Memories of your touch
haunt my skin
the hairs on my arms
stand up
in the exact places
your fingers
used to rest
PAYAPANG gabi at maaliwalas na kalangitan. Maliwanag na buwan kasabay nang pag-ulan ng niyebe. Nang makabawi ako'y agaran kong kinuha ang nahulog na tasa. Parang tinutusok ang aking balat sa tindi ng lamig habang s'ya nama'y nakatanaw lamang sa kalawakan. Hindi ko maiwasang abutin s'ya ng tanaw at nang sandaling iyon ay ang itim na pares nitong mga mata'y sa direksyon ko na nakatingin. His eyes are glistening beneath the moon light.
Parang huminto ang oras sa pagitan naming dalawa. Umihip ang malamig na hangin na tumatagos sa makapal kong kasuotan. Kasabay nang pagbuntong-hininga ko ang usok dahil sa mababang temperatura.
"You might catch a cold. Matulog ka na." Sabi nito. Matagal bago ako nakabawi. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa akin at hindi agad ako makapagsalita.
Nang makabawi nama'y tumango ako at mabilis na nagpaalam sa kanya. Matapos kong isara ang sliding door at hawiin ang kurtina ay napasandal na lamang. Hawak ko ang tasa na nakatapat sa 'king dib dib. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Biglaan na lamang ang pagkabog ng puso nang sabihin n'ya ang mga linyang iyon. Muli akong humugot ng lakas para maitukod ang sarili sa maliit na mesa. Inilapag ko na ang tasa at tinanggal ang makapal na pang-lamig.
Naupo ako malapit sa fire place habang nakapatong sa 'kin ang makapal na kumot. Hindi ko mapigilan ang sariling mag-isip ng kung ano-ano hanggang sa hindi ko namalayang duon na pala ako dinatnan ng antok.
NAGISING ako sa matinding pananakit ng aking leeg dahil sa posisyon ng tulog ko.
"Hmmm…" Umunat ako at hinilot hilot ito. Kaagad na tumayo para uminom ng isang basong tubig. Pagtapat ko sa salamin ay namamaga ang mga mata ko dahil kulang sa tulog. Mas nauna pa akong nagising sa alarm clock ko kaya't mabilis na akong naligo at nag handa. Ngayon ay lalabas kami ng hotel at makikipagkita sa mga negosyante. Matapos kong maligo'y inihanda ko na ang damit na susuotin habang hinihilot-hilot ang batok dahil sa pananakit parin nito.
The meeting was held at the nearest restaurant here in Hokkaido. Mahigit dalawang oras din ang tinagal nito bago nagkasundo ang magkabilang panig. Nasa loob na kami ng sasakyan. Nasa harapan ang dalawang bodyguards habang nasa likuran naman kami ni Jian at hawak ko ang ilan sa mga importanteng dokumento n'ya. Pinagmamasdan ko lang ang maaliwalas na langit dahil maaraw ngayon. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapahawak sa batok ko at iunat ang kaliwang braso.
"What's the matter?" Tanong sa 'kin ni Jian nang mapansing hindi ako mapakali sa inuupuan ko.
"Nothing sir. Mali kasi ang puwesto ko sa pagtulog kaya masakit ang batok ko." Hindi naman na ito nag usisa pa. Hindi na rin ako umimik pa pero maya-maya lang ay iniba ng driver ang ruta ng dinadaanan namin. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka may gustong daanan si Jian. Ito naman kasi masusunod.
Bumungad sa 'min ang malaking bato na may nakaukit na pangalan Seikatsu Hot Spring'. Namangha ako dahil sa mga batong disenyo at mga halamang maganda sa mata. Tumuloy lang ang sasakyan sa rutang iyon hanggang sa salubungin kami ng mga babaeng nakasuot ng kimono at may mga hawak na bulaklak.
"Jinsei no onsen e yokoso!" Na ang ibig sabihin ay 'welcome to life hot spring' ayon sa isang bodyguard ni Jian na isa ring interpreter. Matapos i-park ang sasakyan ay lumabas na kami at kasabay nito ang pagbagsak muli ng niyebe. Kaagad naman kaming inasikaso ng mga tao. Dahil sa nakalimutan kong mag-suot ng panlamig ay nakayap lang ako sa 'king sarili. Lumapit sa 'kin si Jian at nagulat ako nang bigla nitong hinubad ang mahaba n'yang panlamig na kulay itim at ipinatong sa 'kin. Nagtuloy na ito sa loob at sumunod ang dalawa n'yang kasamang guwardiya.
"Yuko" Sabi ni Jian nang makitang nasa labas pa ako. Alam ko ang ibig sabihin nito ay 'let's go' kaya agad akong sumunod para pumasok. Sumalubong sa amin ang mabangong aroma at mainit na temperatura na masarap sa pakiramdam.
Agaran ang pag-asikaso ng mga tao sa loob dahil kilalang panauhin ang dumating na si Jian. Hiwalay ang pang babae sa pang lalaki. Nakasunod lamang sa kanya ang dalawang guwardiya habang inalalayan naman ako ng isang babae sa paliguan. Nang mawala sa paningin ko si Jian ay naglakad na rin ako papunta sa destinasyon ko. Pinahubad ng babae ang buong kasuotan ko sa isang pribadong silid at binigyan ako ng tuwalya bilang pang tapis sa 'king katawan.
Paglabas ko'y itinuro naman nito ang daan papunta sa hot spring. Sumunod naman ako sa instruction n'ya dahil marunong naman itong gumamit ng kaunting ingles. Pagbukas ko ng makapal at kawayan na pinto ay walang katao-tao dahil nabanggit ng babae na ngayong araw pina-schedule ni Jian ang pag-punta nito at nag-request na isara ang buong hot spring para lamang sa pag dating n'ya.
Hinubad ang tuwalyang nakabalot sa 'king katawan. Inilusong ko na ang sarili sa tubig na may katamtamang init. Umupo ako para magbabad at inilagay ang maliit na tuwalya sa 'king batok saka sumandal. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at napangiti. Totoo ngang nakakatanggal ng sakit sa katawan ang pag bababad sa hot spring. Dumating ang babae na may dalang isang tray ng tea pot at tasa. Malumanay n'ya itong inilapag sa gilid ko at binigyan ng mainit na tsaa.
"Thank you." Nakangiti ko itong inabot. Yumuko naman ito bago tuluyang umalis. Likas na sa kultura ng mga hapon ang pag galang sa kapwa. Humigop ako ng tsaa na may halo pang pulang rosas. Isa rin itong mabisang gamot sa mga sakit sakit sa katawan.
Ilang minuto pa ang lumipas at muli kong isinandal ang sarili at ipinikit ang mga mata. Kasabay ng mahinang musika na tumutugtog sa buong paligid. Saglit kong inilubog ang ulo sa tubig hanggang sa tuluyan nang mabasa ang buong katawan ko. May inihanda rin ang babae na kagamitang panligo dahil sa kanang banda ay pwede kang mag banlaw ng katawan. Nilaan ko ang oras sa pag-aalaga ng aking sarili. Matapos kong mag babad ay naisipan ko nang linisin ang sarili para makapag patuyo na.
Halos isang oras din ang tinagal nang isuot ko ang kimonong ini-abot sa 'kin ng babae at lumabas ng hot spring. Ramdam ko ang pag gaan ng aking katawan at nabawasan ang pananakit ng aking batok. Kaagad naman aking sinalubong ng babae at iginaya ako sa isang maliit na pasilyo patungo sa silid. Amoy na amoy ang mga halamang gamot na nakakaginhawa.
Nang makapasok ako sa loob ay may maliit na katre at pinahiga n'ya ako roon. Agad na sinimulan nito ang pagmasahe sa 'kin nang maihubad ko ang aking kasuotan. Inumpisahan nito sa 'king ulo at bumaba sa aking leeg at batok. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko matapos ang halos kalahating oras na pagmasahe sa buong katawan ko. Pati ang iniinda kong sakit sa balakang na pabalik-balik dahil sa lamig ng klima ay nawala na.
Isinuot ko muli ang kimono nang tawagin na ako nito para ihatid sa sauna.
"Thank you so much." Nakangiti kong sabi matapos n'ya muli akong abutan ng tsaa. Narito na ako ngayon sa isang silid na may katamtaman ang init ng temperatura. Kailangan ko raw ito para mapahinga ang mga kalamnan ko at mailabas ang mga dumi sa katawan. Sumunod naman ako sa suhisyon nito at tahimik lang na naupo sa loob habang nakatanaw sa mainit na tsaa. Matapos kong pagpawisan ay lumabas na ako para maligo muli nang makita ko si Jian sa kalapit na pinto. Mag-isa lang ito habang nakapikit at nakasandal sa pader. Mukhang pagod na pagod s'ya dala ng puyat at trabaho. Naisip ko na lang na ihakbang palayo ang mga paa ko para makapag banlaw na at makapag bihis.
Mainit na pag-tanggap at paalam ang ginawa ng mga tao rito nang matapos. Inihatid nila kami papalabas hanggang sa makapasok sa sasakyan. I feel much better. Tuluyan na ngang gumanda ang pakiramdam ko paglabas namin. Nang makarating ng hotel ay kaagad na pumasok si Jian sa loob matapos utusan ang dalawang kasama na magpahanda ng pagkain. Pumasok na rin ako sa 'king silid para makapag palit na ng damit at makapagpahinga. Kaagad kong binuksan ang laptop para tignan kung may email sa 'kin si Mei at hindi nga ako nagkamali. May isang message lang doon na kung saan ina-update n'ya ako kay Sean. Napangiti naman ako hanang nag-titipa ng sagot dito.
Dumating naman ang hapunang iniutos ni Jian. Ilang oras din kasi ang inilagi namin sa labas kaya't nalipasan na ng oras sa pagkain. Tinapos ko lang ang hapunan nang mag beep ang phone ko. Sinagot ko agad ang tawag ni Jian na s'yang nasa ilabas ng balkonahe n'ya.
"Get out side of your balcony." Utos n'ya. Lumingon naman ako at kinuha ang makapal na jacket. Pag labas ko ay naroon na nga ito sa labas ng balkonahe n'ya. Nanlaki ang mga mata ko nang talonin nito ang pagitan naming dalawa at ngayon ay nasa harapan ko na ito.
"Let's go at the festival." Alok nito sa 'kin. Hindi pa ako nakakabawi dahil sa layo ng kanyang tinalon kaya't hindi agad ako nakapag salita.