NAMANGHA ako sa mga iba't-ibang ilaw nang makarating kami ni Jian sa night festival. Hindi ko mapigilan ang pag lingon-lingon sa mga tindahan at magagandang tanawin. Lahat ay bago. Lahat ito ay bago sa 'king karanasan. Ang magsuot ng magandang kimono at makakita ng mga parol na may ilaw at s'yang pinapalipad sa ere.
Maraming magkasintahan ang naroon dahil sa sinasabing malaking cherry blossom tree na pinaniniwalaan nilang may hiwaga. Hiwaga dahil tinutupad nito ang ano mang hilingin mo.
May mga nagtatawanang mga kabataan habang nanonood sa mga parol. Masaya ang lahat ngayong gabi. May nadaanan kaming isang tindahan ng mga palamuti sa buhok. Kumikinang ang mga ito na gawa sa kristal. Hindi ko napigilang hindi mapahinto dahil may kung ano'ng pumukaw sa 'kin nang makita ang kakaibang bato na kulay pula. It's like a crimson stone that shines in the moonlight. Lumapit ako para makita nang malapitan ang broach na iyon.
Hinawakan ko ito at napangiti ako nang ilagay sa aking suot na kimono bilang palamuti.
"How much?" Nagulat ako nang tanungin ni Jian ang matandang nagbebenta.
"No ako na ang mag babayad." Sabi ko ngunit huli na dahil nakapagbigay na ito ng pera sa matanda. Kaagad naman akong pinamulahan at napalabi dahil sa hiya. Bakit ba kasi napakagalante ng lalaking ito?
"Babayaran na lang kita." Alok ko ngunit kaagad naman s'yang tumanggi at tinitigan ako at ang suot na broach sa may bandang dib dib ko.
"It suits you well." Sabi n'ya at nagsimula nang maglakad. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng aming mga paa dahil sa haba ng daan at dami ng mga tao. Nasa likuran lamang n'ya ako habang pinagmamasdan ang buong kabuohan n'ya. Itinaas ko ang kamay at napahawak sa 'king dibdib dahil kumakabog nanaman ito ng malakas. Hindi ko mapigilang hindi maalala si Liu sa katauhan ngayon ni Jian.
Maya maya pa'y nakarating kami sa may pinaka maraming tao. Kumpol-kumpol ito habang pinagmamasdan ang napakalaking puno na tinatawag nilang cherry blossom tree. Ito na nga ang sinasabi ng mga matatanda. Ang puno kung saan ay humihiling ang mga magkasintahan. Kasabihan lamang iyon ngunit marami parin ang naniniwala.
Pinakatitigan ko ang malaking puno. Kumikinang ito dahil sa ilaw ng mga parol na nasa ere. Lahat ng mga tao'y taimtim na nakatitig sa puno at magkalapat ang dalawang palad.
Ang sabi sa mga haka haka, matutupad lamang ang hiling mo kung may busilak na puso ka. Hindi ko alam ngunit inilapat ko na lang ang mga palad ko at saka humiling ng bukal sa 'king puso. Naramdaman ko ang pagpatak ng niyebe sa 'king pisngi. Pagmulat ng aking mga mata'y nakita ko ang puno. Para bang namamalikmata ako dahil mas lumiwanag ito nang umulan ng yelo. Hindi ko maiwasang mapangiti at isahod ang palad para damhin ang bawat pagpatak nito.
Tumingala ako sa puno at mga parol na nasa langit. Nakikita ko pa ang usok nang paghinga ko dahil sa sobrang lamig. Hindi ko makakalimutan ang gabing ito kung saan ay nakakita ako ng mala paraisong ganda.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising para ayusin ang meeting schedule ni Jian. Abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento nang biglang umihip ang malamig na hangin sa 'king silid. Binalewala ko ito. Normal lang naman iyon dahil bukas ang maliit na bintana. Gaganapin ang meeting malapit sa templo. Matapos ang lahat ay nag-aya ang kausap ni Jian para bisitahin ang shrine rito sa Hokkaido. Kaagad namang pinaunlakan iyon ni Jian. Hanggang sa labas lamang ng bamboo forest ang sasakyan kaya't nilakad namin ito.
Nagtataasang mga bamboo tree ang aming nadaanan at puting lupa dahil sa pag-ulan ng yelo kagabi na walang humpay. Mabuti at maaraw at maaliwalas ang kalangitan ngayon. Hindi ko naman mapigilan na kuhanan ng picture ang bawat naggagandahang tanawin habang nakasunod sa kanila. Sa likurang banda ko naman ay ang mga bodyguards ni Jian.
Nahagip pa ng aking camera si Jian na nakalingon sa 'kin kaya't kaagad kong itinago ito. Hindi sinasadyang mapasama s'ya sa larawan. Napahinga ako nang malalim at kinalma ang sarili saka sumunod sa kanila. Maya-maya lang ay may hagdan kaming inakyat papunta sa shrine. Kinuha ko ulit ang camera para kuhanan ng litrato ang mga batong may nakaukit na simbolo. Abala ang lahat sa pag iikot habang ako ay may sariling mundo. Habang nag-uusap si Jian at si Mr. Shiryu ang isa sa mga kasosyo nito sa negosyo ay pumasok naman ako sa loob ng templo.
Mga larawan ng mga sinaunang tao. Isa-isa ko itong kinuhanan ng litrato. Mga pinaniniwalaang Diyos at mga emperador. Mayroon ding mga letrang nakaukit sa bawat bato ang nakita ko. Naglakad-lakad pa ako muli hanggang matunton ang mga rebultong nakatayo sa pinaka gitna ng templo. Nasisinagan ito ng araw sa itaas dahil walang bubong sa parte na iyon. Natatakpan ng makapal na yelo ang iba sa mga ito kaya't isa-isa kong inalis ang mga tumigas na yelo para makuhanan ito ng litrato. Rebulto ito ng tao na may bilang na labindalawa at may kakaibang kasuotan. Mukhang mga bughaw na uri. Handa na ang camera ko para kuhanan sila ng litrato nang biglang mapatingin ako sa rebulto ng isang babae.
Hindi ganoon kaliwanag ang pagkakaukit ng mga rebulto dahil sa katagalan. Hindi mo na maaninag ang buong mga itsura nito. Ngunit isa ang napansin ko sa rebulto ng babaeng nasa harapan ko. Kinuha ko ang panyo sa loob ng bulsa ko bilang pamunas. Matapos iyon ay mas nakita ko ng malinaw ang bagay na iyon. Isa itong medalyon na nakalagay sa bandang dibdib ng rebulto. Katulad ito sa broach na nakita ko kagabi sa festival. Naisip kong kunin ang broach sa loob ng bag ko at itinabi sa medalyon na suot ng rebulto. Hindi lang basta katulad dahil mukhang iisa ang mga ito.
Dahil sa moderno na ang panahon ngayon ay binalewala ko ito. Marami nga namang katulad ang broach na hawak ko dahil sa mga makabagong teknolohiya. Matapos kong itago ang broach ay nakasalubong ko naman sa daan ang bodyguard ni Jian at babalik na kami ng hotel dahil biglang sumama raw ang pakiramdam nito.
Hindi mawala sa 'kin ang pag-aalala. Marahil ay dahil iyon sa walang tigil n'yang pagtatrabaho at pag-punta namin kagabi sa festival. Umuulan nanaman ulit ng yelo at kumakapal na ang daan sa labas.
"Dalhin natin s'ya sa malapit na hospital." Suhisyon ko ngunit umiling ang bodyguard n'ya. Hindi raw talaga hilig ni Jian na magpadala pa sa hospital kaya't wala kaming magawa.
Pagkarating pa lang ng hotel ay dumiretso na si Jian sa kanyang silid. Kinausap naman ako ng isang bodyguard n'ya na tumawag sa ibaba para sabihing ayaw magpadistorbo nito. Tumango na lamang ako at sinunod ang utos n'ya bilang sekretarya ni Mr. Sun.
Ibinaba ko na ang telepono pagkatapos kong sundin ang iniutos sa 'kin. Binuksan ko agad ang laptop para tignan ang email ni Mei at kamustahin sila. Isang araw na lang at babalik na kami ng Pinas. Sobrang miss ko na ang anak kong si Sean kaya't hindi na ako makapag-antay pa. Nagdala naman ng makakain sa silid ko ang house keeper. Pagkatapos kong maghapunan ay nag desisyon na akong maligo para makapagpahinga na.
Binuksan ko ang tubig at dinamdam ang katamtamang init nito na dumadaloy sa 'king balat. Itinaas ko ang mukha ko para maramdaman ang tubig. Pagkatapos kong mag basa ng katawan ay naglinis na ako ng buhok at katawan. Nag babad naman ako sa malaking tub at isinandal ang likuran sa makapal na kahoy. Ipinikit ko ang aking mga mata.
"The twelve celestial will arrive soon." Tinig ng di ko kilalang lalaki. Sobrang liwanag ng paligid at hindi ko makita nang mabuti ang lahat. Lahat ng tao ay nakayuko nang may dumating. Mas tumindi ang liwanag at hindi ko masilayan ang kanilang mukha.
Sinundan ko sila nang tingin hanggang sa isa-isa na itong naupo sa kanilang trono. Pinilit kong makita ang mga ito ngunit nabigo ako.
Maya-maya pa ay may nagsidatingang mga lalaking nakasuot ng metal. Mga metal na ginagamit sa digmaan.
Lumuhod ang tatlong lalaki sa harapan ng mga taong nakaupo sa trono.
"Bring me the head of the first Prince." Sabi ng babae kaya't tinitigan ko ito nang makita ang kulay pulang kumikinang sa kanyang bandang dibdib.
"The first Prince of Abalon." Nang laki ang mga mata ko nang makita ang medalyong iyon. Ang medalyon na suot ng babaeng nagsalita.
Bumalikwas ako ng bangon mula sa 'king pagkakasandal. Panaginip... Isang panaginip. Hindi ko namalayang nakatulog ako marahil ay sa labis na pagod. Napahawak ako sa 'king ulo.
Ano ang panaginip na 'yon? May kung ano ang gumugulo sa 'kin na hindi ko malaman.