Chapter 3
Nang nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng daan at naghihintay sa akin ay nagsimula na din bumilis ang t***k ng aking puso. Tae na. Hindi ko mawari kung ito ay parusa o isang pag-ibig. Kung sana may kapangyarihan akong malaman ang kahantungan nito para mapaghandaan ang sakit na kaakibat. Gusto kong maging kalmado at hindi magmukhang excited. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na may sinusundo na ako at ihahatid. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung kailangan ko pang tigasan ang aking pagkilos. Maaring malamya ako sa kanyang paningin ngunit sa akin, sakto lang. Kilos at boses lalaki pa din ako. Kailangan ko bang maging robot sa ngalan ng pag-ibig? Para maimpress natin ang gusto natin ay kailangan nating i-adjust muna ang ating mga sarili sa kung ano sa tingin natin ay gusto at kapuri-puri sa minamahal natin. Sabi nga nila kapag nakakapagbibitaw ka ng mga mabulaklaking salita o kaya kapag nakokornihan na ang ibang tao sa’yo, ibig sabihin no'n inlove ka. Kaya nga nang dumating si Francis sa buhay ko, nagdasal ako at umasang sana siya na. Sana siya na habang-buhay. Sana siya na nga ang matagal ko nang hinahanap. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, sa school ko lang din naman pala siya makikita tapos kung saan-saan pa ako nakakarating para hagilapin ang lalaking magpapatibok sa aking puso. Taena, mula Valenzuela hanggang Pasig nalibot ko na, dumating na sa puntong naanod ang sasakyan ko sa baha, hindi makahinga sa pakikipagsiksikan sa MRT at tutukan ng patalim at holdapin, tapos sa school ko lang pala siya makikilala.
Kinatok niya ang salamin sa driver’s seat. Kumakaway siya. May sinasabi siya pero di ko marinig.
“Ano?” sigaw ko.
Itinuro niya ang pintuan. Sinesenyasan niya akong buksan ang pintuan.
Antanga! Di ko pa pala siya pinagbubuksan. Napailing ako sa nararamdaman kong pagkaaligaga. Huminga ako ng malalim.
“Relax boy, relax, inuman lang ‘to ng magtropa,” bulong ko sa aking sarili habang pinagbubuksan ko siya. Napapangiti lang ako sa kabaklaan ng aking utak ngunit pigil naman ang katawan kong ikilos ang kalandian na tumatakbo sa aking diwa.
"Akala ko wala ka na talagang balak na pagbuksan ako ah,” napakamot. Anyare brad?" tanong niya.
Anong isasagot ko? Nilingon ko siya sabay ng matipid na ngiti. Yun na yun? Di ba dapat kailangan mas astig ako ngayon. Dapat pati ngiti sukat na sukat. Ang tawa kailangan nang bantayan, hindi puwedeng humalakhak na parang si Kris Aquino. Hindi ako dapat nawawala ako sa aking katinuan sa tuwing nakikita ko siya.
Nagtama ang aming mga paningin. Nakasando lang siya ng itim at pants na may butas-butas. Taena! Bakit may dikit ang kaniyang mga titig sa akin? Bakla din ba ‘to?
"Masaya ka yata at pangiti-ngiti ka pa.”
Ngumiti lang ako. Hindi ko alam kung ano isasagot ko.
“Magkuwento ka nga brad." Tinapik niya ang hita ko. Tapik namang panlalaki iyon ngunit hindi ko alam kung bakit may hagod iyon na kakaibang kiliti. May kung anong nasagi sa buo kong pagkatao. Napalunok ako. Hindi simpleng paglunok lang 'yun.Kislot? Tama napakislot ako sa kakaibang dating no’n sa akin. Sana tanggalin na niya ang kamay niya doon kasi nanginginig na talaga ako. Baka mamaya maibangga ko pa ang sasakyan ko dahil hindi ko kayang kontrolin yung emosyon ko.
"Ano? Kukuwentuhan kita? Anong ikikuwento ko?”
“Oo, di naman pwedeng parang taxi driver o grab driver ka at pasahero mo lang ako.”
“Bakit may mga grab driver at taxi driver namang nagkukuwetuhan ah. Mamaya na lang sa bahay. Nagmamaneho kasi ako," kibit balikat kong sinabi. Iginalaw-galaw ko ang hita ko para makaramdam siyang naasiwa ako sa paghawak niya doon.
"Sorry." Nakaramdam siya na hindi ako komportable. Tinanggal niya ang kamay niya doon. Pinagsaklob niya ang mga palad niya.
"May kiliti kasi ako diyan. Pasensiya na, brad." Pambawi ko.
“Ayos lang. Nag-feeling yata ako.”
“Uyy hindi. Di lang talaga ako komportable.”
“Patugtog ka na lang brad.”
“Sige,” sagot ko.
Nang makarating kami ay inilibot niya ang kaniyang tingin sa kabuuan ng bahay.
"Hindi ko alam na ganito kayo kayaman.”
“Sakto lang. Kumain ka na ba?”
“Busog pa ‘ko. Nagkikita-kita pa ba kayo dito?" tanong niya. Napakamot.
"Oo naman. Madalas lang wala sina Mama at Papa nang mga nakaraang araw. Yung mga kapatid ko naman may kaniya-kaniya na ding pamilya. Kaya kadalasan mga kasambahay lang namin ang kasama ko.”
“Iba talaga kapag mayaman ‘no?”
“Hindi naman talaga kami mayaman. Masipag lang at sinuwerte ang magulang ko sa negosyo. Isa pa, tignan mo. malaki nga ang bahay ngunit wala namang kabuhay-buhay." Huminga ako ng malalim. Taena, among nangyayari sa akin? Di ako mahilig sa drama pero he’to ako’t nagsasabi ng mga hinaing ko sa buhay.
"Saan mo gustong uminom, sa sala, sa terrace sa taas?”
“Pwede ba tayo sa kuwarto mo para naman may privacy."
Natumbok niya. Gusto kong sa kwarto ko naman talaga kami dapat mag-inom.
"Puwede naman siguro tayong manood ng movie habang nagsha-shot don, hindi ba?" kumindat siya.
"Oo naman. So, anong gagawin natin sa kwarto"
Napakunot siya ng noo? “Di ba mag-iinom?”
"Sorry. I mean, anong gusto mong inumin, hard o beer?"
"Beer. Ikaw brad?”
“Ako beer o hard ayos lang.”
“Ayos, gano’n din ako. Sanay tayo sa kahit anong alak e."
"Sige beer na lang din ako?” Bet na bet ko ang beer. Gora tayo sa beer." dire-diretso ang aking bibig. Gano’n kasi kami ng Bestfriend kong si Cedrick kapag nagkakatuwaan. Huli na nang napansin kong hindi ang bespren ko ang kausap ko.
Nagsalubong ang kilay niya na parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya sa akin.
"Uy brad, ginaya ko lang ang mga bakla na kaklase ko. Pampawala lang sana sa masyadong pormal nating pag-uusap kaya akala ko matatawa ka sa paggamit ko sa salita nila. It was a joke. Hindi ako bakla ah. Tawa naman diyan" Pinagpawisan ako. Nagmukha akong tanga.
"Hindi kasi siya nakakatawa brad. Pasensiya na ha. Ayaw ko lang kasing..." huminto siya. Tinignan niya ako. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa laylayan ng kaniyang sando at naitaas ng bahagya ang kaniyang damit. Nanginig ang pang-ibabang bibig ko. Ewan ko ba kung bakit nangyayari iyon sa tuwing nakakakita ako ng katawan ng lalaking tipo ko. "Hayaan mo na nga ‘yon brad. Sabi mo nga nagbibiro ka. Kaya hindi na big deal pa sa akin." Pagtatapos niya sa hindi niya itinuloy na sabihin kanina.
"Sige, hintayin mo na lang muna ako dito brad. Kuha lang ako ng maiinom natin at puwedeng mapulutan. Sabay na tayong aakyat mamaya." Pagpapaalam ko.
Ngayong sigurado na akong ayaw ni Francis ang bading, paano ako poporma sa straight? Pero baka nga pamintang buo siya at ayaw niya ng napulbos na paminta. Paminta ako pero hindi napulbos? Saka kahit nga mga straight ngayon kapag nakikipagkuwentuhan sa tropa nakakagamit na din sila ng mga gay linggo for fun. Ngunit bakit siya? Parang isang malaking kasalanang magpatawa gamit ang gay lingo. Huminga ako ng malalim. Ito na nga talaga ang taong tuluyang magpabago sa akin. Kung ang pagiging astig ko sa tuwing magkasama kami ang tanging paraan para magustuhan niya ako ay gagawin ko. Walang hindi kaya ng astig na bading, makabingwit lang ng boyfriend na goodlooking.
Nang makapasok kami sa kuwarto ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung paano ako kumilos sa paraang magugustuhan niya. Paano yung astiging upo sa harap niya, paano ko mapanatiling mas buo pa ang buo at mababa ko nang boses at higit sa lahat ay paano ko maiiiwas ang mga malalagkit kong tingin sa kanya lalo na at sobrang gusting-gusto ko na siya. Para siyang ulam na nakalagay sa estante. Libre tingin at lunok pero hindi mo mahawakan hanggang di mo siya nabibili. Kung pera lang sana ang katapat, kanina ko pa siya dapat binili ng buo. Keep the change pa. Ang hirap ne’to, brad!
Hinubad niya ang sapatos niya. Nakita ko ang mahahaba at mapuputi niyang talampakan na may balbon na tumubo sa mga daliri nito. Kung totoo ang sinasabi na kapag mahaba ang sukat ng paa ng lalaki paniguradong ganon din kahaba ang sukat ng kaniyang... well, lalaki ako pero never that I tried measuring mine comparing with my feet. Tingin ko naman sabi-sabi lang naman iyon! Ikinalat na tsismis ng may mahabang paa ngunit parang hinliliit lang ang sukat ng kanilang kargada.
"Ano brad, iinom ba tayo o titigan mo lang ang mga paa ko?”
“Laki kasi e.”
“Ano?”
“Sabi ko, oo inuman na tayo. Simulan na,” nataranta kog sagot.
“Tama. Simulan na natin habang maaga pa.” Naupo siya sa kama ko. “Kung malasing ako puwede na akong makitulog sa'yo, ano?"
Napalunok na naman ako. Nanginig ang pang-ibabang bibig ko at hindi nakasagot. Kung alam lang niyang iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Hindi ko lang akalain na sa kanya na mismo manggagaling iyon.
"Sige ba. Maluwang ang kama ko brad," sagot ko.
Tumalikod ako. Kinagat ko ang labi ko sabay ng patagong pagkakilig habang kunyari ay binuksan ang TV. Nang kaya ko nang itago at pigilan ang kilig ko ay hinarap ko na siya.
"Salamat brad. Hindi naging boring ang weekend ko dahil sa'yo.”
“Its my pleasure brad.”
“May itatanong sana ako sa'yo pero shot muna tayo." Kinuha niya ang dalawang baso. Naglagay siya ng ice at nagsalin ng beer. Pinuno niya iyon. "Oh eto brad.”
“Salamat.” Kinuha ko ang basong iniaabot niya sa akin.
“Cheers muna! Bottoms up ha!"
"Cheers!" pinag-umpog namin ang aming mga baso. Babaylan ng mga alak. Tulungan mo sana akong hindi maunang malasing. Dasal ko. Sinadya kong hindi ubusin ang laman ng aking baso. Simulan ko nang mandugas.
"Kalahati palang ang naubos mo oh, Huwag kang madugas brad. Bottoms-up nga di ba?"
"Ah bottoms up ba? Okey, okey!" natatawa kong sagot. Pilit kong sinaid ang laman ng baso ko.
Nakailang shot muna kami pero halatang tinamaan na siya. Nanatili akong nakikinig sa kaniyang mga kalokohan noong high school pa siya. Sa kanya, nakakatawa ang mga katarantaduhan niya pero sa katulad kong natitigilan sa kaguwapuhan niya habang tumatawa, hindi ko siya masabayan. Sa tuwing sinasabayan niya ng pagpapasok ng kaniyang kamay sa loob ng kaniyang sando at hinihimas ang dibdib niya at tiyan ang kanyang pagkukuwento, umiigting ang aking pagnanasa. Mas natutuon ang isip ko sa kaniyang ikinikilos at hindi sa kanyang sinasabi.
"Brad, gusto kong magpakaprangka sa'yo.”
“Ano ‘yon?”
“Hindi ko alam kung magsasabi ka sa akin ng totoo pero tatanungin parin kita." Diretso ang tingin niya sa aking mga mata.
"Sige lang. Ano ba kasi ‘yon, brad?" Sagot ko ngunit kinakabahan ako sa maari niyang itanong.
"Bakla ka ba?" walang kagatol-gatol na tanong niya sa akin.
Alam ko namang iyon ang iniisip niya ngunit 'dre, hindi ko akalain na ganoon kadiretso siyang magtanong. Hindi ko naisip na bigla lang niya pala akong sasaksakin. Hindi kaagad ako nakasagot. Iniisip ko, kung aamin ako sa kaniya, baka hindi na siya muli pang magpakita o baka bigla na lang din siyang magpapaalam sa akin.
"Bakla? Sinong bakla? Ako?”
“Oo, hindi ba?”
“Naku, hindi, brad." Sagot ko.
Takot akong ganoon lang kaiksi ang aming pagsasamahan at dahil sinabi ko nang hindi, kailangan ko na nga talagang pangatawanan ang kaastigan.
"Alam mo brad, walang kaso sa akin kung bading ka o hindi." Kumuha siya ng pulutan. Ngumuya.
“Ah, sigurado ka okey lang sa’yo?”
"Oo naman. Walang kaso ‘yon.”
“Talaga?”
“Oo pero may kondisyon. Kung kaya mo namang maging astig kumilos, magsalita at manamit bilang isang tunay na lalaki, pasok ka sa akin. Turn off kasi ako sa mga bading.”
“Ah gusto mong mga buong paminta?”
Ngumiti siya. “Medyo malamya ka sa gusto kong kaibigan pero okey na din. Saka brad, hindi ako tanga. Alam ko may kakaiba sa pagkatao mo." Kinuha niya ang baso ko. Nagsalin siya ng beer doon.
Katahimikan. Wala akong maapuhap na sasabihin.
"Nagkagirlfriend ka na ba?" tanong niyang muli. Alam kong may pinupunto siya.
Gusto kong isipin na pamintang buo siya kaya lang para akong nilalagnat sa mga tanong niya? Nag-sinungaling ako sa una at di ko na alam kung paano sagutin ang mga susunod lalo pa't parang may connection na ang lahat. Kahit malamig ang buga ng aircon ay pinagpawisan ako.
"O, sige, kahit hindi na tungkol sa girlfriend,” ngumiti, kinindatan niya ako. “Nakipagsex ka na sa babae?" tanong niyang muli nang hindi niya ako mahintay na sumagot.
Gusto kong maduwal sa tanong. Ngunit hindi ko na kayang magsinungaling pang muli.
"Walang girlfriend. Certified virgin pa ako, brad." Sagot ko. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo.
"Virgin. Kahit sa kapwa mo lalaki?" tanong niya.
Nakatitig siya sa akin. Binasa niya ang bibig niya. Pakiramdam ko nang-aakit ang kaniyang mga tingin. Pakiramdam ko lang naman ‘yon. Baka lang naman kasi natamaan na siya sa iniinom namin kaya ganoon lang ang tingin ko sa ginagawa niya.
"Virgin nga ako, kahit sa lalaki. Ano ba itong pinag-uusapan natin." Reklamo ko.
"Okey. So maliwanag ang usapan. Hindi ka bading.”
Tumango ako.
“Kung di ka naman pala bading dapat tigasan mo ang kilos at pananalita mo para ayos ka na sa akin!" kumindat siya.
Paulit-ulit yung "ayos ka na sa akin". Anong ibig niyang sabihin? "Ikaw brad? May karanasan ka na ba sa ano?" lakas-loob kong tanong.
"Bakit hindi mo diretsuhin? s*x, karanasan sa s*x!” pumungay ang kanyang mga mata.
“Sige sa sex.”
“s*x is s*x! Ano bang pagkakaiba nito sa ibang salita at hindi mo kayang sabihin ng diretsuhan?"
"Okey, s*x nga. May karanasan ka na ba sa s*x?"
"Ayaw ko sa taong nagsisinungaling sa kanilang pagkatao kaya gusto kong magpakatotoo sa'yo."
Napatamaan ako sa sinabi niyang iyon. Pinaparinggan niya ako at sapol ako doon.
"Sa edad kong ito, may mga nakasex na ako pero kadalasan sa mga yun, hindi relasyon. May isa akong karelasyon noon ngunit mula nang umalis siya, hindi na kami nagkita.”
“Nasaan na siya?”
“Importante bang pag-usapan kung nasaan siya ngayon?” tumungga siya ng alak. “Nasaktan ako kasi hindi na niya ako binalikan. Kaya iyon na din siguro ang dahilan kung bakit sa akin, naging trip na lang lahat.”
“Trip? Paanong…” naguluhan ako.
“Oo, Carl, isa akong tripper?"
"Tripper?" Hindi sa hindi ko alam ang ibig sabihin kaya ko inulit. Hindi lang ako makapaniwalang gano'n siya kaprangka.
"Oo, tripper. Kung trip ko ang ka-eyeball ko, magsex kami. Hanggang s*x lang.”
“Totoo?” parang hindi pa din ako makapaniwala.
“Dati, ayaw kong pumasok sa isang relasyon na hindi pa nasusubukan ang kalidad ng isang tao sa kama. Iyon ako noon. Kung sa s*x palang hindi na kami magkasundo, bakit pa mauuwi sa relasyon? Itinungga niya ang baso na hawak niya. Huminga ng malalim. "Kung natali na tayo sa relasyon bago ang s*x, mas mahirap nang kumawala pa kasi may emosyon nang kasama. I've been into a failed relationship at sabihin ko sa'yo, hindi madaling talikuran. Madali sa aking iwan ako nang nakaraan ko. Kasi nangako siyang babalikan ako." Huminga siya ng malalim. May galit sa kanyang mga mata. "Kapag mahal ko ang isang tao at swak kami sa s*x, hindi ko siya basta-basta pinakakawalan. Akin lang siya hanggang gusto ko. Doon ako nasanay e.”
“Bakit parang andami mo nang alam tungkol sa ganyan?”
“Kasi dahil freshman palang ako? Naniniwala ka bang mas matanda pa ako sa'yo."
Kinuha niya ang baso sa harap ko at muling naglagay ng beer.
Ngumiti siya.
Wala akong maisip sabihin. Medyo gulat pa din kasi ako sa mga rebelasyon niya.
"Suko si Papa sa tigas ng ulo ko e. Mas gusto kong magjamming kasama ng mga friends kaysa pumasok sa school. Nakakapagod din pala iyon.”
Nakinig lang ako. Tumungga din ako sa hawak kong beer.
“Mahirap akong mahalin Carl, sinasabi ko na sa'yo.”
“Bakit mo nasabing mahirap?”
“Mahirap kasi nambubugbog ako kung alam kong niloloko ako at ipinagpapalit. Idinadaan ko sa pisikal na sakitan kung hindi ko nakukuha ang gusto ko. Mali iyon, alam ko, kaya iyon ang gusto kong baguhin sa pagkatao ko. "
May nakita akong kakaibang galit sa kaniyang mga mata. Kung siya din lang naman ang magiging unang boyfriend ko, baka siya, umaayaw na, ako, tumitira pa. Saka hinding-hindi ako gagawa ng hindi niya gusto para hindi kami mag-aaway. Hindi kami darating sa puntong magkasakitan dahil di ko naman siya lolokohin at ipagpapalit. "Sorry to ask, sa babae ba ang tinutukoy mo?" tanong ko. Ngumiti ako agad. Natatakot akong baka iba ang pagkakaintindi niya sa tanong ko.
"Lalaki naman akong tignan hindi ba brad?"
"Ahh okey gets ko na. Babae nga ang pinupunto mo." Mabilis kong pambawi. Itinungga ko ang beer.
"Lalaki akong tignan pero lalaki din naman ang hanap ko.”
“Ano?” nasamid ako sa dapat lulunukin ko nang beer.
“Puwede din naman siguro sa babae pero mas nag eenjoy ako sa kapwa ko lalaki.”
“Seryoso ka?” paglilinaw ko.
“ Oo nga! Eto naman. Ikaw lang itong secretive eh.” Tumawa siya. “Ikinaganda kasi sa lalaki, wala kaartehan at walang mga kung anu-anong hinahanap. Kadalasan nga, ako pa ang binebeybi pero as of now, nag-eenjoy ako sa pagiging tripper.”
“Tripper, like?” gusto kong malinawan.
“Tripper. Halimbawa, nagkakilala tayo sa f*******: at trip kita sa mga pictures mo, magkikita tayo. Kung trip pa din kita in person hang out tayo sandali then s*x after. Malimit hindi na iyon mauulit kasi maaring may hinahanap akong hindi ko nakita o kaya may sarap akong hinahanap na di sa akin ipinalasap. But I go for safe s*x. Kung hindi din lang naman safe ang s*x, maglaro na lang kaming dalawa ng alaga ko."
Nagugulat parin talaga ako sa naririnig ko sa kanya.
"Noon 'yun. Inuulit ko ha. Noon 'yun." Tumungga siya ng beer.
Prangka talaga siya. Totoong tao samantalang ako heto, nagtatago. Gusto kong tanggalin ang aking mascara. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtago sa talagang ako pero naisip ko, ito ang gusto niya. Ang nagtitigas-tigasang bading kaya kailangan kong panindigan.
"O, shot pa. Hina mo namang uminom eh!" akbay niya sa akin kasabay iyon ng pag-ihip niya sa puno ng aking tainga.
Nanginig muli ang pang-ibabang bibig ko. Hinarap ko siya at nang ihipan niyang muli ang tainga ko ay halos magkadikit na ang aming mga labi. Parang tinutukso niya ako nang binasa niya ang labi niya at tumitig siya sa aking mga mata. Hinawakan niya ang batok ko at agad na pumasok sa aking isipan ang mga pelikulang napapanood ko. Iyon kasi ang kadalasang nangyayari na nauuwi sa isang mainit na halikan.
Napapikit ako. Hinintay na dumantay ang labi niya sa labi ko. Nangingig ang buo kong katawan. Ito na ba 'to? Ambilis ng dating. Wala akong natanggap na notification. Wala man lang poke na parang sa f*******:. Parang private message o comment na bigla na lang nag-aapear. D’re gusto ko to! Para lang siyang status na paulit-ulit kong ila-like!
Totohanan na ba iyon o sinusubok lang niya para makuha ang tunay kong pagkatao? Saan ako dadalhin ng larong ito kasama ng nagpapakilalang tripper na siyang unang gigising sa kamalayan ko sa kamunduhan?