Chapter 7

1581 Words
INAKAY nito ang matanda patayo. Hindi nagbitiw nang kahit anong salita si Jian sa matanda. Tahimik lang n'ya itong tinignan habang si Celda ay hindi parin makapaniwala sa kanyang nakikita. "Auntie nagkakamali po kayo." Pinilit na tumayo ni Dawn kahit na namamanhid ang bahaging binti nito. Naroon parin ang pagkahilo n'ya kaya't hinapit naman ni Jian ang beywang nito upang makatayo ng tuwid. Nanonood lamang ang batang si Sean habang malalim ang iniisip. Kaagad na umiwas si Dawn kay Jian. Hinarap nito ang matanda at saka nagpaliwanag. "Hindi s'ya si Liu. Matagal nang patay si Liu, Auntie." May pait ang mga mata n'yang sabi sa matanda. Marahil ay napagod na si Dawn sa pagbabakasakaling si Jian at Liu ay iisang katauhan lamang. Namutla nang husto si Celda sa sinabi ng kanyang pinagsisilbihang si Dawn. Naglaro sa isip ng matanda kung sino nga ba ang lalaking nakatayo mismo sa harapan nila. "Ah Auntie samahan n'yo muna ako sa pharmacy. Naibigay na sa 'kin ng doctor ang reseta." Sabi ni Mei at sumenyas kay Dawn na s'ya na muna ang bahala sa matanda. Hindi naman sila nahirapan dito at sumama rin kay Mei sa labas. Naiwan naman ang tatlo sa loob. Si Dawn, Sean at Jian. Inakay ni Sean ang ina para bumalik sa higaan. Naging kaswal lang ang usapan ng tatlo. Wala nang iba pang binanggit si Dawn kundi pasasalamat kay Jian sa agarang pagdala rito sa ospital. SAMANTALA… "Auntie kanina pa kayo tulala d'yan." Lumapit si Mei sa matanda hawak ang mga gamot na nireseta ng doctor sa kaibigan nitong si Dawn. Kasalukuyan silang nasa tapat ng pharmacy dito sa ospital. Hindi parin makapaniwala ang katiwalang si Celda. Bakit gano'n na lamang ang lukso ng kanyang pakiramdam nang makita ang kamukha ng yumaong alagang si Liu. Iba ang pakiramdam ni Celda. Sa halos 50 years n'yang nanilbihan bilang tagapag-alaga sa Young Master ay parehas ang nararamdaman n'yang lukso ng dugo kay Jian. Para bang iisa lamang ang dalawa. Ang agam-agam ng matanda ay napawi nang maramdaman ang mainit na palad ni Mei na dumapo sa balikat nito. May pag-aalala sa mga mata ng dalaga. NAUPO naman si Jian sa sofa habang pinagmamasdan ang mag-ina na si Dawn at Sean. Dumating naman kaagad si Mei ngunit hindi na kasama ang matanda. "Mei si Auntie?" Tanong ni Dawn. "Pinauwi ko na muna sumama raw ang pakiramdam n'ya e. Eto ang mga gamot mo lalo kapag kumikirot ang mga sugat mo. Sabi pala ng nurse twice a day kang iinom ng antibiotic kasi kapag nawala na ang pangpamanhid hihilab na raw ang kirot ng sugat lalo kapag malamig ang panahon." Ibinaba isa-isa ng kaibigan ang mga hawak na gamot sa katabing mesa ni Dawn. "Bumili na rin ako sa canteen ng mainit na sopas. Kumain ka muna bago uminom ng gamot." "Salamat talaga Mei at dumating ka. Hindi ba ako abala sa 'yo? Baka hinahanap ka na ng asawa mo?" Hindi na umimik si Mei. "Walang pakialam sa 'kin si Jian. He only cares about the money. Ang mamanahin lang n'ya ang mahalaga sa kanya." Napatingin si Dawn sa gawi ni Jian. Kapangalan kasi nito ang asawa ni Mei. "Uy oonga pala Jian katukayo mo ang asawa ko. Pero mas gwapo ka naman di hamak dun." Nakuha pang mag biro ni Mei kahit na sa mga mata nito ay may lungkot. Hindi naman umimik si Jian hanggang sa tumayo na ito. "I need to go back to the company. I still have a lot of work to do. If you ever need anything I'll immediately send my driver here." Paalam ni Jian at kinuha ang coat. Tumayo naman si Sean at yumuko bilang pasasalamat dito. Lumingon si Jian at ngumiti sa bata. Nagulat si Dawn at Mei dahil hindi naman kakikitaan ng gano'n si Jian. Hinawakan nito ang buhok ni Sean tsaka muling nagsalita. "Take care of your mom." Ang mga mata naman ni Mei ay hindi mapigilang mag salit-salit kay Dawn at Jian. Hindi s'ya makapaniwala sa kakaibang trato ng lalaki sa mag-ina. Muli nang naglakad si Jian at binuksan na nito ang pinto. Ngunit para bang may nakalimutan ito kaya lumingon ulit pabalik sa kanila. "Don't you worry about the expenses here. I already took care of it." Nanlaki naman ang mga mata ni Dawn sa kabutihan nito. Pati si Mei ay hindi mapigilan ang kilig sa kinikilos ni Jian hanggang sa ito'y makalabas na. "Hoy Dawn ha ikaw lume-level up na ba kayo ni Sir Jian?" Nakangising tanong nito sa kaibigan. "Umayos ka nga Mei." Pinandilatan naman ni Dawn ito ng mata. Baka kasi nakalimutan ni Mei na naroon pa si Sean at naririnig ang mga kalokohan n'ya. Kaagad namang nakuha ni Mei ang ipinapahiwatig ng mga mata ni Dawn at napakamot na lamang sa kanyang ulo. "Joke lang. Anyway pahiram muna kay Sean bukas ha." Napakunot noo naman si Sean. Naririndi na ito sa bunganga ng kanyang Tita Mei. "Mei." Inis na saad ng bata. "Tita sabi e!" Pinandilatan naman ito ni Mei. Para bang mga bata na nag-aaway. "Teka lang sino ba may sakit dito? Hindi ba ako? Pagpahingahin n'yo kaya muna ako." Natawa naman si Mei sa sinabi ni Dawn at kinutusan si Sean sa ulo. Namumula naman si Sean sa inis dito ngunit wala s'yang magagawa dahil hindi naman n'ya ugali ang pumatol sa babae. Iritableng-iritable si Sean nang isama naman s'ya ngayon ni Mei papunta sa labas. Nag-aya kasi itong magpunta sa Mcdonalds para bumili ng hapunan nila. "Fast food isn't healthy for the sick." Nakasimangot at bagot na sabi ni Sean kay Mei. "Ano ka ba hindi naman. Favorite kaya namin ng mama mo 'yung cheese burger." Hindi umapila si Mei at dumiretso parin sa loob. KINABUKASAN ay maagang na-discharge si Dawn sa hospital. Naroon naman agad si Manong Albert at sinundo sila. "Hindi na ako nakapagpasalamat kay Jian." Sabi ni Dawn kay Mei habang nasa loob ng sasakyan. Wala naman si Sean at maagang umalis dahil may pasok pa ito. "Hindi ko pala nabanggit sa 'yo kanina. May nagpunta rito driver daw ni Jian. Pinapasabi ng boss mo na mag-leave ka raw muna sa trabaho at ipahinga mo ang sugat mo." Hindi naman nakapagsalita si Dawn at nakinig lang sa kaibigan. Maya-maya pa'y nakarating na sila ng villa. Naroon si Celda na sumalubong sa pagdating nila Dawn. Hirap pa sa paglalakad si Dawn kaya nakaupo na muna ito sa wheel chair. "Hija nagluto na ako ng makakain mo." "Auntie mamaya na lang ho ako kakain. Gusto ko na munang magpahinga sana sa kwarto." Paalam naman ni Dawn. Pumayag naman ang matanda at umalalay si Mei para makahakbang ng maayos si Dawn paakyat. Kaagad na ring nagpaalam si Mei matapos makahiga si Dawn sa kama. "Aakyatan na lang kita maya-maya ng makakain mo hija. Magpahinga ka na muna." Sabi naman ng matanda. ISANG LINGGO ang nakalipas… Kasalukuyang nasa garden si Dawn at nagdidilig ng mga halaman. Hindi pa rin gaanong naghihilom ang sugat nito sa kanang bahagi ng binti kaya't hindi pa rin s'ya nakakapasok ng opisina. Katatapos lamang n'yang mag almusal at uminom ng gamot. "Hija may bisita ka." Dumating si Celda at tinawag ito. Sino naman kaya ang bisita n'ya sa ganong oras? Ibinaba muna ni Dawn ang hawak na host at pinatay ang tubig. Pumasok ito sa sala at nagpupunas pa ng kamay. Laking gulat nang makita si Director Shu. "Dawn baka pwede mo akong matulungan." Nagmakaawa kaagad ang direktor na nadawit lamang sa galit ni Jian. Simula kasing tanggalin s'ya sa trabaho ni Jian ay nahirapan na itong maghanap ng ibang trabaho. Doon nalaman ni Dawn na nasa block list na pala ang pangalan ni Director Ricky Shu kaya't hirap sa paghahanap ng malilipatan. Walang nagawa si Dawn kundi ang isama ito sa kompanya at makausap ng masinsinan si Jian. Nagmamadali s'yang umalis at hindi man lang nagawang magpaalam. "Salamat talaga Dawn." Paghingi ng pasasalamat ng baklang direktor habang nasa loob sila ng taxi patungo sa Sun Group. Mula sa labas pa lang ng kompanya ay mahigpit na ang securities at hindi nakapasok ang direktor. Si Dawn naman ay nakapasok agad at kaagad na nagtungo sa elevator. Kailangan n'yang paliwanagan ang isipan ni Jian dahil maraming inosenteng tao ang nawalan ng matinong trabaho dahil lang sa pagsasara ng nasabing agency. Wala si Nessy sa kanyang desk dahil Martes ito ng umaga at marami na ulit nakatambak na paperworks sa mesa nito. Humugot muna ng malalim na paghinga si Dawn. Hindi kasi ibig sabihin na naglantad na ng mukha ang may-ari ng Sun Group ay basta-basta na lamang s'yang makakapasok sa loob ng opisina nito nang walang pahintulot. Nagulat s'ya nang biglang bumukas ang pinto na akmang kakatukin pa lamang n'ya. Para bang alam na alam ng nasa loob ang pagdating n'ya. Kaagad na pumasok si Dawn at nagulat s'ya nang bumungad agad si Jian habang naka dekwatrong upo sa swivel chair nito. Seryoso ang tingin sa kanya at blangko ang mga mata. "I'm sorry Mr. Sun but I have a favor." Halos malunok na ni Dawn ang buong laway sa sobrang kaba. Ang mga ngiti kasi ni Jian kahapon ay nag-iba ngayon. Para bang isa nanamang s'yang turista sa mga mata nito. "Hindi ko matanggap na nawalan ng trabaho ang mga inosenteng tao sa agency dahil lang sa aksidenteng nangyare sa 'kin. Please… I beg you. Ibalik mo ang kabuhayan nila." Direktang sabi ni Dawn at lumuhod ito. Tiniis niya ang sakit ng binti. Hindi nagsalita si Jian at sa halip ay tumayo ito. Yumuko ito sa harapan ni Dawn at nagpantay ang kanilang mga mata. Hinawakan n'ya ang magkabilang braso ni Dawn at inalalayang makatayo muli. "I'll grant your wish in one condition…" Sabi ni Jian. "I have a business trip in Japan and I'd want you to come with me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD