bc

Evenfall: My Aloof Husband 2

book_age18+
2.3K
FOLLOW
7.8K
READ
billionaire
possessive
sex
contract marriage
aloof
powerful
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Dawn wholeheartedly thought that she would finally be over her deceased husband. A few years have passed before she could even begin to wake up from her depression and find closure, but she was wrong. When this stranger came into his life, he was troubled again.

This stranger seems to know more than he's letting on. What would Dawn do if they met face to face?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Dawn: "DO YOU REALLY NEED THIS JOB MRS. VAN SHEN?" Kunot noong tanong ng sekretarya ni Mr. Sun. Kasalukuyan akong nasa harapan nito para sa interview. Humugot ako ng malalim na hangin bago nagsalita. "Yes Ms. Talavera." Chineck nito ang lahat ng nasa resume ko habang tahimik naman akong nakaharap sa kanya. 6 am pa lang ay nakapila na ako para sa interview. Ako ang pangalawa sa huli bago ma-cut ang pila. Pasado alas-tres na ng hapon at kasalukuyan akong nakaupo, hinihintay na lamang ang resulta. Habang nasa labas ng opisina ni Ms. Talavera ay naramdaman ko na ang pag kalam ng sikmura ko. Maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. Nakita ko namang si Mei ang tumatawag kaya dali-dali kong sinagot ito. "Dawn asan ka? Kinukuha ng mga talent scout si Sean para maging model pero kailangan ng waver at pirma ng gardian." Bungad nito. Hindi agad nag sink in sa utak ko ang sinabi nito hanggang sa muli s'yang magsalita. "Dawn?" Doon lang pumasok lahat sa utak ko. "Talent Scout? Nag-aaral pa si Sean Mei. At nasaan kayo?" "Hay nako babae ka. Nasa mall kami ng anak mo. Kasalanan ba ng bata maging sobrang gwapo?" Napahilamos na lang ako sa sinabi ni Mei. I know my son, bukod sa bata pa ito ay mailap s'ya sa tao. Alam kong hindi n'ya papasukin ang showbiz. "Can I talk to my son?" Sabi ko sa kabilang linya. "I don't think so Dawn… pinagkakaguluhan s'ya ng mga talent scout." "Mei naman. Alam mo namang bata pa si Sean. Kung nandiyan lang ako e." "E pano nga wala ka naman dito? Asan ka ba kasi?" Natigilan ako nang tawagin ni Ms. Talavera ang pangalan ko. "I'll call you later Mei. Wag mong pipirmahan ang waver." At ibinaba ko na ang tawag. Tumayo na ako at hinarap ito. Nakangiti s'ya sa 'kin habang may hawak hawak na puting folder. "Eto ang kontrata mo sa Sun Group." Nakangiting inilahad ang folder. "You mean?" Hindi ako makapaniwala. "Yes, the CEO wants you. You're hired." Lutang ako hanggang sa makauwi ng villa. Naabutan ko naman si Mei at anak kong si Sean na kumakain. "Dawn! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba kasi galing?" Tanong nito. "Ah nag-apply lang ako ng trabaho." Napatayo si Mei at sumalubong sa 'kin. Sumunod naman si Sean at nakakunot ang noo. Pinag-krus nito ang magkabilang braso at nagtanong. "Ma why do you need a job? I can make money." Nagkatinginan kaming dalawa ni Mei sa binitiwang salita ni Sean. Sa edad niyang pitong taong gulang ay mature na ito kung mag-isip. "Anak someday you can make money for yourself. Hayaan mo muna akong alagaan ka." Nakangiti kong sabi. "Sean pwede mo ba muna kaming iwan ng Tita Mei mo?" Hindi naman ito nagsalita at naglakad papunta ulit sa hapagkainan. Doon ko na hinila si Mei sa labas. "Mei ano'ng sabi mo? Kinukuhang model si Sean at wala ka man lang ginawa? Alam mo namang ayokong pumasok sa magulong showbiz ang anak ko." Napangiti naman ito. "Pwede ba Dawn mag-chill ka nga. Hindi ko pinirmahan ang waver okay? Eto ang calling card. Mas maganda nang ikaw mismo ang kausapin nila." "Hindi ako pumapayag sa gusto nilang mangyare. Maghanap na lang sila ng ibang talent." Walang nagawa si Mei sa desisyon ko. Iniba na lang nito ang usapan tsaka ako hinila sa garden at naupo sa duyan. "Saan ka ba kasi galing at anong apply apply 'yan? Mag a-apply ka e hindi naman kayo kinukulang sa pera." Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon ni Mei sa malalaman n'ya at sa desisyon ko. Pero naisip hindi ko ata kayang sarilihin ito. Hay bahala na nga. Sinabi ko ang lahat kay Mei. Sinabi ko kung ano ang motibo ko sa pagpasok sa kumpanya ng Sun Group. Ngunit nagulat ako sa naging reaksiyon nito. "Ano?!" Kaagad kong tinakpan ang bibig nito dahil baka may makarinig. "You must be kidding?" Tanong n'ya at hindi makapaniwala. "Of course not. Lahat ng sinabi ko sa 'yo ay totoo." Tumaas ang kilay nito at tinitigan ako ng mabuti. "Sigurado ka ba sa pinapasok mo Dawn? Baka naman hindi ka lang talaga nakaka-move on sa asawa mo kaya kung ano ano na ang nakikita mo." "I'm sure. I'm very sure." Katahimikan ang namayani saming dalawa. Maya-maya lang ay napakamot ito sa ulo na parang hindi mapakaniwala. "Dawn." "Mei alam ko mahirap paniwalaan. Baka nga nagkakamali lang ako. Baka pinaglalaruan ako ng tadhana but I have rights to know the truth." "Anong truth pa ba ang gusto mo? Maybe he's just-" Naputol ang sasabihin nito nang pangdilatan ko s'ya ng mata. Dumating kasi si Auntie Celda at may dalang tray ng juice. "Oh magpalamig muna kayo." At inilapag nito ang tray sa maliit na mesa. Mabuti at hindi nito narinig ang reaksyon ni Mei. Matapos no'n ay umalis na si Auntie Celda. Bumalik ulit ang mga mata ko kay Mei. "Hindi pwedeng malaman ni Sean 'to." Diretsa ko. "Ano pa ba? Tiyak na magagalit 'yon kapag nalaman n'ya 'yang kabaliwan mo." Hindi na ako muli pang umimik hanggang sa may tuwamag kay Mei sa kanyang phone. Maya-maya pa ay kaagad din itong nagpaalam at nagmamadaling umalis. Doon pa lang kumalam ang sikmura ko. I almost forgot na acidic pala ako at uminom pa ako ng orange juice nang walang kain. Kaagad akong pumasok. Wala na si Sean samantalang naabutan ko naman si Auntie Celda na nagliligpit ng pinaghugasan. "Hija kumain ka na ba? Ipaghahain kita." "Salamat Auntie. Si Sean po?" Hanap ko sa anak ko. "Ayon maagang umakyat at mag-aaral pa raw." Napangiti naman ako sa nalaman. Napakasipag mag-aral ng anak ko. Hindi ko problema ang mga grado n'ya sa school dahil isang outstanding student si Sean. Talaga namang namana n'ya ang karunungan sa kanyang ama. KINABUKASAN ay maaga akong naghanda ng sarili. Ngayon ang unang araw ko sa Sun Group bilang isa sa mga sekretarya ni Mr. Sun. Matapos kong maayos ang lahat ay naabutan ko pa si Sean na ihahatid na ni Manong Albert sa school. Saglit ko itong hinalikan sa noo at inayos ang suot na uniform. Pagkatapos ay bumalik ako sa loob. At kaagad na hinanap ang kape ko. "Hija napapadalas ata na kape lang ang iniinom mo sa umaga. Halika rito at kumain ka nag handa ako ng paborito mo." "No Auntie kailangan kong pumasok ng maaga sa unang araw ng trabaho." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin n'ya at pumasok na ako sa sasakyan ko. Ito ang sasakyan na niregalo pa sa 'kin ng ama ko noon na hindi ko naman gaanong nagamit. Tumingin ako sa orasan at maaga pa. Mabuti at walang trapik sa EDSA kaya hindi ako nahuli. "Dawn mabuti at maaga ka." Nagulat ako nang tawagin ni Ms. Talavera sa unang pangalan ko. "Ito na ang mga schedule ni Mr. Sun and may rules and regulations tayong pinapatupad dito. Alam mo naman sigurong hindi humaharap sa tao si Mr. Sun kaya hanggang pintuan ka lang maliwanag?" Tumango ako sa sinabi n'ya. "Nessy na lang ang itawag mo sa 'kin. Masyado kasing pormal ang Talavera." Nakangiti n'yang sabi. Tumango ulit ako at nginitian s'ya. "Bali sa right side ang desk mo malapit sa pinto ng opisina ni Mr. Sun. Sa Tuesday naman off ko kaya ikaw muna ang bahala including sa pagtimpla ng kape n'ya. Makakapasok ka lang sa loob para ibigay ang kape n'ya ng 3pm ng hapon. Sakto kasing wala s'ya sa opisina no'n pero wag kang magtatagal okay? Alam mo naman marami nang natanggal dito dahil sa kagustuhang makita ang itsura ni Mr. Sun na palaging nakamaskara." Sumagi sa isipan ko ang nangyare isang buwan na ang nakalilipas. Ito nga ang dahilan kaya ako nagpumilit na makapasok dito dahil gusto kong malaman kung sino nga ba si Mr. Sun. At bakit s'ya pa? Bakit sa lahat lahat ng pupwedeng maging kamukha n'ya bakit… Naputol ang agam-agam ko nang tumunog ang telepono malapit kay Nessy. Inayos ko na lamang ang mga papeles sa mesa ko at nagmasid sa kapaligiran. Lumipas ang ilang oras, inaya akong kumain ni Nessy dahil lunch break na. Kaagad naman akong sumama. Habang nasa cafeteria ay nagbilin ito sa 'kin. "Tumawag si Mr. Sun ikaw daw ang magdala sa kanya ng kape mamayang alas-tres ng hapon. Ayaw n'ya ng sugar okay?" Hindi agad ako nakapagsalita. Kaya ko bang makaharap s'ya? Pumitik ang kamay ni Nessy kaya't nakuha n'ya ang atensyon ko. "Wala s'ya sa opisina ng 3pm remember? Kaya bilisan mo at wag kang magtatagal. Ayaw ng tao ni Mr. Sun sa loob ng opisina n'ya." Sabay inom nito ng juice. "I see." Sagot ko. Matapos naming kumain ay bumalik ako agad sa trabaho. Nagpaalam kasi si Nessy na hindi na muna sasabay sa pag-akyat dahil bibisita ito sa engineering department para mag-monitor. Pagkarating ko sa 'king desk ay binuksan ko ang computer na nasa harapan ko. Gusto kong i-search ang lahat ng tungkol kay Mr. Sun ngunit walang lumalabas. Napakagat ako sa ibabang labi nang mabigo. Sino ka nga ba talaga? Masiyado kang mahiwaga. Pumatak ang alas-tres ng hapon. Dala-dala ko na ang tasa na may lamang kape. Bilin sa 'kin ni Nessy na kumatok muna para masigurong wala ito sa loob. Sinunod ko ang payo n'ya at kumatok ako ng tatlong beses. Walang Mr. Sun na sumagot kaya't nagtuloy-tuloy na ako sa loob. Inilibot ko ang aking paningin sa madilim na paligid. Bakit naman ganito kadilim? Naglakad na ako nang maaninag ang kanyang mesa at inilapag ang tasa ng kape. Muli kong inilibot ang aking mga mata sa madilim na kapaligiran. Wala naman akong maramdamang presensya n'ya kaya't naglakad na ako paalis nang matigilan ako. "Tell me why are you here?" Tumaas ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang mainit na hangin na mula sa paghinga nito ng malalim. Lilingon na sana ako ngunit nagsalita s'ya muli. "Don't look back Dawn." Nabuhayan ako ng loob nang banggitin nito ang pangalan ko. "Liu?" Hindi na ako nagtumpik-tumpik pa. Kaagad akong lumingon at sinuway ang sinabi n'ya. Nakita ko s'yang nakatayo mismo sa harapan ko habang natatakpan ng kadiliman ang kalahating mukha nito. Walang pinagbago. S'ya parin ang lalaking hindi mo kakikitaan ng emosyon. "You're my husband right? Liu…" Malaki ang pagkakangiti ko na agad ding napawi nang magsalita s'ya. "Enough, you're mistaken for calling me your husband."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.4K
bc

Unexpected Romance

read
40.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
219.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook