Chapter 12

1710 Words
DAWN: ILANG araw nang makabalik kami sa Pilipinas. Nakita ko agad si Manong Albert sa Airport at kasama si Mei. Magkahiwalay ang eroplanong sinakyan namin ni Jian kaya't hindi kami magkasama. "Dawn!" Masayang salubong sa 'kin ni Mei. Kinuha naman ni Manong Albert ang mga bagahe ko at ipinasok sa loob ng compartment ng sasakyan. Masaya kong sinalubong ng yakap ang kaibigan ko kahit na hindi naman ganoon katagal akong nawala. "Kamusta si Sean?" Tanong ko. Kasalukuyang nagmamaneho na si Manong Albert pauwi sa villa. "Okay naman s'ya kahit na bugnuting bata." Natatawang sabi nito. Hindi naman na bago sa 'kin ang ganoong pag-uugali ng anak ko. "Wow ang ganda ng broach na 'yan." Turo ni Mei sa may bandang dibdib ko. Hinawakan ko naman ang kulay pulang broach at inilagay sa palad ko. "Bigay ni Mr. Sun." Sabi ko. Tumikhim naman si Mei na may gustong sabihin. Tinignan ko ito nang may katanungan sa 'king mga mata ngunit nag kibit-balikat lamang ang aking kaibigan. Nang dumating kami sa villa ay naroon na sa labas si Auntie Celda. Sumalubong ito ng yakap sa 'kin at kinamusta ako. "Dawn nandito pala si Master Riku." Sabi ni Auntie. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Mei.  "Sige po Auntie. Si Sean po ba nasa loob na?" Tanong ko. Tumango naman ito kaya't nagpaalam na akong mauna. Pagbukas ko sa malaking pintuan ay nakita ko si Riku at si Sean sa sala. Nag-uusap lamang ng pormal ang dalawa hanggang sa makita ako ni Riku. Ngumiti naman ako at hinawakan sa ulo si Sean at saka ito ginulo. Bakas sa mukha ng anak ko ang iritasyon at natutuwa akong makita ito dahil sa ilang araw kong nawala. "Sean iwan mo muna kami ng Uncle Riku mo." Sabi ko. Hindi naman sumagot si Sean at seryosong umalis sa sala. Itinuon ko naman ang aking pansin kay Riku na nakatayo sa harapan ko. "Riku, kamusta?" Tanong ko. Matagal din itong nawala dahil sa naging abala sa kanyang negosyo. "Dawn." Banggit n'ya sa pangalan ko at kinuha ang isang magazine sa kanya suitcase at saka ito ini-abot sa akin. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong n'ya nang makita ang larawan ni Jian sa media. Napalunok ako dahil doon. Alam ko kung ano ang iniisip ni Riku dahil kamukhang-kamukha naman talaga ng kuya n'ya si Jian. "Nabalitaan ko ang pagbili ng Sun Group sa kumpanya. Dawn, bakit ka pumayag magtrabaho sa kumpanya ni Mr. Sun?" Seryosong tanong ni Riku. Huminga ako nang malalim at inilapag ang magazine sa katabing mesa. "Alam mong mahalaga sa kuya mo ang Van Shen Group." Bungad ko. "Kailangan kong gawin ito Riku. Ito na lang ang paraan para makapasok ako sa Van Shen Group." "Iyan nga lang ba ang dahilan mo Dawn? Look…" Kinuha muli nito ang magazine at itinuro ang larawan ni Jian. "Sigurado ka bang 'yon ang motibo mo?" Seryoso ang mukha ni Riku. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Alam mo kung ano'ng ibig kong sabihin Dawn." Humigpit ang pagkakahawak ko sa 'king palda. "Umalis ka na sa Sun Group habang maaga pa." Nagulat ako nang bitiwan n'ya ang mga katagang iyon. "Gano'n ba kababaw ang tingin mo sa 'kin?! Sa tingin mo ba ay mahuhulog ako kay Jian dahil lang sa kamukhang-kamukha n'ya si Liu?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses. "Mahalaga ang Van Shen Group sa kapatid mo Riku." "Pero hindi ito ang nakikita kong solusyon." Sabi nito. Napa-atras ako nang marinig ang bawat katagang iyon. I feel ashamed. Ano nga ba itong ginagawa ko? Naiipit ako sa sitwasyon. Naging magulo ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Riku. Paano nga kung ginagawa ko lang ito dahil ayokong malayo kay Jian? "Umalis kana. Hindi ikaw ang makakapagsabi kung ano ang tama at mali." Sabi ko. "Pag-isipan mo. Ikaw din ang mahihirapan sa pinasok mo Dawn. Hindi ito ang gustong mangyare ng kuya kung nabubuhay lang s'ya." Seryosong sabi ni Riku at kinuha ang magazine. Natulala ako at hindi napansin ang pag-alis nito. "Dawn." Napukaw ang atensiyon ko nang maramdaman ang paghawak ni Mei sa 'king balikat. Alam kong narinig n'ya ang lahat-lahat. Ngumiti lamang ito sa 'kin kahit na bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Unti-unti namang nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang gustong kumawala. "Mei, ano'ng gagawin ko?" Hindi ko na napigilan ang pag-iyak sa balikat ni Mei. Katotohanan ang s'yang sumampal sa 'kin nang malinawan ako. Tama si Riku. Ano nga ba ang ginagawa kong ito? SINAMAHAN ako ni Mei hanggang sa silid. Hindi parin ako makapag-isip ng maayos. Para bang may kung ano sa 'kin ang hindi tama at nakakaramdam ako ng guilt. Maya-maya lang ay nakapag-isip na ako. Tama nga si Riku. Kailangan ko ng kumawala sa anino ni Liu. "Ayos ka na ba?" Tanong ni Mei sa 'kin. Tumango-tango ako. Ang lahat ng malabo ay naging malinaw dahil sa mga sinabi ni Riku. KINABUKASAN ay maaga akong umalis ng villa para sadyain ang Sun Group. "O, maaga ka ngayon." Bungad sa 'kin ni Nessy na abala sa pagtitipa. Huminga ako ng malalim at nagsalita. "Dumating na ba si Mr. Sun?" Tanong ko. Natigilan ito at umangat ng tingin sa 'kin. May pagtatanong sa kanya ekspresyon kaya't binasag ko ang tanong na 'yon. "I'm here for my resignation." Sabi ko. Nagulat naman ito at hindi agad nakapag-salita. Hindi ko na hinintay pang mag-salita s'ya at dumiretso ako sa tapat ng opisina ni Jian. "Dawn sandali." Pigil sa 'kin ni Nessy ngunit hindi ko ito pinakinggan. Kumatok ako at nag hintay sa labas. "May mga rules tayo at alam mo 'yan." Sabi ni Nessy nang maabutan n'ya ako. "Let her in." Boses ito ni Jian na s'yang nagpagulat kay Nessy. Wala naman akong pag-dadalawang isip na pumasok sa loob. Nakita ko si Jian habang abala sa kanya mesa. Printeng naka-upo sa kanyang swivel chair at hindi nag-abalang mag-angat ng tingin. "Mr. Sun, I'm here for my resignation." Buong tapang na sabi ko at inilapag ang maliit na envelope kung saan nakapaloob ang pormal na liham ko para sa pag-reresign. Ibinaba naman nito ang hawak na itim na ballpen at walang ganang tumingin sa sobre na nakapatong sa kanyang mesa. Binuklat lamang n'ya ito at walang pagdadalawang-isip na pinirmahan. Kinuha pa n'ya ang telepono at tinawagan si Nessy. "Come to my office." Blangkong sabi nito. Kaagad namang dumating si Nessy at ibinigay ni Jian ang resignation letter na may pirma. Kaagad n'yang ipinaayos sa financial department ang sasahurin ko at ini-utos na tulungan akong mag-empake ng mga gamit sa station ko. "Yes Mr. Sun." Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Para bang wala lang sa kanya ang lahat at nagustuhan pa ang plano kong pag-alis sa kumpanya nito. "Dawn let's go." Pabulong na sabi sa 'kin ni Nessy. Tumango naman ako at nagsimula nang mag-lakad. Nilingon ko pa si Jian ngunit abala lamang ito sa pagtitipa na parang walang nangyare. Huminga na lamang ako ng malalim at sumunod kay Nessy hanggang sa tuluyan nang lisanin ang opisina nito. Tahimik lang akong naghintay ng proseso hanggang sa matapos ang lahat. Nag-tungo na ako sa parking lot habang hawak-hawak ang isang box kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Pinag-day-off ko na muna si Manong Albert kaya't ako ang mag-isang nagmaneho. Hindi ko lang din maintindihan kung bakit parang wala lang kay Jian ang nangyare. Napailing na lamang ako at natawa sa sarili. Ano bang inaasahan ko? "Huwag kang mag-hangad ng kung ano Dawn. May asawa ka. Wag kang ipokrita." Hindi ko maiwasang pagsalitaan ng masama ang sarili. Hindi na dapat ako maapektuhan dahil sa desisyong ginawa ko. Alam kong ito ang tama. Tama na lumayo sa lalaking mag-papaalala lamang sa 'kin kay Liu. Nasa kalagitnaan ako ng daan nang biglang magdilim ang kalangitan. Nagtaka ako kung bakit. Pabago-bago na talaga ang panahon ngayon. Kaagad kong binuksan ang radyo sa loob ng sasakyan at inilipat sa weather forecast channel. Wala naman kasi akong nabalitaang may bagyong paparating. Nakinig lamang ako sa balita ngunit wala namang paparating na bagyo. Sobrang wirdo na talaga ng panahon ngayon. Nang mag-green light ay binilisan ko na ang pagmamaneho at baka maabutan ng malakas na pag-ulan. Nang maka-uwi ay sinalubong ako ni Auntie Celda. Bumalik daw kasi si Riku para sana kausapin ako. Hindi na ako sumagot pa dahil bumigat ang pakiramdam ko. Nagpaalam agad ako rito na magpahinga. Hindi pa tuluyang naka-recover ang katawan ko dahil sa lamig ng Japan at init ng Pilipinas. "Ipagluluto kita." Pag-aalala ni Auntie. "Hindi na Auntie. Magpapahinga na muna ako. Susunduin ko pa mamaya si Sean sa school." Nakangiti kong sabi at saka ako umakyat ng hagdan. Pagkapasok sa silid ay ibinaba ko na ang bag. Iniwan ko pa ang kahon sa loob ng sasakyan dahil sa biglaang panghihina  ng katawan ko. Naupo ako saglit at isinandal ang sarili sa malambot na unan. Magpapahinga lang ako saglit at maya-maya lang ay susunduin ko na si Sean. Muli kong ipinikit ang mga mata ko para ipahinga ito. Naramdaman ko nanaman ang pagsumpong ng migraine ko dahil sa labis na pagkapuyat kagabi. Pagkapikit pa lamang ng aking mga mata'y nakita ko ang isang hindi pamilyar na lugar. Kagubatan. Sa kalagitnaan ng gabi. Mga alitaptap na nagliliparan. Sa ilalim ng Punong Maharlika at maliwanag na buwan. "Dawn." Nilingon ko ang boses n'ya at ibinaba ang hawak kong lampara. Kasabay nang malakas ng hangin ang lakas din nang pagkabog ng puso ko. "Hinintay kita. Dito sa dating tagpuan." Sabi ko. Hinawi naman nito ang buhok ko at lumabas ang kanyang mga pangil. "Sandali! Hindi mo ako pwedeng markahan mahal." "You're seducing me Dawn." Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya. "Hindi ako pwedeng mag tagal. Hahanapin ako ng mga Celestial." At hinagkan ko ito sa kanyang mga labi. Namula ang kanyang mga mata nang dahil sa 'king mga halik. Nang humiwalay ako ng halik ay ibinaba ko nang kaunti ang aking kasuotan. "Angkinin mo ako ngayong gabi." Kinain ko ang mga sinabi kanina. Alam kong kamatayan ang katumbas ng markang kanyang iiwan sa 'kin kapag nalaman ito ng mga Celestial. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang mga balikat at puno nang pag-ibig at pagnanasa ang aking mga mata. Huminga naman ito nang malalim at hinalikan ako sa 'king mga labi pababa sa 'king leeg. Naramdaman ko ang pagbaon ng kanyang mga pangil na s'yang nagbigay sa 'kin ng sakit at kakaibang sarap. "Nauuhaw ang mahal na prinsipe." Nakuha ko pang sabihin hanggang sa mas idiniin pa nito ang pagbaon ng kanyang pangil sa 'king leeg at pagsipsip ng aking dugo. "Uhaw na uhaw. I'm craving for you… Dawn." Ipinasok n'ya ang mga salitang 'yon sa 'king isipan. Niyakap ko ito nang mahigpit at ipinaubaya ang birhen kong katawan sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD