CHAPTER 17 Pagkatapos ng concert at palabas na kami sa Mall of Asia Arena ay hindi na niya sinagot pa ang tanong ko. Wala na din akong balak pa siyang kulitin. Ang akala kong una at huling date namin ay naging mas makulay sa inaasahan ko. Ang pangarap kong lalaki noon, ngayon ay katabi ko na sa paglalakad papunta sa aking sasakyan. Nakasuksok ang dalawang kamay nito sa pantalon. Naroon pa din ang lakas ng kaba ko sa tuwing nag-uumpugan ang aming mga balikat o kaya braso. Ganoon kalapit ang aming katawan sa paglalakad. Nang marating naman ang sasakyan ko ay tumigil na muna ako at hinarap siya. "Sabi ko naman sa'yo huwag mo na akong ihatid. Baka napalayo ka pa sa pinagparkingan mo ng sasakyan mo." Wika ko. Nakabulsa na din ang mga kamay ko sa black coat ko. "It's okey.