Like the moon, not always full but always beautiful.
DAWN:
ANO'NG nangyare? Bakit ang pulang liwanag ay tuluyang naglaho?
"Kronos?"
"Kamahalan, patawarin mo ako ngunit hindi ko magawang ibalik ang oras." Naramdaman ko ang paghawak ni Sean sa 'king kamay.
"May isang taong mahalaga sainyo ang nag-aagaw buhay kamahalan. Kaya hindi tumalab ang aking kapangyarihan kahit pa magsanib ang buwan at araw." Gumuhit ang mga salitang 'yon sa 'kin.
"Ano'ng sinasabi mo?" Takang tanong ko.
Ang kanyang mga mata'y nag kulay puti na para bang nakikita nito ang nangyayare.
"Kamahalan… ang iyong kaibigan na kagagaling lamang dito ay nag-aagaw buhay." Naramdaman ko ang agarang pagbitaw ni Sean sa 'king kamay.
"M-Mei?" Hindi! Paanong nangyare iyon?
"Hindi magandang biro iyan!" Galit kong sabi. Ngunit hinawakan nito ang aking ulo at ang kanyang nakikita'y lumipat sa 'king gunita. Nasa hospital si Mei at nag-aagaw buhay!
Kaagad kaming umalis ni Sean at nagpahatid kay Manong Albert sa hospital. Dala ko sa 'king tabi ang medalyon. Humigpit ang pagkakahawak ko sa palad ni Sean nang maramdaman ko ang panginginig at lamig nito. Nakadungaw lamang ito sa malayo, tinatangay ang kanyang isip.
Nang makarating kami ay kaagad na hinanap ko kung nasaan si Mei. Mabilis din ang aksyon ng mga doctor at nurse na naroon at sinabing nailipat na ito sa magandang silid at walang malay.
"Paanong walang malay?" Sinalubong ko ang doctor nito.
"I'm sorry to inform you but the patient is in coma stage." Tumigil ang mundo ko sa mga nalaman. Naaksidente si Mei habang pauwi ito at maraming dugo ang nawala sa kanya. Mabuti at naagapan ang lahat ngunit nauwi naman ito sa coma.
"Thank you doc." Umalis na ito. Pumasok naman ako sa silid at doon ko nakita si Sean habang nakatitig lamang kay Mei. Parang natutulog lamang ito.
"Sean anak are you okay?" Kanina ko pa kasi napapansin ang panginginig ng kanyang mga kamay habang ito'y nakakuyom. Hindi niya ako sinagot at nakatingin lamang kay Mei. Napahinga na lang ako nang malalim at tinawagan si Auntie Celda. Ipinaalam ko sa kanya ang lahat at nag-utos na magdala ng mga gamit namin ni Sean at damit pamalit. Dito na muna siguro ako sa hospital para magbantay kay Mei. Wala na rin namang pupunta dito dahil alam kong walang masasandalan si Mei sa mga oras na ito kundi ako, kami ng anak ko.
Ilang oras at dumating din si Auntie dala ang mga sinabi ko.
"Young Master…" Tinapik ko ang balikat nito at sinenyasan kong huwag nang tawagin pa si Sean. Alam ko kung gaano kasakit dito ang nangyare kay Mei.
"Auntie hayaan muna natin si Sean. Alam naman natin kung gaano kadikit ang dalawang 'yan kahit palaging nag-aaway." Idinaan ko na lang sa kaunting biro ang lahat. Napangiti naman si Auntie Celda at pinagmasdan si Sean.
"Lumalaki na ang Young Master… katulad na katulad siya ng kanyang ama." Napangiti naman ako dahil totoo ang sinabi nito. Si Sean ay kamukhang kamukha ni Liu.
"Auntie alam ko na ang lahat." Natigilan ito sa 'king sinabi.
"Hija?" May gulo parin ang kanyang mga mata.
"Pinagtapat na sa 'kin ni Liu ang lahat lahat." Napahawak naman ito sa kanyang bibig.
"Patawarin mo ako hija. Kagustuhan ito ng Master." Napangiti naman ako. Naiintindihan ko na lahat kahit na ang ilang bahagi ng aking memorya ay nawawala parin.
"Huwag kang mag-alala Auntie Celda. Alam ko namang ginawa mo ito para rin sa 'kin. Salamat dahil napalapit ako sainyo." Niyakap niya ako nang mahigpit at gano'n din ako. Naisip ko namang bumili ng makakain naming tatlo kaya nagpaalam muna ako para lumabas.
May malapit na convenient store sa hospital kung saan ako bumili ng makakain at pati narin ng mainit na kape. Matapos no'n ay bumalik na ako nang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na pigura.
Si Katalina…
Ano'ng ginagawa n'ya dito?
Nakita ko itong may kausap na doctor at mukhang kakagaling lang n'ya sa check up. Hindi na ako nag abala pa kaya kusa na akong umalis nang…
"Dawn?" Nagulat ako nang marinig ang boses nito. Lumingon ako at ngumiti.
"Hi." Tumango rin ito at tumingin sa mga dala kong pagkain.
"Sino'ng may sakit?" Bakas sa mga mata ni Katalina ang pag-aalala.
"Si Mei 'yung kaibigan ko." Kaswal na sagot ko.
"I'm sorry to hear that." Sabi nito at lumapit sa 'kin. Nagpantay ang aming mga mata tsaka ito muling nagsalita.
"Hindi mo ba itatanong kung bakit ako nandito?" Nakangiti nitong sabi.
Hindi ko na dapat pa itatanong iyon ngunit sa kabilang banda ay araw din akong patahimikin ng aking sarili.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Check up." Nakangiti niyang sabi. Doon ay para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Liu na paparating. Hindi ko alam kung ano'ng reaksyon nito dahil blangko lamang iyon at hindi katatapunan ng kahit anong emosyon. Nakasuot ito ng itim na jacket at papalapit sa kinatatayuan naming dalawa ni Katalina.
"Oh, hi honey. Nandito pala si Dawn na-aksidente kasi yung kaibigan niya e." Hindi ma masyado pang pumasok sa 'king pandinig ang mga sinasabi ni Katalina at alam kong gano'n din si Liu dahil magkatitigan lamang kami. Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng kirot sa 'king puso ngayong nakita kong magkasama silang dalawa. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Nakalimutan ko nga palang sa mundong ito'y kailangan kong magpanggap at gano'n din siya. Katalina is his mate. Kaya naman hindi ko tinanggap ang pag-alok niya sa 'kin para maging luna niya.
"I'm pregnant." Tuluyang nabasag ang katahimikan ng lumabas sa mga labi ni Katalina ang bawat katagang 'yon. Kumunot ang aking noo at ang mga mata ko'y nangungusap at nagtatanong sa mga mata ni Liu. Ano'ng ibig sabihin nito?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa plastik bag at nagpasya na para umalis.
"Congratulations. I take my leave now." Iyon na lamang ang sinabi ko at tumalikod na nang hagipin ni Liu ang braso ko.
"Stop your bullshit Katalina we made a deal and it's over!" Galit na sabi nito sa harap ni Katalina na biglang namutla.
"Liu…" Mas humigpit ang pagkakahawak ni Liu sa 'kin.
"I want my wife. Only my wife." Direktang sabi nito kay Katalina. Bakas sa mukha nito ang galit sa 'kin at sakit na dulot ni Liu.
"I want to become the Empress." Sabi ni Katalina.
"I can't fulfill your wish. I can't make you the Empress of Abalon because I don't want to divorce my wife." Pagdidiin ni Liu. Hindi ko maintindihan ng maayos ang kanilang pinag-uusapan.
Ngumiti si Katalina at nagsalita.
"She'll never be suited for the throne because we all know who she is."
"I don't care." Nabasag ang ngiti nito nang magsalita si Liu.
"As long as she's my wife either my enemy… I don't mind."
Nag igting ang panga ni Katalina ngunit hindi ito sumusuko.
"I'll make sure that she doesn't get the throne."
"You know you're responsible for your words… don't you?" Isang nakakatakot na tingin ang binitiwan ni Liu na siyang nagpakilabot ng mukha ni Katalina. Nag-iba ang timpla ng pananalita nito. Isang salita na tiyak na katatakutan nino man. Bumalik na ang dati.
Ang dating Liu Van Shen.