Chapter 4
"Straight ha!" kasunod iyon ng kaniyang nang-aasar na tawa.
Naiwan ako sa ere na umaasa. Taena, alam mo yung feeling na dapat magcocoment ka ng mahaba sa isang gustung-gusto mong status o picture tapos bigla na lang buburahin ng nagpost? Siyempre 'dre, hindi ganun lang yung pakiramdam, higit pa do'n. Napahiya talaga ako.
Yumuko ako. Hiyang-hiya ako dahil alam ko namang amoy na amoy na niya ang pagkatao ko pero pilit ko pa din itong itinatanggi.
"Puwedeng maghubad ng boxer short brad? Hindi kasi ako comfortable na umupo." Alam kong paraan din niya iyon para mabasag ang nagharing katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko na tuloy siya matignan pa ng diretso.
"Sige lang," sagot ko.
Tinutok ko ang mga mata ko sa TV. Kunyari nanonood ngunit napapalunok ako nang nararamdaman kong hinuhubad na niya ang pantalon niya. Lumingon ako sa malaking salamin. Kitang-kita ko ang lalaking-lalaki na muscles ng kaniyang hita at binti. Lalo na ang hubog ng kaniyang puwit. Boxer brief na lang ang suot niya at sinisilaban na ako ng umaapoy na pagnanasa.
Nakita kong lumingon siya sa salamin kung saan ko palihim na tinitignan ang kaniyang kahubdan. Kinindatan niya ako. Mabilis kong ibinaling ang tingin ko sa TV kunyari inilipat ko ag channel. Alam ko namang nakita na niya ako.
"Tsk! Tsk! Hirap niyan brad. Baka himatayin ka na sa pagpipigil." Kinuha niya ang aming mga baso at muling nagsalin doon ng beer.
"Oh, eto, inom pa." Iniabot niya sa akin ang baso at nang kunin ko iyon sa kaniyang kamay ay nakita ko ang nakahulmang iyon sa kaniyang masikip na boxer brief.
Mabilis kong kinuha ang beer at sinaid ang laman niyon. Gusto kong mawala ang kakaibang pagkauhaw ko. Taena, parusa ba ito? Parequest at pasend nga ng extra energy para may lakas pa akong labanan ang mga ganitong ginagawa niya sa akin.
Lumalim ang gabi. Napadami na din kami ng nainom. Pabagsak siyang humiga sa kama ko at nakapikit niyang tinanggal ang kaniyang sando. Isang hubad na Adonis ang nakahiga sa harapan ko. Iniwasan kong pagmasdan iyon ngunit nang nasiguro kong nakapikit na siya ay nagsawa ang aking mga mata sa kanyang kahubdan. Sinong hindi mababaliw sa mukha at katawang ito? Napakagwapo niya, napakasarap lang talagang halikan ang kaniyang mga labi at haplusin ang makinis at parang nililok niyang katawan. Sinong bakla, lantad man o paminta ang hindi kusang luluhod kahit pa siguro may bubog ng basag na salamin ang luluhuran? Paniguradong titiisin ang sugat kung siya lang din naman ang kabayaran.
Nakainom ako. Ganoon din siya, ngunit alam kong kaya ko pa ang sarili ko. Nakatihaya parin siya. Tumabi ako sa kaniya. Nakikiramdam ako kung tulog na siya. Kahit pa bumibigay na din ang talukap ng aking mga mata at medyo hilo ay ayaw kong tulugan siya. Paano kung hindi na nga maulit ang pagkakataong ganito? Sabi nga niya kanina, tripper lang siya. Baka wala nang kasunod pa ito.
Hindi na siya gumagalaw. Tulog na yata siya sa kalasingan. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Nakagat ko ang labi ko. Nakapasarap lang kasi talaga niya.
Dahan-dahan akong umusog sa tabi niya. Dama ko na yung init ng kaniyang braso na nakadampi sa aking braso. Steady lang muna ako. Baka magising. Kinagat ko ang labi ko. Nagsimulang parang tambol ang kaba sa dibdib ko. Paano ba 'to? Tumagilid ako. Hinarap ko siya. Dahan-dahan lang at baka magising. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga. Tulog na. Pumipikit na ang aking mga mata sa kalasingan ngunit ginigising ako nang nararamdaman kong pagnanasa.
"Huwag na huwag kang maidlip Carl" bulong ko sa aking sarili.
Itinaas ko ang isang kamay ko. Nanginginig ito. Natatakot pa din ako kung itutuloy ko bang idantay ang mga ito sa kaniyang dibdib o hindi. Paano kung magising siya? Baka isipin niya nananamantala lang ako.
Napalunok ako.
Sobrang lakas na ng kaba ng aking dibdib. Hanggang sa tuluyan nang nilakasan ko ang loob kong tuluyang ipatong ang braso ko sa kaniyang dibdib. Sumasabog na ang puso ko sa hindi ko maipaliwang na langit. Nagsawa ang kamay ko sa pamamasyal sa dalawang maumbok niyang dibdib. Imbes na magising ay mas lumakas ang kaniyang paghilik. Iyon na ang hudyat na ibaba ko pa ang mga kamay ko sa kaniyang tiyan.
Banayad lang.
Ayaw kong magising siya at mahuli niya ako sa ginagawa ko. Napapakagat ako sa aking labi. Dama ko ang init ng kaniyang katawan. Ang magandang hubog ng kaniyang kahubdan ay nasa aking mga palad. Hanggang sa huminto ang kamay ko sa garter ng kaniyang boxer brief. Sobrang bilis at lakas na ang kabog ng aking dibdib na parang tumatalon-talon na ang aking puso.
Ipapasok ko ba ang kamay ko doon? Hindi kaya siya magigising? Paano kung tatangihan niya ako?
Hanggang sa nagdesisyon akong sa ibabaw na lang ng boxer brief niya ipatog ang aking nanginginig na palad. Hindi ko na makontrol ang nag-uumigting kong pagnanasa nang tuluyan ko nang naipatong ito doon sa kaselanan niya. Dama ko ang hindi ordinaryong sukat nito. Gusto kong magmura ng magmura sa saya. Nag-uumapaw ang aking kaligayahan.
Nangyayari ba talaga ito?
Ngunit ang tulad kong hawak na ang pagkakataon ay hindi basta-basta makukuntento. Gusto kong angkinin iyon. Ang pintig niya, ang tunay na sukat niya, ang init nito at kakaibang tigas. Wala nang naiwan sa akin na pagtitimpi. Tuluyan na akong ginapi ng makamundo kong paghahangad. Dahan-dahan pumasok ang walang pakundangang palad ko sa kaniyang boxer brief. Nang makapasok ang aking mga daliri ay nakiramdam ako kung nagising ko siya sa ginagawa ko. Kahit katiting lang kasi na paggalaw niya ay mabilis ko pa lang iyong mabunot mula sa kaniyang boxer brief dahil kalahati palang ng daliri ko ang nakapasok ngunit patuloy lang ang malakas na paghilik. Hanggang sa tuluyan ko nang ipinasok doon at sapol na ang matagal ko nang pinapangarap na himasin.
Naramdaman ko ang pagkislot at lalong pagtigas nito. Dahan-dahang umangat ang aking ulo para silipin ang ginagawa ng palad ko. Ngunit gumalaw siya. Mabilis kong nabunot ang kamay ko mula roon at kunyaring humihilik na din ako.
Tang-ina! Naramdaman na kaya niya! Paano na 'to? Hilik lang, Carl. Pekeng malakas na hilik. Kailangan mong magtulug-tulugan. Kailangan mong magkunwari na wala kanga lam sa mga ganyang kamunduhan. Di ba nga lalaki ka?”
Tumagilid siya patalikod sa akin. Nagpatuloy ang kaniyang paghilik. Tulog na kaya talaga siya?
Nawala na ang antok ko pero nandoon parin ang kakaibang init sa aking katawan. Nag-behave ako ng ilang sandali. Ipinatong ko ang kamay ko sa kaniyang tagiliran. Nakahandang ipagpatuloy ang naunsiyaming pamamasyal nito sa kamunduhan.
“Taena Carl, ingat lang,” bulong ko sa aking sarili. Huwag magmadali. Dahan-dahang muling pumasok doon ang nanginginig kong palad. Pagkapasok na pagkapasok palang niya ay dumapa na siya kaya walang naging kawala ang kamay ko. Naipit na doon at hirap na akong bunutin na di ko siya magigising. Nakadiin ang kamay ko at ramdam ko ang paglapat ng kaniyang tigas na tigas na ari sa aking palad.
"Huling huli ka na Carl." Bulong ko sa aking sarili. Paano ba 'to ngayon?
Hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at tumihaya siya.
Nakita kong dumilat siya.
Pumikit ako. Humilik ako. Pekeng hilik na magtatago sa ginawa kong kahihiyan.
Bumuntong-hininga siya.
Pekeng malakas na hilik ang isinagot ko.
"Carl, huwag kang magtulug-tulugan at baka hindi ka na magising. Hindi ako tulog. Hindi din ako sobrang lasing para hindi ko naramdaman ang mga ginagawa mo sa akin."
Hindi pa din ako gumagalaw. Pinanindigan ang pagiging tulog. Nahihiya kasi ako. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya?
"Huwag ka ngang umarteng tulog."
Napalunok ako sa hiya. Ayaw kong dumilat dahil alam kong nakatingin siya sa akin.
"Hindi magandang gawain ang gusto mong gawin sa tulog o lasing na lalaki para lang mapagbigyan mo ang sariling libog. Masaya ka bang gawin iyon? Yung panakaw na s*x?"
Nanatili akong nakapikit. Napahiya ako.
"Uyy! Dumilat ka nga." Siniko niya ako. "Huwag kang mahiya dahil normal na ginagawa iyan ng mga katulad mong pilit nagtatago. Ginawa mo nga iyon e, dapat panindigan mo. Huwag mong ikahiya yung totoong ikaw."
Dumilat ako pero hindi ako tumingin sa kaniya. Nawala yung naramdaman kong libog. Pumalit iyon ay yung kahihiyan.
"Una palang pinapaamin na kita, tumanggi ka kahit alam kong gano’n ka. Alam mo ba kung bakit kahit friend na kita sa f*******: ay hindi ako nagmessage sa'yo? Kasi tingin ko iba ka. Lakas makalalaki ang mga pictures mo doon e." Tumawa siya.
"Friend kita sa sss?" paninigurado ko.
"Oo Carl."
"Noong nilapitan mo ako sa library, friends na tayo noon sa sss?"
"Oo naman. Kaya sinabi ko noon sa’yo na familiar ka para sana maalala mong nasa friend list mo ako.”
“Hindi ko alam.”
“Nagpa-add ka nga sa akin tapos hindi ka man lang nagkaoras na i-view ang ibang mga pictures ko?”
“Ako?” nag-isip. Pilit kong inalala. “Ini-add kita?”
“Oo nga. Kita mo ‘to. Basta add na lang ng add? Noong in-accept ko ang friend request m, tinignan ko muna ang profile mo. Gusto kita noon pa man kaya naman naikintal na sa isip ko ang mukha mo. Kaya nga nang makita kita sa school, sabi ko, puwede.”
“Pwedeng ano?” sagot ko.
“Basta. Alam mo na ‘yon.” Sandaling katahimikan.
“Kaya nga nang lumapit ako sa'yo,” pagpapatuloy niya. “Nagkunyarian akong walang ballpen para may dahilan akong kausapin ka.”
“Talaga? Kaya pala…”
“Kaso, badtrip, may napansin ako sa’yo. Malamya ka kasing kumilos at magsalita kaya hindi ka pumasa sa hinahanap ko.”
“Malamya?” hindi ako makapaniwala.
“Sige astig ka naman siguro sa iba pero dahil sanay na ako umamoy ng bakla kaya medyo nawalan ako ng gana sa’yo.”
“Ah kaya pala bigla ka na lang nawala.”
“Oo. Kaya kapag nakikita kitang nasa library noon hindi na ako tumutuloy. Sinikap kong iwasan ka. Pero pinagtagpo pa din tayo sa canteen at nakita ko naman na you're trying your best para magpakalalaki sa harap ko. Kaya lang kahit anong gawin mo lumalabas yung pagkalamya mo. Ngunit may nakita ako sa'yong kakaiba.”
“Ano ‘yon?”
“Siguro yung likas na kabaitan mo? Kaya nagdesisyon akong i-try ang kagaya mo."
"I-try na ano?" tanong ko. Nakapag-ipon na ako ng lakas ng loob na harapin siya.
Nagkatinginan kami. Siya ang bumawi ng kaniyang tingin.
"I-try na maging kaibigan. I-try kung puwede tayo?" sagot niya.
Natigilan ako.
"Sabi mo tripper ka. Di kaya trip lang din ito sa’yo?"
"Kung trip lang kita, sana nagmessage na lang ako sa f*******:, makipag eyeball at magrenta ng room sa hotel. Ganun kasimple ang trip. Hindi yung ibigay ko pa ang personal number ko, sasama sa mismong kuwarto mo, makipagkuwentuhan ng ganito.”
“So, sinasabi mo bang hindi lang trip ito?”
“Ano ka ba Carl? Kailan ka ba ipinanganak? Dapat alam mo na lahat 'yun?" ipinatong niya ang braso niya sa kaniyang noo.
"Sorry, hindi ko kasi alam yung mga ganyang kalakaran. Wala pa akong nakarelasyon. Lahat ng ito bago sa akin." Sagot ko. Tumingin ako sa kisame.
"Okey kung gusto mo ng trip, magsex tayo ngayon. Pagbibigyan kita.”
Napalunok ako.
“Gawain ko 'yan e. Sanay ako diyan. Pero Carl sinusubukan kong muli gawin ang lahat sa tamang pamamaraan. Gusto ko, sa'yo ko 'yun muling sisimulan. Ngunit ngayon palang, sinasabi ko sa'yo, turn off ako sa loud na bakla. Nawawalan kasi ako ng gana. Isa iyon sa pinakamahalagang hinahanap ko sa karelasyon, dapat astig. Lalaki magsalita at kumilos. Kaya mo bang gawin iyon sa akin?"
Napaisip ako. May kabaklaan nga ba sa ikinikilos ko? Para sa akin astig na ako. Anong pinupunto niyang kabaklaan?
"Ano?" naghihintay siya ng sagot ko.
“Hindi ko alam, ano bang kabaklaan ang tinutumbok mo? Tingin ko naman lalaki ako magsalita at kumilos.”
“Yung lakad mo siguro? Yung pilantik minsan ng mga daliri mo? Yung may kakaiba sa facial expression mo? Yung pananamit mo? ”
“Talaga? Fashionista ako pero hindi naman pambakla ang porma ko.”
“Fashionista? Yung terno at mga matitingkad na kulang ng pantalon, sapatos at damit? Walang straight na nagsusuot ng mga kulay yellow at orange, Carl.”
“Kasi akala ko, okey ako. Lalaki ako kumilos kumpara sa ibang bakla. Yung pananamit naman, madali lang naman ‘yon hubarin at palitan ng gusto mong kulay. Sige, para sa’yo kakayanin ko. Sabihan mo ako kung sa tingin mo mali ang ikinikilos ko at bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para mapag-aralan." Sagot ko.
"Puwede naman kilalanin mo muna ako ng husto at gano'n din ako sa'yo at kapag mahal na natin ang isa't isa, saka na tayo magsex. I am breaking my own rules here. Gusto ko maiba sa nakasanayan ko. Saka sabi mo nga virgin ka, kaya inaasahan kong hindi ka bihasa sa pagpapaligaya pero kaya naman nating i-work out 'yun kapag tayo na." Humarap siya sa akin. Nakangiti.
"Okey. Sounds good." Hinarap ko din siya.
"Good. E, di nagkakaintindihan tayo. Hindi yung sabihin mo sa aking straight ako, lalaki ako pero yung pagkasabi, ate ang dating." Napangiti siya.
Natawa ako.
Hinila niya ako at niyakap.
Nakukuryente ako lalo na ay nasa tagiliran ko't nakatutok na ang kanina ay patago kong gustung paputukin. Kung hindi pa siya nagkunyariang lasing ay di pa ako nakadakma ng gano'n. Pero solve na ako do'n. Kahit palad ko lang naman ang hindi na virgin sa akin ay may maipagmamayabang na ako sa bestfriend kong si Cedrick.
"Sige na, matulog na tayo. Basta maliwanag na ang usapan ha?" bulong niya sa tainga ko.
"Ganu'n na 'yun? Wala nang ligawan? Napakabilis naman yata."
"Bakit, sinabi ko na ba na tayo?" sagot niya.
"Hindi pa ba?"
Gusto ko siyang halikan sa labi ngunit nagpigil ako.
"Hindi pa uy."
"Niyayakap mo na nga ako ta’s hindi pa?"
"E, di huwag yakapin." Tuluyang lumuwang ang nakapulupot niyang kamay sa akin.
"Sige ganun na nga lang. Gusto ko 'yun. Kahit nakayakap ka na sa akin pero hindi pa tayo." Pilit kong isinuksok ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Lumakas na ang loob kong gawin iyon.
"Ayaw!" sagot niya nakangiti.
Hinigpitan niya ang kaniyang mga bisig na yumakap sa dibdib niya para hindi ko maisingit ang ulo ko.
"Please? Sige na!" pagsusumamo ko.
"Sige na nga." Sagot niyang nakangiti.
Niyakap niya ako. Niyakap ko din naman siya.
Hinarap ko siya.
Mabilis ko siyang ninakawan ng damping halik sa labi. Dampi lang iyon ngunit sobrang pinasok nito ang lahat sa akin. Pakiramdam ko ay tumingkayad lang ako ng bahagya, hayun, langit na agad. Mabilis ko ding inilayo ang labi ko sa labi niya. Hindi pa daw kami e. Napapangiti ako. Weird? Puwede lang pala ito?
Ngunit hinila niya ang batok ko. Sa isang iglap ay muling nagtagpo ang aming mga labi. Mas mapusok. Mas matagal. Para akong hinihimatay sa sarap.
Nakapikit parin ako at pilit iniiwan sa aking isipan ang mga mabilis na nangyaring iyon sa amin. Pagmulat ko ay nakangiti siyang nakatingin pa din sa akin.
Ngumiti din ako.
Hanggang sa muli ko na namang inilapit ang aking labi sa kaniyang labi. Ngayon ay mas mapusok na ako. Kasama nang gumapang ang kamay ko dahil sa hindi ko na mapigilan ang biglang naramdaman kong pag-iinit. Dumantay ang aking mga kamay mula sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang tiyan at lumalaban din naman siya sa aking halik. Hanggang sa pumatong na ako sa kaniya.
"Sandali lang, Carl." Bulong niya sabay hawak sa aking pisngi.
Ngunit parang wala lang akong naririnig mula sa kaniya.
"Sandali!" May diin na iyon at marahan na din niya akong itinulak.
Tinignan ko siya. Sandaling tumigil ang aking mga kamay.
"Matulog na tayo. Huwag muna ngayon." Bumuntong hininga siya. Bumaba ako sa pagkakapatong ko sa kaniya.
"Sorry, nadala lang ako."
"It's okey. Next time na, we should make it magical."
Kinilig ako. Magical? Taena! Gusto ko 'yun.
"Sige, good night na." Humarap siya sa akin at muling nagtagpo ang aming mga labi. Mabilis lang iyon ngunit hindi ang mahigpit niyang yakap sa akin.
Potek, bumibigay na ang mga mata ko dahil sa nainom at antok pero pilit kong binubuksan ang aking mga mata. Gusto ko ngang maglagay ng toothpick nang hindi na ito pipikit. Ang dating pangarap ay nagkatotoo. Kayakap ko na ang lalaking noon ko pa pinangarap na dumating sa buhay ko. Nakaharap siya sa akin at dinig ko ang kaniyang mahinang paghilik. Hinahaplos ko lang ang makinis niyang pisngi. Pinagmamasdan ang nakakasira ng ulo niyang katawan. Pakiramdam ko, busog na busog na akong pagmasdan lang siya ng ganoon.
Kinabukasan ay ginising ako ng isang tawag sa phone ko. Si Mark, ang isa sa aking mga bestfriend. Sasagutin ko palang sana nang kinuha ni Francis iyon sa aking kamay.
"Mark? Tumatawag ng maaga? Sino siya?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. Papungas-pungas siyang umupo. Hawak pa din ang aking cellphone.
"Kaibigan ko, kung bakit tumatawag ng maaga hindi ko alam kaya nga kung ibigay mo 'yan sa akin ay malalaman nating dalawa kung bakit." Nakangiti kong pakiusap.
Nagtaka ako sa ginawa niyang iyon. Hindi pa nga kami pero pati ba tawag ko ay kailangan na niyang bantayan. Pero taena, kinilig ako doon. Possesive? Pwede!
Nang kunin ko ang phone ko sa mga kamay niya ay inlayo niya sa akin. Nakatawa.
Ahh, agawan pala ang gusto. Naisip ko. Niyakap ko siya hanggang sa pilit kong kinukuha ang phone ko sa kaniyang kamay ngunit malakas niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kaniya pero bago siya nakalayo ay nagawa ko siyang mahawakan sa baywang hanggang sa bumalik siya sa kama. Doon ay nauwi sa lambingan at tawanan ang sana ay simpleng pag-abot lang niya sa akin ng phone. Nandiyang umibabaw siya sa akin sabay nakaw ng halik sa aking pisngi o kaya ako sabay himas sa bumubukol sa baba. Sapol ko iyon. Ayaw kong bumitaw.
"Ibigay mo ang phone o labas ang ano. Mamili ka?" sabi ko.
"Ayaw?" nakatawa pa din niyang sinabi at lalong inilayo ang iphone sa akin.
"Ayaw ha!" hindi ko na binitiwan iyon. Kumilos na din ang isang kamay ko para hubarin ang boxer brief niya.
“Oo na, eto na at baka iba pa ang mapaputok mo."
Ngunit bago niya natanggal ang kamay ko doon ay nakita ko na ang mamula-mula at may kaputiang pundasyon. Tirik na tirik ang pagkakapundasyon nito. Para akong sinaniban.
"Sige na, sagutin mo na at makiki-CR muna ako para makauwi na din muna." Iniabot niya sa akin ang cellphone ko at hinalikan sa pisngi. Tumayo siya saka niya tinungo ang banyo sa aking kuwarto. Naiwan ako doong walang tinag na parang naibitin sa dulo ng pundasyong iyon.
Tinawagan ko ang kaibigan kong si Mark nang nasa CR na siya. Nag-usap kami.
"Kailangan kong samahan ang kaibigan kong bulag papunta sa Canada. Subukan daw niyang kausapin ang bespren ko na bumalik sa kaniya." Pagpapaalam ko kay Francis nang lumabas siya sa banyo. Bagong ligo na ito at nakatapis lang siya ng tuwalya.
"Sigurado kang kaibigan lang 'yan?”
“Oo naman.”
“Sige, hindi pa naman tayo, kaya malaya ka paring makakapunta sa gusto mong puntahan."
Kinuha niya ang pantalon niya at tinanggal niya ang nakabalabal niyang tuwalya. Patay-malisya lang siyang nakaharap sa akin na ang tanging suot ay ang kaniyang boxer brief. Kung alam lang niya na sobrang pinalalakas niya ang kabog ng aking dibdib sa tuwing nakikita kong iyon lang ang tanging suot niya. Napalunok ako.
"Bakit ka na nagdadamit?" tanong ko.
"Kailangan ko nang umuwi. Saka para makapaghanda ka na na din sa biyahe mo." Sagot niya habang isinusuot niya ang kaniyang pantalon.
"Mag-agahan na muna tayo. Nakapagluto na siguro sila ngayon." Pamimigil ko sa kaniya. Gusto kong makasama siya ng mas matagal-tagal pa sana.
"Huwag na. Mahirap na at baka hindi ako maabutan ni Papa doon." Lumapit siya at humalik sa pisngi ko.
"Kahit magkape man lang o kaya tinapay para may laman ang sikmura mo bago umuwi." Tumayo ako.
"Tang-ina naman, e! Huwag na nga!" malakas na niyang sigaw. Natigilan ako. "Sa lahat ng ayaw ko yung makulit at ipinipilit ang gusto. Kung sinabi kong huwag na at ayaw ko, puwede ba ,huwag nang ipilit?"
Natigilan ako. Saan nanggagaling ang galit niyang iyon. Hindi ko alam ngunit natakot ako sa biglang pagsigaw niyang iyon sa akin. Parang may mali?