Chapter 16

1558 Words
Don't ask me who's more beautiful, the moon couldn't hold a candle to you. LAHAT ay nagkakamali. At lahat tayo ay may karapatang magpatawad at patawarin. Tinapos ko ang siremonya ng pari at naisipan kong mag kumpisal. Tahimik ang buong simbahan. Umaga ng linggo at maaliwalas ang panahon. "Ano ang maipaglilingkod ko hija?" Tanong nito nang makaluhod ako. Nagbitiw ako ng malalim na paghinga. Gusto kong mabawasan kahit na kaunti lamang ang bigat ng aking nadarama. "Father, tulungan n'yo po akong magpatawad." Bungad ko. Lumunok ako habang pinagpapawisan ang dalawang mga palad na magkadikit. Alam kong nakikinig lamang ito sa 'kin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Hirap na hirap na ako. May mabigat ngayong nakadagan sa 'king dibdib na gusto nang kumawala. Ang hirap father… ang hirap magpatawad." Hindi ko man alam ang kabuohan ng aking nakaraan ay hindi ko mapigilang isipin ang pagiging makasarili ni Liu. Paano n'yang nagawang buhayin ako at pasakitan ng ganito? Paano n'ya nagawang buhayin pa ang tulad ko kung hindi lang din n'ya paninindigan. At ngayon, paano n'ya nagagawang saktan nang paulit-ulit ang pagod ko ng puso? Ang hirap. "Magtiwala ka sa iyong sarili hija. Gawin mo kung ano ang siyang magpapagaan ng kalooban mo. Ang pagpapatawad, hindi 'yan minamadali. Hayaan mong bigyan ng panahon ang sarili mo kung kailan ka magiging handa. Buksan mo ang puso mo at magtiwala sa Diyos." Naliwanagan ako nang marinig ang payo nito. Hindi ko namalayan ang muling pag agos ng aking mga luha. Matapos kong ikumpisal ang nagpapabigat ng aking damdamin ay nagsindi ako ng kandila at nagdasal. Ang lahat ng nagpapahirap sa 'kin ay ipinapasa Diyos ko na. Hindi ko na hinintay pang maubos ang kandila. Naisip ko nang umuwi at magpahinga. Ilang araw na rin akong walang matinong tulog dahil sa labis na pag-iisip. Halos kalahating linggo na rin nang hindi namin pagkikita ni Liu. Pinilit kong huwag s'yang hanapin. Inabala ko ang sarili sa ibang bagay. Itinuon ko ang buong atensiyon kay Sean at sa pag aaral nito. Gayunpaman ay hindi mawaglit sa 'king isipan ang tungkol sa babaeng itinaktad ng propesiya para kay Liu. Itinaas ko ang aking kamay at naroon parin ang singsing na s'yang isiniot nito sa 'kin nang maikasal kaming dalawa. Napabintong hininga ako at napasandal sa gilid ng aking sasakyan. Galit ang namamayani sa 'king isipan ngunit taksil ang puso ko. Nagulat ako nang biglang tumaas ang balahibo ko nang makaramdam ng malamig na hangin na s'yang naglakbay sa 'king balat. Nilingon ko ang aking likuran at hindi ako makagalaw. Naroon siya habang namumungay ang mga matang tila nangungusap. Nilakasan ko ang aking loob. Alam kong anumang oras ay bibigay na ako sa piling nito. Kailangan kong tatagan ang aking puso na maging matibay. "Ano'ng ginagawa mo dito?" Kalmadong tanong ko. "Let's talk." Kalmado ring sagot nito. "Ano pa ba ang pag-uusapan? Look, I'm alive. Hindi pa ba sapat 'yon para tigilan mo na ako?" Gusto kong kamihian maging ang aking sarili. Dahil labag sa 'king puso ang lahat nang sinasabi ko. "I'm sorry for everything I've done. Nagawa ko lang ito dahil sa labis na pagmamahal sa 'yo. You're everything to me Dawn Sacarias." Napakunot noo ako sa itinawag nito sa 'kin. "Sacarias?" Tanong ko. Tumango naman ito. "Ang tunay kong pangalan ay Dawn Sacarias?" Muli siyang tumango na mas lalong nagpakomplikado ng lahat. "Kilalang-kilala mo nga talaga ako. Liuhoran Van Shen." Gumuhit ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Alam ko na kung ano ang katauhan niya dahil sa mga sinabi ni Riku. "Ang unang prinsipe." Matapos kong bitiwan ang mga salitang 'yon ay tinalikuran ko na ito at akmang papasok ng kotse. Nang makaupo'y mabilis kong isinara ang pinto nang bigla nitong iniharang ang kamay kaya't naipit ang kanyang palad. "Liu!" Gulat kong pagsigaw ng kanyang pangalan ngunit base sa ekspresyon ng mukha nito'y hindi niya naramdaman ang sakit. "Mag-usap tayo." May lungkot ang kanyang mga mata. Bumuntong hininga ako at hinayaan itong makapasok sa loob ng sasakyan. Namayani naman ang katahimikan saming dalawa nang mga oras na iyon. Hindi ko alam kung magsasalita ba siya o hinihintay nitong mauna ako. Kaya naman ay nilakasan ko na ang loob at ibinuka ang bibig. Ilang araw din ang nag daan na hindi ako pinatahimik ng bawat katanungan na ito. Kung ano ang mayroon sa kanila ng Prinsesa Katalina. "Sinabi sa 'kin ni Riku ang tungkol sa deal." Bungad ko. Naramdaman ko naman ang agarang pag lingon nito sa gawi ko. "Ang sabi sa propesiya ay si Katalina ang itinakda sa 'yo." "Pero hindi ko siya minarkahan. And I will never do that." Nagulat ako nang sabihin ni Liu ang bawat katagang 'yon sa akin. Sa pagkakataong ding iyon ay nilingon ko ito at nagtama ang aming mga mata. Ang kulay itim nitong mga mata'y unti-unting namula at ang itim nitong buhok ay naging abo. Sa pagpapalit nito ng anyo'y mas naging kaakit-akit lamang ang kanyang itsura para sa 'kin. Sinikap kong ibalin sa iba ang tingin nang mahagilap ng aking mga mata ang singsing na suot nito. Ang singsing nang kami ay maikasal. Nakuha nito muli ang atensiyon ko nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at unti-unting inilapit ang mukha sa 'kin. Naramdaman ko pa ang kalmado nitong pag hinga hanggang sa ito'y lumalim. Ang mapupula niyang mga mata na tanging ako lang ang nilalaman. Ibinaba nito ang tingin sa 'king mga labi. Napaawang ang mga ito dahil sa pagkapos ng aking paghinga. Muling nanumbalik ang pananabik at kaba sa 'king dibdib. Ang pagkabog na nagdudulot na labis na kagalakan. Muli nitong binago ang kapaligiran. Ang gabi kung saan ay banayad at tahimik ang gabi. "Do you still remember?" Tanong nito sa 'kin nang makita ko ang puno ng Maharlika. Ang mga alitaptap na sumasayaw sa paligid nito at mga bituwin na nagniningning sa kalangitan. Maya maya pa'y lumabas na ang sinag ng buwan. Ang buwan na siyang lakas ni Liu. Nang masinagan ang mapupula nitong mga mata'y mas lalo pang lumakas ang dating nito sa 'kin. Hindi niya ako pinakawalan. Malapit parin ang kanyang mukha na nagbabadyang lusubin ako ano mang oras. Bumaba ang aking mga mata sa maputla nitong mga labi. Nakita ko ang paglabas ng matalim nitong mga pangil na tila hayok na hayok sa dugo ko. Unti-unting gumuhit sa 'king gunita ang ala-ala. Ang unang kagat sa ilalim ng puno na Maharlika. Ang ikalawang kagat sa mundong ibabaw na aming ginagalawan magpasa hanggang ngayon. Ikatlong kagat ang nasa aking panaginip na alam kong siya parin ang may kagagawan. At ito. Ang ikaapat kung matutuloy man. Nanunuyo ang kanyang maputlang labi na tila naeenganyo sa 'king dugo na muling matikman. May kung naglalaro sa 'king isipan na kalokohan at bigla na lamang nakapagbitiw ng mga salitang di karapat dapat. "Nauuhaw ka ba mahal na prinsipe?" At nang mapagtagumpayan kong iparating sa kanya ang gustong sabihin ay biglang nagliyab ang mga pula nitong mga mata. Mata na kanila lamang ay malumanay na nangungusap ngunit sa isang iglap ay parang isang lion na susunggab anumang oras. Gumala ang mga daliri nito sa 'king leeg na siyang nagpabuhay ng init sa 'king katawan. Hindi ko inaakalang makakapaglabas ako ng ungol na magdudulot sa kanya ng labis na pangangailangan. Iniangat nito ang aking ulo at hinaplos ang mahaba kong buhok. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang mainit na hangin na tumatama sa 'king balat. Maya maya lang ay humalik ang kanyang malambot na mga labi sa pagitan ng aking tainga pababa ng aking leeg. Binibitin ako ng bampirang ito. Hindi ko sukat akalaing mas hahanap-hanapin ko ang paraan ng kanyang pang-aakit. Naramdaman nito marahil ang paglunok ko kaya't idiniin niya nang kaunti ang dulo ng ngipin sa 'king leeg. Tila nag-iisip pa kung itutuloy ang plano nitong muli akong markahan. Humigpit ang pagkakagawak ko sa balikat niya. Higpit na may halong pananabik at nagsimula itong maglibot hanggang sa matunton ang matipuno niyang likuran. "Please be my mate Dawn." Huling salitang binitiwan n'ya bago ibinaon ang mga pangil sa 'king leeg. Napapikit ako nang mariin at napaangat ang katawan mula sa kinauupuan. Natagpuan ko ang aking sarili na nakakandong sa harapan nito habang dinadama ang sakit at sarap ng kanyang pagmamarka. Nang maghiwalay ang aming mga katawan ay bumalik sa normal ang kulay ng kanyang buhok maging ang kanyang mga mata. Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng kanyang mga labi. Ayokong umalis mula sa pagkakaupo sa harapan niya. Nanghihina man ang aking buong katawan ay ikinawit ko parin ang dalawang kamay sa batok nito. Malamig ang kanyang balat ngunit hinahanap hanap ko ang pakiramdam na iyon. Lumandas ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. "Paano ang propesiya?" Nag aalala kong tanong. "I don't care about the name and power." Hindi nito tinapos ang pagsasalita at hinaplos naman nito ang ilang hibla ng buhok ko na nakadikit sa 'king pisngi. Masasabing nawawala na ako sa 'king katinuan nang dapuan ko siya ng mapupusok na mga halik. Kaagad naman niyang sinalubong ito nang walang pag aatubili. Ang halik na halos pagkuha lamang ng hangin ang tangi naming pahinga. Dinamdam ko ang malambot nitong mga labi. Kay tagal na panahon bago ko muli ito naramdaman. Kinagat ko pa nang marahan ang ibabang labi naramdaman ko ang pagkagulat niya ngunit ngumisi lamang ang mapusok na prinsipe at ginantihan ako ng nakakalunod na mga halik. "Sa akin lang ang mga labing ito." Pagbibigay teritoryo ko rito. Muli siyang ngumiti at akmang hahalikan akong muli dahil sa pagkabitin ngunit pinigilan ko ito. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at sawakas ay nabasa niya ang nasa isip ko. "Iyong-iyo lang." Sabi ng kanyang manipis na mga labi na may ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD