Chapter 2
Inilabas ko ang phone ko at pitaka. Sinimot niya ang laman niyon at tinapon sa hindi kalayuan sa amin. Mabilis siyang tumakbo palayo at nakagat ko ang mga daliri ko sa nerbiyos. Nangangatog ang aking mga tuhod na pinulot ang pitaka kong wala nang perang laman saka ako nagtatakbong pumasok sa lumang Mall. Napakabilis ng pangyayari. Napaupo ako sa bakanteng upuan sa lumang Mall na iyon at hinintay kong bumalik ako sa aking katinuan. Umuwi ako sa bahay na dala pa din ang pagkanerbiyos.
Naisip ko. Ganoon na pala ako talaga kadesperado. Masyado na akong nagpapadala sa mga guwapo na akala ko walang bahid na kasamaan. Kahit pala gaano kaguwapo ang isang tao ay hindi na din mapagkakatiwalaan. Wala sa hitsura ang pagkatao. Ilang araw din akong bahay at school lang.
Hanggang nang nasa Third Year College na ako at abala akong nagreresearch para sa aking assignment ay may tumabi sa aking isang guwapong istudiyante. May hinahanap siya sa bag niya. Tumayo pa ito at inapuhap niya ang kaniyang bulsa. Tumingin ako sa kaniya at tumingin din siya sa akin. Sabay na gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Babawiin ko na sana ang tingin ko nang magsalita siya.
"May extra pen ka brad?" sa mababa at buo ang boses.
"Ah, oo meron." Sagot ko. “Sandali ah.” Inapuhap ko ang ballpeng hindi ko ginagamit sa bulsa ang aking school uniform.
“Oh eto, sa’yo na ‘yan.”
“Uy hindi brad. Ibabalik ko din.”
“Huwag na, hindi ko din naman ginagamit ‘yan.”
"Thank you. Akala ko kasi nadala ko ang pen ko." bulong niya. Nakita kong lalo siyang nagiging cute kapag ngumingiti. Sumasama kasi ang mga mata niya kapag ngumingiti.
Tumango lang ako.
"Francis pala brad, and you are?" inilahad niya ang kaniyang mga kamay sa akin. Napalunok na naman ako. Napakaganda ng hubog ng kaniyang katawan. Lalaking-lalaki. Mukhang hindi yata uubra ang kapogihan ko sa kagaya niya.
Biglang parang bumalik sa akin yung gabing nahold-up ako. Tatlong buwan naman na ang nakakaraan ngunit naroon pa din ang kaba. Ngunit hindi naman pwedeng pakukulong ako sa takot na lang kaya kailangan ko nang kalimutan iyon at muling magtiwala. Isa pa, kagaya ko din namang istudiyante si Francis kaya wala naman siguro akong kailangan ipangamba pa.
"Sorry,” mabilis kong tinanggap ang kaniyang palad. “Christian Carl. Just call me, Carl." Sagot ko.
"Okey, thanks Carl. Pasensiya na sa istorbo. Freshman ako dito kaya medyo wala pang alam.”
“Ah okey. Welcome sa school.”
“Ikaw?"
"Third year na din." Sagot ko. Tama na 'yun. Wala akong balak makipag-close.
"You look familiar. Napanood ba kita sa TV o nakita na kita dati? Hindi ko lang matandaan exactly kung saan kita nakilala pero parang familiar ang mukha mo sa akin eh. Magkilala na ba tayo dati?"
Biglang pumasok sa isip ko ang Pinoy Big Brother. Nakakahiya. Sana hindi niya ako mamukhaan. Pumasok ako sa Bahay ni kuya sa ABS-CBN ngunit ako ang unang pinalabas dahil sa pagiging tahimik ko sa loob at maingat ngunit nang nagkalasingan ay lumabas ang aking kabaklaan at kaharutan. Hindi ko naitago ang tunay na ako. Lumabas ang pinakaingat-ingatan kong sikreto
"I don't think so. Siguro may mga kamukha lang akong kakilala mo brad. Yun, baka ganun nga!"
Kailangan ko ba talaga maglihim?
"Weird. Siguro nga." Tumatango-tango pa siya bago siya tuluyang yumuko.
Tumingin muli siya sa akin na parang pilit inaalala kung saan nga ba ako nakita. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin hanggang sa yumuko at sinimulan niyang buksan ang aklat niya. Muli ko siyang pinagmasdan habang nagbabasa siya. Guwapo, makinis, hindi man kaputian pero nagpadagdag sa karisma niya at pagkakalalaki ang kaniyang kulay, matangos ang ilong, mga labing napakasarap halikan at ang mga mata... ang kaniyang dibdib at braso...ang kaniya.... nakakainis naman!
"Are you okey?" tinapik niya ang balikat ko. Bumalik ako sa aking katinuan.
"Yes brad, okey lang ako." sagot ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakalapat sa aking balikat.
"I was just asking kung anong oras matapos ang klase mo. Baka puwede kong ibalik na lang pen mo mamaya?”
“Di ba sabi ko, sa’yo na.”
“Hindi brad. Ibabalik ko kasi hiram lang to. 4:30 pa matapos ang klase ko, ikaw?"
"Okey nga lang, just keep it. Sa'yo na nga."
"Talaga? Sige. Salamat ha. I have a class na, see you around brad. Carl, right?"
"Oo brad."
Pagkatalikod niya ay tinitigan ko siya. Iniisip kong malabong magugustuhan ako. Oo, gwapo din naman ako. Baka nga mas gwapo pa ako sa kaniya ngunit alam kong hindi ako ang trip ng kagaya niya. Malayong magugustuhan niya lalo pa’t lalaking-lalaki ang tingin niya sa akin. Naupo ako sa gilid ng aking upuan habang mabilis na naimagine ko kung ano kayang mangyayari kapag maging kami,
"Salamat talaga dito ha?" mabilis niyang paglingon sabay kaway.
Sa gulat ko ay Huli na nang ayusin ko sana ang pagkakaupo ko, tuluyan akong nahulog mula sa upuan at naglikha iyon ng ingay para lingunin ako ng mga naroong istudiyante. Narinig ko ang pigil nilang tawa. Mabilis na bumalik at lumapit si Francis.
Nakita ko din sa mukha niya ang pigil na tawa. Hindi ko na hinintay pang ilahad niya ang kamay niya para tulungan ako. Kusa na akong tumayo kahit pinamumulahan na ako sa hiya ay nagawa ko pa ding tignan siya sa mga mata.
"Brad, okey ka lang ba talaga?" kinagat niya ang labi niya dahil alam ko natatawa siya sa nakita niya kaninang ayos ko.
"Oo naman brad." sagot ko.
"Sige. Tuloy na ako. Ingat lang sa pag-upo brad. Dapat yung upong tigasin!" Tinapik niya ang balikat ko saka siya tuluyang umalis.
Mula noon ay sinadya ko nang tumambay sa library ng mga ganoong oras. Kahit wala akong gagawin ay nandoon lang ako. Ilang araw ding hindi ko tinatanggal ang aking mga mata sa entrance ng library. Hindi mapakali. May hawak akong libro ngunit ni hindi ko binubuklat. Umaasang darating siyang muli. Bumili na din ako hindi lang ballpen kundi ilang pads ng papel na din. Kulang na lang dalhin ko ang National Book Store. Ano itong nangyayari sa akin? Kung siguro nasa tabi ko lang si Cedrick pagtatawanan ako no'n. Hindi siya sanay na nakikita akong ganito. Hanggang sa sumuko na ako sa kakaasa. Nawalan na ako ng pag-asang muli siyang hihiram ng ballpen sa akin.
Isang umaga nakaramdam ako ng gutom kaya dumaan ako sa aming canteen. Dinaan ko ang mga mata ko sa mga naroong pagkain. May mga babaeng naririnig kong kinikilig sa akin nang malingunan nila ako. Sanay na ako. Hindi sa pagyayabang pero halos araw-araw may mga naririnig akong mga fan na kinikilig pa din kahit napakatagal na nang sumali ako sa PBB.
"Miss, chicken sandwich lang mango juice, damihan mong ice, ate ah"
"Yun lang ba pogi?" tanong ni ateng serbidora.
"Okey na 'yan, Miss." Sagot ko. Nagkangitian kami. Habang hinihintay ko ang order ko ay tumingin ako sa paligid nang biglang dumating ang matagal ko nang inaabangan sa library. Huli na nang tatalikod ako dahil nakita na niya ako.
Lumapit siya sa akin.
"Uy brad! Kumusta na!”
“Uy, ikaw pala.”
“Dito ka din pala nagmimiryenda. Naka-order ka na?
“Oo, e”
“Ah gano’n ba. Taman-tama wala akong kasama. Ikaw ba meron?"
Sasagot sana ako pero humirit si ate serbidora.
"Pogi, bayad mo. Heto na yung order mo."
"Miss bigyan mo din ako niyan? Akon a magbabayad sa aming dalawa" si Francis.
“Uy brad ako na.”
“Hindi brad. Akong taya ngayon. Bayad nog ballpen ano ka ba?”
“Sige ba, mapilit ka e. Salamat brad.”
Habang nagmimiryenda kami ay marami akong nalaman sa buhay niya. Makuwento siya. Yung tipong hindi siya nahihiyang ikuwento ang lahat ng tungkol sa kanya. Nagustuhan koi yon para hindi na ako mahrapang kilalanin pa siya. Kapampangan siya, nangungupahan sa Manila at lingguhang umuwi sa kanila. Panganay siya sa tatlong lalaking magkakapatid. Isang kilalang Hepe ng pulis ang tatay niya kaya bawal sa bahay nila ang babagal-bagal at malamyang kumilos. Kita naman sa kanyang kilos at pananalita. Brusko, lalaking-lalaki.
"Ikaw bakit ganyan ka kumilos.”
“Ganito kumilos? Bakit may mali ba sa kilos ko?”
“Medyo may kalamyaan ka yata?" tanong niya nang malapit na kaming matapos kumain.
Nagulat ako. Oo, alam kong bakla ako pero sa loob ko lang ‘yon. Tago ang pagiging bakla ko. Isa pa, siya palang ang nakapagsabi no’n sa akin. Malamya? Tang-ina hindi ba niya alam ang pagkakaiba ng malamya sa disiplinado lang? Napikon ako ng bahagya.
"Malamya? Talaga ba brad, malamya ako sa tingin mo? Bago yun ah!" sagot ko pero palpak dahil nabulunan pa ako. Namumula na ang mga mata ko para pigilan ang pag-ubo ngunit bumigay din.
Muli siyang natawa sa akin. Itinulak niya ang baso ng juice ko.
"Uminom ka brad!" Napapailing niyang sabi sa akin.
“Nang-aasar ka ba brad?” irita kong supalpal sa kaniya.
“Uy, napikon ka!”
Hindi na ako sumagot. Kung puwede lang sanang magwalk-out ginawa ko na pero baka mas lalo niyang iisiping bakla nga ako.
Nang matapos na kami kumain ay inilabas ko ang cellphone ko. Kunyari ay may binabasa akong text. Baka kasi masapak ko pa siya.
"Uyy, ano number mo brad.”
“Bakit?” sagot kong hindi tumitingin sa kanya.
“Maluwang ang school kaya di tayo nagtatagpo. Puwedeng makuha."
“Para saan?”
“Wala kasi akong kaibigan dito.”
“Tang na brad, maghanap ka nong astig at di malamyang kagaya ko.”
“Eto naman, nagbibiro lang ako. Seryoso naman.”
"Sige brad, mauna ako. May klase pa ako. Ingat na lang.”
“Uyy ano ba brad. Galit ka na niyan?”
Hindi ko na siya nilingon. Dumiretso na ako sa klase kong naiinis sa kaniya.
Hapon ng Sabado nang nanonood ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Bagong number.
"Brad, busy ba? Francis 'to. Wla aq mgwa d2 sa kwar2, nagsiuwian sa probinsiya mga ksma q at ung isa nmn my d8. Bka pwede inuman tyo. Umiinom kb?" Iyon ang text niya sa akin.
“Kanino mo nakuha number ko?”
“May paraan brad. Ako pa ba!”
Hindi na muna ako nagreply.
“Anon a brad. Inuman na!”
Kinabahan ako. Anong isasagot ko? Ayaw kong uminom sa labas. Bigla kong naisip na baka yayain niya ako sa mga bar na may nagsasayaw na mga babae. Iniisip ko palang naduduwal na ako. Hindi ko yata kayang manood ng gano’n at iinom sa mga ganoong lugar.
"Ikaw, gs2 mo s bhay na lang.”
Hindi siya nagreply.
“D2 n lng tyo inom. D aq pwde sa labas uminom e." Text ko nang di pa din ako makapaghintay ng reply niya.
Kinakabahan ako. Paano kung hindi siya pumayag?
"Cge. Ayos 'yan kysa d2 lng aq nakatunganga sa bahay. Paano ba pumunta sa inyo?" tanong niya.
Napalundag ako sa tuwa.
"Ikw, san k b nktira, sunduin n lng kta. May sasakyan nmn aq." Reply ko.
"Bigatin ah! Sige, hintayin kita sa Farmers Plaza dito sa Cubao. Ok lng ba, brad?"
"Sure, brad."
Nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. Umupo mua ako. Kinalma ko ang aking sarili. Huminga ako ng malalim. Binulungan ko ang sarili kong, inuman lang ang mangyayari at iyon lang ‘yon. Nang kumalma na ay saka ko na binilisang nilinis ang aking kwarto. Inipon lahat ang mga nagkalat kong damit. Napakabilis ng ginawa kong pag gegeneral cleaning. Bagay na hindi ko naman ginagawa sa mga kaibigan ko kapag nagpupunta sila sa bahay.
Gumayak na din ako. Medyo nasobrahan lang yata ang pabango ko. Nakapambahay na lang ako dahil ayaw kong isipin niyang nagpapapogi ako sa kaniya. Tama na ‘yong simple lang. Isa pa, alam kong di naman ako ang tipo niya. Babae ang trip no’n at hindi ako. Tulad nga ng sabi niya, bored lang siya. Walang kasama sa bahay kaya siya nakikipagkita. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Hindi maaring mahulog ako sa kaniya lalo pa’t walang kasiguraduhang lalaki din ang trip niya.
Ngunit hanggang saan ang kaya ng katulad ko lalo na kapag nakaboxer short na lang ang lalaking nakainom at nakahiga sa kama ko. Hanggang kailan ko mapapanindigan ang pagiging straight samantalang alam ko sa sarili kong kagaya ni Francis ang gusto ko.
At dito nagsimula ang kuwento ng aking pag-ibig. Ako, si Francis at ang makikilala ninyong si E-jay ang bubuo sa kakaiba at puno ng misteryo at makapanindig balahibong kuwento ng buhay pag-ibig ko.