MAY mga paru parong nagsasayawan sa loob ng aking tiyan. Ganoon ang pakiramdam kapag ika'y umiibig sabi nila. Ang mga kagat n'yang iyon sa 'king leeg ay nasundan pa nang nasundan hanggang sa tuluyang manghina nang husto ang buo kong sistema. Kaagad akong inalalayan ni Liu at humingi ng kapatawaran.
"I'm sorry naparami." Hindi nito nakontrol ang sarili sa pag-inom ng malapot kong dugo na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Manunumbalik naman ang aking lakas kaya't wala itong dapat na ipag alala.
Ikinuwento niya sa 'kin ang ibang parte ng aking nakaraan sa ilalim ng punong maharlika. Kaya nitong baguhin ang buong kapaligiran sa isang pitik lamang ng kanyang isip.
Ganito palagi ang aming gawain sa oras na magtagpo sa ilalim ng puno. Ang magyakapan at mag-usap ng mga bagay-bagay na nagaganap sa loob ng emperyo. Hindi ko sukat akalaing malaki ang posisyong iniwan ko sa mundong ito. Ang posisyon na kung saan ay titingalain ka ng halos lahat ng mga mortal. Sa kabila ng alitan ng aming mga lahi ay nagawa ko pa talagang pumuslit sa palasyo upang siya'y makatagpo lamang kahit sa nakaw na sandali.
Ipinakita nito sa 'kin ang dati kong buhay. Ang dating ako na may pinanghahawakan na pangalan at malaking responsibilidad. Naging suliranin para sa aming dalawa ang aming mga nasasakupan. Maaaring matanggap ako ng mga bampira dahil wala naman silang magagawa sa nagiisang prinsipe ng Abalon ang pinaka makapangyarihang emperyo sa buong mundo. Ngunit taliwas naman iyon ng sitwasyon ko dahil hindi ako siguradong ganoon din ang mga mortal para yakapin ang mga bampira.
Sa panahong kinabibilangan namin ay malaki ang diskriminasyon. Hindi katanggap tanggap ang nagawa kong kasalanang mahalin ang pinaka delikadong nilalang sa buong mundo. Ang prinsipe na pinaniniwalaang sisira sa buong sentro ng mga tao. Pinaniniwalaan ng babaylan na ang unang prinsipe ang magtataglay ng napakalakas na kapangyarihan na siyang yayanig sa mundo ng mga mortal at imortal. Iyon ang ipinakita sa akin ni Liu.
Nakita ko rin ang klase ng kanyang kapangyarihan. Ang kapangyarihan na hinding-hindi mo hihilinging makita. Ang maliit na pilat sa kanyang ibabang mata'y ako ang may kagagawan. Minsan nang lumandas sa balat nito ang aking matalim na espada. Hindi ako makapaniwalang ang una naming paghaharap ay sa ganoong paraan.
Nakita rin ng aking mga mata kung gaano katayog ang buong emperyo ng Abalon. May mga kawal itong nagpuprotekta sa palasyo na siyang pinamumunuan ng pinakamagagaling na mandirigma na tinatawag nilang Knights of the Nine. May mga memoryang unti-unting pumapasok sa 'king isipan. Ang Knights of the Nine ang siyang mortal na kalaban ng mga Warlord.
Puro na lamang kaguluhan sa pagitan ng aming nasasakupan. Hindi buo ang memoryang kanyang ipinakita sa akin. May mga nawawala paring parte na kailangan kong hanapin. Sa 'king pagkamatay at muling pagkabuhay ay nawala ang lahat ng aking ala-ala. Sa tagal na panahon ay sinikap ni Liu na hanapin ang mga memoryang iyon sa iba't ibang panig ng mundo. Matagal na panahon n'ya akong prinotektahan at itinago rito sa lupang ibabaw. Sa mundo ng mga taong walang alam sa sikreto ng mundo.
Naramdaman ko ang hirap na kanyang dinanas. Hirap na hindi matutumbasan nang kahit na ano pa man.
Natapos ang mga memoryang iyon at hinawakan nito ang aking kamay at saka hinalikan ang likod nito. Sa oras na makabalik kami sa mundo namin ay kailangan kong maging handa dahil alam kong magiging sagabal ang lahat para sa amin. Maging ang prinsesa ng Bermunt na alam kong magiging kaagaw ko sa 'king minamahal.
Hindi sapat ang sandaling pinagsaluhan namin. Kailangan n'yang lumayo sa 'kin dahil nasa mundo ng mga tao ang prinsesa ng Bermunt na si Katalina. Alam ni Liu na maaari itong maging sagabal at maaari akong mapahamak kapag nasiwalat na buhay ako. Buhay ang isa sa ika-labing dalawang celestial.
Oo. Nakita ko ang aking sarili na nakaupo sa trono na tinatawag na high table. At dahil isa ako sa mga celestial ay mas malaking balakid ito sa pag-iibigan namin ng mahal na prinsipe. The high table are consist of 12 seats. Isa sa may pinakamataas na posisyon na pinoprotektahan ng mga admiral at warlord.
Sa katayuan ng buhay ko ay malabo ang hinihiling ni Liu na maging mate nito. Tiyak na dadanak muna ang napakaraming dugo at malalagasan muna kami ng mga nasasakupan.
Isang mahigpit na pagyayakapan at isang dampi ng halik ang ginawa namin bago mag hiwalay ng landas.
Ligtas naman akong nakauwi ng villa at maaliwalas naman ang kalangitan. Nakita ko si Mei sa harapan ng gate kaya't lumabas ako ng sasakyan at nilapitan ito.
"Mei ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Dawn! Nandito ka na pala. Kakarating ko lang. Mag papaalam kasi ako sa 'yo."
Inaya ko na ito sa loob para doon kami mag-usap na dalawa.
"Namumutla ka ata?" Pansin niya.
"Okay lang ako ano ka ba sa puyat lang 'to." Pinagpapawisan naman ako at kaagad na inayos ang sarili. Baka makita pa nito ang marka sa 'king leeg. Kung bakit ba kasi napasobra ang lalaking 'yon sa pagkawili ng aking dugo. Hindi ko rin naman maiwasan ang hindi mapangiti kaya't napansin muli ito ni Mei.
"Adik ka ba? Nakangiti ka diyan mag-isa para kang timang."
"Ha? May sinasabi ka ba?" Hindi ko narinig ang sinabi n'ya marahil ay dahil sa lumulutang ang isip ko sa ligaya.
"Wala. Kako mag papaalam muna ako na uuwi sa probinsiya namin. Aayusin ko lang ang titulo ng bahay dun ng lolo ko. Alam mo naman na ipinamana pa n'ya sa 'kin 'yun."
"Kailan ka babalik?" Tanong ko. Nag kibit balikat naman ito.
"Hindi ko pa alam e. Tumawag kasi ang attorney para sa huling pamana ng lolo ko."
"Gano'n ba? Gusto mo bang samahan kita? Tutal wala naman akong gagawin dito."
"Huwag na. Ano ka ba atupagin mo na muna si Sean." Ipinakita nito sa 'kin ang hawak na ticket. Mamayang gabi na raw ang flight nito.
"Gusto mo bang ihatid kita?" Ngunit nagpumilit itong huwag na. Hindi ko naman na s'ya pinilit dahil mas matigas ang ulo nito. Kapag ayaw ay ayaw talaga.
Umalis si Mei nang wala ng pahabol na salita. Sa pagod ko'y mabilis akong nagtungo sa 'king silid at isinara ang pinto. Inilapag ko ang maliit na bag sa sofa at akmang maghuhubad na sana para makapagpalit nang makita kong may pulang liwanag na nagmumula sa loob ng cabinet. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ano nanaman kaya ito? Isa nanaman bang pangitain? Dahan dahan akong naglakad paparoon dito at binuksan ang cabinet. Doon ko nakita ang broach na binili sa 'kin ni Liu sa Japan. Umiilaw ang broach na ito na noon ay nakita ko na ring may katulad na medalyon. Ang medalyon na suot mismo ng isang babaeng estatwa. Unti-unting naging malinaw sa 'kin ang patungkol sa medalyon. Hindi kaya ako rin ang babaeng iyon?
Nilakasan ko ang aking loob upang hawakan ito nang mapaso ako. Kaagad akong lumayo. May kung anong pulang apoy ang kusang lumabas sa batong iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan. Ano ang bagay na ito?! Mariin kong kinurot ang sarili, isa nanaman ba itong panaginip? Pero hindi dahil nakakaramdam ako ng matinding sakit.
"Dawn." Lumingon ako sa paligid. May boses ng babae. Kanino nanggagaling ang boses na 'yon? Sino ang tumatawag sa akin?
"I-Ikaw?" Kinakausap ko ang pulang apoy.
"Binuksan mo ang lagusan pabalik sa oras." Sabi muli nito. Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi kita maintindihan." Gulong-gulo ang isip ko sa pinapahiwatig nito.
Mas lalong nagliyab ang pulang apoy at nag anyong tao ito. Nagulat ako nang makita ang isang napakagandang babae.
"Isa akong Diyosa at ang kapangyarihan ko ay ang ibalik ang oras mo sa kabilang mundo." Nagsimula itong maglakad patungo sa 'kin habang ako nama'y paatras dito. Hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy nito.
"Sandali. Hanggang diyan ka lang. Hindi kita maintindihan!" Nagsimulang manginig ang mga kamay ko sa kaba. Baka kung ano ang gawin nito sa akin.
"Huwag kang matakot. Ako ay iyong pagmamay-ari." Sabi muli nito at lumuhod sa 'king harapan.
"Sandali lang. Ano ba kasi ang ibig mong iparating?"
Nagtaas ito ng tingin sa 'kin habang siya ay patuloy na nakaluhod.
"Maligayang pagbabalik aking kamahalan." Sabi nito at tumayo. May inilabas siyang isa pang maliit na apoy sa kanyang kamay at nag hugis orasan ito.
"S-Sino ka? Ano ang bagay na 'yan?" Nagugulumihanan kong tanong dito.
"Ipagpatawad n'yo ang pagiging imoral ko. Ako'y inyong pagmamay-ari mula sa medalyong pula. Kronos ang aking pangalan. Ang Diyosa ng oras." Napalunok ako sa sandaling magpakilala ito.
"Ano ang gusto mo?" Tanong ko.
Yumuko ito sa 'kin habang nakaluhod.
"Ibabalik ko ang oras niyo kamahalan. Ibabalik ko ang lahat-lahat dahil iyon ang kahilingan niyo sa 'kin ilang dekada ang nakalipas nang kayo'y hatulan ng kamatayan."
"Kahilingan?" Tumango ito. Ilang sandali akong natahimik. Nag isip nang malalim. Bigla na lamang tumama sa 'king isipan ang natitira pang pag-asa dahil nasa akin ang pulang medalyon, si Kronos. Hawak ko ang susi ng aking kapalaran.
Huminga ako nang malalim at muling nagsalita.
"Kaya mo bang ibalik ang lahat sa 'kin sa nakaraang buhay ko?" Tumango ito.
"Ito ang huling hiling n'yo sa akin aking kamahalan. At ngayon na ang tamang panahon, bago ang tagsibol sa gabing pagsasanib ng araw at buwan ay muli kong bubuksan ang lagusan para ibalik ang oras." Tumingala ako sa kalangitan at nang laki ang aking mga mata dahil sa nasaksihan.
"A ring of fire." Hindi ko inaasahang lalabas ito sa 'king bibig. Ang pagsasanib puwersa ng buwan at araw. Ito na nga ang tamang panahon.
"Sige. Ibalik mo ako sa dating oras." Buong tapang kong sabi. Alam ko sa 'king sarili na hindi ito magiging madali. Ngunit gusto kong baguhin ang lahat. Lahat ng mga nagawa kong pagkakamali.
"Masusunod aking kamahalan. Ngunit mabubura ang lahat ng memorya mo rito sa mundong ibabaw. Mabubuhay ka bilang ikaw sa nakaraang panahon."
"Ano?! Hindi pwede! Paano kung napakasama ko palang tao? Paano ko mababago ang nakaraan?! Kronos gumawa ka ng paraan!"
"Patawad aking kamahalan ngunit ang pagbabalik lamang ng oras at panahon ang sangay ng aking kapangyarihan. Maaaring magtagumpay kayo sa inyong layunin. Maaari ring hindi at ang mas masaklap ay maglaho ang mga mahal n'yo sa buhay dito sa mundong ibabaw dahil sa maling desisyon na pipiliin n'yo."
Napahawak ako sa 'king ulo. Sumagi sa 'king isipan ang anak kong si Sean na maaaring mawala dahil hindi naman ito naging parte ng aking nakaraan. Gulong-gulo ang isipan ko. Paano kung mawala ang kaisa-isang anak ko? Paano na?
"Bigyan mo ako ng panahon. Hindi ko pa kaya ang mag desisyon sa ngayon." Sabi ko.
"Ngunit ngayon lamang lilitaw ang sirkulong apoy sa kalangitan. Hindi ko kayang ibalik ang oras sa ganitong sitwasyon." Sabi nito.
Halos mang lumo ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung ano ang mangyayare kapag nagpadalos-dalos ako.
"Face your past. Wag mo akong isipin." Napalingon ako nang makita si Sean na nasa likuran ko. Hindi man lang ito kakikitaan ng takot sa kanyang mapupulang mga mata.
"Sean anak!" Kaagad ko itong niyakap. Niyakap na sobrang higpit.
"Naniniwala akong babalikan mo ako. I'm willing to wait for you mom." Nakangiting sabi nito.
"Nakangiti ka?" Napaatras ako dahil sa hindi kapani-paniwala ang pag ngiti ng anak ko.
"Of course I still have feelings." Nakasimangot na sabi nito. Bigla akong nabuhayan ng loob. Nagtiwala sa 'kin ang pinakamamahal kong kayamanan, ang aking anak at kailangan kong magtiwala rin sa 'king kakayahan para mapagtagumpayan ang ano mang balakid sa nakaraan kong buhay.
"Kamahalan, magmadali na tayo at matatapos na ang pagsasanib pwersa ng araw at buwan." Sabi ni Kronos. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Sean.
"Hintayin mo ang pagbabalik ko anak. Hintayin mo kami ng ama mo. Ibabalik ko dito ang prinsipe ng Abalon sa piling natin." At hinalikan ko ito sa kanyang noo bago muling hinarap si Kronos.
Isang paghinga pa nang malalim bago ako nag salita.
"Kronos, gawin mo na." Utos ko.
"Masusunod aking kamahalan." At bigla na lamang nagliwanag ang buong kapaligiran. Liwanag na nakakabulag.