Chapter 13

1979 Words
Souls tend to go back to who feels like home. BUONG detalye kong ikinuwento kay Mei ang panaginip kong iyon. Ipinatong ko ang hawak na tasa na may lamang tsaa sa gilid ng bintana at hinarap ito. Gaya ko, punong-puno ng katanungan ang mga mata nito. Hinawakan ko ang aking leeg at ipinikit ang mga mata. Sariwa pa sa 'king pakiramdam ang pagbaon ng kanyang mga pangil. Hindi ito ang unang beses. Muli kong iminulat ang mga mata ko at nakitang nakatingin lamang si Mei na nagugulumihanan. "Magpahinga ka muna." Pag-aalala nito sa 'kin. "Hindi ako mapapanatag. May kung ano sa akin Mei ang kulang." Hindi ko maipaliwanag sa kanya ang pakiramdam. Alam kong hindi iyon basta-bastang panaginip lamang. Pumikit ito at bumuntong hininga. "Okay. Simula nang makita ng dalawang mata kong balian ng kamay ni Sean ang asawa ko I knew there's something wrong." Sabi nito. Ang mga mata ni Mei ay hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit lahat sa mundong ginagalawan namin ay posible. Umupo ito sa sofa malapit sa bintana at malalim ang iniisip. Hinintay ko lamang ang kanyang sasabihin dahil alam kong unti-unti na s'yang naniniwala. Tumingala ako sa ulap bago ko isara ang bintana. Binago ko na lang ang aming pag-uusap nang magsimula nang bumuhos ang malakas na ulan. "Nagpunta nga pala ulit si Riku dito kanina sabi ni Auntie Celda." Sabi ko. "Hindi ba nakapag-usap na kayo?" Tanong ni Mei. Naglakad ako papalapit sa kanya at naupo sa kabilang sulok ng upuan. Itinungkod ko ang kanang kamay bilang pag alalay at napaisip muli kung ano ang sadya ni Riku sa akin. "Oo nakapag-usap na kami kahapon. S'ya na rin ang nag udyok sa 'kin para kumalas sa Sun Group." Seryosong sabi ko. "Pero para bang may mali." Nakinig lamang sa 'kin ito. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat matapos kong mag-resign bilang sekretarya ni Jian. Pati na rin ang biglaang pagbabago ng panahon. "Baka naman nagkataon lang ang pagsama ng panahon?" Sabi nito. Tumango na lamang ako dahil sa pag-iisip nang kung ano-ano. "Pero mabalik tayo. Dawn kung hihingiin mo ang opinion ko?" Tanong nito. Tinignan ko naman s'ya sa sasabihin. Tumango ako para hingin ang opinion ng kaibigan ko. "Alam mo mas mabuti na rin na kumalas kana sa Sun Group. Mas makakabuti na rin sa 'yo ang pagputol ng koneksyon sa lalaking kamukha ng asawa mo." Napahawak ito sa kanyang mga labi at nagulat. "Sorry Dawn. Hindi iyon ang ibig kong iparating sa 'yo." Alam kong nag aalala lamang si Mei sa kalagayan ko tulad ni Riku para sa kanyang kapatid. Ngumiti naman ako at pinitik ng mahina ang kanyang noo. "Ano ka ba. Naisip ko na 'yan. Salamat… salamat dahil palagi kang nariyan para sa amin ni Sean at handang makinig." Bilang magkaibigan, hindi likas sa amin ni Mei ang mag drama kaya't muling naiba ang aming pag-uusap. Sinikap kong ibaon na lang sa limot si Jian dahil alam kong nakikita ko lang sa kanya si Liu. Maya maya lang ay tumila muli ang ulan ngunit hindi parin nagliliwanag ang kalangitan. Nagpaalam na rin si Mei dahil may mahalaga s'yang pupuntahan. Hindi ko na rin naitanong kung ano iyon dahil sa sobrang pagmamadali nito. Pagkaalis nito'y bigla na lamang akong nagulat nang may maaninag na anino sa likod ng kurtina. Pinakatitigan kong mabuti ito na para bang rebulto ng tao. Napalunok ako at napaatras dahil sa napakapaki nito na tila papalapit sa akin. Hindi ko alam kung ano'ng dapat na gawin. Nanghihina ang mga tuhod ko nang may madinig akong boses. Tinig ng lalaki ito. Malalim at buong buo. Tila nagbibigay babala ito. Hanggang sa doon ko na lamang nakuha ang mensahe n'ya. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkakagulat. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko nang bigla na lamang maglaho ang anino. Bigla akong nakaramdam ng mas panghihina ng buong katawan. Umikot ang paligid at nawalan ng balanse dahilan para bumagsak ako. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyare nang magdilim ang mga mata ko. "Hija gising kana pala." Malabo pa sa 'king paningin ang repleksyon ng taong nasa harapan ko. "Auntie." Hindi pa nanunumbalik ang buong lakas ko nang makita ko itong papalapit sa akin at pinupunasan ako. "Inaapoy ka ng lagnat kanina. Naabutan kitang nakahandusay." Bakas ang pag-aalala rito. Bumukas naman ang pinto at si Sean ang bumungad. Namumutla ito at takot na takot nang makita ako sa ganoong kalagayan. "Sean anak bakit ka umuwi?" Takang tanong ko. Hinawakan n'ya ang noo ko at napabuga nang malalim. "Tumawag ako sa paaralan ng bata dahil labis akong nag-alala sa 'yo kanina." Tarantang sabi ni Auntie Celda. Pinilit kong bumangon nang pigilan naman ako ni Sean. "Pero hindi pa tapos ang klase." Pagaalala ko. "Please take care of yourself. Don't get sick." Sabi naman ng anak ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hindi ko akalain na sobrang mag aalala ito para sa akin. "I'm okay anak. Simpleng lagnat lang ito. I'll do my best to get better." Nakangiti kong sabi. Minabuti naman ni Auntie Celda na isama si Sean palabas para makapagpahinga ako. Nang isara na nila ang pinto'y napatitig na lamang ako sa puting kisame at napahawak sa 'king noo. "Ano bang nangyayare sa 'kin?" Nangangamba na ako. Hindi ko mapigilang hindi hanapin ang kasagutan sa bawat tanong ko. Lumingon ako sa bintana at madilim na ang kalangitan. Walang bituwin nang sandaling iyon. Muling bumalik sa 'king gunita ang aninong nakita ko. Hindi ko lubusang maintindihan. Bakit n'ya ako pinapabalik? Ano'ng babalikan ko? Gulong-gulo na ang isipan ko. Buong lakas akong tumayo para lumabas sa balkonahe. Pagbukas ko palang ng malaking pintuan ay naramdaman ko ang malamig na hangin na pagmumulan muli nang pag-ulan. Hinayaan kong tangayin ng hangin ang buhok ko at tumingin sa kalangitan. Hindi parin nanunumbalik ang lakas ko na para bang hinihigop hanggang ngayon. Lumalalim na ang gabi kasabay ng lalong paglalim nang iniisip ko. Napahawak ako nang mahigpit sa bakal nang sumagi sa 'kin ang ideyang sa mundong ito'y may nagkukubling sikreto. Sikreto na hindi makikita ng ating mga mata. Hindi ako ang tipo ng tao na naniniwala sa mga salamangka o maging sa pamahiin. Sa kahabaan ng gabi, nabasag ang katahimikan nang makarinig ako ng tunog na nanggagaling sa plauta. Musika na tila tinatangay ng hangin papunta sa gawi ko. Muling lumakas ang hangin dahilan para mapapikit ako at yakapin ang sarili. Nang idilat ko ang aking mga mata'y nanlaki ang mga ito nang makita ko ang pagbabago ng paligid mula sa 'king kinatatayuan. Isang matayog na Emperyong napapaligiran ng mga kawal na sibil. Panahong hindi ko kinabibilangan. Napakurapkurap ako nang makita ang isang bayan na sakop ng Emperyo. May mga taong kakaiba ang kasuotan na abala sa kani-kanilang mga gawain. Sa pagkakataong iyon ay hindi ako nananaginip. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maramdaman ang sakit dahil sa pagkurot sa 'king sarili. Totoo ang nakikita ko. Sa isang iglap ay biglang nabago ang lugar at napunta sa kagandahan ng puno. Napakunot noo ako nang makita ang cherry blossom tree na iyon. Mas lumago ang bawat sanga nito at kumikislap ang mga dahon sa tulong na rin ng buwan. Mga gamo gamo. Tahimik na paligid. Ito ba ang nasa panaginip ko? Ang punong ito. Alam kong binanggit ko ang pangalan ng punong ito. Ang puno ng Maharlika. Nang sumagi sa 'king isipan ang pangalan ng puno'y narinig ko muli ang pagtugtog ng plauta. Doon ay naaninag ko ang lalaking mag isang tumutugtog sa ilalim ng puno. Hindi ko gaanong makita ang kanyang buong mukha dahil nakayuko ito. Kasabay nang malamig na hangin ang pag-awit ng kanyang instrumento. Naramdaman ko muli ang pag-sakit ng ulo ko ngunit kailangan kong tiisin dahil ayokong mawala ang magandang tanawin na iyon. Is this what you called episodes? Hindi ko alam ngunit kung ano-ano ang nakikita ko. Humigpit pa lalo ang paghawak ko sa bakal nang makitang nag-angat ito ng tingin sa buwan. Muling nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ganoon kalinaw ang lahat ngunit namumukhaan ko ang lalaking ito hanggang sa mawala ang imahe. "Sandali!" Sigaw ko nang biglang dalhin muli ako sa kakaibang tanawin. Ang malamig na hangin ay napalitan ng init na nagmumula sa apoy. Nakita ng dalawang mga mata ko ang isang babaeng nakakadena sa leeg at pinapahirapan. Napahawak ako sa 'king bibig dahil sa lupit ng kanyang dinanas. Hanggang sa lumaki nang husto ang apoy. Mga kawal at tao na sumisigaw. Iisa ang kanilang sigaw at iyon ay… KAMATAYAN. Nang maglaho ang lahat at bumalik sa normal ay napaluhod ako. Ano ang mga iyon? Pinilit kong tumayo para pumasok sa loob at uminom ng painkiller. Pakiramdam ko'y doble ang pananakit ng ulo ko ngayon at mas tumindi ang pagbigat ng aking pakiramdam. Nagtungo ako sa banyo para kunin ang isang tube ng gamot ko. Hindi ko matiis ang pananakit ngayon na para bang binibiyak. Nanginginig ang kamay ko nang tagumpay kong malunok ang isang tableta. Kaagad na uminom ako ng tubig at naghilamos para mahimasmasan ang aking mukha. HINDI mawala ang lahat ng katanungan ko sa 'king sarili hanggang sa ngayon. Marami akong nasaksihan kagabi na hindi maipaliwanag. Para bang sinusundan ako hanggang sa reyalidad. Pumasok sa 'king isipan si Riku at ang pakay n'yang muli akong makausap. Kaya nama'y dali dali ko nang kinuha ang telepono para tawagan ito ngunit hindi s'ya ang nakausap ko kundi ang katiwala. Pagkababa ko ng telepono'y mas lalo akong napaisip. Ano'ng ginagawa ni Riku sa Sun Group? Nung nakaraan lang ay pinipilit n'ya akong umalis doon. Mas lalo akong naguluhan kung ano ba talaga ang sadya n'ya kaya't nagmadali akong naligo at nag ayos. Naabutan ko pa si Auntie Celda dala dala ang mga pinamalengke nito ngunit hindi ko na napansin ang kanyang sinabi. Nagmamadali akong tawagin si Manong Albert na abala ngayon sa pagdidilig ng mga halaman. "Manong Albert sa Sun Group tayo." Pagmamadali ko. Basa pa ang kamay nito nang patayin ang tubig at nagmadaling sinundan ako. "Hija may problema ba?" Takang tanong n'ya. "Manong tsaka na ako magpapaliwanag. I want to clear things up." Gusto kong malaman kung tama ang kutob ko. Hindi naman na ito nag usisa pa at kaagad na sinunod ako. Nagmadali akong pumasok sa loob na may baong kaba. Kaba na baka ano ang matuklasan ko na hindi dapat. Kaba na parang nabuhayan ako ng loob at kaba ng takot. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko ngunit kating kati ang mga paa kong pumunta sa lugar na iyon. Lugar na maaaring magtuturo sa 'kin ng sagot sa bawat katanungan ko. Ilang minuto lang at nakarating na kami sa aming destinasyon. Minabuti ko ng bumaba agad at sa parking lot maglakad. Hindi ko alam ngunit para bang may nagtutulak sa akin sa direksyong iyon. Nagmamadali ako nang may marinig akong ingay na nagmumula sa dalawang tao. Kaagad akong nagtago sa isang malaking sasakyan nang makita ko sa side mirror si Riku. "Sino'ng kasama mo Riku?" Bulong ko sa 'king sarili. Natatakpan ng isang makapal na hollow blocks ang parte kung nasaan ang kausap nito. Yumuko ako nang kaunti at inayos ang sarili upang hindi makagawa ng anumang ingay. "Tama na ang palabas. Wala akong ibang kasama." Sabi nito. "Lumabas kana. Wala na ang mga media Liu." Nanikip ang dibdib ko nang banggitin ni Riku ang pangalang iyon. Unti unti akong nag-angat nang tingin sa gawi nila. Napahawak ako sa 'king mga labi nang makita si Jian na lumabas mula sa nakaharang na malaking hollow blocks. Pinanghihinaan muli ako ng mga tuhod nang mga oras na iyon. Gusto kong umiyak ngunit walang kumakawalang luha sa 'king mga mata. Nakita ko pa ang seryosong mukha nito. Simula sa pag-ayos n'ya ng kanyang coat hanggang sa tahimik itong maglakad papalapit kay Riku. Maya-maya pa'y nagulat ako sa reaksyon n'ya nang biglang mamula ang mga mata nito. "Bro?" Kunot noong tanong ni Riku sa kanya. "I can smell her scent." Ang mga mata n'ya ay naghahanap sa paligid. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Buong lakas akong tumayo at nagtama ang mga mata naming dalawa. Sinikap kong kayanin kahit na tutumba na ang mga tuhod ko dahil sa panghihina. Ang mga mata n'ya ay may ipinapahiwatig. "Dawn." Narinig ko. Ang salitang ipinasok n'ya sa 'king isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD