CHAPTER 9 Hindi ko nagustuhan ang ginawang pagbuhos ng alak sa ulo ko. Tumatawa pa sila sa ginawa nila sa akin. Hindi ko na inisip pa ang kahihinatnan ko kung lalaban ako. Pero winalang-hiya nila ako. Hindi ako papapayag na basta na lang walang gagawin. "Tang-ina niyo! Mga walang bayag! Tambay!" singhal ko. "Aba pare, lumalaban! Pagbigyan natin ang tapang nito!" tumayo ang lalaking patpatin at puno ng pangit na tattoo ang katawan. Tumayo ang dalawa pang pandak na may katabaan at lumapit sila sa akin. Napaatras ako. Alam kong hindi nila ako sasantuhin. Napalunok ako. Mabilis at malakas ang kaba sa dibdib ko. Ngayon lang ako nasa panganib ng ganito. Hindi ako makasigaw para humingi ng tulong, walang kahit anong boses na lumalabas sa bibig ko. Pakiramdam ko tuyung-tuyo ang