CHAPTER 18 Mula noon hindi na naalis ang ngiti ko sa labi. Hanggang sa nakahiga na ako at nagpapaantok ay mukha pa din niya ang nakikita ko. Kinuha ko ang phone ko. Binisita ko ang f*******: wall niya. Pinindot ko ang message button. "I just hope na nakauwi ka ng maayos. Had a great time po. Sana maulit uli. Good night." Walang reply. Ilang sandali pa ay may new friend request akong nakita sa notifications ko. Bagong account. Poser siguro naisip ko. Dahil Public Account ako ay agad na naging follower ko ang kahit sinong mag-add sa akin. Kadalasan ay public din ang mga pinopost ko. Nagtataka ako kung bakit walang reply si E-jay. Baka pagod na at hindi na niya nagawang magreply pa. Kinabukasan ay may nabasa akong text galing sa kaniya.