CHAPTER 19 Nang kukuha ako ng isang tangkay ay may naunang kamay na kumuha niyon sa akin. Tinignan ko kung sino siya. Nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay bigla akong ibinitin sa ere. Ang lalaking matagal ko nang hinahanap. Hawak niya ang white rose at iniaabot na niya sa akin. Nakangiti. Nakasuot ng blue sleeveless. Halatang galing sa paglalaro dahil may hawak din siyang raketa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. "Kumusta?" iyon ang unang niyang sinabi sa akin. May ngiti sa kanyang labi na para bang walang nangyari. Umatras ako. Wala akong balak siyang sagutin. Hindi parin ako makapaniwalang si Fancis ang nasa harapan ko. Ang lalaking hinanap ko ng ilang taon. Kung kailan ko na itinigil pan