Chapter 14

1605 Words
She is haunted by the words he left unspoken. DAWN: HINDI pa ganap na handa ang aking isipan sa katotohanan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Kung ano ang dapat maramdaman. Galit o pagmamahal sa lalaking buong buhay ko ay niloko ako. Mapanlinlang na pagmamahal na nagdulot sa 'kin ng sakit sa damdamin. Pagmamahal nga bang matatawag ito o kasakiman? "Lumayo ka sa 'kin." Buong tapang kong sabi. Ang mapupulang mga mata niya ay bumalik sa kadiliman. "Dawn makinig ka." Pagdidiin ni Riku ngunit itinaas lamang ni Liu ang kanyang kanang kamay. "Ano pa ba ang dapat kong malaman?" Nanginginig ang aking kalamnan sa labis na galit. "Ginawa n'ya 'yon para sa 'yo!" Sigaw ni Riku. "Riku!" Galit na sigaw naman ni Liu sa pangalan nito upang pahintuin s'ya sa pagsasalita. "Buong buhay ko." Duro ko sa 'king sarili. "Buong buhay ko ay puro lang pala kasinungalingan! Ninakaw mo sa 'kin ang pagkakataong mamuhay ng normal! Pinagkait mo sa 'kin ang katotohanan!" Galit na galit kong sabi nang malaman kong lahat ng ito'y pagpapanggap lamang. Simula nang mamulat ako at magkaisip kasama ang aking pamilya. Ang lahat nang 'yon ay palabas lamang. Sino nga ba ako? Dumampi ang aking palad sa malamig n'yang balat. Hindi ito natinag sa malakas kong pag sampal sa kanya. Gusto kong sumigaw at kamuhian s'ya ng sobra. Gusto kong magwala at saktan s'ya ngunit hindi kaya ng katawan ko. Hindi ko magawa. Hindi pa rin ako makapaniwala sa salaysay ni Riku. Nawawala ang aking memorya dahil sa 'king pagkamatay. Pagkamatay na matagal na panahon nang nakalipas. Itinakas ni Liu ang aking katawan at ihinarap sa mga babaylan upang muli akong buhayin dito sa mundo ng mga tao. Kung tutuusin ay hindi ko pa kayang tanggapin ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang dapat paniwalaan. Ngunit may kung ano sa 'kin ang kulang. Sa tagal kong namuhay sa mundong ito'y madalas kong tanungin ang aking sarili kung bakit? Bakit ako nakakaramdam na lamang bigla ng kalungkutan? Ano ang kulang sa buong pagkatao ko? Lumapit sa 'kin si Liu para hawakan ang aking mga kamay ngunit kaagad ko itong tinaboy. "Lumayo ka na sa 'kin hanggat kaya ko pang mag timpi." Sino bang nilalang ang kayang patawarin ang katulad n'ya. Sinong nilalang ang gugustuhing mabuhay sa piling n'ya? Wala s'yang kasing sama. Pinagkait n'ya ang katotohanan sa akin. Simula nang ako'y magkamulat ay doon na pala tatakbo ang palabas ng aking buhay. "Pinaglaruan mo ako!" Pumatak ang mga luha ko na tila hindi natatapos. "Itong nararamdaman ko sa 'yo? Kagagawan mo rin ba?!" Hindi ito sumagot. "Napakasama mo. Ang sama sama mo!" "Sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa pag angkin mo sa buong katauhan ko. Kakalimutan na kita pati na rin ang nararamdaman ko sa 'yo." Nang marinig nito ang mga katagang 'yon ay doon lamang nawala ang hinahon sa kanyang mukha. "You can't unlove me." Pag didiin n'ya. Napangisi ako. "Hindi ako gamit o laruan. Hindi mo ako pagmamay-ari." Hindi s'ya ang mag dedesisyon sa buhay ko. Hindi s'ya ang gagawa ng kapalaran ko. Natahimik ito sa mga salitang narinig n'ya mula sa 'kin. Sisiguraduhin kong hindi na muli pang magkukrus ang landas naming dalawa. "Kung totoo man ang lahat. Bakit? Ano'ng dahilan mo para buhayin ako at paglaruan ang buhay ko?" Tinignan ko ito nang masama sa kanyang mga mata. Bakas ang takot dito. Ang walang emosyon n'yang mukha'y punong-puno na ng pangangamba. "I can't tell you for now. I don't want to lose you again. Hindi ko na kakayanin." Humaplos ang mga salitang iyon sa 'king puso ngunit hindi magawang maniwala ng aking isip sa mga sinabi n'ya. Hindi ko kayang titigan ito ng matagal. Itinuon ko sa iba ang aking paningin at umiling. Hindi ko kayang maniwala sa katwiran n'ya. Malalim na dahilan ang kailangan ko. "Wag ka nang magpapakita sa 'kin kahit na kailan." Muli ko s'yang sinamaan nang tingin. "Kahit na kailan." Pinagdiinan ko ang mga katagang 'yon. Kung hindi ko lang din malalaman ang tunay n'yang pakay ay mas mabuti na ngang itapon ko ang lahat ng memorya na tungkol sa kanya. Tinalikuran ko ito ngunit hinila n'ya ang braso ko. Doon ay nagbago ang kapaligiran. Muling nagaganap ang mga pangitain na hindi ko malaman kung saan nagmumula. Nakita ko ang aking sarili sa isang silid. Tahimik na nagsusulat ng liham. Nakaupo nang payapa. Nakita kong ibinaba ng aking sarili ang panulat na may tinta. Kasunod nito ang pagkatok sa may pinto na nagbigay atensiyon sa akin. "Bukas 'yan." Sabi ng aking sarili. Nakita ko ang sariling may kahabaan ang kasuotan at nakatali ang kalahating buhok. Mapupungay na mga mata na may kalungkutan. "Ano'ng ibig sabihin nang pakikipagkita mo sa imortal?" Singhal ng isang lalaking mukhang malaki ang posisyon. Nakita ko ang pagtiklop ko ng aklat at tumayo paroon dito. "Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin Hibram." "Huwag ka nang magpaligoy pa Dawn. Nakita ka ng dalawa kong kawal sa masukal na kagubatan!" Pagdidiin ng lalaking may pangalang Hibram. "Mas papanigan mo pa ang mga walang kwentang balitang iyan?" Sagot ko. Matapos nito'y lumapit ang lalaking si Hibram sa 'kin at hinawi ang mahaba kong buhok na nakatabon sa 'king leeg. "Hibram!" Sigaw ko rito. "Ano'ng kahangalan ito?! Bakit ka may marka?!" Namumula ang mukha ni Hibram sa labis na galit. "Alam mong kamatayan ang ipapatol sa 'yo ng mga Obispo!" Kitang-kita ko ang pagbagsak ng aking katawan sa pulang sahig. Napahawak ako sa 'king leeg gaya ng aking sarili sa sa 'king pangitain. "Isa lang ang paraan para sa kahihiyan mong 'yan." Sabi ni Hibram. Katahimikan ang namayani sa malaking silid nang mga sandaling iyon. "May nag-aalok nanaman ba ng kasal mula sa mga hari?" Sabi ko sa 'king pangitain. "Alam mong itinaktada ka para ikasal sa mga kauri natin. Kahihiyan ang dala mo sa buong angkan ng mga mortal! Paano ka gagalangin ng iyong mga nasasakupan kapag nalaman nila ang kahangalang ginawa mo?!" Sigaw ni Hibram. "Alam mo rin ang sagot ko sa suhisyon mo Hibram. Hindi ako tumatanggap ng alok na kasal. Ilang alok pa ba ang matatanggap ko?! Hindi ba't sinabi ko nang ayokong magpakasal sa mga maharlikang iyan?! Isa lang ang gusto kong makasama habang buhay." "At sino?! Ang lalaking iyon?! Ang bastardo ng Abalon?! Ang lalaking may pulang mga mata?! Hibang ka ba? Naririnig mo naman siguro ang mga sinasabi mo." Galit na sigaw ni Hibram. "Sa kanya ko lamang nakikita ang sarili kong magpakasal." Isang malakas na sampal mula kay Hibram ang dumapo sa pisngi ko. Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata ng aking sarili. "Hindi ka na lalabas pa muli sa sentrong ito. Hindi na muli pang aapak ang mga paa mo sa kagubatan na 'yon. At kung sasawayin mo ako, kahit na kaisa-isa kitang kapatid… kaya kitang ipapatay." May bahid na pagbabanta na sabi ni Hibram sa sarili kong nakahandusay sa sahig. Wala akong magawa hanggang sa ito'y lumisan kundi ang umiyak. Umiyak nang umiyak hanggang sa kaya ko. Nagbago ang buong kapaligiran. Bumalik ang pangitain ko sa parte na kung saan ay may nililitis. "Kamatayan ang ipapataw sa kasalanang ginawa mo." Sabi ng isang lalaking may hawak hawak na papel. Nakita ko ang sarili sa harapan nang napakaraming tao. Nakatayo ako mismo sa isang sentro na napapaligiran ng mga kawal at sa kabilang dako naman ay nakita ko si Hibram na kasama pa ang ilang mga may matataas na posisyon at printeng nakaupo sa trono. "Kamatayan!" "Kamatayan!" Sigaw nang maraming tao habang hawak ang kahoy na may sinding apoy. Naramdaman ko ang matinding init mula sa 'king pangitain. Nakita ko ang sariling papalapit sa sinasabi nilang kamatayan. Isang malaking pagsabog ang nagpatigil ng lahat. Natanaw ko mula sa malayo ang mga paparating sa sentro. Nasa pagitan ng dalawang matayog na bundok ang paghuhukom at napapaligiran naman kami ng napakalaking karagatan. Ilang malalaking barkong pang digma ang dumating. Narinig ko ang pagsigaw ni Hibram nang makitang sinasalakay kami ng mga kakaibang nilalang. Umulan ng mga panang may apoy sa buong sentro maliban sa kinatatayuan mismo ng sarili ko. Biglang nagkagulo ang lahat ng tao nang lumapag na ang malalaking barko sa kapatagan. Ang lahat ng kawal ni Hibram ay naghanda ng mga kanyon para sa matinding pagsasagupaan. "Digmaan?" Narinig kong bumukas ang sariling mga bibig at iyon ang lumabas. Tumayo si Hibram mula sa pagkakaupo at sumigaw. "Tawagin ang mga Warlord!" Utos nito sa kanyang tagasunod. "Mahal na admiral, nasa kabilang isla ang ilan sa mga Warlord." "Wala akong pakialam. Tipunin lahat ng aking mga Warlord." Sabi nito. May sampu pang mga opisyal na nakaupo lamang sa kani-kanilang trono habang pinapanood ang pagsalakay ng mga nilalang na ito. Hindi sila tao. Dumagsa ang dugo sa lupa at kitang-kita ko ang kanilang mga nanlilisik na kulay abong mga mata at matalas na pangil. Hindi sila tao kundi mga bampira. Naramdaman kong binitiwan ako ni Liu at nawala ang lahat ng pagbabalik tanaw na iyon. Nanghina muli ang katawan ko at naramdaman ang matinding pananakit ng ulo dahil sa ilang mga ala-alang gustong bumalik. Ramdam ko ang matigas at malakas nitong bisig na umalalay sa 'king katawan. "You can't do this Dawn." May pag aalala sa kanyang mga mata. "Ipinakita mo ba sa 'kin ang bahagi ng nawawala kong memorya?" Tanong ko rito. Matagal s'yang hindi nakasagot ngunit sa huli ay tumango lang ito. Muli akong napahawak sa 'king ulo. Unti-unting nanunumbalik ang magulong ala-ala ng nakaraan kong buhay. "Ipakita mo sa 'kin ang nangyare sa tagpong 'yon. Ipakita mo sa 'kin ang digmaan." Hinawakan ko si Liu sa kuwelyo nito. "Ayoko." Mahina at maiksing sabi nito. "I don't ever want to remember my failure. Ayokong balikan ang ala-ala kung saan ay bigo akong mailigtas ka." Sabi ni Liu habang may lungkot sa kanyang mga mata. Unti-unti kong nauunawaan ang lahat kahit na mas marami pa akong hindi maintindihan. "This is my victory… to save you and to have you now kahit alam ko na sa maling paraan." Nanlabo ang mga mata ko dahil sa matinding pagluha. Gaano katagal? Gaano katagal ang pagsasakripisyo n'ya kapalit ang buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD