CHAPTER 8 Bigla akong bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko pa man siya nililingon ay namumula na ako. Muling nanginig ang pang-ibabang bahagi ng aking labi. Ganito ba ang pagkakataon, para lang siyang akyat-bahay na darating sa mga panahong hindi mo inaasahan? "Hindi ba Miss? Bagay na bagay sa kaniya ang relo na 'yan?" inulit niya. Tinignan ko ang saleslady na noon ay hinihimatay na sa kilig. Nakangiti siyang luwa na ang mata. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. Hindi lang basta ordinaryong guwapo ang kausap niya. Artistahin sa kapogihan kaya naman laglag panga ako sa tuwing nakikita ko siya. “Oo naman sir. Bagay na bagay sa kanya. Fely po.” Paglalandi ni Ate. “Fely ang alin ate?” “Fely ang name ko.