyes. May baon talaga s'yang isang bote na naglalaman ng painkillers. Kanyang inihilig ang ulo sa bintana para pumikit. It aggrevated the situation. Imbis na mawala ang pananakit ay mas lalo pa itong lumala. She groaned because of dreadful pain. Ni hindi na niya alam ang gagawin dahil sobrang sakit na talaga ng ulo at sabayan pa ng pagkahilo. Ito na talaga ang sakit n'ya simula nang mag kolehiyo. Napansin ni Jian ang pag-iiba ng mood ni Dawn. Namumutla ito at tila may iniindang sakit. Kaagad n'yang pinahinto sa pagmamaneho ang driver nang makitang mukhang susuka ito. Hinuhad ni Jian ang polong suot para doon sumuka si Dawn. May panloob naman itong itim na t-shirt. "No I'm okay. Ganito lang talaga ako kapag umaatake ang migraine ko." Nanghihinang sabi ni Dawn. "You don't look okay." Sabi ni Jian. Inutusan n'ya ang driver na idiretso sa hospital ang sasakyan ngunit nagpumilit naman si Dawn na huwag nang mag-abala pa. "Okay lang talaga ako. Itutulog ko lang ito at mawawala rin." Sa katigasan ng ulo ni Dawn ay hindi n'ya napigilan ang masuka. Kaagad namang pinunasan ni Jian iyon gamit ang kanyang polo at ipinadiretso ang sasakyan sa kanyang mansiyon. Kahit ayaw ni Dawn ay hindi n'ya nagawang tumanggi dahil sa labis na panghihina. Ilang minuto ang lumipas at huminto ang itim na sasakyan sa malaking bahay. Lumabas si Jian at inutusan ang driver na tawagin ang mga kasambahay. Pagkatapos ay walang alinlangan n'yang binuhat si Dawn na namimilipit na sa sakit. Sinalubong naman sila ng matandang babae at inalalayan hanggang makapasok sa master bedroom ni Jian. "Master ako na po ang maglilinis sa kanya." Sabi ng matanda ngunit tumanggi naman si Jian at inutusan itong ihanda ang paliguan. Hindi naman nagtanong ang katiwalang babae at kaagad na sumunod. Nagising na lamang ang diwa ni Dawn nang maramdaman ang malamig na hangin ng buong silid. Namaluktot pa ito habang nakasara ang mga mata. Dinamdam ang malambot na kama at makapal na kumot na yumayakap sa hubad n'yang katawan. Hindi iyon nagtagal at nang rumihistro sa utak n'ya ang mga nangyare ay kaagad itong napabangon. Kaagad itong napatingin sa malaking orasan, pagkuwa'y isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Nasa ibang lugar s'ya at pasado alas-onse na ng gabi. Ano'ng ginagawa n'ya rito? Ang sunod na napansin ay kung bakit hubo't hubad s'ya at tanging makapal na kumot lamang ang nagtatakip ng kanyang katawan. Bumukas ang malaking pinto at bumukas ang ilaw. Napapikit si Dawn dahil sa pagkakagulat. Hindi pa rin gaanong nag-adjust ang kanyang mga mata dahil may kaunti parin itong kirot. Isang matandang babae ang kanyang nakita. Nakangiti ito habang may dalang mainit na pagkain. "Kumain kana muna hija para mainitan ang sikmura mo." Sabi ng matanda. Hindi pa rin nakakapagsalita si Dawn at pilit na inaalala ang nangyare. Nawalan s'ya ng malay at biglang nakatulog dahil sa labis na pananakit ng ulo. Nang kanyang maalala ay agad s'yang napatayo at nawala sa isip na wala itong anumang saplot. Doon din ay lumabas si Jian galing banyo at nagpupunas ng kanyang kamay. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sumagi sa isipan ni Dawn na wala s'yang damit. Namumula ang mukha ni Jian at inutusan ang matanda na bihisan ito. Doon ay halos magwala na ang puso ni Dawn nang mapagtantong nakita ng lalaki ang kabuohan ng kanyang katawan. Tumalikod lamang si Jian at kinuha ang gamot na nakalagay sa bote. Nagpasadya pa talaga ito sa kanyang personal na doktor upang magpadala ng gamot sa migraine. Pinipigilan ng matanda ang kanyang tawa dahil sa reaksyon ng dalawa. Halos balutin naman ni Dawn ang buong sarili sa makapal na kumot. "Kukunin ko na muna ang mga damit mo hija. Nalabhan na iyon lahat at naplantsa na rin." Sabi ng matanda bago nito lisanin ang malaking silid. "I left your medicine here. drink it and go get dressed." Seryosong sabi ni Jian at walang lingon-lingon itong lumabas ng silid. Nang siya ay makalabas ay napasuklay ang isang kamay nito pataas ng kanyang buhok. Napasandal s'ya sa pader at napahilamos gamit ang dalawang palad. Nag-iinit ang kanyang buong katawan. "Jian." Tawag sa kanya ng isang babaeng kararating lamang. Maganda ito at sopistikada. Matangkad at may magandang tindig. Lumapit ito sa kanya at hinalikan s'ya sa mga labi. Matagal ang halik na 'yon at hindi inaasahan na masaksihan mismo ni Dawn na nakasilip sa maliit na awang ng pinto. Hindi na n'ya tinapos ang pagpapalitan ng halik ni Jian at ng kasama nitong babae. Humiwalay na ito sa pinto at kaagad na naglakad patungong kama. Maya-maya lang ay pumasok muli ang matanda na dala ang mga damit nito at naabutan s'yang umiiyak. "Hija ayos ka lang ba?" Malungkot na tanong ng matanda. Kaagad na pinahid ni Dawn ang mga luha. Bakit nga ba s'ya maaapektuhan sa nasaksihan? Hindi ito dapat. Wala s'yang karapatang masaktan dahil hindi naman ito si Liu. Iyon ang nabuo sa kanyang isipan. "Nami-miss ko na po kasi ang anak ko." Katwiran n'ya at saka ito nagmadaling mag bihis. Totoo naman kasing pumasok sa isipan n'ya ang anak na si Sean at kailangan na nitong umuwi dahil alam n'yang nag-aabang nanaman ang anak sa labas ng kanilang bahay. Nang s'ya ay nakapag bihis na ay nagmamadali na itong lumabas. Ni hindi na niya nainom ang iniwang gamot ni Jian. Wala na roon ang dalawa kaya't panatag s'ya. Pagkakataon na niyang umuwi nang hindi nagpapaalam sa kanyang boss na si Jian. Hahakbang na sana ito pababa ng hagdan nang dumating ang babae na naabutan niyang kahalikan ni Jian kanina. "Ang hari ay para sa reyna. Ang prinsipe ay para sa prinsesa." Seryosong sabi nito kay Dawn na siyang nagpagulo nang husto sa kanya. Tinitigan lamang ng babae si Dawn mula ulo hanggang paa. Makikita sa mga mata nito ang inis na hindi maitatago. "Ang tao ay para sa tao." Dagdag pa nito. "Katalina!" Sigaw ni Jian. Nawala ang matapang na ekspresyon ng dalaga at naging maamo nang makita ang galit na mukha ni Jian. "Excuse me. Uuwi na ako. Pasensya na sa istorbo." Sabi ni Dawn na madaling-madali. Hinila naman ni Jian ang kanyang braso at pinigilan nito. Doon lamang s'ya hinawakan nang mahigpit ni Jian. Doon ay nakaramdam s'ya ng kakaibang kuryente na hindi mawari. "Ihahatid kita." Seryosong sabi nito. "Hindi na. Hinihintay na rin ako ni Sean salamat Sir." Doon ay lumuwag ang pagkakahawak ni Jian sa braso ni Dawn. Nagmamadali namang tumakbo si Dawn papalabas ng mansiyon na akala mo'y hinahabol. Hindi na n'ya maintindihan ang sarili at kung bakit nakakaramdam s'ya ng kirot sa kaibuturan ng puso niya. "Why are you late?" Si Sean ang kanyang anak ang bumungad sa kanya nang buksan nito ang ilaw sa sala. Nakaupo ang anak sa mahabang sofa habang nakakunot ang noo. "Sean bakit gising ka pa?" Tinatanong pa ba 'yon? Hindi na pala dapat s'ya magtanong dahil alam naman n'yang hindi matutulog si Sean hangga't hindi s'ya nakakauwi ng bahay. "May inasikaso lang ako anak. Bukas hayaan mo maaga na akong uuwi." Nakakatuwa mang isipin, parang nabaliktad ang sitwasyon sa mag-ina. Ang ina na mismo ang nagpapaalam sa anak kung anong oras makakauwi. Nagmadaling pumasok si Dawn sa kanyang silid matapos ang mahabang diskusyon nila ng kanyang anak. Hindi pa rin Mawala sa kanyang isipan ang nangyare kanina sa bahay ni Jian. Pilit man n'yang itanggi ay bakit s'ya naaapektuhan? Hindi mawala sa kanyang isipan ang paglapat ng dalawang labi ni Jian sa ibang babae. Ginulo n'ya ang kanyang buhok at napapikit muli nang kumirot ang dalawang mata. "Ughhh!" Inis na s'yang nagpipigil nang sigaw dahil sa sakit ng kanyang ulo. Bukod do'n ay ayaw na n'yang magkaroon pa ng pagkakataong magkalapit muli sila ni Jian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD