ALTER

3170 Words

CHAPTER 7   Wala ako sa sariling pumasok ng bahay. Magulo ang utak at mabigat ang loob ko. Ni hindi ko nagawang kunin at tignan ang mga binili ni Francis para sa akin. Nang makapasok ako sa kuwarto ko ay sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi niya sinasagot. Madalas din niyang kina-cancel ang tawag ko. Lalong masakit ang ginagawa niyang pagcancel sa tawag ko dahil parang sinasabi o ipinaparamdam niyang rejected na ako sa buhay niya. Nagtext ako.                 "Please? Kausapin mo naman ako. Kahit sandali lang." Walang reply.                 Sinubukan ko muli siyang tawagan. Muli niyang kinansel ang tawag ko. Ramdam na ramdam ko na yung sobrang sakit sa kalooban. Ganito pala ang pakiramdam, higit pa sa binabalisawsaw ka, higit pa sa nagsusuka at nagtatae ka. Iba eh! Sobrang hirap!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD